Sinusundan ng tingin ni Arnaisa ang crush na si Fritz na dumaan sa opisina ng council . Naghuhugis puso ang kanyang mata. "Madam! Ang gwapo talaga ni Fritz! Kaso kasama niya ang girlfriend niya. So sad."
Maya-maya pa'y may pumasok na grupo ng mga Political Science Students para magpasign ng clearance sa akin. At nang makaalis sila, agad na lumapit sa akin si Arnaisa at sumilip sa masterlist.
"Madam! Anong pangalan nung lalake na singkit? Hehe."
"Ah. Si kuya Neil? Back off ka na dahil ka M-U na yan ni ate Justine."
"Okay lang, no. Marami naman sila. Idagdag ko nalang siya sa listahan. Hihi."
Tinignan niya pang muli ang listahan at kinuha ang cellphone niya. She typed something. Sumilip si Ailou sa ginagawa ni Arnaisa.
"Arnaisa, Stalker ka! Yikes!"
Arnaisa denied Ailou's accusation. "Hoy hindi ah! Ikaw ang stalker!"
"Nge! Anong ako? Projection ka na naman dyan."
Their bickering was interrupted when we heard a knock on the open door.
Napalingon kami sa kumatok sa bukas na pintuan. "Excuse me, praningning. May farewell party for all SSG and Collegiate councils this incoming March. Pinapabigay ng OSAD itong call for a meeting."
I frowned. "Hindi ako si praningning!"
"HAHA! Praningning!" At inulit pa talaga. I rolled my eyes kasi naiinis na ako. Parang mapupunit na yung labi niya kakangiti.
"So masaya ka na nyan?"
"Sige na, bye." Tsk. Bwisit na'to.
--
"Lou, nakahanap ka na ng pictures?" tanong ko sa kanya habang ino-organize ang powerpoint presentation ng report namin. Tapos ko na siya actually pero kailangan pa ng supporting photos and videos para mas maganda at maintindihan ng mga kaklase namin.
Ayaw na ayaw kong nagka-copy paste lang at nagbabasa sa harapan kasi parang tanga. Ano pang silbi ng reporting kung binasa ko lang di'ba? Edi sana namigay nalang kami ng softcopy at nagpasabayang pagbigkas sa lahat. HAHA.
"Wait lang. Aish. Ang laki ng tuition natin tapos pagong yung Wi-fi," reklamo niya habang nakaismid. Napapout din siya sa inis. Ang cute!
"Lipat nalang tayo sa Engineering Department. WLAN yun. Mabilis. Mas mabilis pa sa proseso ng pagmo-move on mo," suggest ko na may halong banat.
"Che! Siraulo!" natatawang tugon niya. Tapos pinalo na naman ako sa braso. Iniligpit na namin ang aming mga gamit. I am carrying a bagpack on my back, and an Acer bag plus this damn envelope.
Tapon ko nalang kaya 'to? Joke. Thesis namin 'to.
"Ako na dyan." Ailou offered to take the envelope. "Kamsahamnida, chingu."
--
Nakapwesto na rin kami dito sa Engineering Department. Maraming mga estudyante ang nakatambay pero hindi naman gaanong crowded since gabi na. Ang mga nandito nalang ay yung may night classes, nakiki-wifi, at may hinihintay.
Mabilis naming natapos ang report dahil sa bilis na rin ng internet at nagchill muna sandali. I opened my facebook and nagpamusic muna ng k-pop songs sa youtube.
Marc Kenneth Fariolan and 5 others have birthdays today. Help them celebrate by greeting them a happy birthday!
What? So, kaya pala ang saya ng loko. Di man lang nagsabi na birthday pala niya. I went to his timeline to type a happy birthday message for him. Pero bago yun, natagpuan ko ang sarili kong nagso-scroll sa mga greetings.
Happy Birthday Marc! Stay pogi and SS sa inyo!
Stay Strong? So sila pa rin pala ng jowa niya na hindi ko man lang kilala. Two years na yang stay strong na yan. I scrolled for more and read.
Happy Birthday to this pogi, smart, and funny young man! Thank you for being my friend. Alam ko busy ang career mo as a Vice gov but you still make time to be with us and tandaan mo kahit palaaway ka, lab ka namin. EWWW. HAHAHA. Take care always, GBU, and SS sa inyo! Wala kang karapatang paiyakin siya dahil FYI, ang swerte mo sa kanya. Malas niya sa'yo. Wag kang choosy. HAHAHA.
HBD, bro!
I scrolled and scrolled and scrolled but to no avail, wala akong makitang trace ng babaeng yon. Wala naman kasi akong may nakita na sweet greetings doon na posibleng magmula sa secret gf niya.
Sino kaya siya? Ano kayang nagustuhan dun ni Marc? Maganda ba siya? Matalino? Sexy? Mabait ba? Mahinhin? Kilala ko ba? Just who the hell is she para mapaibig niya ang isang flirt at perfectionist na Marc Kenneth Fariolan?
Parang wala kasi siyang sineseryoso noong HS. Parang part na talaga ng sistema niya ang pagiging clingy na bully na flirt sa mga babaeng trip niya. Or did I just misjudge him?
Ewan. Wala namang problema dun. I have more important things to deal with. Dahil kahit minsang umikot ang mundo ko sa kanya, hindi naman umikot ang mundo niya sa akin. Iba ang mundo niya.
So, what? I can make mine too. I can make my own happy world with the ones who cherish me and I cherish.
Naghikab ako at nagstretching. I heard my tummy grumble. The organ dialect tells me that I should feed my intestine or else magwawala ang kyubi sa loob ng tyan ko.
"Ailou, gutom na'ko."
"Ako rin. Anong gusto mong kainin?"
"Ano bang masarap?" tanong ko sa hangin tapos nagsimula nang maglakbay ang aking isip tungkol sa iba't ibang putahe at pagkain.
Nakakasawa naman yung turon. Burger kaya? Pero ang pangit ng patti nila. Haist gusto ko ng tapioca preo bitin! Ah alam ko na. Popcorn nalang. Ten pesos lang, marami na. Tapos parang masarap rin uminom ng malamig na juice.
"Bibili ako ng pancit sa canteen. Ano sa'yo?"
"Popcorn nalang. Tapos nestea apple. Apple ha. Kung walang apple, cloud 9 na choco nalang, ha. Thanks."
"Okay."
While she was gone, I tried to finish writing our methodology but I felt a strange feeling again which compelled me to turn around and look at people around me.
Napapadalas na ang pagkaramdam ko nito. And I don't even know why. Napapraning ba ako? Di kaya, bumubukas ang third-eye ko? Aisssh. Tumigil ka nga Pen.
"Hay, BOBO! Sige pabuhat kayo dyan."
"The tourage is under attack! You have slain an enemy! Savage!" On my left, there's a group of students busy playing mobile legends.
"Hontouni baka deshou? HAHAHA!"
"YURUSENAI!"
On my right, there are students who are watching anime on their respective laptops. Others at my front side are busy discussing their thesis and other requirements.
Nothing peculiar. I turned at my back but to my surprise, our eyes met. I met eyes with this unfamiliar schoolmate. Hence, he is a stranger to me. He quickly averted his gaze to me and turned to his friends.
He is a tall skinny guy wearing a black-rimmed glasses. He is wearing a dark blue hoodie jacket which covers his already pitch black hair.
Is it me? Or he was already staring at me before I turned at my back?
Baka nagkataon lang? Wag assuming, Penelope. Why would he stare at you anyway eh mukha kang binagyo ng stress.
"Ikaw tol, ah! Haha!"
"Ah, siya pala ang crush mo, ah! Isusumbong kita!"
"Gago ka!"
"Hindi ka kasi marunong manligaw! Let me teach you my moves."
Hinayaan ko nalang sila. Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko hanggang sa dumating si Ailou, dala ang mga pagkain.
I tried to eat, as normal as I could. I tried to ignore the strange feeling again.
I tried. Although it's still there.