Chapter 650: Pagtitimpi Sa Sumpa
"Minister Naka, ipagpaliban na natin ang maliit na usapan. Walang kasiguraduhan ang kaligtasan ng aking asawa. Kinakailangan ko nang mahiram sa iyo ang isang grupo mula sa iyong mga sundalo." Si Lu Tingxiao ay wala na namang emosyon, gaya ng inaasahan, ngunit kung sisiyasatin, makikita mo ang pangamba sa kanyang mga mata.
"Well… Mr. Lu, sa tingin ko ay bukas naman ang iyong kamalayan na ang sitwayon ng gyera ngayon sa America ay nakababahala. Kung kailangan mo ng mga sundalo…" Parang may gustong sabihin si Minister Naka ngunit bigla itong natigilan.
"Ano ang ibig mong sabihin, Minister Naka?" May kahulugang tingin ni Lu Tingxiao sa nakatatanda.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者