Chapter 535: Gusto Mo Bang Sirain Ang Party Ko?
Nang matapos na ang kabayanihan ni Ning Xi sa pagliligtas sa babae, kinuha niya ang kamay ng little bun at nagsimulang maglakad patungo kay Lu Tingxiao at Lu Jingli.
Ang alindog at aura niya ay napakalakas kaya doon lang napansin ng mga tao ang bata sa tabi ni Ning Xi.
Dahil lahat ng naroon ay matatalik na kaibigan, agad nila nakilala ang little bun!
"Ah! 'Yang...batang iyan...hindi ba siya ang anak ni CEO Lu?"
"Anak siya ni CEO Lu, nakilala ko na siya noong birthday ni Elder Lu!"
"Bakit naman malapit ang Little Master ng Lu family sa lalaking ito? Kamaganak ba siya ng Lu family?"
"Baka hindi naman kamaganak, malay mo malapit lang ang relasyon niya kay Lu Tingxiao at Lu Jingli!"
"Kung ka-close niya sila, bakit ngayon pa lang natin siya nakita? Ang weird naman!"
...
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者