webnovel

I Could Be Worse

編輯: LiberReverieGroup

Chapter 217: Kaya ko pang maging mas malala

Ning Xueluo: "…"

May mahabang katahimikan sa kabilang linya ng telepono bago ibinaba ang tawag.

Ang hirap isipin kung ano'ng itsura ni Ning Xuelyo pagkatapos marinig ang mga salita at kung ga'no siya nagpapanic nang ibaba niya ang tawag.

"Pff! Xiao Xi Xi, napakalupit mo! Malamang nasindak mo talaga 'yung babaeng 'yun!" sabi ni Lu Jingli nang may paghanga.

"Malupit na 'yun? Napakabaguhan mo naman at walang experience sa ganito. Ito ipapakita ko sa'yo 'yung mas malala!" Nakakagat sa labi si Ning Xi nang may pinindot sa cellphone niya. Sa sumunod na sandali, nag-play ang usapan nila ni Ning Xueluo.

Oo, nairecord niya.

Ang unang plano niya sana ay tawagan si Ning Xueluo sa harap ni Su Yan nang naka-speaker para marinig mismo ni Su Yan pero nabago ang plano nang pagdating ni Little Treasure.

Mabuti na lang 'di pa rin nagbago ang resulta.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者