Tulala akong pumasok ng trabaho at ginawa ang mga naka assign sa akin. Kasama na iyong pag bantay sa spoiled na anak noong mayaman kasabay nang pagka graduate namin ng college.
Mabilis lumipas ang panahon at natapos ang pasko at bagong taon nang ma busy ako kasama nang pag assign sa akin na bantayan si Xyria. Hindi ko malaman kung may alam na mismo si Xyria sa nangyayari sa buhay nya o pilit itinatago iyon nang pamilya nya sa kanya.
Pinag tuunan ko nang pansin ang bawat isa habang naglalaban sila sa harap ko.
"Paki ayos nang hawak nyo, baka maka tama kayo!" Sigaw ko sa kanila at nakahalukipkip na pinanood sila kasama ni Xyria. "Water break!" Sigaw ko muli at inilapit ang sarili ko sa upuan para maka inom at makapag pahinga.
"Ok ka lang ba?" Tanong sakin ni Desiree nang mapansin ang pagiging matamlay ko nitong nakaraang araw.
Tumango naman ako sa kanya. "Ayos lang, kaya pa naman." Nagpilit akong ngumiti.
Hindi na sya nagsalita pa at tumango na lang bilang pag sang ayon. Pinilit ko na lang ipikit ang mata ko at sumandal sa upuan. Nararamdaman kong naka tingin sya kasabay nang pag ramdam nang sariwang hangin mula sa mukha ko.
Halos isang taon at dalawang buwan nang nakalipas mula noong kinausap ko sya. Pinilit kong pinatunayan na kaya ko at hindi naman ako nabigo doon. Hanga ako sa sarili kong nagawa ko ang mga gusto kong gawin nang walang pahintulot ng iba at walang limitasyon.
"Kina kailangan ko nang pumunta sa H.O. kayo na munang bahala sa kanila. Baka hinahanap na ako doon." Pagka sambit ko ay agad na akong tumayo at isa isang niligpit ang mga kagamitan.
"Sigurado kaba?" Tumango ako. "Sige, ako nang bahala dito. Mag-ingat ka."
Nagpa salamat pa muna ako bago magpaalam sa kanila bago umalis. Iyon na naman ang pakiramdam nang kinakabahan sa tuwing papunta ako. Dahil bumalik na naman ang boss naming masungit at palaging sa akin umaalburuto.
"Late kana naman! I am calling your phone too many times!" Bungad nya sa akin pag pasok ko sa opisina ko.
Pinagpapasensyahan ko syang tinignan. "Sorry, na busy lang." Mahinahong tugon ko.
"What are you doing there?! Binantayan mo naman kaya ang Melendes na iyon?" Sarkastikong reply nya kaya naman tinignan ko ulit sya.
"Hmm." Tumango ako. "Wala naman akong naramdaman na presensya ng iba. Except doon sa nakaraan, pinagbantaan ko na din." Ngumisi ako nang maalala iyong nakaraan lang.
'Subukan mo pang magpahuli sa akin, ako na mismo ang papatay ng deretso sa iyo.'
Iyon ang naging huling linya ko at saulo ko pa din ang takot sa mukha noong lalaki bago pumaharurot umalis.
"Marie!" Tila nagising ang diwa ko nang sigawan nya ako. Kumunot ang noo ko at tila nag init ang ulo ko sa pangalang binanggit nya.
"Ano?!" Sigaw ko pabalik. "Lahat ay natapos ko na, successful ang lahat at nabigyan ko nang death threats iyong may planong maghiganti sa melendes, ngayon ay tahimik sila. Ok na ba?!"
Bakas ang pagka gulat sa mukha nya dahil sa inakto ko. Ang kaninang nakakunot nang noo nya ay napalitan nang paka seryoso at blanko kung tumingin na sa akin.
Dahan dahan syang lumapit na ikina atras ko. Kasabay nang pagbilis ng tibok ng puso ko sa takot na ngayon ko lang naman napansin na nasigawan ko sya.
"You have no rights to shout me out. You're just a piece of member here, Krishiana. Remember that." Bakas ang galit sa tono nya.
I wanted to protest but I remember that I have no rights. Hindi ko malaman kung saan nya nakukuha ang init nang ulo nya sa akin. Matapos nyang sabihin iyon ay pabagsak nyang sinarado ang pinto kasabay nang pag bagsak ko sa swivel chair.
Hinilot ko ang sentido ko dahil sa stress. Kasabay nang pag bukas ulit ng pinto ay ang pag angat ko ng tingin kung sino ang pumasok.
Tumango ako. "Van."
Tinignan pa muna nya ang pintong pinasukan nya bago bumaling sa akin. "What did you do to him?"
"Shouting." Walang ganang sambit ko.
Dinig ko ang pagiging problemado nya. "Can you stay calm in front of him?" Taka akong napatingin sa kanya. "Or to say.. To understand him? He's our Boss and I felt him pressuring this kind of org."
Ano bang sinasabi nya? Kahit kailan ay hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang kumampi sa tao na iyon. Bakit kailangan, ako pa ang umintindi?
"Sinusunod ko naman ang bawat utos nya ah, ano paba ang mali?" Hindi ko naiwasan ang tanungin sya.
"As a boss. You should not talk to him like he's just a friend. Try sometimes to have a patience, because as a member of the team, you have no rights to shout him back. I heard you two shouting outside. We are the lower here. Please respect him." Pakiki usap nya kaya napa irap ako ng palihim.
Tinignan ko sya sa mga mata nya. "As if I have a choice right?" Sarkastikong sambit ko at natawa naman sya.
"Alam ko na may ibang tumatakbo sa isip mo. It's not what you think though. Wala akong kinampihan maski sino, gusto ko lang na malinawan ka, para hindi na mag init nang tao na iyon sayo." Nakangiting banggit nya at gulat pa ako nang hawak nya ang kamay ko.
"Eh paano?" Hindi ko na pinansin pa ang ginawa nya sa akin. "Kahit naman hindi ako ma late ay mainit pa din ang ulo non sakin? Wala akong nakikitang may mali sa ginagawa ko. Problema na nya yan-"
Naputol ang sasabihin ko nang bumukas ang pinto. Sabay naming nilingon si Azure na tinignan kami nang galit na tingin. Bumaba pa iyong tingin nya sa magkahawak na kamay namin.
"Who told you to enter her office?! Get out!" Sigaw nya kay Van ngunit ngumisi lang ito at hinigit ako papalapit sa kanya, dahilan para magulat kaming pareho.
"Chill, calm down your nerves, Azure. We're just talking."
Ano bang sa tingin nya ang ginagawa nya? Baka lalo lang mag init ang ulo nya sa akin.
"I said. GET OUT!!"
Malakas syang humalakhak at dali daling tumakbo palabas kasabay nang pa bagsak nang pinto. Dumagdag lang ang stress ko noong araw na iyon kaya mag damag na lang akong tumutok sa computer ko upang i track ang mga nagtatagong kalaban.
Pag dating ng Febrero ay halos marami akong nakikitang mag couples. Bihira na lang din umuwi ang kapatid ko dahil kasama nya si Sarriah. Kailan lang itong umamin na may gusto na sya dito at hindi natiis ang pangungulit ng babae kaya naman ako ang pinaka unang naging masaya nang malaman ang balita na iyon.
Hindi lang dahil doon, kundi mas makakapag libang sya at hindi nya malalaman ang trabaho ko, nagkataon na halos wala nang tao sa bahay dahil madalas akong nakakatulog sa opisina ko, ngunit gigising nang maagang nasa kwarto ko na ako.
"Sino ang nagbubuhat sa akin pa akyat?" Kagi gising ko lang noong tanungin ko sina Van, Leo at ang Boss namin na si Azure.
Nagkatinginan ang dalawa at palihim pang tumingin sila kay Azure na sinaman naman sila ng tingin. Kumunot ang noo ko sa inaakto nila, maski ang mataray na si Freya ay nakangisi sa akin.
"Someone will sent you a code to solve it. And you will know who are always secretly-"
"Freya."
Halos manlamig kami lahat nang banggitin ni Azure ang pangalan nya. Parang kuliglig na nagsi tahimikan ang dalawang bumubulong sa hapag at halos hindi ko gawan nang ingay ang pag lapit sa kanila habang kumakain nang almusal.
Napatalon pa ako sa gulat nang mag salita sya. "Sit here." Tumingin ako sa kanya para makumpirma kung sino ang kausap nya, ngunit nakatuon lang sya sa pagkain nya.
Nagkatinginan kaming apat ng palihim. Sinenyasan ako ni Freya na tumabi sa kanya at nagulat naman ako doon.
Walang salitang umupo ako. Halos kakatapos ko lang mag hilamos at toothbrush pero ang kabang nararamdaman ko ay para akong paparusahan sa kasalanang hindi ko ginawa.
Kakaiba ang tono nang boses nya at may kasamang awtoridad. Iyon ay hindi na naging bago sa akin ngunit nagugulat pa din ako nang bumalik na sya sa dati.
"Help yourself and eat." Pagka sabi nya noon ay natapos na sya.
Tumango na lang ako at kumuha nang kaonting fried rice, corned beef at bacon. Nag timpla pa muna ako ng kape para sa akin, hindi na pinansin ang panonood nila.
Kumuha ako ng extra kutsara para doon at hinalo ang coffee ko bago maupo ulit. Nagtayuan na ang tatlo nang ligpitin na nang maids ang pinagkainan nila kasabay nang sa Boss ko ngunit bigo ako nang nanatili pa din sya sa pwesto nya.
"How's your work?" Sya ang nagbasag nang katahimikan sa amin.
Uminom na muna ako ng kape bago sya sagutin. "Good, no one's trying to break our plan I think. They still creating their plan right now."
Nag isip sya saglit. "You think so?"
Halos hindi ako agad naka sagot ng mapansin kong nakatitig sya sa akin. Tumikhim pa muna ako bago nagsalita.
"Of course, what would you think? That they will attack us with no weapons or plans?" Sinubukan kong mag biro pero nabigo lang ako.
Hindi naialis sa akin ang pagka pahiya nang nakangiti syang tanawin ako. Iyon na naman ang tingin nyang nakakapag pailang sakin. Nakakaramdam ako nang kung ano ang tingin nyang iyon ngunit itinatanggi iyon ng isip ko.
"No, but if there's a possibility to attack us, I won't let them hurt you." He whispered to my ears as I felt nervous at the same time.
Sinubukan ko pang tignan sya nang normal. "Of course, it's your duty to save us." Paglilinaw ko bilang boss namin sa kanya ay gawain talaga nila iyon.
Ngunit hindi ko na naitago pa ang pagka gulat ko nang may ibulong sya sakin muli.
"There's no exemption for them. But specially, for you."
To be continued...