webnovel

Diary ng Dakilang Bitter (Walang Forever Believer)

Akirokyd · 青春言情
分數不夠
26 Chs

Bitter 18

Dear Diary,

Habang nasa sasakyan ako hindi ko maiwasang isipin kung lahat ba ng ipinakita ni Asphyx sa'kin noon ay totoo. Mula noong nagkakilala kami, totoo kaya lahat iyon? O parte lang ng pagpapanggap nila? Potanis ba sila?

Bakit nga ba sila nagpapanggap? Para saan? Potanis diary! Di ko talaga kinikeri! Mapepektusan ko talaga sila pag nalaman ko kung ano ang dahilan nila.

Pinagmukha nila akong tanga. Ano ba naman 'yung sabibin nila sa'kin di ba na —

'Milan na maganda, magkakilala kami.' 

O kaya naman —

'Beautiful and almost perfect Milan, may sakit si Clent. 'Yung childhood crush mo.'

Ang daling sabibin di ba? Kailangan ba talaga ganito? Kailangan sa ganitong paraan ko pa malaman?

Sa ngayon, ang gusto ko lang malaman ang katotohanan, diary.  Gusto ko lang makuha lahat ng sagot ngayon. Kung wala akong makukuha kay Nanay, pupunta ako kay Asphyx. Subukan lang niyang magsinungaling sa'kin. Sa ngayon, uuwi muna ako ng bahay para magbihis at kumuha ng pera. Hahanapin ko si Asphyx, diary. Kahit saang lupalop pa siya, hahanapin ko 'yung damuhong iyon.

Huminto ang tricylcle sa tapat ng bahay diary. Sabi ko na hintayin ako at kukuha ng pera. Wala akong balak mag-1,2,3 ngayon. Wala ako sa mood. Siguro bukas pwede. Nang pumasok ako ng bahay, nadatnan ko si Mumoy na naglalaro ng ML. Potanis na 'yan, walang alam gawin kundi mag-ML.

Hindi ko muna siya pinansin at kumuha ng pambayad ko. Paglabas ko kinausap ko 'yung driver, diary. Sabi ko hintayin niya ako at may pupuntahan pa ako. Pumayag naman siya. Subukan lang niyang hindi pumayag, sasabihin ko sa barangay na kolorum 'yung tricycle niya.

Pumasok ulit ako ng bahay at doon lang ako napansin ni Mumoy.

"Oh ate, okay ka na? Nasaan si Nanay?" pagtatanong niya sa'kin.

"Hindi ba halata, Mumoy? Si Nanay tulog, umalis, sumama kay Tatay sa ibang bansa." Pagtataray ko sa kanya. Ang gaga naniwala naman.

Dahil bwisit pa ako sa kanila ni Nanay, hindi ko na siya hinintay na sumagot at dumiretso na sa kwarto ko. Nagsuot  lang ako ng maong na shorts at itim na t-shirt. Kahit naman anong suot ko diary maganda pa rin ako. Duh. Kumuha na rin ako ng pera sa pitaka ko. Mayroon naman akong naipon sa pagtitinda ko sa karinderia ni Nanay, kaya iyon na lang ang gagamitin ko.

Aalis na sana ako ng bahay nang may maalala ako. Bumalik ako sa loob at dumiretso sa kwarto ni Nanay.

Kukunin ko iyong mga litrato ko, diary.

Pagpasok ko, una kong tinungo ang cabinet niya kung saan ko iyon nakita. Hinaluhhog ko na ang laman ng cabinet diary pero wala pa.

Tinago kaya iyon ni Nanay diary?

Pero saan? Taenis pahihirapan pa ako.

Sinilip ko sa ilalim ng kama ni Nanay pero tanging mga maleta lang ang nakita ko.

"Moy!" pagtatawag ko sa hukluban kong kapatid. Lumapit naman siya sa'kin nang nankatutok ang mata sa selpon niya. Pisting yawa talaga.

"Nasaan 'yung kahon na maliit dito sa taas ng cabinet ni Nanay? Alam mo ba kung nasaan?"

"Ang alin?"

"'Yung kahon na maliit dito sa ibabaw ng cabinet ni Nanay kako, nasaan?"

Nakatingin pa rin siya sa selpon niya at di man lang magawang lumingon sa gawi ko. Potanis.

"Ah, 'yung kahon na maliit? 'Yung tumama sa ulo mo? 'Yung may laman na pictures?"

"Oo, nasaan iyon?" pagtatananong ko na naman. Pisti na 'yan. Kanina pa ako dito ah!

"Hindi ko alam eh." Napasabunot naman ako sa buhok ko dahil sa sinabi ng hinayupak na 'to. Napakagandang kausap, napaka may sense pramis!

"Umalis ka na sa harap ko Mumoy. Nandidilim paningin ko sa'yo letche ka. Wala kang kwentang kausap. Umalis ka na bago pa ako tuluyang ma-highblood sa'yo. Labas!" Agad naman niyang sinunod ang sabi ko. Nakakapunyeta.

Nagpatuloy ako sa paghahanap diary kahit na bumubusina na 'yung tricycle sa labas. Maghintay ka jan, letche. Tinignan ko sa maliit na cabinet na nasa gilid ng kama ni Nanay pero wala rin. Tinaas ko na rin ang kama ni Nanay pero wala rin. Potanis saan ko hahanapin 'yun?!

Sumilip ulit ako sa sa ilalim ng kama at hinila ang mga maletang nandoon. Nagbabakasakaling dito nilagay ni Nanay, diary. Medyo maalikabok pa kaya kinailangan ko pang ipagpag.

Dirty talaga si Nanay.

Nang buksan ko ito, tumambad sa'kin ang mga panty'ng sira-sira at puro butas na. As usual, panty 'to ni Nanay. Nagbe-bacon na 'yung garter eh. Kinalkal ko iyon at nakita ko ang kahon sa ilalim nito.

Kala mo 'Nay ah.

Kinuha ko lahat ng laman no'n na pictures at nilagay sa sling bag ko. Hindi ko na inayos ang iyon at tumakbo na ako palabas ng bahay. Bahala na sila Nanay jan.

Tumakbo na ako palabas at nakitang natutulog na ang driver. Aba, matindi. Hindi ba niya alam 'yung kasabihan na 'Don't sleep if you're not sleepy'? Shunga shunga naman ni kuya, myghads. Sumakay ako sa loob at ginising siya.

"Kuya, tara na. Ako na lang kaya magdrive, tulog ka na lang dito. Kakahiya naman sa'yo." Pambabara ko. Napakamot naman ito sa ulo.

"Medyo matagal ka kasi eh di inantok ako. Saan pala tayo?" Oo nga, saan pala ako pupunta? Eh hindi ko naman alam kung saang ospital naka-confine si Klentong?

Isip, Milan, isip. Tulungan mo 'ko diary!

Saan ba pwedeng i-con--

Saan ko ba huling nakita si Asphyx?

Sa ospital malapit sa pet shop.

Dahil alam ko na, na magkakilala sila ni Nanay, alam ko na nagsisinungaling lang si Asphyx 'nung sabihin niyang nasa probinsya siya at wala sa ospital. Tama!

"Kuya sa San Joaquin Medical Center tayo."

Agad namang binuhay ni Kuya Driver 'yung makina ng tricycle at saka na kami lumarga diary. Sigurado ako diary na kinausap lang ni Asphyx 'yung mga guard at nurse 'nung nagtanong ako. Tupang ina talaga 'nung lalaking 'yon.

Nagsimula na naman akong kabahan diary. Hindi ko alam kung kakayanin ko lahat ng mga sasabihin mamaya ni Asphyx... kung mayroon man.

Inabot rin kami ng bente minutos diary. Kinakabahang bumaba ako sa tapat ng ospital. Hahakbang na dapat ako kaso may epal diary.

"Ah Miss, 'yung bayad mo. Huwag ka namang mandurugas, pwede?" Kinuha ko 'yung pera sa pitaka ko at sinupalpal sa mukha 'nung driver. Panira ka ng moment, my ghad.

Pumasok ako sa loob at pumunta sa front desk. Subukan nila ngayong magsinungaling, makaktikim sila sa'kin.

"Miss, saan dito 'yung room ni Calyx Clent Strikeland?" tanong ko sa nurse. Buti na lang at naalala ko na lahat, pati ang pangalan ni Klentong. Tumingin sa'kin 'yung nurse saka sinitsitan 'yung kasama niya. Lumapit naman ito at pasimpleng nag-usap.

"Ah Miss, walang pasyenteng ganoon dito eh. Baka sa ibang ospital." Sabi ko na eh. Talagang binibeast mode nila ako huh.

Kinuha ko 'yung syringe na nasa tray at pinakita sa kanila 'yun. "Sasabihin mo ba sa'kin kung anong room o isasaksak ko sa inyo 'to?" Pananakot ko. Sana naman makuha sila sa paganito ko. Siguro kung si Mimi ang nandito, kahit wala ng syringe, matatakot 'tong mga 'to. Mukha pa lang ni Mimi pamatay na eh.

Sinabi din naman niya agad kung anong room si Clent. Sabi na eh nandito sila. Nakakapunyeta talaga sila! Room #143 daw si Clent. Potanis, 143 talaga? Talandi rin pala 'tong mga 'to eh.

Hindi maiwasang kabahan habang tinatahak ko ang daan papunta sa kwarto ni Clent. Puro tanong ang tumatakbo sa isip ko ngayon, diary. Ano kaya ang sakit niya? Bakit hindi na siya nagpakita sa'kin noon? Hindi ba niya alam na na-comatose ako? Hindi niya ba ako hinanap? Hindi na ba niya ako crush?

Parang sa isang iglap, bumalik lahat ng ala-ala naming dalawa 'nung mga bata pa lang kami... bumalik pati 'yung nararamdaman ko sa kaniya dati. Bata pa lang kami noon pero alam na namin ang nararamdaman namin. Sigurado kami sa kung ano ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko, diary. Agad ko namang pinunasan iyon, diary.

Potanis, ang iyakin mo Milan.

Malapit na ako sa kwarto ni Clent nang makita ko si Asphyx sa labas. Nakatalikod siya at may kausap sa telepono niya. Lumapit ako para marinig ang pinag-uusapan nila. Chismosa na kung chismosa.

"That's what I'm telling you, Tita. Hindi ka nag-iingat. Pa'no na 'yan ngayon?"  sigurado ako na si Nanay ang kausap niya. Wala na kayong magagawa, alam ko na eh.

"Buti na lang hindi niya alam kung saang ospital naka-confine si Kuya."  Kuya? So, magkapatid sila? Napakasapo naman ako sa noo ko nang may maalala ako. Ano na nga  apelyido ni Asphyx?

Strikeland, di ba?

Eh ano ding apelyido 'yung sinabi ko kanina sa Nurse?

Strikeland din.

Oh, eh di magkapatid nga sila. Ang galing ko talaga.

Saka anong sabi niya? Hindi ko alam kung saan naka-confine si Clent? Napangisi naman ako dahil sa sinabi niya. Well, hindi lang maganda si Milan, matalino rin siya. Right, diary?

Ang brainy ko talaga!

Magsasalita pa sana siya diary pero nagsalita na ako.

"'Yun nga eh, alam ko na kung saang ospital." Gaya ni Nanay, halata rin ang gulat sa mukha ni Asphyx.

"M-m-milan?! A-anong g-ginag-gawa mo d-d-dito?!" nauutal niyang tanong. Tang inis ka, Asphyx, tang inis ka.

"Nandito ako para sampalin ka." Sinampal ko siya agad diary. Hindi lang basta sampal, mag-asawang sampal, diary. Anong akala niya sa'kin? Duh, I'm not heat. In tagalog, hindi ako mahina!

"Bakit Asphyx? Bakit kailangan niyong magsinungaling sa'kin? Bakit kailangan mong magpanggap na hindi mo ako kilala?! Bakit?!" Potanis, nanlalabo na naman ang mga mata ko diary. Iyakin na talaga ako, shuta.

Nananatili siyang tahimik diary. Ano hindi din siya sasagot?

"Sagutin mo ang tanong ko Asphyx. Wala akong makuhang sagot kay Nanay kaya sa'yo ako pumunta, pero ano? Hindi ka rin makasagot?! Potanis ka!" Nagsimula na akong umiyak, diary. Bakit hindi nila magawang sagutin ang mga tanong ko? Masyado bang mahirap?

"Asphyx naman eh! Bakit? Ang simple simple 'nung tanong ko hindi mo masagot?! Bakit kai--"

"Dahil kailangan!"

"Kailangan? Bakit nga?"

Natigilan ako sa sinagot niya diary. "Dahil iyon ang hiling ni Kuya." Hiling ni Clent? Hiling niya na gaguhin ako?

"Hindi ko maintindihan, Asphyx! Anong hiling? Hiling ba ni Clent na gaguhin at tarantaduhin ako?!" Wala na akong pakialam kung ano na ang itsura ko ngayon. Pakiramdam ko sumasabay sa luha ko ang sipon ko, pero wala akong pake! Bahala na jan! "Lahat ba ng pinakita mo sa'kin, hindi totoo? Lahat ba iyon parte lang plano niyo?!"

Nanatili siyang tahimik. Samantalang ako dire-diretso sa pagluha.

"Lahat ng pinakita at ginawa ko kasama ka ay hiling ni Kuya." Putang ina. Lahat ng iyon?! Hinayaan ko lang siyang magsalita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "May sakit si Kuya. Lung Cancer. Palala na nang palala ang lagay niya. At iyon ang hiling niya... na huwag ipaalam sa'yo ang kalagayan niyam at gawin ko ang mga pangako niya sa'yo 'nung bata pa kayo... dahil wala na siyang kakayanang gawin iyon ngayon."

Nanlumo ako dahil sa sinabi niya. "Hindi ko alam kung naaalala mo pa, ang unang pangako sa'yo ni Kuya ay ang maging magkaklase kayo. Tinupad ko iyon. Naging magkaklase tayo. Sa sementeryo, kinausap namin si Tita Mirna para ipaalam ang gagawin ko. Pumayag siya. Pangalawa ay iyong pangako niya sa'yo na ililibre ka niya. Tinupad ko ulit 'yun. Kasama ka kahit saan, ginawa ko din. 'Yung pagkain natin sa mga turo-turo, pangako niya sa'yo yun. At pati 'yung pagsayaw ko sayo sa blind date. Lahat iyon pangako niya sa'yo na gusto niyang tuparin ko."

Biglang bumalik lahat ng ala-ala namin noon. 'Nung mga panahong sinasabi siya sa'kin lahat ng pangako niya.

"Basta paglaki natin dapat maging magkaklase tayo ha? Para maging campus loveteam tayo. Tapos lagi kitang ililibre. Kasi ayokong nakikita na gutom ka. Mahal kaya kita. Kahit anong gusto mo ibibili ko para sa'yo. Isasayaw rin kita para 'pag may sayawan sa school. Dapat kikiligin ka do'n ha? Kasi syempre isasayaw ka ng prince charming mo. Tapos pangako rin, 'pag malaki na tayo, lagi tayong magkasama. Hinding hindi tayo maghihiwalay. Kung nasaan ka, nandoon ako. Tayo ang magpapatunay na mayroong forever. At kapag nasa tamang edad na tayo, magpapakasal tayo. Saan mo ba gustong ikasal? Sa pari o sa mayor?"

"Syempre, sa'yo. Para naman 'tong sira. Akala ko ba mahal mo ako? Bakit ipinapakasal mo ako sa iba?"

"Sabi ko, saan mo gusto? Sa simbahan o sa beach?"

"Kahit saan, basta kasama kita."

"Pangako 'yan ah? Tutuparin ko rin lahat ng pangako ko sa'yo 'pag malaki na tayo. Baka habulin ako ng Nanay mo ng itak eh."

"Oo. Promise?"

"Promise!"

Pagkatapos no'n at hinalikan ako sa noo ni Klentong. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. Oo, tinupad niya ang pangako  niya... si Asphyx nga lang ang gumawa.

Parang gripo 'tong mata ko, walang tigil sa pagluha. Inaalo ako ni Asphyx pero wala pa ring tigil ang mata ko.

Nang medyo kumalma ako, pinunasan ko ang luha ko. "Dalhin mo ako kay Clent. Gusto ko siyang makita."

***