Chapter 1512: Ako Ang Magbabayad Ng Utang Niya
Sa loob ng recovery room.
Hindi matagal nawalan ng malay si Yun Shen; maliit na sugat lang naman at ligtas na siya noong napigilan ang pagdugo niya.
Mukhang payapa ang lalaki noong wala siyang malay. Natakpan ng malambot niyang silver hair ang noo at kaliwang mata niya. Medyo mukhang mahina siya noon, sobrang layo sa angas na madalas niyang dala-dala.
Ngunit, pagkamulat ng kanyang mga mata, bumalik agad siya sa kanyang sarili.
Alerto ang lalaki at tumingin sa paligid niya. Nang makita niya ang babae sa tabi ng kama, bumalik ang mapang-asar niyang ugali. "Mukhang 'di pa ako patay…"
"Please!" Tiningnan nang masama ni Ning Xi ang lalaki. "Pwede ba 'wag mong sabihin yan sa loob ng ospital?"
Parang nagsisi ang lalaki, "Sayang naman…"
Hindi makaimik si Ning Xi. "Malungkot ka na 'di ka namatay?"
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者