webnovel

Ikaw ang Big Demon King

編輯: LiberReverieGroup

Chapter 38: Ikaw ang Big Demon King

Maswerte si CEO Lu dahil gabing gabi na at wala nang tao sa pambabaeng CR. Nakita niya kaagad si Ning Xi, lasing na lasing at nakaupo sa sahig habang nakasandal sa isang cubicle door.

Nakakalat ang suot niyang high heels at nakasaboy sa sahig ang mga laman ng bag niya. Maging 'yung buhok niya ay magulong nakatakip sa mukha niya. Ibang iba siya mula sa itsura niya kanina nang umalis siya na parang isang diyosa.

May malasakit sa mga mata ni Lu Tingxiao nang pulutin nito ang bag ni Ning Xi at isa-isang pinulot ang mga gamit na nasa sahig. Huli niyang kinuha ang mga sapatos nito bago hinawakan si Ning Xi sa bewang para suportahan ang pagtayo nito.

Bubuhatin pa lang niya si Ning Xi nang kumapit ito sa cubicle door at tila ayaw bumitaw. Mukhang nabahalasiya at lasing na lasing habang nakatitig kay Lu Tingxiao. "Sino ka?"

"Lu Tingxiao."

"Lu Tingxiao…" nagulat noong una si Ning Xi pero bigla ring sumigaw. "Sinungaling! Tingin mo sa'kin? Tanga? Pambabaeng CR 'to eh!"

Lasing ba talaga siya o nagpapanggap lang na lasing? Mukha naman kasing may common sense pa siya.

"'Di ako nagsisinungaling."

"Sinungaling…'di ako aalis…'di ako sasama sa'yo…" parang isang alertong hedgehog na may kinatatakutan ang lasing na Ning Xi – tunay na fully on guard.

Mariin na tumanggi si Ning Xi na umalis kaya ibinaba muna ni Lu Tingxiao ang mga gamit nito para suyuin siya. "Ano bang dapat kong gawin para maniwala ka?"

"Pakitaan mo 'ko ng ID!" parang pulis si Ning Xi na iniinspeksyon ang isang lasing na driver.

Napangiti si Lu Tingxiao, at tulad ng isang masunuring civilian, inilabas niya ang kanyang leather wallet para kunin ang ID at ibigay kay Ning Xi.

Hinawakan ni Ning Xi ang maliit na card at binasa. Halos nakadikit na sa mga nakasulat 'yung mga mata niya, "Lu… Ting… Xiao… ikaw nga si Lu Tingxiao…"

Tumango si Lu Tingxiao. "Pwede na ba tayong umalis?"

"'Di ako aalis! 'Di ako sasama sa'yo! Ikaw 'yung Big Demon King 'no…'di sama…'di sasama…" lalong lumigalig si Ning Xi.

"Big Demon King…" Nandilim ang mukha ni Lu Tingxiao. Ayun pala ang iniisip niya tungkol kay Lu Tingxiao. Akala niya pa naman mabuti ang naging pakikitungo niya dito.

Wala sila parehong magawa nang biglang may tunog ng mga yapak sa labas.

"Ning Xi…Ning Xi, andiyan ka ba?"

'Di makagalaw si Lu Tingxiao. Kapag may nakakita sa kanya sa loob ng pambabaeng CR, wala na siyang mukhang maihaharap sa buing capital.

Palapit na ng palapit ang mga yapak at halos makikita na ang suot ng paparating. Napamura na lang si Lu Tingxiao bago mabilis na kinuha ang bag at sapatos ni Ning Xi papunta sa loob ng cubicle ng kinakapitang pinto ni Ning Xi.

Si Ye Ling Long na screenwriter ang nasa labas ng restroom.

Baguhan lang si Ning Xi at walang kakilala sa film crew, tanging si Ye Ling Long ang nakapansin na nagpunta siya ng CR at 'di na lumabas muli, kaya binalikan siya nito para hanapin.

Dahil sa gulat ni Ning Xi nang madali siyang isinama sa loob ng cubicle, sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak ni Lu Tingxiao. Halatang napansin ni Ye Ling Long ang ingay sa loob.

"Ning Xi, ikaw ba yan?"

Nang marinig ni Lu Tingxiao na papalapit na ang tao sa labas, lalong dumilim ang mukha niya. Sa oras na 'yun, kinagat ni Ning Xi ang kamay ni Lu Tingxiao na nakatakip sa bibig nito. Nagsalubong ang kilay ni Lu Tingxiao sa sobrang sakit.

Kita sa mukha niya na parang guguho na ang mundo niya. May ilalala pa ba ang sitwasyon?

Huminga nang malalim si Lu Tingxiao at gamit ang malalim at namamaos na boses nagsalita siya, "Teka lang…ito na ibibigay ko na sa'yo…"

Kakatok na sana si Ye Ling Long sa pinto nang marinig niya ang boses ng isang lalaki. Natigilan siya saglit bago naintindihan ang nangyayari at namula sa hiya kaya mabilis siyang lumabas.

Sinong magkaakalang may maabutan pa pala siyang nagmimilagro du'n?

Hotel naman 'to, bakit 'di na lang sila kumuha ng kwarto kung gusto talaga nilang gawin 'yun? Ang hirap talagang intindihin ng mga gusto ng ibang tao!

Bukod dun, wala nang ibang tao sa women's restroom; sa'n kaya nagpunta 'tong Ning Xi na 'to?

'Di naman inisip ni Ye Ling Long na ang hinahanap niyang si Ning Xi 'yung babaeng nasa cubicle na 'yun at may kasamang nagmimilagro.

Pagkarinig na papalayo na ang mga hakbang, nakahinga na nang maluwag si Lu Tingxiao.

Nakaupo siya sa toilet at niluwagan ang kurbata niya habang ang nagliligalig na babae ay nakakandong sa mga tuhod niya. Pagalit na nagsalita si Lu Tingxiao, "'Wag ka ngang maingay!"

Kung hindi magkakatotoo ang pagpapanggap niya kanina.

Nakakatakot ang tono ng lalaki kaya nagulat si Ning Xi at nagsimulak mapasinok. Kita sa maliit niyang mukha na pakiramdam niya ay tinrato siya nang masama.

Pagtapos niyang manakot, walang magawa si Lu Tingxiao kung hindi ang tapikin ang likod ni Ning Xi habang inaamo ito. "Sorry na, 'di dapat kita tinakot."

Pero lalong nalungkot ang taong hawak hawak niya at nagsimula na'ng umiyak.

Pakiramdam niya ay wala siyang magawa.

Bakit ba mas mahirap pa alagaan ang babaeng 'to kaysa kay Little Treasure?