((( Monina POV's )))
Matapos yung klase, bibig ng mga kaklase ko di na naman mapreno sa chismis nila.
Isinisilid ko na sa bag yung gamit ko ng biglang gulatin ako ni Angela ulit.
"Bess! Tignan mo ito."
Dyaryo? Himala di yung phone ang hawak niya. Nagka-interest na din sa traditional way noon na paghahatid ng balita sa mga bahay-bahay.
"Ano yan?"
Sumalubong sa paningin ko yung usap-usapan nga sa paligid, tungkol sa kilalang Dr. Alucard na walang picture at pangalan nito. Palaway lang. Alucard… Drakula. Isang doctor na hinahangaan ng mga simpleng mamayanan na kagaya namin. Pinipili kasi niya yung mga napaka unfortunate. Good for him.
"Ano sa kanya?"
"Si Dr. Alucard sinasabing bachelor daw!"
"Tapos?"
Nang bumukas ang pinto. At yung mga taga kabilang department. Nakilala ko yung nagpakuha nga ng larawang kay Justin Sy.
"Ayun si Ate Monina!"saka nila ako sinugod sa loob para nga mapatabi si Angela.
"Ate Monina! Babayaran ka namin kahit magkano! Basta makunan mo lang ng larawan si Dr. Alucard!"
"Dr. Alucard?" saka ila pinakita yung dyaryo na kanina lang pinakita sa akin ni Angela.
"Kahit magkano ate!"sabay-sabay nilang sabi. Napataas din ng kamay si Angela.
"Idagdag mo na din sa akin."
"Ganito ate, lahat ng malalaman mo sa kanya, babayaran ka namin! Saka nga ang hinihingi naming larawan."
Medyo napakamot ako.
"Di mo ba kaya Ate?"
Gusto ata nila ako mag-ala spiderman sa pader nito para nga mastalk yang Dr. Alucard.
Sabagay, curious din ako sa kanya. Sa mga kabutihan nitong ginagawa.
Napatango ako.
"Yieeee! Goodluck ate! Downpayment namin!" lapag nito ng isang tissue box na ang laman alam na.
"Ate wag kang mag-assume na puno yan. Hehehe. Dyan lang namin hinulog yung mga baon namin.So kailan ba ang first information sa kanya ate? Next week?"
Mahaba na din ang isang linggo.
"Game."
"Sinasabi ko na sa inyo Guys! Walang uurungan si Ate Monina."
"Sana wag mo kaming ifake news."
Napangiti na lamang ako.
"Ano ba kayo. Sa lahat ng pinaka-honest sa campus natin, si Monina ang kokoronahan!" si Angela na minarket na talaga ako. napakindat sa akin. Sabay bulong ng…
"Syempre may two percent ako sa income mo. Ahaha." at napatayo sa mesa. "Isigaw ang pangalan ni Monina!"
"Monina! Monina! Monina!"
Mga uto-uto din. Naririnig ko tuloy yung candy na Monami.
Lumabas na ako ng room dahil feeling ko napapakampanya ako ng dis-oras.
Haist. Saan ko naman makukuha ang Dr. Alucard na yan? Challenging. Mas maganda nga diba?
Hangang sa malalaglag ang puso ko ng may gumulat sa akin.
Pinagtawanan pa niya ako.