webnovel

Elemental Nation: City of Elements

Adiya King is a simple girl but she belongs to an extraordinary family. Everything was normal until she discovers who she is, and what she is capable of. Will she be able to accept who she is or she'll turn her back from all the responsibilities?

thumanoid · 其他
分數不夠
29 Chs

Chapter 1. Adiya

Adiya's POV

"I hate him! Hah! Sino ba siya sa inaakala niya? Kahit siya pa ang pinakamagaling at may pinakamataas na rank sa Academy wala siyang karapatang tratuhin at pagsalitaan ako nang ganun!" asik ko.

"Adiya calm down" Zephyrine said habang pinapakalma ako.

"Calm down? How can I calm down kung ganung klase nang tao ang kausap mo? Argh he's so arrogant!" pagmamaktol ko pa.

Maybe you're wondering kung bakit ganito nalang ako magreact at magalit. Argh, it's not like it was entirely my fault. Well alam ko rin namang may kasalanan ako but he's way beyond the line. Hindi niya ako kilala and he doesn't have the right para pagsalitaan ako nang mga ganung bagay. Ganito kasi ang nangyare.

***

Flashback

"Focus Adiya! Will you?" singhal ni Pyrrhos sakin.

"Kanina pa tayo dito. Halos buong araw na ang nagugol natin para lang matrain yang kapangyarihan mo. Water Adiya! Not pain illussion. Argh" dagdag pa niya. I bite my lower lip. Hindi kasi ako maka focus nang maayos kaya imbes na tubig ang makontrol ko ang pain illussion ang nagawa ko at dahil kaming dalawa lang dito sakanya ko nagamit ito. Pain illussion has the power to make you feel excruciating pain in a swift. If I say pain, I mean literally all kinds of pain. Kanina pa siya napapamura dahil sakanya lahat nababaling ang kapangyarihan ko. Muli kong sinubukan sa huling pagkakataon. Nakita kong gumalaw ang balde nang tubig na nagsisilbing power object namin. Napangiti ako nang makitang umaangat na ang tubig na para bang nakokontrol ko ito.

"Argh stop!" nagulat nalang ako nang muling sumigaw si Pyrrhos at tila ba may iniindang sakit.

"What the hell Adiya! Sabi ko tubig lang,hindi ko sinabing pagsabayin mo!" galit na saad niya, saka siya napahawak sa ulo niya na para bang sumasakit ito nang dahil sakin. Hindi ko alam kung dahil ba to sa kapangyarihan ko o dahil sakin mismo. Napakagat nalang ako sa labi ko at napayuko.

"Ano bang mahirap sa pinapagawa ko sayo Adiya? Simpleng bagay hindi mo pa magawa. I told you to set aside every pain you have dahil diyan nagmumula ang dark powers mo. You have to think about the things that makes you happy. Let your emotions flow like the water at dun mo lang makokontrol ang tubig" panenermon niya. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil alam kong tama siya.

"Focus Adiya! Yun lang ang dapat mong gawin, don't think about the things that bothers you. Everybody thinks that you are better than this. Then prove it! Kasi para sakin isa ka lang normal na babae na hindi kayang kontrolin ang kapangyarihan niya at hindi kayang ipagtanggol ang sarili. We only have a month left to train before the Quest. If you want to live and survive then fight. Control it or your powers will consume you. You're the treasure, then start acting like one" napatingala ako dahil sa mga sinabi niya. Para bang sinasabi niyang I don't deserve to be the treasure. Nakaramdam ako nang guilt and the same time parang nanliit ako sa tingin ko sa sarili ko. Ako ang inaasahan nang lahat yet bakit ganito ako kahina? Naramdaman kong papatulo na ang luha ko kaya umiwas ako nang tingin.

"It's not like I chose to be the treasure" sabi ko at napangiti ako nang mapait. Yes, it's not like I want to be the special one,kung pwede nga lang na hindi nalang ako, mas gugustuhin ko pang maging normal na tao. Hindi ko kakayanin ang lahat nang responsibilidad na nakapatong sakin. Napakunot noong tumingin sakin si Pyrrhos.

"A lot of people want to be in your place. That's the reason why you are so weak, dahil hindi mo matanggap kung sino ka. Hindi mo alam kung gaano ka kaswerte dahil kaya mong ipagtanggol ang mga mahal mo sa buhay. Hindi mo alam kung anong klase nang kapangyarihan meron ka at kung gano ito kalakas. A lot of people would be willing to kill anybody just to have your powers" galit niyang sabi.

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. "Maswerte? Maswerte na ba ako dahil may ganitong klase ako nang kapangyarihan? Maswerte ba ako dahil sa kapangyarihan kong ito nakakapanakit ako nang tao?" napahinto ako sa pagsasalita, nang hindi siya sumagot nagsalita akong muli.

"A lot of people want this? Then they can have it. I don't want it anyway. Kung pupwede lang sanang isalin ang kapangyarihang to sa iba ginawa ko na. If they considered this to be a gift, well for me it's just a curse" dagdag ko pa. Sinamaan niya ako nang tingin.

"Stop being naive. Don't pretend like you don't want to be the treasure and a curse?" he scoffs. "Change that mindset of yours. You have the four elemental powers not just the pain illussion. Your power is not the curse, you are. Control it or you will forever remain as a curse. Patunayan mong may kwenta ka gaya nang pinaniniwalaan nila. Wag mong hayaang patuloy kong isipin na wala kang kwenta simula nang nakilala kita," halos nanghina ako sa mga sinabi niya. Oo, naturingan siyang pinakacold at walang pakialam na tao sa buong academy but I never expected him to be this cruel and heartless. I thought I saw something in him, something good pero mukhang nagkamali ako. Hindi ko namalayang umalis na pala siya nang training room pagkatapos niyang sabihin yun.

Nagpaulit ulit ang bawat katagang sinabi niya sakin hanggang sa matauhan ako. Ngayon lang ako nakaramdam nang ganitong galit at sakit, parang gustong kumawala nang apoy sa katawan ko. Padabog akong lumabas nang training room at naglakad sa lobby bago lumiko papuntang girls pad. Binuksan ko ang kwarto at padabog itong sinara.

"Ay palaka!" gulat na sabi ni Zephyrine. Nadatnan ko siyang nakaupo sa may balcony nang pad namin habang nagbabasa.

"Ano ba Adiya! Nakakagulat ka naman eh!" dagdag pa niya.

"I hate him! Hah! Sino ba siya sa inaakala niya? Kahit siya pa ang pinakamagaling at may pinakamataas na rank sa Academy wala siyang karapatang tratuhin at pagsalitaan ako nang ganun!" asik ko.

End of flashback

At ayun nga ang nangyari.

"Ano ba kasing nagyari? Sino bang kaaway mo? Teka kelan ka pa nagkaroon nang kaaway?" tanong niya pa.

Everyone knows me as the calm and nice girl. Hindi ko rin alam kung bakit parang unti unti nakong nagbabago.

"Kung wala akong kwenta mas wala siyang kwenta!" singhal ko na hindi pinansin ang tanong niya.

"I thought he can't be that bad, but he's the worst of the worst. Ilang buwan ko na siyang iniintindi pero hindi ko siya maintindihan!" galit kong saad. Akala ko pa naman din mabait siya pero siya na ang pinaka masamang taong nakilala ko. Nagpaikot ikot ako sa loob nang kwarto namin ni Zephyrine. Zephyrine Westwind is my bestfriend, siya ang pinakaunang naging kaybigan ko simula nung 6 years old ako at hanggang ngayon magkasama parin kami so we're definetely childhood friends. She's like my sister. Air. Yan ang kapangyarihang hawak niya. She can manipulate air, but that's not it, she can even kill you in a second. Zephyrine can take your breathe away not figuratively but literally. She can make you gasp for air if she wants too. She's the coolest and nicest person that i know.

"I won't asked if who's this person 'coz I absolutely know who he is already. Ano ba kasing ikinakagalit mo?" mahinahong tanong niya. And another thing, siya ang isa sa pinakamahinahong taong nakilala ko.

"Hindi naman niya kelangang pagsalitaan ako nang ganun. It's his fault dahil siya ang nag insist na itrain ako" sagot ko.

Hindi naman ako ganito pero pagdating sakanya I am so outrageous. Kumukulo talaga ang dugo ko sakanya. Gusto ko siyang tustahin, kung nakokontrol ko lang ang aking kapangyarihan matagal na siyang sunog.

"Adiya may gusto ka ba kay Pyrrhos?" nagulat ako sa tanong niya. Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"W-what?" utal kong tanong.

"You wouldn't react like this kung wala kang nararamdaman para sakanya" she said. Nagpapatawa ba siya?

"Nagpapatawa ka ba Zephyrine? Ako? Magkakagusto? Sa lalaking gaya niya? You've gotta be kidding me. Kaya ako nagagalit ay dahil pinagsalitaan niya ako nang mga masasakit. He insulted me. Kung ikaw ang nasa posisyon ko I know you'll be hurt at magagalit ka rin" saad ko. Mga biro nitong si Zephyrine.

"I hope you're not really into him Adiya dahil masasaktan ka lang. You know how he is. Cold and ruthless" nag aalalang saad ni Zephyrine.

"I won't fall for him, I promise" I assured her. I will never fall for him and that's a promise. A promise that I don't know how to keep. A promise that should never make as a promise.