webnovel

He Can’t Kiss...

編輯: LiberReverieGroup

Chapter 1248: Hindi Niya Kayang Humalik… 

Magkahiwalay na umuwi sina Ning Xi at Lu Tingxiao sa Platinum Palace.

Dahil pupunta sa ibang bansa si Lu Tingxiao sa susunod na araw at baka matagal silang hindi magkikita, doon muna mananatili si Ning Xi ngayong gabi.

Pagkatapos makatulog ni little bun, tahimik na sinara ni Ning Xi ang pinto at pumunta sa kwarto ni Lu Tingxiao. Nang makita niyang wala siya doon, nagpunta siya sa study room.

Nagtatrabaho pa rin ang lalaki sa kanyang desk.

"Bakit gising ka pa? Kailangan mong magpahinga! May flight ka pa bukas!" Hindi masayang sinabi ni Ning Xi nang makitang nagtatrabaho pa rin si Lu Tingxiao.

"Saglit na lang ito," sagot ni Lu Tingxiao ng hindi siya tinitignan. Nagbabasa siya ng kontrata nang kusa niyang inabot ang mga braso para mahila ang babae at mapaupo sa kandungan niya.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者