webnovel

Hate Me or Love Me (Tagalog)

Alam ni Al na wala siyang magagawa kundi pakasalan si Troy- ang lalakeng kalaban noon ng kanyang kumpanya at ang itinuturing niyang mortal na kaaway mapanegosyo man o sa personal. Ngayong pagmamay-ari na nito ang kanyang pinakamamahal na kumpanya, kaya ba niyang ibigay maging ang kanyang sarili dito upang makuha lang ang lahat nang nawala sa kanya? *********************************************** (Basahin ang kapanapanabik na istorya nina Al at Troy sa "Hate Me or Love Me" Don't forget to rate it, give your positive review & some power stones. Thank you!) HATE ME OR LOVE ME Copyright by B. M. Cervantes All Rights Reserved, 2020

Blessedy_Official1 · 现代言情
分數不夠
28 Chs

Confession

Napapikit si Troy ng humarap sa salamin. Kay bilis ng tibok ng kanyang puso ng tanggapin ni Al ang kanyang paanyayang yakapin siya. Ang mahigpit nitong pagyakap sa kanya kanina ang hinihintay niyang senyales na huwag sumuko.

Nang magpaiwan siya sa isla ay upang makapag-isip. Masakit para sa kanya ang isiping wala talagang pagtingin sa kanya ang babae. Nang isigaw nito sa buong isla ang pagkamuhi sa kanya, parang gumuho lahat ng kanyang plano.

Ngunit nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ng dalaga sa kanya, tila nagbuhay ang kanyang pag-asa.

Mabilis siyang nagbihis upang makausap si Al sa baba ngunit sinalubong siya ng balita ng ina at kapatid na mabilis na umalis si Al.

Napangisi siya habang nagmamaneho. Marahil ay nahihiya ang dalagang harapin siya matapos itong yumakap sa kanya. He knows Al too well. Hindi nito ugaling sabihin ang tunay na nararamdaman.

But actions speak louder than words ika nga. Napangiti siya sa isiping iyon. Lalo niyang pinaharurot ang kotse upang agad marating ang condo ni Al.

Tahimik niyang binuksan ang pinto ng condo ng dalaga. Hawak niya pa rin kc ang susi na binigay ng ina nito.

Patay na ang mga ilaw kaya natitiyak niya na tulog na ang dalaga. Hindi nga siya nagkamali. Mahimbing na itong natutulog.

Napabuntong-hininga siya saka humiga sa tabi nito. Isiniksik niya ang ulo sa leeg nito saka ito niyakap hanggang sa tuluyan na rin siyang dalawin ng antok.

Dahan-dahang napamulat si Al ng marinig ang kanyang alarm ngunit hindi siya agad nakagalaw ng maramdaman ang brasong nakapulupot sa kanya.

"Troy?!" Hindi nya makapaniwalang ani ng sumalubong sa kanya ang mapupungay na mata ng lalake.

"Good morning, babe!" Matamis ang ngiting bati nito sa kanya.

"'W-what are you doing here?!"' Naiilang naman niyang tanong na pilit inaalis ang braso nito sa kanya ngunit mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakad sa kanya.

"I miss you so much, Al." Malambing nitong wika saka sinimulang ilapit ang mukha sa kanya.

Napangiti si Troy ng maramdamang hindi na nagpupumiglas si Al para kumawala sa pagkakayakap niya. Nang ilapit niya ang mukha dito ay mas lumawak ang ngiti niya ng makitang pumikit lamang ito.

Sinamantala na niya ang sandali upang bigyan ng mariing halik ang babae na tinugon naman ito hanggang sa kapwa sila hinihingal.

"'I love you, Al." Mapupungay ang matang wika ni Troy habang hinahaplos ang kanyang pisngi.

Ito na pag-aming hinihintay ni Al. Sinasabi na ngayon ng lakake ang tunay na nararamdaman para sa kanya. Handa na rin ba niyang aminin ang tunay na nararamdaman para dito?

"How sure you are that you love me?" Tila hindi naniniwalang tanong niya saka inirapan ito.

"I've been in love with you, Al..since high school." Pagtatapat niya dito.

"Really? Those were the times you started ruining my life!" Napapantiskuhang ani ni Al.

"I know I did wrong to you then but it's just my way to forget you. I need to hate you to forget my real feelings for you." Paliwanag ng lalake saka muling tumunghay sa kanya na mas pinapungay pa ang mga mata.

"Let us call it even then." Wika niya.

Napaawang naman ang labi ng lalaki at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya.

"You mean kaya masungit ka sa akin noon is because you also like me?" Alam ni Troy na alam na niya ang sagot sa tanong na iyon dahil nasabi na sa kanya ng kapatid. Ngunit mas gusto niyang si Al mismo ang umamin.

"Don't make such conclusions, Troy." Pairap na wika niya pero hindi niya mapigilan ang mapangiti saka pilit nagpupumiglas sa pagkakayakap ng lalake.

"I am not making any conclusions, babe, based on my personal judgement but based on what you've just said." Natatawang nitong ani saka pumaibabaw sa kanya at itinukod ang palad sa tabi niya.

"You said to call it even. So it means the reason why you're always mad at me is because you can 't accept the fact that you love me." Ani niya habang pinagmamasdan ang namumulang mata ng dalaga.

"Wala akong sinabing ganyan!" Natatawang ani ng dalaga saka siya nito sinubukang itulak ngunit itinaas niya agad ang mga kamay ng babae sa ulo nito at agad niya ito siniil ng halik.

Kung hindi kayang sabihin ng dalaga ang tunay na nararamdaman sa kanya, titiyakin niyang ang kilos nito ang magpaparamdam sa kanya.

"'Troy!" Babala ng kanyang utak dahil sa mainit na paghalik ngayon ng lalake sa kanya. Ngunit pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang puso kung mawawala ang lalake sa kanya. Kaya imbis na magpumiglas pa ay malaya na rin niyang tinugon ang mga halik nito. Sandali lamang iyon ngunit pakiramdam ni Al ay natutupok siya ng init ng pagmamahal nito.

Nang tumunghay ito sa kanya, kakaiba ang kislap sa mga mata ng lalake. Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito habang pinagmamasdan ang mapupungay niyang mga mata.

"'Can you be my wife, Al?" Tanong niya sa babae. Gusto niyang maramdaman na nais siyang pakasalan ng babae hindi dahil sa kumpanya, kundi dahil gusto nitong maging bahagi ng buhay niya.

Napapantiskuhan namang napatitig sa kanya ang dalaga at naiiling ng napatawa.

"Al, please...answer my question. I love you and I can't see myself marrying woman other than you." May pagsusumamo niyang wika dito.

"And I will not allow you to marry a woman except me." May diin namang wika nito.

Napalawak ang ngiti niya sa tinuran ng dalaga saka muling tumiim ang pagtitig niya dito.

"I am all yours, Al. And you are mine." Wika niya saka muling pinutol ang distansya ng kanilang mukha ng muli niyang bigyan ng mainit na halik ang dalaga.