webnovel

Freedom [MR Series#6] (Completed/Taglish)

MysteryTeen#6 Krishiana Marie Lorenzo is a girl who have the ability of a silent shooter. She's the one of the six girls archer in the world. And she's observer and have an active senses of the people she only met. But when in the middle of the situation, Lexord noticed that Krisha wanted to find the solution of her unresolve problem and pretending to help her but truely will trapped her and abonded. When Krishiana will find her own life without being inside of the Jail? Is there will come into her life and find her freedom of her own without him?

ItsMeJulie · 历史言情
分數不夠
55 Chs

Chapter 26

What did he mean?

Hanggang kinabukasan ay nalilito pa din ako at hindi mawala sa isip ang mga sinabi nya. Kahit kailan ay napaka mysteryoso nang tao na iyon. Iyong vibe nya na parang ang dali nyang maging tropa ay magugulat kana lang na hindi pala talaga sa itsura mababase kung mapagkakatiwalaan mo ba talaga sya o hindi.

Inikot ikot ko ang swivel chair ko, hawak ang apple pen at tulala lang mula sa opisina ko. I was thinking of something when I think of him again. Hanggang kailan ako papahirapan nang sarili ko? Kahit na gusto ko pa syang makita at pinipigilan na nang isip ko ang kagustuhan ng puso ko.

Hanggang kailan tayo pahihirapan ng tadhana?

Bumuntong hininga ako at binuksan ang computer ko at sinearch ang pangalan nya, palihim akong kumuha nang impormasyon mula sa kanya gamit ang dummy account ko.

I click the 'Add Friend' button since he's acount was a bit private. Hinding hindi ko makikita ang mga pino post nya. Sana nga lang ay mag tagumpay ako kahit alam kong bibihira lang sya gumamit ng Facebook.

Nang makarinig nang katok ay dali dali kong ni log out iyon at inexit bago ayusin ang pagkaka upo ko. Tumingin ako sa nagbukas nang pinto habang pinaglalaruan ko ang ballpen na hawak ko.

"Krishiana, come with me." Ani ni Azure kaya napakunot ang noo ko sa kanya.

"Saan? Kailangan ako dito, hindi ako pwedeng umalis." Palihim na pag tanggi ko. Noong huling isinama nya ako ay kalaban ang sumalubong sa amin at hindi ako naging handa doon.

"Tsk, who's the boss here, anyway?" Tumaas ang kilay nya, tila nauubusan nang pasensya sa akin.

Wala akong choice kundi tumayo at palihim na bumuntong hininga. Gusto ko sanang mag protesta pa dahil nandyan naman si Freya ngunit hindi ko na ginawa pa.

Kinuha ko ang sling bag at nagpaunang lumabas nang senyasan nya ako. Mula sa hallway ay dinig ko ang takong na suot ko.

"Saan ba ang punta natin?" Tanong ko sa kanya nang pantayan nya ako sa paglalakad.

Nasulyapan ko sila Freya, Leo at Van nang makababa kami nang hagdan. Tumingin silang lahat sa amin na pababa at nakita ko pa ang pag tingin ni Freya sa kabuuan ko.

"Don't forget your assignments." Tinig ni Azure mula sa likuran ko ang nagsi tanguan naman ang lahat.

"Yes boss, ingat kayo." Sumaludo pa muna si Van bago namin sila lagpasan.

Pinagbuksan nya ako nang pinto pagkalabas namin nang mansyon at agad naman akong umupo sa passenger seat. Tahimik akong pinanood siyang maka punta ng driver seat at sinuot ang sestbelt doon bago paandarin ang sasakyan.

Tinignan nya pa muna ako. "Somewhere peaceful."

"Ano?" Nagtatakang tanong ko.

"May reklamo kaba?" He scoffed and looked at me.

"Bakit? Ano bang gagawin natin don? Akala ko ba trabaho lang dapat? Eh bakit may paganito kana-"

"Can you just shut up?! I'm making an effort here!" Nauubusang pasensya na sambit nya kaya napatahimik ako.

Kunot noong tumingin ako sa bintana. Tila nagtataka sa ina asta nya. May problema ba sa trabaho kaya sya ganito ka stress? O gusto nya lang nang makakasama at ako na naman ang nakita nya?

Wala pang kalahating oras nang makarating kami. Pamilyar sa akin ang lugar ngunit hindi ko na matandaan.

Pinagbuksan nya ako nang pinto ng maka park kami. May resto din nang fastfood na nakita ko. Pero hindi na iyon ang pinagtuunan ko nang pansin nang may kunin sya mula sa likod nang kotse nya.

Napataas ang kilay ko nang matanaw ang mga snacks doon, may kasama pang fruits at chocolates kasama ang orange juice. Lalo pa akong nag taka nang makita ang picnic matt doon.

Natawa ako bigla. "Ano to, pic nic?" Hindi ko naiwasang maging sarkastiko.

Iritado nya akong tinignan. "Obviously." Inismiran nya ako. "Don't watch, help me brat."

"Anong sabi mo?!" Iritado kong sagot at padabog na nilapitan sya para kunin ang mga snacks.

"Bingi ka kako." Pang- aasar nya bigla kaya lalo akong nagulat.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa kasama ko nang matawa ako bigla. "Baliw kaba? Or moody lang? Anong trip ba yan boss?" Sinubukan ko maging kaswal.

Lumitaw ang mga magagandang mata nya nya nang tumingin sya sa akin. "I want a picnic alright?"

"Eh bakit kasama ako?"

"Stupid! Walang tao na magpi picnic mag isa, Krishiana."

"Ang dami natin sa mansyon, bakit ako lang ang sinama mo?"

"Isn't obvious?" Tinitigan nya ako pero kumunot ang noo ko at tinakpan ang mata ko nang tamaan iyon nang papalubog na araw.

"Sinasabi mo dyan? Hindi kita maintindihan." Naguguluhang sambit ko.

Bumuntong hininga sya at naglakad papalayo nang isara nya ang pinto ng kotse nya. Sumunod naman ako sa kanya, hindi makapag move on kung bakit ko sya kasama ngayon.

Nilapag nya ang matt mula sa damuhan na tinatapakan namin at inilagay ang pagkain doon. Kaya naman ganoon din ang ginawa ko at hinubad ang sandals ko bago maupo doon. Tumabi naman sya sa akin nang sobrang lapit kaya napa usod ako ng ka onti. Mukhang napansin nya iyon nang matawa sya sa reaksyon ko.

"Am I not that obvious Krishiana? Or you're just denial?" Basag nya sa katahimikan nang parehas namin panoorin ang lumulubog na araw.

Natahimik ako at hindi nakapag salita. I really don't want to entertain that thing. Alam kocsa sarili ko na mas minamahal ko sya kahit na sinasaktan nya ako nang paulit ulit. Ayoko nang magsimula ulit sa panibagong tao kung alam kong may kasamang sakit iyon. Kasi para sa akin, sya lang at wala na akong iba pang mamahalin.

Tumango sya nang hindi ko sagutin ang tanong nya. "I understand, and I'm sorry for bothering your work. I just want some answers. I know that you're scared because I always shout you out. As a Boss, I wanted to be strict so my members would follow me. But when we have to face each other? I don't know if I just really mad or I just shy to show my true colors to you."

Nagtama ang paningin namin ngunit agad din akong nag iwas ng tingin. Bakit kailangan mangyari to? Bakit kailangang mapunta ako sa posisyon na ganito? Hindi paba enough sa kanila na may mahal na akong iba?

"Seeing you crying makes my heart ache." He confessed. "I don't know why, but I hate the fact that the girl I know that most is suffering from pain because of that ass." Nakita kong kumuyom ang kamao nya habang pinapanood ang araw.

Hindi ako nagsalita at tahimik na pinapanood sya mula sa gilid ng mata ko. "Damn, you're special to us, you know that right? Please don't avoid me if I say this but..."

Hindi ko alam kung bakit nya pa sinasabi iyon. Mas kinabahan ako na baka tumama ang kutob ko.

"Are you willing to sacrifice your love for him if someone planning him to vanish in this world?"

Bumilis ang tibok ng puso ko at napatingin na sa kanya nang tuluyan. Hindi ko na nagugustuhan ang tono nang pananalita nya at mas lalo akong pinakaba nang seryosong itsura nya.

Sa oras na ito ay kailangan ko nang mag salita. "I am." Sagot ko at natigilan sya doon. "Even when I'm hurting and stab me so many times, my love for him will never vanish. Why? Because that's how love it is, to make a sacrifice, hindi para ipakita kung ano ang pinakawalan nya, kundi ipakita kung paano ko sya mahalin at pahalagan kahit wala sya sa tabi ko ngayon." Hindi ko na namalayan ang sarili kong nakangiti, iniisip sya lalo na ang masasayang pinagsamahan namin.

"That's nice. Hindi ko akalain na ganoon mo pa rin kamahal iyong tao na walang ginawa kundi saktan ka." Napatingin ako sa kanya. "Kailangan mo na talagang bulagin ang sarili mo at magpaka martyr kahit na alam mong maraming naghihintay, gustong makaranas nang pagmamahal na tulad mo?"

"Ano bang sinasabi mo?" Hindi ko na maintindihan ang pinupunto nya.

Umiwas sya nang tingin at tumingin ulit sa araw. Nakita ko ang pagkintab nang mata nya, hindi ko malaman kung dahil ba iyon sa araw na tumatama sa kanya o may iba pang dahilan.

"Nothing, let's eat and watch until the sunset is gone." Muli ay sumeryoso sya at biglang nag bago ulit ang isip nya.

Kahit kailan ay hindi ko makakapa ang ugali nyang pabago bago.

"Sigurado kaba? Kung may problema ka pwede ka naman mag sabi, not as your member, but as a person." Paninigurado ko sa kanya.

Nagulat pa ako nang hawakan nya ang kamay ko at nginitian ako. Ayon na naman ang kabang nararamdaman ko. Akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag dahil makakausap ko na ulit sya ngunit ito na naman ngayon.

"Krishiana" Halos pabulong nyang sinabi iyon kaya naman kinakabahang napatingin ako sa kanya.

"B-bakit?" Hindi ko naiwasan ang mautal. Lalo na nang nagsimulang mag bago ang paningin nya. Hindi ko malaman ngunit hindi ko nagugustuhan ang sinasabi nyon.

"I'm so sorry for this." Hirap na sabi nya. Noong una ay palihim pa akong nagulat nang ayusin nya ang buhok ko.

"I can't stop it anymore." Bulong na sambit nya kasabay nang pagbilis ng kilos nya ay nanlaki na lang ang mata ko nang pumikit sya at hinalikan ako mula sa labi ko.

To be continued...