webnovel

Harvesters

Apat na magkakabarkada ang pumunta sa isa sa napakagandang isla ng Iloilo at isang misteryosong mamamatay ang dumating sa kanilang masayang iskursiyon...

jorymarcbebing · 灵异恐怖
分數不夠
8 Chs

Chapter 3

Chapter Three

Dinig na dinig pa ni Drew sa kabilang bedroom sina Regina at Lee na masayang nakuwekwentuhan, habang siya ay malungkot dahil di niya makausap ang nobyo na si Greg dahil tulog na ito sa kama suot ang grey na jacket at pajama. Nagdududa na si Anne Drew kung tama ba ang desisyon niyang sumama sa nobyo papunta ng Visayas, dahil lang sa kaarawan nito bukas. Wala naman itong magawa kundi humiga na lang sa kama sa tabi ng nobyo. Niyakap niya si Greg ngunit itong boyfriend na tulog at napapaubo ay kinuha ang kamay ng nobya at inilipat ang katawan sa kaliwa. Nasaktan ang nobya sa ginawa ng tulog na nobyo ngunit pinili na lang nitong matulog na din at inilipat ang katawan sa kanluran.

Kinaumagahan, gumising si Anne Drew na wala na sa tabi niya si Greg. Napatayo ito agad at tumakbo sa labas, "Greg!!" Nguinit di sumasasagot ang kasintahan. "Greg!!" sigaw ulit ni Anne. Pumunta itong dilag sa balkonahe at nakita ang mga kaibigan at ang boyfriend. "Ba't di ka sumasagot sa sigaw ko?!" sabi ni Anne. Ngumiti lang ang nobyo at sumagot ng, "Andito na tayo." Sabi ng nobyo. "Saan?" tanong pa ni Drew. "Sa bahay ko." Sagot ni Greg sabay turo sa bahay na malapit sa tabing dagat. Nagulat si Anne sa nakitang bahay. Napakalaki ng bahay at masasabi mong hindi ito bahay kundi isang mansiyon. "Happy birthday Love." Sabi ni Greg sa nobya sa halik sa pisngi ni Anne. Napanganga lang si Anne sa kakatitig sa mansiyon ng kasintahan. Sina Lee at Regina ay ganoon din ang reaksiyon. "Happy Birthday, bes." Sabi ni Regina sa bestfriend ng nakatitig pa rin sa mansiyon. "Girl, happy birthday." Sabi ni Lee kay Anne Drew na nakatitig rin sa mansiyon. Tumigil ang yate sa may baybayin at napasigaw si Speed ng "We're here sir!!". Napangiti lang si Greg at sumagot ng, "I know." Nakanganga pa rin ang tatlo sa mansiyon. "Wow." Sambit ni Regina, "Nanaginip ba ako?" tanong ni Lee sa sarili. Napangiti si Greg. "dude, you're eyes are open and yo're definitely not dreaming." Sabi ni Gregorio sa kaibigan. Bumaba na ng yate sina Lee at Regina, kasama sina Speed at si Loulou. Bababa na rin sana ng yacht si Greg nang pinigilan siya ng girlfriend. "Greg, this is too much." Sabi ni Anne Drew. "Ang alin na naman love?" tanong ni Greg sabay kamot ng pisngi at leeg. "Itong mga pang-gulat mo sa 'kin. Di ko na kaya, this yacht, these personal slaves, and this mansion, your surprises, please tama na... Pagkatapos ng sinasabi mong 'bahay' meron pa ba?" tanong ni Drew. Medyo nagugulat at nagagalit na si Greg dahil parang pinagdududahan na siya ng nobya. "What? You're having some doubts and distrusts to me? I'm your boyfriend for God's sake! Ano? Ninakaw ko 'tong 'boat' at itong 'house' ko? Gano'n?" Tanong ni Greg sa girlfriend. "Hindi naman sa gano'n-" naputol ang sinasabi ni Anne nang magsalita agad ang nobyo nito. "Good! So, let's go." Sabi ni Greg at agad na bumaba ng yate. Wala namang magawa si Drew kundi sumunod sa boyfriend, bumaba na rin ito ng yate at sumama sa mga kasamahan nito.

"Nasaan ang pintuan ng bahay mo?" tanong ni Regina kay Greg, "parang wala 'ata akong nakikitang door o entrance gate?" dugtong pa ni Regina. Ngumiti si Greg at sumagot ng, "Actually, andito tayo sa likurang bahagi ng bahay ko," Sagot ni Gregorio, "iikot pa tayo para makita niyo ang entrance ng house ko." Dugtong pa ng binata. Tinititigan lang ni Anne Drew ang nobyo. 'Malamang may surpresa na naman itong nobyo ko' sabi ni Anne sa sarili. Nang marating na ng magkakaibigan ang harapang bahagi ng bahay, nagulat na naman sina Anne Drew, Regina at Lee sa kanilang nakita. Isang malawak na taniman ng gulay ang nagpanganga sa tatlo. May mga gulay sa nasabing taniman tulad ng pechay, kamatis, bawang, luya, talong, repolyo at iba pa. "Parang nasa paradise ako ng mga gulay! Grabe ang gaganda!" sabi ni Regina sabay takbo sa taniman ng gulay. "Hey! Babe! Wait! Damn! These veggies! So beautiful!" sabi ni Lee sabay na hinabol ang nobya na napatakbo sa taniman. Panay lang ang tingin ni Anne Drew sa nasabing gulayan. Hindi makapaniwala sa nakikita. Biglang nagsalita ang nobyo. "Diyan nanggaling ang pera ko, love. Dahil sa mga gulay na 'yan," sabi ni Greg, "dahil sa sa mga gulay na 'yan, nagkaroon ako ng yaman na tulad nito." Dugtong pa ni Gregorio. Masayang naghahabulan at nagyayakapan ang sina Lee at Regina sa taniman ng gulay. Pumunta na rin si Greg sa magkasintahan at sumali sa kanilang kasiyahan. Tinititigan lang ni Anne ang nasabing gulayan, ang front porch, ang buong mansiyon, at ang magagandang bulaklak na nakatanim sa gilid ng balkonahe. 'Ba't di mo sinabi noon pa. Bakit? Bakit di mo sinabi sa akin na mayaman ka pala!' sabi ni Anne Drew sa sarili. 'May tinatago ka pa sa akin.' Dugtong pa ni Anne Drew. Ngunit kahit may pagdududa man ay sumama na lang itong dilag sa mga kaibigan at nobyo na nasa taniman.

Hinawakan ni Regina ang mahabang talong na nakatanim sa lupa. Napangiti si Regina at napasabi ng, 'Oh my- parang mirror-mask ng talong mo babe!" sabi ng dalaga kay Lee. Napatawa ang Intsik. Napatawa na din ang lahat. "Don't worry, mas malaki ang talong ko diyan, love." Sabi ni Gregorio kay Anne Drew. Napaubo at napangiti si Anne sa sinabi ng nobyo. Napatawa ang mga dalaga ngunit parang nainsulto si Lee, dahil parang pinapakita lang na mas maliit ang talong niya na ang ibig sabihin ay ang ari nito. Napatititig itong Intsik kay Anne Drew. Lumapit bigla si Loulou sa magkakasintahan mula sa loob ng bahay. Kinausap ni Loulou ang amo nito na si Greg, in private. At nang matapos na niyang makausap si Greg ay bumalik ito sa loob ng mansiyon. Kinausap ni Greg ang mga kaibigan at kasintahan. "Gutom na ba kayo? Luto na raw ang niluto na arozz caldong manok. Baka gusto niyo ng kumain. Mag-almusal muna tayo." Sabi ng mayamang binata. "Sige, kain muna tayo." Sabi ni Regina. "Actually, I'm starving, yeah, let's eat, com'on." Sabi naman ni Lee. Lumakad ang magkakaibigan paakyat ng front porch. Nang sila ay nasa hagdan na, nakita ni Anne ang isang tatlong palapag na bahay sa dulo ng taniman. "Love, who's living in there?" tanong ni Anne Drew sa nobyo, sabay turo sa nasabing bahay. Lahat ay tumitig sa bahay. Napahinga lang ng mmalalim si Greg at sumagot ng, "Close friend," sabi ni nito, "tara! Pasok na tayo nagugutom na 'ko." Dugtong pa ni Gregorio. At pumasok na nga ang lahat sa loob ng bahay maliban kay Anne Drew. Panay ang titig nito sa bahay. Naisipan nitong pumasok na din sa loob. Nang magsimula na itong lumakad papasok sa loob, ginulat siya bigla nang may nagsalitang lalaki at napatalikod agad si Anne para makita kung sino ito. "'Wag kang pumasok diyan!" sabi ng lalaki, binata ito at wirdo kung gumalaw, "bahay 'yan ng demonyo! Tumakas ka na habang maaga pa!" dugtong pa ng lalaki ato ay lumakad papunta ng taniman at dumiretso sa nasabing bahay. Kinilabutan ang kusinera at pumasok na din sa loob ng mansiyon.