Chapter 1112: Ako Ang Magiging Mommy Mo
Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huling nagsalita si Little Treasure. Mula noon, hindi siya nagsalita ng kahit isang beses.
Kahit nag-aalala siya, alam niya na hindi pwedeng madaliin ang mga bagay kaya hindi niya pinilit ang bata na magsalita. Habang lumilipas ang mga araw, nasanay na siyang makipagusap kay Little Treasure gamit ang writing board. Sa sobrang dalas, naiintindihan niya na agad si Little Treasure kahit isang tingin pa lang. Hindi niya naramdaman na iba si Little Treasure sa ibang bata…
Gayunpaman, nang marinig ng mga tenga niya na tinawag siyang "Mommy" ni Little Treasure, parang may tumama na matigas sa dibdib niya na pumigil sa paghinga niya. Napuno ng pagmamahal ang puso at bawat parte ng katawan niya. Walang kapareha ang naramdaman niyang ligaya…
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者