webnovel

Diary ng Single

May mga single na gustong maging taken. May mga taken na gustong maging single. Pero meron ding mga gusto nalang maging forever single ang status.

hanarilee · 现实
分數不夠
23 Chs

Entry # 14

"Di'ba last meeting I told you to bring your jowa? Where is your jowa? Bakit wala kayong dala?" Ma'am roamed around the classroom and stopped at the front of ate Vanessa. Akala ko sasabog na yung puso ko, jusmiyo! Paano kung ako yung piniili? Anong gagawin ko?

"Dala ko siya ma'am. Wait lang," kalmadong sagot ni Ate Vanessa. Meron siyang kinuhang papel sa kanyang bag. "Sorry ma'am. Nasa malayo kasi siya eh. Kaya pagtyagaan niyo nalang to."

Huh? May boyfriend si ate? Kelan pa? Nagkatinginan kami ni Ailou. Katulad ko, naguguluhan at nagulat rin siya. Tinignan naming mabuti ang litratong inilabas ni ate Vanessa. Sino kaya yun? Gwapo kaya? Kilala kaya namin?

Kilala ko nga. "Do Kyung Soo?" I blurted out loud ang bursted into laughter. Loko! Paano niya magiging jowa yun eh member yan ng EXO! Hello, EXO yun! Dyusmiyo! Akala ko naman kung sino!

"Gaguuu." Natatawang komento rin ni Ailou. The others started laughing too.

"Ms. Vanessa, Ang sabi ko, jowa. Niligawan ka ba niya?"

"No po ma'am."

"Yun naman pala. Hay nako. Puro kayo kalokohan. Oh siya, ang dami nating Segway dito. Bilisan na natin ang paglesson dahil malapit na ang final exam niyo."

"Since our topic is about how relationships begin and end, Can someone here share their experiences?"

"Si Jerald daw ma'am!" turo ni Keith sa kaklase naming nananahimik.

"Oh? Ba't ako? Ikaw ang may girlfriend dyan, eh. Single ako, no! SINGLE AND READY TO MINGLE!"

"Since kanina ka pa nagtuturo dyan, mind telling us about your intimate relationship, Mr. Lopez? Stand up."

Huh? My eyebrow rose. What the hell is going on here? Something's fishy.

"Lou, Di'ba kakabreak lang nina Rose at Keith?" pabulong kong tanong. Magkatabi kami ni Lou sa subject na'to.

"Oo. Bago na naman siguro. You know, panakip butas."

Anong panakip butas? Mukha ba kaming vulca seal na mga babae? Bwisit na'to.

Ano bang problema nitong lalakeng 'to? Wala man lang konsiderasyon sa feelings ni Rose. Poor, Rose. Given naman na lasinggero yang si Keith. Umiinom rin naman siya, pero kung bakit ka pa kasi nainlab sa isang gagong babaero.

"Mr. Lopez, do you have a girlfriend or a boyfriend?"

"Girlfriend ma'am!"

"Gaano na kayo katagal at paano kayo nagkakilala?"

"3 weeks, ma'am," he answered.

"Hoy! Four years and 3 weeks, kamo!"

"Oo nga. Bilangin mo yung mga taon na naging kayo noon tapos ngayon."

"Shh! Quiet!" saway ni ma'am kina Jerald. "So bale, ex mo pala siya, tapos ngayon nagkabalikan na naman kayo, is that correct?"

"Yes ma'am."

"Nakailang girlfriend ka na ba at pang-ilan mo siya?"

"I had ten. She's my first," walang kagatol-gatol niyang sagot sabay tingin kay Rose.

Si Rose? Nagce-cellphone. Hindi ko alam kung nakikinig siya, o mas pinili nalang niyang magbingi-bingihan para hindi masakit.

"WOAAAH!" the whole class reacted. Pfft. Ten? Para sa'kin hindi naman siya kagwapuhan. He is tall, and dark-skinned. Matangos ang ilong, kulot ang buhok, but he is not handsome. He is "tol, sa dark ka lang handsome" type for me.

Naalala ko nung first day of school, he tried to hit on me. He was so noisy! He keeps on passing me papers with corny stuffs like: " Alak ka ba? Kasi nalalasing ako sa ganda mo, eh." Ginagawa pang tulay si Heidi, tapos sa huli, naging kabit din pala siya ni Keith. They have an unofficial relationship.

Only stubborn headed girls like me could resist guys like him. Sus. Alam ko na yang mga galawan na yan.

"Oh. First love mo pala. Can you tell us how did you meet and how did you fall inlove with each other?"

"Classmates kami since highschool. Nagandahan ako sa kanya. Tapos it turned out that she is a cousin of my friend. Niligawan ko siya then naging kami. We broke up. College came. We separated ways. She's now studying at Ateneo." matipid niyang kwento.

Nubayan! That's it? Wala man lang kathrill-thrill.

Kapag ang isang tao, tipid magkwento, meron siyang tinatago. Ayaw niyang ibunyag ang nangyari. Masyadong private.

Hindi na siya pinilit pa ni ma'am na magkwento since parang wala naman siyang gana. Ang lakas makapatay ng ambiance sa classroom.

"Eh ikaw, miss Barluado?" Nagulat nalang ako nang tinawag ako ng boses ni ma'am.

"Ma'am?" Alam ko naman na para akong ewan dito, eh sa naestatwa na ako dito. Ano isasagot ko? Ano nga ulit yung tanong?

"Do you have a boyfriend? Or have you had a boyfriend?"

Lahat ng mata nakatutok sa akin. Lahat. Matamang nag-aabang kung ano ang isasagot ko, nagbabakasakaling may malaman tungkol sa buhay ko.

"N-not yet ma'am." I managed to show a smile, though I don't know if it's awkward or not.

"Oh, really?"

Bakit ba walang naniwala? Kakasabi ko nga lang di'ba?

"Maraming nakacrush sa kanya, ma'am!" dagdag pa ni Baron, isa sa mga kaklase kong lalake na tambay sa netshop kakalaro ng DOTA.

Marami? Pag sure. Sabihin na nating sikat ako dito sa campus. Kilala ako ng halos lahat ng mga estudyante, pero yun ay dahil active officer ako, hindi dahil sa ganda ko.

Mga imbentor talaga tong mga kaklase ko. Memasabi lang sa klase para di sila matukso eh. Para-Paraan din, ah. Ayos.