Chapter 1036: Nag-init ang mga Tenga
Biglang nanlamig ang mga mata ni Ning Xi. "Dati kaming magkatrabaho. Ayaw kitang saktan, wag mo kong pilitin!"
Ngumiti ang babae. "Kung noon, malamang hindi ako mananalo, pero ngayon… Nabalitaan ko na ni hindi mo kayang harapin si Feng Xiaoxiao!"
Walang nasabi si Ning Xi.
Paano niya nalaman ito?
"Bro Xi, sumunod ka sa akin. Kung maaari, ayaw rin kitang saktan," sabig ng babae.
Tiningnan ni Ning Xi ang baril na nakasukbit sa baywang ng babae at naunawaan niyang nagpapakamagalang ang babae.
Bukod sa walang kahit anong sandata si Ning Xi, at kung mayroon man, siguradong hindi niya kakayanin ang sino mang ipadala ni Feng Jin.
Sa huli sumakay na si Ning Xi sa sasakyan.
Mayroong pang isang tao sa sasakyan, ang tigapagmanheo, umupo naman kasama ni Ning Xi ang babae sa likuran ng sasakyan.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者