webnovel

Harvesters

Apat na magkakabarkada ang pumunta sa isa sa napakagandang isla ng Iloilo at isang misteryosong mamamatay ang dumating sa kanilang masayang iskursiyon...

jorymarcbebing · Horror
Not enough ratings
8 Chs

Chapter 2

Chapter Two

May mga bitbit na mga bag ang magkakaibigan at may mga laman na mga damit at mga importanteng bagay. Nagyayakapan, naghahalikan at nagtatawanan itong magkakasintahan habang naglalakad papunta sa 'boat' ni Gregorio. "Sigurado ka ba, Love, na ngayon talaga tayo babiyahe? Gabi na at baka malunod tayo sakay ang 'boat' mo." Sabi ni Anne sa kasintahan. Panay lang ang ngiti ni Greg. 'Malamang ay may surpresa o pang-gulat na naman ang nobyo ko' sabi ni Anne sa sarili. Nang marating na mga magkakabarkada ang boat ni Greg, nagulat sina Anne Drew, Regina at Lee sa kanilang nakita. Hindi boat ang kanilang nakita kundi isang malaki at magandang yate. Napanganga lang ang tatlo at napangiti si Gregorio. "Welcome to my boat." Sabi ni Greg sabay ngiti. "Dude, that's not a boat! That's a yacht for Christ's sake!" sabi ni Lee sa kaibigan. "I know, right?" sagot ni Gregorio. "Why didn't you tell me about this? Four years na naging mag-on tayo, di mo man lang sinabi sa 'kin na may yate ka pala?" tanong ni Anne sa nobyo. "Gusto ko kasing i-surpresa ka, kaya, hindi ko sinabi sa'yo ang mga surprises ko." Sagot ni Greg sa nobya. "I can't believe this--" Hindi makapaniwala si Anne at napatalikod, tumitig kay Regina, ngunit wala na ang bestfriend nito sa kanyang likuran. Biglang sumigaw itong bestfriend niya, "Bes!!!" sigaw ni Regina na nasa loob na pala ng yate, "com'on!! Let's rock this 'boat'!!!" dugtong pa ni Regina sabay sayaw at kanta sa loob ng yate kasama si Lee. Lalakad na sana si Greg papasok ng yate nang hinawakan ni Drew ang braso ng boyfriend. "Love, may mga surprises ka pa ba pagkatapos nito?" tanong ni Anne. Ngumiti si Gregorio at sumagot ng "Wala na." Pumasok na sa loob ng yate si Greg at inalay niya ang kanang kamay sa nobya para pumasok din ito loob ng yate. Parang ayaw sana ni Drew na pumasok ngunit may tiwala siya sa nobyo nito kaya humawak siya sa kamay ng nobyo niya at pumasok na rin siya sa loob ng yate.

"Com'on guys, come in!" sabi ni Lee kay Greg at Anne habang pumapasok ang dalawa sa loob. Umiinom na sin g whiskey na nakpatong sa mesa at panay pagsayaw ni Regina habang tumutunog ang dancing song mula sa sound system. Gulat na gulat si Anne nang siya ay nasa loob na ng yate. "Wow," sambit nito, "love, grabe ang yate mo, ang ganda! 5 stars! Two tumbs up!" dugtong pa ni Drew. Napatawa si Greg sa sinabi ng nobya. "So Greg Alfonzo, alam mo ba kung papaano magmaneho ng boat mo? Because I don't have any idea how to drive this thing." Tanong ni Lee kay Greg. Tumitig lahat kay Greg sinagot sila ng binata ng, "Kahit ako rin, hindi rin ako marunong magmaneho nito." Nagulat sina Anne Drew, Lee at Regina sa sinabi ng binata at sabay ang tatlo sa pagtanong ng, "What?!!" at tumigil bigla ang pagtunog ng music sa sound system. "Paano ngayon tayo makakarating sa pupuntahan natin kung hindi ka pala marunong mag-drive ng, 'boat' mo!?" tanong ni Anne. "I second that motion." Sabi ni Regina. "Ano isu-surpresa mo na naman kami? Ganun?" Tanong ulit ni Anne Drew. Ngumiti si Greg at sumagot ng, "Somewhat like, yeah." Sagot ni Gregorio Afonzo. Biglang may pumasok sa salas mula sa driving suite ng yate. Nagulat sina lee, Regina at Anne Drew. Isang binatang lalaki, may kapugian, at isang magandang dilag, mukhang mayabang at may plastic na kabaitran ang gumulat sa kanila. "Who are they?" tanong ni Lee sa kaibigan. Panay lang pag-ngiti ni Greg. "Guys, this is Speed," sabi ni Greg na ipinakilala ang binata sa mga kaibigan, siya ang aking personal driver. Driver ng BMW ko at driver ng aking yate." Dugtong pa nito. "And this is Loulou," sabi pa ni Greg at ipinakilala naman ang dalagang may dalang isang Cosmopolitan magazine sa mga kamay, sa kanyang mga kaibigan, "siya ang personal chef ko dito sa aking yate sa aking bahay." Dugtong nito. "Hello po. I'm Speed, I am 23 years old, and I am the personal driver of sir Greg. Kaya ko pong mag-drive ng mga sasakyan as fast as I can." Sabi ni Sped. "Hello din po, I am Loulou and I am 24 years old. I am the personal chef of sir Greg here in his yate. I can cook different kind of recipes as many as I can." Sabi ni Loulou, taas-noo. 'Wow! Yabang' sabi ni Regeena sa sarili. "Okay, puwede na kayong bumalik sa mga trabaho ninyo." Sabi ni Greg sa mga personal slaves nito. Bumalik sina loulou at Speed pabalik ng driving suite. "Weird, they look and act like android and high-powered barbie doll." Sabi ni Regina. Napatawa si Greg. "Actually, ang mga linyang 'yon ang tanging alam nilang sabihin kapag magpapakilala na sila ng kanilang mga sarili sa mga bisita ko. Mga Ilonggo sila tulad ko at ang tanging alam nilang lingguwahe ay Hiligaynon." Sabi ni Greg. "Cool." Sabi ni Lee. "Nice." Sabi ni Regina. "Surprising." Sabi naman ni Anne Drew. Tumunog ulit ang music sa sound system. "So shall we?" tanong ni Greg sa mga kaibigan at sa kasintahan kung babiyahe nab a sila papunta ng Visayas. "Let's go!" sabi ni Lee hawak ang bote ng whiskey. "Yeah! Whoooh!!" sabi naman ni Regina. May pagdududa man sa nobyo, ay ipinagpatuloy na lang ni Anne Drew ang tiwala sa boyfriend. "Okay, let's go." Sabi ni Drew. "Speed, drive it up!!" sigaw ni Gregorio sa driver ng yate. "Copy that sir!!" sagot ni Speed. At bumyahe na nga ang yate papunta sa beautiful island of Visayas.

Sa kalagitnaan ng biyahe, nagsasayawan pa rin ang magkasintahan na sina Lee at Regina kahit lasing na ang mga ito. Nasa balkonahe si Drew at nilapitan siya ni Gregorio. Habang tumutunog ang mild song at pagsayaw nina Regina at ng nobyo nito, napatitig si Lee sa magkasintahan sa may balkonahe. "Ba't nandito ka sa labas? Di mo ba feel ang song? Palitan natin." Sabi ni Greg sa nobya. "Ba't di mo sinabi sa 'kin?" tanong ni Anne Drew sa nobyo. "Ang alin?" tanong din ni Greg. "Na milyonaro ka pala." Sagot ni Anne. Nagulat ang lalaki sa sinabi ng kasintahan. "Ano? Ako? Milyonaryo? Anong pinagsasabi mo?." Natatawang tanong ni Greg. "Hindi? Eh, anong ibig sabihin ng yate mo? Ng personal driver and personal chef mo? Mga milyonaryo lang ang nakakabili at nagkakaroon ng mga ganyan! At may BMW ka pa pala?! Lahat ng mga sekreto ko nasabi ko na lahat sa'yo mula sa solo-flight na 'kong nabubuhay dahil patay na ang ama't ina ko, lahat ng 'yon nasabi ko na sa'yo! Pero ikaw? Ang dami mo pang sekretong hindi nasasabi sa akin. Paano mo sasagutin ang mga tanong ko kung sa pananamit mo, sa rilo mo at sa sapatos mo, puro pangmayaman, aber?" medyo galit na pagtanong ni Drew. Lumapit lang si Gregorio sa nobya nito at sinagot ang tanong niya. "Hindi ako milyonaryo. May kaya lang. At in the right time and place, masasagot din kita ng diretso." Sabi ni Greg. Huminga ng malalim si Anne Drew. Dahil nagdududa na siya sa nobyo nito. "Lovers don't keep secrets to each other pero ikaw ginaganito mo 'ko." Sabi ni Drew. Napayuko at napahinga ng malalim si Gregorio. "I'm just... scared, love." Sabi ni Greg. Nagulat si Anne. "Scared of what? Tell me!" sabi ni Drew. Huminga ulit ng malalim si Greg. "Na baka hindi mo paniniwalaan ang pagiging mayaman ko." Sabi ni Gregorio. Napayuko lalo ang binata at lumapit lang ang kasintahan nito sa kanya. "Maniniwala ako sa'yo dahil, mahal kita." Sabi ni Anne, sabay hawak sa pisngi ng nobyo. "I believe you because I love you." Dugtong pa ni Anne Drew. "Nang biglang sumigaw ng "Hey!!" itong si Lee sa magkasintahan. Napatingin sina Greg at Anne sa Chinese-Filipino citizen. "What is it?" tanong ni Gregorio. "You have to see this guys." Sabi ni Lee.

Lumakad ang magkasintahan sa loob ng driving suite kasama sina Lee at Regina. Tinuro ni Lee ang isang Bangka na lumiko ng daan. "Nakikita niyo 'yong bangkang 'yon? Kanina pa tayo sinusundan no'n pero binato ko ng bote ng whiskey at lumiko ng daan." Sabi ni Lee kay Drew at Greg. "Scary siya bes, dahil kinukunan niya ng picture ang yate. For sure, ang creepy creature 'yon na nagte-take ng photos sa atin sa restaurant." Sabi naman ni Regina sa bestfriend nito. "Kailan mo napansin na parang sinusundan na niya tayo?" tanong ni Greg kay Lee. "Speed told me. Sabi niya, 'sir may pambot sir ho!'" sabi ni Lee na ginaya pa ang lingguwahe ni Speed na Hiligaynon at galaw nito. "Pa'no mo nabal-an nga daw gina sunod ya na kita?" tanong ni Greg sa driver. "Sang nagsugod ko drive sir, nakita ko na ang pambot nga na, kung magliko ko, maliko man siya, kung magpundo ko, mapundo man siya. Weird sir!" sagot ni Speed sa amo nito. "Ano raw?" tanong ni Anne sa boyfriend. "Sabi niya mula sa time na nag-start siyang mag-drive nakita na niya ang bangka, kung lumiko o tumigil ang yate, sinusunod daw ng bangka." Sagot ni Greg. "No Doubt. Ang taong 'yon ay ang taong nagte-take ng pictures sa rerstaurant." Sabi ni Anne. "Do you think babe, susundan pa niya tayo?" tanong ni Regina kay Lee. "Well, he changed his direction sa tingin ko hindi na." sagot ng nobyo. "Speed, 'pag nakita mo ulit ang gagong 'yon, tawagan mo lang ako sa loob, okay?" sabi ni Greg kay Speed. "Okay sir." Sagot ng personal driver sa amo nito. Bumalik ang magkakasintahan sa salas ng yate at naiwan si Speed na nagda-drive ng vessel.