Chapter 932: 'Wag Kang Makipaglandian Sa Kung Sinu-sinong Babae
Habang kinukuha ni Ning Xi ang mga magaganda at custom na damit mula sa studio, ipinagmayabang niya, "Ito ang mga pinakabagong produkto ng studio ko para sa susunod na season. Wala pa sila sa market pero nagtabi ako ng isang set para sayo. Kung hindi pangit, iuwi mo mo na at suutin mo kahit kailan!"
"Diyos ko… napaka… ganda!" Kinuha ni Zhuang Keer ang damit at kuminang ang kanyang mga mata, puno ng kasiyahan. "Bakit naman ako mapapangitan? Napakaganda ng dress na 'to! Pero wala akong mabibigay sa'yo. Gusto ko sanang bilhan ka ng mga damit dati pero hindi ko nagawa…"
Hindi maintindihan ni Jiang Muye ang katawa-tawang sitwasyon na nangyayari sa harap niya. Hindi niya kasing galing mang-akit ng mga babae si Ning Xi. Bibisita lang dapat si Zhuang Keer pero may regalo siyang nakahanda! Bakit siya wala?
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者