webnovel

Elemental Nation: City of Elements

Adiya King is a simple girl but she belongs to an extraordinary family. Everything was normal until she discovers who she is, and what she is capable of. Will she be able to accept who she is or she'll turn her back from all the responsibilities?

thumanoid · Others
Not enough ratings
29 Chs

Chapter 2. Past

Adiya's POV

"Adiya stop. You'll be in danger. You might kill him or yourself" a voice from behind me warned. I can't see him, all i can see is the darkness that surrounds me. Here I am standing in the middle of the darkness.

"Adiya stop, you'll kill youself" impit na sabi nang isang pamilyar na boses na tila ba namimilipit sa sakit. Napatingin ako sa harap ko. Then my mouth literally left open the moment i saw him kneeling on the floor. Nakaluhod siya sa tila ba kawalan habang namimilipit sa sakit. I panic nang makitang hindi na niya kaya ang sakit na nararamdaman niya.

"T-titus. Are you okay?" nag aalalang tanong ko pagkatapos ay lumapit ako sakanya.

"I am sorry for 'causing you so much pain" nagmamakaawang sabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Bakit siya humihingi nang tawad sakin? Anong ginawa niya?

"I'm sorry for hurting you" tila bang nagsusumamo at nasasaktan niyang sabi. I don't get him, hindi ko makuha kung anong gusto niyang sabihin sakin. Nalilito nako.

"I shouldn't have done that to you. I shouldn't have killed you emotionally. I didn't mean to hurt you Adiya. I swear" dagdag niya pa. Napakunot ang noo ko sa mga sinasabi niya. Ano bang sinasabi niya? Wala akong maintindihan ni isa sa mga sinabi niya kaya wala akong maisagot sakanya. But seeing like this makes my hurt bleeds for him. Hindi ko siya kayang makitang nasasaktan. I can't bear to see him suffer in this kind of pain. Pain. Am I the one who's making this? Am i the one causing him pain? Napaatras ako nang wala sa oras dahil sa naisip ko.

I was about to subside my power nang bigla nalang siyang tuluyang nanghina at bumulagta sa itim at malamig na sahig. Agad ko siyang nilapitan.

"T-titus. Wake up!" nagpapanic na sabi ko nang nakita ko siyang nakapikit at walang malay. Niyugyog ko siya para magising siya.

"T-titus. No. Please wake up" patuloy kong sabi habang ginigising siya. Tila nabunutan ako nang tinik nang makita kong unti unti niyang minulat ang kanyang mga mata.

"I'm sorry Adiya. I l-love..." at tuluyan na siyang binawian nang buhay.

No. This can't be happening.

"Please wake up. You promise that you will never live me. You promise" umiiyak kong sabi. Hindi niya ako pwedeng iwan nang ganun ganun nalang.

"NOOOOOO!"

Napabalikwas ako nang wala sa oras. Panaginip. Isa lang palang panaginip. Napa face palm nalang ako dahil sa panaginip na yun nang may maramdaman akong basa sa pisngi ko. Panaginip na tila ba totoong pangyayari. Pero bakit ko napanaginipan ang ganong pangyayari? At bakit siya? Anong kinalaman ko sakanya? At bakit parang ang bigat nang pakiramdam ko na parang pinipiga ang puso ko?

Napatingin ako sa kabilang kama medyo malayo mula sakin, mabuti nalang at hindi nagising si Zaphyrine, pano ba naman magigising yan eh tulog mantika ang babaeng yan, kahit pa nga ata sumigaw ka nang may sunog hindi parin magigising. Napatingin naman ako sa balkon nang kwarto ko,gabi pa pala. Inabot ko ang orasan sa table katabi nang kama ko. Eksaktong madaling araw. 12:00 am. Madaling araw palang pala. Umalis ako sa kama at naglakad papuntang balcony. Binuksan ko ang salaming pintuan ng balkon at naglakad patungo rito. Madaling araw na kaya malamig ang simoy nang hangin,mabuti nalang at nakapajama ako at nakajacket. Napatingala ako sa langit. Ang ganda nang mga bitwin at napakaliwanang nang buwan,kung titingnan mo rin napakapayapa nang lugar na to ngunit pagdating nang umaga ang payapang lugar nato ay napaka gulo rin pala. I've been studying here since i can remember,simula bata ako dito nako pinag aral nang parents ko at dito ko rin nakilala ang kauna unahang kaybigan ko na si Zephyrine. Naalala ko pa nga nung una ko siyang nakilala,siguro mga walong taong gulang kaming dalawa nun.

***

Flashback

"Zhin can you help us get my kitten?" tanong nang isang batang babae sakin. Naglalakad ako patungong parking area nang eskwelahan nang makauwi na nang biglang may nag approach sakin. I think her name is Aella, actually we are not that close kasi i think she is mean kasi lagi ko siyang nakikitang nambubully nang mga ibang bata so hindi ko nalang siya nilalapitan and as long as hindi nagkukrus ang landas namin i don't want to talk to her too. Pero i am here in this situation, well she needs help so who am i not to help her right?

"Sure" I said. I am not that snob naman para hindi ko siya tulungan. Naglakad ako palapit sakanya.

"Can you get my kitten down? I don't know how it got there. I don't know how to climb naman and I am afraid of heights" she said while pointing at her kitten up in the tree. Okay? So how would I get that cute creature down? There's just two options here. It's either for me to climb that tree and get it down or I'll ask for help nalang. But then again dahil naaawa ako sakanya I chose the former option which is to climb.

I put down my bag to the ground and made my way to the tree. Napatingin ako ulit sa itaas sa kinaroroonan ng munting pusa. Pilit itong bumaba ngunit hindi niya magawa dahil maliit pa ito. Wait aren't cats are supposed to be good at climbing? Napalingon ako sa kinaroroonan ni Aella at para bang nakita ko siyang ngumisi nang nakakaloko pero agad din itong nagbago nang nakita niyang nakatingin ako sa kanya. Kumunot bigla ang noo ko. Bakit ganun siya kung ngumiti? May binabalak ba siyang masama? Lalapit sana ako sakanya upang tanungin siya nang bigla siyang sumigaw.

"Ahhhh!!! OH my gosh my Kitty!" bigla niyang sigaw habang nakatingin ng may pag aalala sa pusa niyang si Kitty. I look above only to see na konti nalang mahuhulog na yung pusa.

"Zhin faster! Baka mahulog siya!" hysterical niyang sigaw. Nataranta naman ako kaya umakyat nalang ako. Nahihirapan akong umakyat dahil suot suot ko pa yung black shoes ko na may maliit na heels at nakapalda pa ako nang maikli mabuti nalang at nakashorts ako. Bakit ba kasi hindi ko tinanggal yung sapatos ko bago ako umakyat?

"Argh!" i groaned frustratedly dahil sa katangahan ko at sa sitwasyon ko ngayon. Konti nalang at maaabot ko na ang pusa. Umapak ako sa isang maliit na sanga para mas maabot ko ito. Nang maabot ko ang pusa ay pinatong ko ito sa trunk nang puno na naguugnay sa mga sanga nito. Pinanood ko muna ito hanggang sa makababa at dumiretso ito kay Aella. So sakanya nga talaga yung pusa, kanina pa kasi ako nagdududa eh. Pababa na sana ako nang biglang naputol ang tinutungtungan kong sanga mabuti nalang naka kapit ako sa sanga na kinalalagyan nang pusa kanina pero konti nalang at mabibitawwan ko narin ito dahil masiyadong madulas ang kamay ko.

Napatingin ako sa baba para tumalon nalang sana ngunit masyado pala itong mataas at siguradong hindi lang gasgas ang aabutin ko nito. Napapikit ako nang naramdaman kong unti unti nang kumakalas ang hawak ko sa sanga nang puno hanggang sa mabitawan ko na ito nang tuluyan. Hindi ko pa binubukasan ang mga mata ko kaya hindi ko alam kung ilang metro pa ba ang lupang babagsakan ko bago ko tuluyang maramdaman ang lupa ngunit ilang segundo lang naramdaman kong parang pinapalibutan ako nang hangin and it kept me from falling into the ground. When i opened my eyes hindi nga ako nagkamali, I am really surrounded with air hanggang sa nagdidisperse ito at nakita ko ang isang batang babae di kalayuan sa pwesto ko na parang winewave niya ang kanyang mga kamay na like she is the one who's controlling the air then it hit me, she is really the one who's controlling it hanggang sa nakababa ako nang maayos.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nangyari hanggang sa natauhan ako dahil may narinig akong natumba. Lumingon ako sa likod only to find Aella na nakasalampak sa lupa habang hawak hawak ang pusa niya. Puminta ang inis na ekspresyon sa mukha nito. Napakunoot ang noo ko sa nangyari. Ah what did just happened?

"Why the hell did you push me?" Aella snap. Halatang nasaktan siya sa pagkakabagsak niya sa lupa. Bigla siyang tumayo at galit na pinagpag ang palda niya gamit ang isang kamay.

"Why did you do that?" tanong naman ng babaeng nagligtas sakin kanina. Napakunoot muli ang noo ko. What is she talking about?

"W-what?" nauutal na tanong ni Aella. Hindi niya ito matingnan ng diretso sa mata.

"Oh please Aella, stop acting like a stupid kid" the other girl said while rolling her eyes. Makikita mo sa kilos niya na naiinis din siya kay Aella. Ano bang meron sa dalawang to?

"C'mon Zephyrine, stop acting like a heroine, little commoner" Aella said then smirk. I saw the eyes of the other girl widen and she looks uneasy pero nawala rin yun at muli siyang nagsalita.

"You did it on purpose" sabi niya. Hah?

"You intentionally put your cat in the tree and ask for her help" she added. My jaw drop and Aella was caught off guard, nanlaki ang mata niya nang sinabi iyon nang babae.

"A-ano bang sinasabi mo? Are you accussing me, you poor thing?" hamon ni Aella. Aella is known to be the bitchest kid in school. Hindi naman nagpatinag si Zephyrine at sinumbatan rin niya ito.

"Who's accusing who? I am not. I am just stating a fact and an obvious. I saw you earlier that you didn't even flinched and didn't do anything nang makita mong mahuhulog na si Adiya. You even smiled. Why Aella? Because you're jealous of her? Because she's smarter than you and everybody is her friend and they like her" she provoked. Aella's face became even redder because of irritation.

"Y-you... We're not done yet!" she yelled bitchly and stormed out.

Napatulala nalang ako sa nangyari. First, I can't believe that Aella could do such a thing, second, this girl here crushed the schools' bitch, and lastly, she saved me and she can control her powers in such age.

Nagkunwaring ubo naman si Zephyrine para makuha niya ang atensyon ko and she did. Lumingon ako sakanya.

"I'm Zephyrine. Zephyrine West" pagpapakilala niya sa gitna nang shock kong sitwasyon habang inaabot ang kanyang kamay sa akin. I look at her hands at naisipan ko itong tanggapin nang magrehistro sakin ang lahat that she is my savior.

"Adiya. Adiya Zhin King" sabi ko at nakipag shake hands sakanya at simula nun naging kaybigan ko na siya.

End of flashback

*

At yun nga ang nagyari at kung pano kami naging magkaybigan ni Zephyrine. Ilang taon narin kaming magkaybigan at marami narin kaming napagdaanan at sigurado akong marami pa kaming pagdadaanan. Upon seeing the rays of the moonlight which reflects at the lake di kalayuan sa pad namin I was mesmerized by it. Naglakad ako patungong pinto nang kwarto at bumaba ako. Our pad kasi is like a penthouse na may second floor. Bumaba ako nang pad and I sneaked out of the room. Hindi na kasi pwedeng lumabas nang ganitong oras lalo na't madaling araw na at siguradong lahat nang tao ay mahimbing parin ang tulog sa oras nato.

Lumabas ako nang east wing. Nasa east wing kasi ang mga pads nang mga students at sa west naman ang classrooms, training rooms(except for the training dome), faculty rooms and our enormous library. Dumiretso ako sa lake sa harap nang pad namin. This place looks so serene. The moonlight beams both at my face and the cold water in the lake.

"Your powers are not the curse, you are. Control it or you will forever remain as a curse!" the words of Pyrrhos keeps on haunting me like a ghost of yesterday. Simula nang sinabi niya sakin yan kahapon hindi na matanggal sa isipan ko ang mga ito. Am I really the curse here? Hearing him say that hurts me. I don't know if it's just me or it's just because I felt degraded. Curse. That word again. Kelan ko nga ba unang narinig ang salitang yun?

***

Flashback

"Stop! It hurts" tila namimilipit sa sakit na sabi nang mga kalaro ko kani kanina lang. We were just having fun when they suddenly mocked and bullied me when suddenly nakaramdam ako nang matinding galit at gusto ko silang saktan pero hindi ko magawa. Gusto kong iparamdam sakanila ang sakit na aking nararamdaman nang bigla nga silang nakaramdam nang matinding sakit. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakanila.

"Stop it Zhin! Please" sabi nang isa sa mga babaeng kalaro ko habang hawak hawak ang kanyang ulo na tila namimilipit sa sobrang sakit. Nakaramdam ako bigla nang kaba. Anong nangyayari sakanila? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naghalo halo narin ang aking mga nararamdaman. Kaba, galit, sakit at pagkabigla.

"Please Zhin! Make it stop. It hurts!" sigaw pa nang isa. Hindi ko alam ang sasabihin ko sapagkat hindi ko rin naman alam kung anong ibig nilang sabihin.

"W-what a-are you talking about?" I ask them stuttering.

"Just let it stop!" sigaw nila na namimilipit parin sa sakit.

"Adiya!" nagulat nalang ako nang biglang sumulpot si Zephyrine sa kung saan.

"Zephyrine I swear. I am not the one who's doing it, believe me" tila nagsusumamong sabi ko sakanya. Hindi naman talaga ako ang may gawa niyan di ba?

"I know Adiya. Just calm down okay?" pag cocomfort niya sakin habang lumalapit siya sa kinaroroonan ko nang dahan dahan.

"Breathe Adiya. Breathe" she added. I did what she told me to do. I breathe slowly when all the mixed emotions ,even the rage in me, subsided.

Napaluhod nalang bigla ang apat na mga batang kalaro ko na tila ba pagod na pagod sila at pawisan. Bigla silang napatingin sakin na para bang natatakot sila sakin. The way they looked at me it's like they are scared to get close to me. They are looking at me like I am some human with a contagious illness. Napatingala ang isang lalaki sakin at nagsalita nang may takot sakanyang mga mata.

"Curse. Your a walking curse" sabi nito at dali dali silang nagtakbuhan.

End of flashback

***

I want to forget everything that happened that day but they keep on coming back and hunts me like I am some kind of an animal. That word and that looks on their faces, i"ll never forget them. For them, I am a walking curse who causes trouble and pain to people around me and they look at me like I am some kind of a monster and a threat. Simula nang araw na yun, lahat nagbago. Kumalat ang balita tungkol sa kapangyarihan ko. I always thought that having a power is a gift but having one of the dark powers in the nation is really like a curse at simula rin nang araw nayun nilalayuan na ako nang mga tao na para bang nakakadira ako sa paningin nila not until I discovered something that I never thought that I could be. Something that changes everything.

***

Flashback

The bell rings and that only means one thing. It's time for training. Naglakad kami ni Zephyrine papunta sa training arena. Dito kami nagpapractice lahat, the training room is used only if a maximum of 10 students will practice there. Malaki ang training room pero wala pa ito kumpara sa arena. It is the biggest training center in the Elemental Nation. Lumabas kami nang west wing at naglakad papuntang north wing nang Academy.

Nang makarating kami sa north wing building dumiretso kami sa may lobby at huminto sa harap nang elevator. Pumasok kami sa loob nito at pinindot and underground. Yes the training arena is beneathe the north wing. Nasa baba ito nang building. Nang makarating kami ay agad kaming pumasok sa arena. Napakalaki nito. Makikita mo pagpasok ang isang napakalawak na damuhan at pinapaligiran iyon nang kagubatan.

Nang makapasok kami, bigla nalang naglaho ang pintuan sa likod namin, tila naging invicible ito at wala na kaming makitang pintuan, ang tanging nakikita nalang namin ay ang kagubatan at malawak na damuhan na nakapaligid samin. Pangalawang beses palang namin ni Zephyrine na napasok ang lugar nato kaya hindi pa namin masyadong kabisado ito. Ilang taon na din kaming nagtetraining ngunit simula pagkabata ko dito nako nag aaral. Pinasok ako nila mommy at daddy sa nag iisang pinaka prestihiyosong paaralan nato. Mom and Dad are both members of the Ace, The Elemental Council, and dad is the the chairman of the committee. Though I am their only chid, I never got a special treatment. Both my parents are a fan of equality, freedom and justice, and I am so proud of them.

Elemental Academy is not the only school in the city/nation dahil may mga iba pang mga schools sa city but this school is the biggest and respected school in the whole elemental nation and this school is not just for rich elementalist, lahat nang mga klase nang tao ay maaaring mag aral dito, mahirap ka man o mayaman. Sa una tutol ang ibang members nang council dito ngunit pinaliwanang nang mabuti nila mom na dapat balanse ang trato sa mga tao. Walang mahirap, walang mayaman at sa huli sumang ayon rin sila.

Dito sa arena na ito. Hindi lang simpleng training ang nagaganap kundi isa ring labanan. Apat na miyembro sa isang grupo base narin sa mga kapangyarihan na meron kami, ang mga elemental powers. Air, water, earth and fire.

"Good morning elemental children. Today you are going to have another battle. But this time, it won't just be a simple quest. From this, we will determine the greatest holder of the elemental powers. This time it won't be a one on one battle. It will be a group battle and this will be your second and last competition" sabi nang isang babae sa isip namin. Take note she's using mind link. Kinakausap kami nito sa isip. Nagbulong bulungan ang mga estudyante at tila ba naguguluhan. Napakunot noo ako. Anong ibig nilang sabihin sa last competition?

"Because the elemental power holders that'll win will represent our city in the Annual Salvos Quest. So we will just choose four students who possessed those powers" dagdag pa nang babae.

Muli nanamang napakunot ang aking noo sa huling pagkakataon. Elemental powers only refers to the power of air, water, earth and fire. Why am I here? I shouldn't be here. Mom and Dad should know this already, bat hindi nila ako sinabihan? I am the only student who doesn't possesses an elemental power. I only have one power and unfortunately it is considered as a dark power. Pain illusion.

"Now listen to who your groupmates are" ani nang babae still using the mind links. Freshmens to Seniors are all here. So ibig sabihin nasaming lahat ang pagpipilian. Mapipili kaya kami gayong may mga Juniors at Seniors kaming makakalaban? I look at both groups. Some of them are grinning widely beacause they know that they have the advantage here. Are the members of the council nuts? Why do they allow both the freshmen and sophomore students to join this stupid contest when they knew all along that the higher years are way stronger, intelligent and talented than us?

"Firth Misty Laxus, Spencer Powell, Scott Collin and Peyton Steven" anunsyo nang babae. Sila ang unang grupo. Napansin kong lumabas ang mga taong natawag at naglakad papunta sa harap. Nag high five ang dalawang lalake, mukhang magkakakilala sila pati narin ang dalawang babae. Sh*t this is unfair. Are they grouping us according to years and sections? They should choose randomly, isa per year level to be fair.

"Pyrrhos Laxus, Rayne Stevenson, Ametheist Johnson and Water McCole" sila naman ang pangalawang grupo.

"Lane List, Storm Corentin, Nathalie Sullivan, and Frost Williams" third group. I rolled my eyes as I confirmed what I suspected. Hindi nila ginugrupo ang mga studyante randomly, it's per year level. I listened as the announcer continued.

"Adiya Zhin King, Aella Parker, Flame Lacy, and Zephyrine West" halos hindi ako huminga nang narinig ko na binanggit ang pangalan ko, mabuti nalang at kagrupo ko si Zephy. Naglakad kami papunta sa harap. Napangiti ako nang sabay kaming nagkatinginan ni Zephy pero nawala ang ngiting yun nang makita ko si Aella sa tabi ni Flame. Aella and Flame are both my classmates. I didn't expect Flame to be one of my group mates but Aella? Mas lalong hindi ako makapaniwala. This is a disaster. I don't hate her, it's just that what she did back then was evil.

"Trevet Corentin, Night Phillips, Rayden Evans, and Light Andrews, you are the last group" aniya. Hindi ko napansin na last group na pala sila. Masyado kasi akong preoccupied kay Aella dahil siguradong hindi kami magkakasundo at baka matalo pa kami. Zephyrine has the power to manipulate air and she has the power to kill also in an instant, Aella has the power of earth and speed, Flame has the elemental power fire and light and I have the dark power. This is unfair we don't have a member who holds the power of water, unfair.

"Now your task is to find the magic phoenix" sabi nang babae. Napasinghap ang ibang mga estudyante at nagbulung bulungan. Phoenixes are impossible to find and catch, they know that pero bakit ito ang pinapagawa samin?

"Quiet" sita naman nang babae, napangiwi nalang ako dahil sa lakas nang boses niya, para akong nabingi. Tumigil naman ang mga students sa pag iingay.

"You need to help each other but you also need to fight each other but NOT to the extent of killing someone. Kelangan niyong mag unahan para makita at mahuli ang phoenix. Alam niyo naman na siguro kung anong kakayahan nang phoenix di ba?" she asked. Tumango kaming lahat. Mailap ang mga phoenix sa tao kaya kelangan naming mag ingat kung ayaw naming matusta lalo pa't wala kaming water power holder. Napasimangot nalang ako, pano kung matalo kami?

"Pero iisa lang ang dapat makakuha nito and that winner will recieve an special award together with his or her groupmates, am I clear? Any questions?" tanong niya

"How should we know when to stop fighting? What if hindi namin alam na unti unti na pala silang namamatay?" tanong ni Aella. Death. Pano mo nga ba mamamalayang mamamatay ka na or may napapatay ka na? Nainis ako nang biglang tumingin sakin si Aella at ngumisi. Is she refferring to me? Napatigil nalang ako bigla at para bang unti unting umakyat ang dugo sa ulo ko. Pano kung hindi ko makontrol ang kapangyarihan ko? Mananalo kaya kami? Pano kung may masaktan ako nang hindi sinasadya?

"Okay. Elemental students. Do the impossible" sabi nang babae. Hudyat na magsisimula na ang laban.

May pag asa ba kaming manalo? Magiging okay kaya ang labanang ito? At sino sino kaya ang mga mapipili sa Annual Salvos Quest?