((( Secretary Kim POV's )))
Iniwan nga ni Miss Monina ang kahon na pinaglagyan ng pera na siyang utos naman ni Master Cedrick.
Ngayon Boss, sabihin mo sa akin, talaga bang yung babae ang naghahabol sa kapatid niyo?
Ngunit bigla na naman itong natawa na parang kinulam kung sino man ang nagpapatawa sa kanya na wala namang nakakatawa.
Napatayo. Humarap sa akin.
"Narinig mo siya? Hinahamon niya ako. Tungkol sa first kiss niya? Sabihin mo nga, di ba siya swerte na
ako nakakuha ng first kiss niya?"
Napatitig ako sa kanya. Seryoso na ito ang tinatanong niya sa akin? Gusto kong mapahilot sa leeg ko ngunit pinigilan ko. Di makapag react sa tanong niya.
"Dagdagan mo pa ang perang yan! Triplehin mo!"
"Master Cedrick, hindi kaya…"
"Sinusuway mo ako?"Napailing na lamang ako. "Do it. Ayokong ginugulo niya ang kapatid ko."saka tumalikod siya na ang taas ng pride halos di mo makita kung saan na nga nakarating. Napailing na lamang ako.
So, anong gagawin dito sa pagkain na pinahanda niya?
Napatawag na lamang ako para nga ihatid na lang sa malapit na bahay ampunan ang gusto lang naman ni Master Cedrick makitang nahihirapan yung babae.
Masaya na siya sa ganto?
Habang nasa sasakyan. Di pa kami umuuwi. Hinihintay ng mga mata niya na lumabas sa likuran ang babae kung nasaan nga ang employee entrance at exit.
Anong trip ang pinag-gagawa ng Boss ko? Talagang may oras pa siya sa bagay na ito?
Ngunit ngumiti na lamang ako sa aking isipan. Dito nagsisismula ang lahat. Sa macurious ka ng husto tungkol sa isang tao. nagmumukhang stalker.
Lumabas na nga ang babaing hinihintay namin. Titig na titig ang mga mata niya dito.
Saka nga masayang binatukan ang katrabaho nitong lalaki at napakaway sa mga kasamahan ng masayang umalis.
"Lalakero."narinig kong bangit ni Master Cedrick "Follow her."
"Master Cedrick. Di natin siya masusundan ng di namamalayan dahil nakasunod lang sa atin ang comboy niyo."
"Tss.""Babalik na siya sa paaralan niya Master Cedrick. Saka meron kayong pagpupulong ngayon sa kompanya." yun ang isinantabi niya dahil lang sa pang-stalk kay Monina. Di ko alam kung ano ang nasa isipan niya ngayon.
Kaya naman pumunta nga siya ng kompanya at ako inayos na kung paano makakaabot ang pera ulit kay Monina.
Alam kong babalik naman ito kay Master Cedrick kaya naman minabuti ko na lamang sa bank account nito.
Nang tignan ko ang laman ng bank account nito kung magkano.
Kawawa naman. Ngunit di niya naisipan ngang kunin ang pera. Alam kong magtataka siya nito kaya magkikita kami ulit balang araw.
Saka yung tungkol nga sa full tank na gas na utang ko sa kanya.