webnovel

LESSON 1

----

"Girl! Kanina pa ko naghihintay sa baba nandito ka na pala" Napatingin ako Kay Irene na kakapasok lang ng room. Sa harap niya pa talaga sinabi yun kaya nagtinginan yung ibang mga blockmates ko sakanya. Dali dali siya lumapit at humalik sa aking pisngi.

Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa dulo malapit sa bintana nakaupo.

Tinignan ko ang phone ko. Alam ko nagtext ako sa kanya na nandito na ko sa room.

"Hindi ko pala nasend, Sorry" pinakita ko pa sakanya yung message na tinype ko pero hindi naman na send.

Sinimangutan niya lang ako.

Wala talaga akong balak pumasok ngayon. I can already feel everything that will happen today. Of course, Introduce yourself. Kahit na two years naman na kaming magkaklase at magkakasama dito sa room for the sake na lang din nang mga bagong prof.

Limang minuto bago magsimula ang first subject. Inabala ko ang sarili ko sa pag-sscroll sa phone. Ganito lang din ata ginawa ko buong bakasyon.

"Mas lalo kang pumuti, Ciana" hinawakan niya ang braso ko at tinabi sa braso. She was a bit tan because of the beaches she went to this past vacation.

"You just get tanned"

Muli kong inabala ang sarili sa phone. Si Irene naman ay nakipagdaldalan na sa ibang blockmates.

Nakaramdam ako ng antok. It was only 7 in the morning, I slept late last night kaya medyo sumasakit ang ulo ko.

Alam ko naman na start na nang klase kinabukasan, pero pinili ko pa din tapusin ang mga episode ng kdrama na pinapanood ko.

I open the front cam of my phone to check my face. I conceal my under eyes, but I feel that my eye bags are still visible. I probably look like a panda now.

I close my phone. I yawned, Sobrang inaantok pa ako. I was about to close my eyes when Irene suddenly tapped me. Umayos ako ng upo at sumulyap sa mga classmates ko mabilis nagsibalikan sa kanya kanyang upuan. Parang nagtransform.

Nakita ko ang pigura ng lalaki sa labas ng pinto. Nakatalikod siya sa direksyon namin at mukhang may kinakausap pa sa labas.

Ilang sandali pa ng tuluyan siyang pumasok ng aming room. Agad nag react ang mga kababaihan. Bahagyang umingay ang silid.

Ilang beses pa kong kumurap para siguraduhin kung totoo ba 'tong nasa harap namin. Professor ba talaga 'to o Estudyante lang din?

The front seemed to light up as he stood in the middle of the class.

He was wearing a white longsleeve polo, which was folded up to his elbow, with a black slack and black shoes. His coffee brown hair is in brushed up style which makes hin look younger.

Nilingon ko ang buong paligid. Baka student teacher lang siya at may kasama siyang totoong professor?

But I didn't see anything.

I could already feel my heart beating and I felt a little nervous because of his presence in front.

"Good Morning" He greeted us. Sabay sabay na tumayo ang lahat at Binati din siya. Tumango siya at pinaupo din kami.

Bakit ngayon ko lang nalaman na may gwapo pala kaming professor dito sa school. Lahat ng nakikita ko ay matanda na kung hindi naman matanda may asawa na.

I'm on my second year now and i didn't saw him on my first year here. I've never seen him before. So I'm sure he's new.

Napansin ko ang mga babaeng estudyante sa harap. Natitigilan sila sa bawat kilos ni Sir. Napapasinghap at kulang na lang mahimatay. Well, I can't blame them, he is really good looking.

Bumalik ang tingin ko sa gwapong nilalang sa harapan. Hindi ko mapigilang mapatitig sakanya.

There is something in him that I can't take my eyes off of him. I could feel my heart beating faster. I don't know why, I have met many professors or teachers, who may be younger than him but I do not feel this kind nervous on them. Mukhang kailangan ko na atang matakot para sa semester na ito. Siguro ay terror siya kaya kinakabahan ako ngayon.

I can imagine him being a terror professor. oh god.

He was standing in front of the class scanning the papers he was holding.

Nahulog ang isang papel na dala niya. Nag-unahan ang mga babaeng na nasa harapan.

What?

Tinignan ko ng mabuti si Sir. Baka nililinlang lang ako ng mata ko. May katangkaran din siya at mukhang batak sa gym ang kanyang katawan. His smooth skin glows white. The women would surely be envious when they saw his complexion. Ang puti! Mestiso.

Nilibot niya ng tingin ang buong klase. I don't know how many minutes he just stood in front. Ever since he entered the room I haven't seen him smile. He looks snob and serious. Kinakabahan na ako at mukhang kakabahan pa lalo dahil sa pagiging seryoso niya.

Dumapo ang tingin niya sa akin, mabilis akong nag-iwas ng tingin. Kunwari inabala ang sarili sa aking cattleya Binder filler.

I felt embarrassed, Mukhang naramdaman niya ang paninitig ko sa kanya.

Nag-angat ako nang tingin. I was shocked to find that he was still looking at me. I calmed myself down and stared back at him. Why the hell is he looking at me?

He was the first to break the gaze. I looked at my seatmate, Irene. She looked at me too and shrugged, he also noticed Sir's long stare in our direction.

Hindi ko alam kung para saan iyon. Mas lalo lang ata yun nakadagdag sa kaba ko.

Minutes passed before he decided to speak.

"Again. Good morning, Everyone. I am Franco Arevalo and I will be your professor on this subject for the first semester" Sinulat niya pa ang pangalan niya sa White Board together with the subject he was handling.

Franco Arevalo? Sounds familiar. Parang narinig ko na yun. Di ko lang maalala kung saan ko narinig yung pangalan niya! Or may be his surname? Medyo pamilyar sa akin. I think I heard that somewhere.

Hindi kaya nakita ko na siya dati? Pero imposible naman na makalimutan ko agad yung ganyang mukha.

"I am not comfortable being called Mr or Sir Arevalo. So, Sir Franco will do" he said that on a serious tone.

"And, Yes. I am new here so I am not very familiar with this university especially with the students here" He added.

Tumango ako dahil sa mga nalaman.

"Do you have any question?" He asked.

Tahimik ang buong klase.

Not even one dare to speak or ask.

Naupo siya sa table niya nang mapansin na walang magtatanong sa kanya. Nagsimula na siyang magcheck ng Attendance.

I watched his every move. His every move was stunning. Seryoso niyang binabasa ang pangalan ng bawat isa. Tumatango siya sa bawat estudyanteng natatapos niyang tawagin.

Paano kaya makakapagfocus yung mga estudyante kung may ganyan kagwapong professor sa harapan nila? Isang malaking Distraction yung mga ganyan kagwapo.

Mahirap makapagfocus sa lesson kung may ganyan sa harap mo.

"Perez, Ciana Gail"

Yung imbis na makinig ka sa lesson niya, mapapatulala ka nalang sa mukha niya.

"Hoy, Ciana ikaw na"

Ang mga ganyang klaseng nilalang ay wala dapat dito sa school. Ang dapat sa kanya mag-artista o mag-modelo.

"Ms. Perez?"

Natauhan ako nang bigla kong narinig ang pangalan ko. Kumurap muna ako bago ko na realize na nakatingin na din pala sakin si Sir at hinihintay ang response ko.

"Are you with us Ms. Perez?"

Narinig ko namang nagtawanan ang iba kong mga classmates. Tinaas ni Sir ang kanyang kamay kaya tumigil sa pagtawa ang buong klase. Nilingon ko si Irene, binigyan niya ako nang Kanina-pa-kita-tinatawag-look.

"I'm asking you Miss Perez, Are you with us?" Binalik ko ang tingin ko Kay Sir, mukhang hindi naman siya galit dahil kalmado lang ang mukha niya. Dahan dahan lang akong tumango sa kanya.

Nagkatinginan kami. Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng aking puso.

"You are? Are you sure?" Aniya

Tumango ako. Ilang minuto pa siyang tumitig sa akin. Nag-iwas siya ng tingin at binalik ang atensyon sa class attendance niya. Ngunit hindi nakatakas sa akin ang kanyang labi.

I think I saw him smile.

He smirked.

but also quickly disappeared.

Sa unang pagkakataon mula nang pumasok siya sa room ay sa wakas nakita ko siyang ngumiti.

I also felt how my classmates were stunned by his smile.

I looked at him again as he continued checking the attendance. Seryoso siya at hindi na makikitaan nang bakas ng ngiti.

Oh god. what was that?

The whole class went smoothly.

Natapos ang klase namin kay Sir Franco. Diniscuss niya lang ang mga gusto niyang mangyari sa buong subject niya. Isa-isa din kaming nagpakilala sa kanya. Hindi ko alam kung paanong di ako nabulol sa pagpapakilala. Titig na titig siya.

As if he were memorizing everything.

Grabe, hindi ko kinakaya ang titig niya. He has pretty good eyes but very intimidating.

Wala sa sarili akong naglalakad dito sa corridor. Wala nang masyadong tao ngayon dahil mag-aalasais na medyo madilim na nga sa labas ngayon. Maaga din umuwi si Irene kaya wala na kong kasama.

Parang gusto ko nang idrop yung Subject ni Sir Franco. Hindi ko malimutan yung kaewan na nangyayari sakin kanina sa Subject niya. At pakiramdam ko at mauulit pa iyon. Ilang beses niya akong nahuhuling nakatitig sa kanya. Yung tulala talaga, Nahihiya nalang ako sa tuwing tinatanong niya ko kung ok lang ako. Mukha ata akong takas sa mental?

Naglakad na ko palabas ng school. Mabuti ngang umuwi na ko, Kulang ka lang sa tulog Ciana kaya ka natutulala.

" Timothy Franco Arevalo, 25 years old, Single, Graduate of BS Psychology. Last Summer lang siya lumipat dito, nagturo siya nung Summer class. Former teacher siya ng Junior at Senior High school sa kabilang university" Napatingin ako sa dalawang freshmen student na nag-uusap ngayon sa tabi ko hawak hawak nila ang cellphone nila. Naghihintay din ata sila ng Bus na sasakyan.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa topic nila, Pinag-uusapan nila si Sir Franco. Lumapit ako ng konti para mas madinig ng malinaw ang punag-uusapan nila.

" Nagtuturo siya sa lahat ng course Ibat Ibang subject. Yung ate ko na graduating adviser niya din si Sir sa research nila "

Di ko mapigilang tumango-tango dahil sa narinig ko. Ang dami naman tinuturo ni Sir. Ang talino niya ah.

"Sana professor din natin siya" Kinikilig pa na sabi nung isang estudyante.

"Magdadrop out ako sa isang subject ko tapos kukuha ko ng isang subject niya" - si student two

"Ako dii---" - si student one

Napalingon ako sa mga estudyanteng natigil sa pagchichismisan.

"Good evening sir Franco"

"Good evening" sabi ng pamilyar na Boses.

Napalingon ako sa likod ko para tignan kung totoo nga talaga yung boses na narinig ko.

Napatingin din sakin si Sir.

Nakatayo siya malapit sa gilid ko. Dala-dala ang back-pack sa likod. Ang kaninang maayos na buhok ay Medyo gumulo na ngunit nakadagdag pa yun sa lakas ng dating niya. Bukas ang unang dalawang butones ng puting long sleeve niya.

I was stunned and slightly impressed by the way he looks now.

"Miss Perez maayos na ba pakiramdam mo?" He asked

"Po?" Dinahilan ko pala na medyo masama ang pakiramdam ko kanina kaya medyo hindi ako sa makasabay sa klase niya.

"You should go home now and take a rest Miss" he said.

I look at him, From the students greeting him he shifted his gaze to me.

I opened my mouth to speak but no words came out of me. His thick eyebrow rose.

Yumuko at nag-iwas nang tingin.

Bakit feeling ko hindi ordinaryo 'tong school year na 'to?

"May girlfriend na kaya si Sir?" Napatingin ako sa tinitignan ni Irene.

Si Sir Franco na kakapasok lang din ng cafeteria.

As always, he always grabbed everyone's attension. Nakita ako ang pagsinghap ng mga babae sa di kalayuan nang mapadaan sa kanila si Sir.

One week na ang nakalipas at hanggang ngayon si Sir Franco pa din ang Hot topic ng buong University.

Hindi ba sila nagsasawa? Sabagay di naman nakakasawa yung ganyang itsura.

Binalik ko nalang ang atensyon ko sa kinakain ko. Ayoko siyang masyadong tinititigan. Nawawala ako kapag tumititig sa kanya.

"Hopefully he doesn't have a girlfriend" Irene wished.

"Pati ba naman teacher Irene, magtigil ka nga" Binato ko pa siya ng isang pirasong chips.

"Di ka ba tinuruan ng magulang mo na masamang magsayang ng pagkain" Sabi niya at dinampot sa mesa ang binatong chips sa kanya at sabay kain. Napangiwi ako sa ginawa niya.

"Wala pang 5 minutes tsaka dito lang din naman nahulog" Turo niya sa mesa namin. Inagaw sakin yung isang balot na chips na kinakain ko.

"Hi, Sir" Bati ni Irene ng mapadaan samin si Sir Franco.

Natigilan naman ako ng sa akin tumango at tipid na ngumiti si Sir, kahit si Irene naman yung tumawag sa kanya.

I felt my heart beat again.

Pinanood namin siyang lumabas ng Cafeteria.

"Ako yung bumati pero sayo ngumiti" Nagkibit balikat siya at nagpatuloy sa pagkain.

Nilingon ko ang pintong nilabasan ni Sir. There is something strange about him that I cannot explain. It was like I just wanted to follow him and find out what it is.

Umiling ako. Tinigil ko ang pag-iisip ng kung ano.

Tuesday, I was walking alone on the corridor. Irene was busy with her group, doing some activity. Buti na lang kami tapos na.

Umakyat ako sa second floor kung saan ang room namin. 1 hour pa bago ang klase namin pero nagdesisyon na akong pumasok sa room. Kapag nagcocommute ako maaga talaga akong pumapasok. Takot akong mastuck sa traffic at malate.

Tumigil ako sa tapat ng pintuan, sumilip ako para tignan kung may tao doon para kasing may narinig akong nagkaklase. May grupo ng estudyante na naroon nakapaikot sila sa isang table kasama ang isang professor. Mukhang may pinag-uusapan o meeting.

Diniretso ko ang dulo ng corridor kung saan ako madalas tumatambay at nagpapalipas ng oras kapag may tao sa room.

Sa isang room na dinaanan ko nakita kong nagtuturo si Sir Franco. Nakatalikod siya sa buong klase at nagsusulat sa board. Sa backdoor ay huminto ako sandali at sinilip kung anong tinuturo niya. Puro numbers ang nakikita ko. Mukhang Math ata.

I was shocked when he look at my direction. Nataranta ako nagmagtama ang paningin namin.

Tumayo ako ng tuwid at dali-daling naglakad.

I do not know what I am doing. I was caught in my chest.

Damn!