Chapter 1984: Instant Kill
"Natalo ako…" Nagbuntong-hininga si Tang Lang, hindi kayang manalo ng mga tao laban sa mga halimaw!
"Hindi naman masaya yun, isa pa." Gusto ni Han Xiao ng isa pang round.
Lumuhod sa sahig si Tang Lang at sabi, "Tama na please, grandfather!"
Parang nawalan na rin ng interes si Han Xiao at tumingin si Ning Xi, "Gusto mo rin ba?"
Umiling nang malakas si Ning Xi, "Tulad ng sinabi mo Master, parang sisiw lang ako, 'wag mo ako pansinin!"
"Okay," Umupo ulit si Han Xiao sa sofa, binuksan niya ang TV at nanood ng cartoons.
Oo, cartoons…
Pagbalik ni Lu Tingxiao mula sa trabaho, nagulat siyang makita si Han Xiao.
Hinatak ni Ning Xi si Lu Tingxiao at kinuwento niya kung paano niya kinumbinsi si Han Xiao.
Tumawa si Lu Tingxiao.
Habang nakatingin siya sa lalaking parang walang pakialam, nalaman niya na hindi siya nagkamali sa tingin niya sa taong iyon.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者