webnovel

Diary ng Dakilang Bitter (Walang Forever Believer)

Akirokyd · Teen
Not enough ratings
26 Chs

Bitter 19

Dear Diary,

Nanginginig ang kamay ko diary habang binibuksan ni Asphyx ang kwarto ni Clent. Hindi ko alam kung kakayanin ko. Nakakapunyeta na naman. My ghads, Lord bakit ganito? Wala naman akong atraso sa'yo ah?

Huminga ako nang malalim bago tuluyang makapasok sa loob. Unang bumungad sa'kin ay babaeng sa tingin ko Nanay nila. Siguro ka-age lang siya ni Nanay, mga kwarenta ganoon. Nakapusod siya tapos nakasuot ng palda na mahaba, kulay puti siya tapos may design na bulaklak sa baba. Nakasuot din siya ng salamin saka kulay asul na blouse.

Nginitian niya ako, diary. Syempre para naman hindi ako magmukhang bastos ngumiti rin ako. Duh, maganda kaya ako tapos magalang pa.

Potanis, ang umangal talaga kakaltukan ko eyeballs niya.

Napako ang tingin ko diary sa taong nakahiga sa hospital bed.

Walang buhok, namumutla, buto't balat. Nagsimulang manubig ang mata ko, diary. Hindi ko akalain na ganito na kalala ang kalagayan niya. Hindi ko akalain na nasa bingit na siya ng kamatayan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ako... kung malulungkot ako at maawa sa kanya o matutuwa dahil sa loob ng mahigit sampung taon ay nakita ko ulit siya.

Dahan dahan akong lumapit sa kaniya nang nanginginig ang kamay at patuloy ang pag-agos ng luha. Tumingin siya sa'kin diary. Parang tinutusok ang puso ko dahil sa kalagayan niya.

Nginitian niya ako nang makaupo ako sa silyang nasa tabi ng kama. Dire-diretso pa rin ang pagluha ko nang hinawakan ko ang kamay niya.

Sinapo ko ang mukha ko gamit ang kamay niya. Marahan niyang pinunasan ang luha ko, diary. Napapikit naman ako at dinamdam ang pagkakataong ito.

"M-m-milan..." Kahit nahihirapan ay nagawa niyang banggitin ang pangalan ko.

"A-ng p-p-pangit mo p-parin..." Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Nagawa pa rin niya akong asarin... tulad ng lagi niyang ginagawa sa'kin noon.

Pinunasan ko ang luha ko bago sumagot,diary. "Ang gwapo mo pa rin. Pakurot nga ng singit." Sabi ko saka natawa ulit. Nakita kong tumawa rin siya nang mahina dahil sa biro ko.

"N-n-nagk-kita u-ulit tayo," ngayon, kamay ko naman ang hinawakan niya. "Na-miss kita." Hindi nakatakas sa mata ko ang luhang lumabas sa kanang mata niya, diary.

"Na-miss rin kita, Klentong," hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya saka iyon hinalikan.

Inaalala ko diary kung nakapagtoothbrush ba ako kanina. Baka maamoy niya 'yung hinalikan ko, mahilo siya. Bahala na nga, basta ang mahalaga magkasama kami. Right, diary?

"Ang daya mo. 'Di mo'ko pinuntahan 'nung na-comatose ako," Pag-eemote ko sa kaniya. Nilabas ko 'yung mga litrato na nasa bag ko, diary at pinakita iyon sa kaniya. Kinuha niya ang litrato, diary at bakas sa mukha niya ang gulat at lungkot.

Lumapit sa'min 'yung babaeng ka-age ni Nanay. Dahil nga nahihirapang magsalita si Klentong, siya na ang nagsalita. "Ako 'yung Nanay nila. Pwede mo akong tawaging Tita Eli." Panimula niya. Sa tinagal-tagal naming magkaibihan noon ni Clent, 'di ko man lang nalaman ang panagalan ng Nanay niya. Lagi kasing sa bahay nagpupunta noon si Clent, hindi pa ako nalapunta sa bahay nila noon, diary dahil malayo.

Nginitian ko na lang si Tita Eli, diary. Syempre maganda ako ako kaya magandang smile ang pinakita ko. Duh, killer smile 'to, diary 'no.

"Hindi niya alam na na-comatose ka." Panimula niya. Hindi niya alam? Hindi ba siya nagtaka na hindi na niya ako nakakalaro?

"Hindi po ba niya ako hinanap o nagtaka man lang na hindi na niya ako nakikita at nakakalaro?" tanong ko. Kask di ba diary dapat hinanap niya ako. Pero bakit di niya ginawa?

"Lumayo kami. Kailangan naming umalis at magpakalayo-layo..." Umalis? Ano naman ang dahilan nila?

Mukhang may pasabog na naman, diary.

"B-bakit po? Ano po bang mangyari?"

"Dahil 'yun ang gusto ng Nanay mo... 'yun ang gusto ni Mirna."

Nagtaka ako agad. Gusto ni Nanay?

"Ni Nanay? Bakit?" Halata ang pagtataka sa mukha ko, diary.

Kaloka si Nanay, diary. Hindi na ako natutuwa sa mga lihim niya sa'kin. Kakaltukan ko na siya talaga. Dirty na nga siya masikreto pa.

"Hindi ba niya sinabi sa'yo?" Ngayon si Asphyx naman ang nagsalita. Naglakad siya papunta sa'min.

"Ang alin? Tinago niya sa'kin lahat. Tinago din niya pati ang pagkaka-comatose ko. Pati ang pagiging magkakilala niyo ni Nanay, tinago niyo sa'kin. Hindi ko alam kung alin ang totoo sa lahat ng pinakita niyo." Mahaba kong paliwanang sa kanila.

Sa lahat ng mga pinakita nila sa'kin, hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko. Kalahati ng buhay ko puro kasinungalingan.

"Si Kuya ang dahilan kung bakit ka na-comatose. Kung bakit ka nagkaroon ng mild amnesia." Sagot ni Asphyx. "Kaya hindi ka na nadalaw at nahanap ni Kuya dahil gusto ng Nanay mo na umalis kami... na lumayo sa'yo. Galit siya sa'min dahil sa nangyari sa'yo." dagdag niya pa.

Nanatili akong tahimik, diary. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Siya? Siya 'yung batang naka-hoodie na tinulak ko?

Tumingin ako kay Clent. Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko. Gusto kong magalit sa kaniya pero hindi ko magawa. Parang ayoko nang ipakita sa kaniya na galit ako kasi hindi niya deserve 'yun. Hindi niya deserve ang kahit anong sama ng loob ngayon, diary. Alam ko na nalalabi na lang ang araw niya sa mundong 'to, diary. Siguro ilang araw, linggo o buwan na lang ang itagal niya at ayokong dalhin niya ang galit ko. Gusto kong baunin niya ang kasiyahan ko na nakita namin ulit ang isa't isa... kahit na ganito ang kalagayan niya.

"S-sorry, M-milan. P-p-patawarin mo ako." Nagsimulang magtubig ang kaniyang mga mata.

Agad ko namang pinunasan iyon at nginitian siya.

"Napatawad na kita, Klentong... dahil wala namang may kasalanan no'n. Walang may gustong mangyari 'yun." Nginitian naman niya ako.

"S-salamat."

---

"Salamat sa pag-intindi, Milan. Kahit na tutol ang Nanay mo dito." Nandito kami ngayon sa labas ng kwarto ni Klentong, diary. Nagpapahinga na siya. Ayoko naman na istorbohin ang pagpapahinga niya dahil kailangan niya 'yun. Si Asphyx naman lumabas saglit dahil bumili ng pagkain nila ni Tita Eli.

Kanina pa nagpapasalamat sa'kin si Tita Eli at kanina ko pa rin siya sinasaabihan ng 'walang anuman'. Medyo makulot siya, diary. Sarap ding kaltukan sa bumbunan. Pero may joke. Baka ako ang ipalit kay Clent sa hospital bed eh di naloka ako.

"Walang anuman po. Kahit na nilihim niyo sa'kin 'to, masaya rin ako kasi nagkita ulit kami ni Clent... sa ganitong sitwasyon nga lang. Pero okay na rin po 'yun. At least nakita ko na naging masaya ulit si Clent."

Oh, pak! Ang galang ko, di ba? Dapat ganiyan ang galawan, diary. Dapat pabango tayo sa future Mother-in-Law natin. Charot.

"Mabuti naman kung ganoon. Salamat talaga, pati na rin kay Mirna. Dahil pumayag siya sa gustong mangyari ni Clent... na magpanggap ang kambal niyang si Asphyx bilang siya para matupad ang mga pangako niya sa'yo, kahit na noong una, tutol si Mirna." Nanunubig na naman ang mata niya. Mukhang may MMK ngayon ah. Pero sige, pagbigyan natin, diary. Wala namang masama doon di ba? Ang masama, 'yung mukha ni Mimi. Bigla namang tumunog !yung tiyan ko. Pero mukhang 'di naman napansin si Tita Eli kaya go lang. "Kahit na hindi maganda ang pinagsamahan noon ng Nanay mo, pinagbigyan niya na mangyari 'to." Nag-away ba sila ni Nanay?

"Nagkasamaan po ba kayo ng loob ni Nanay dati?" pagtatanong ko. Alam ko namang medyo may attitude si Nanay, diary pero hindi ko naman inaasahang mayroon talaga siyang kaaway, bukod sa Mother Pugita ni Mimi na si  Aling Mameng.

"Hindi na naman kinuwento sa'yo ni Mirna , ano?" Tumango naman ako dahil doon. Pag-uwi ko ng bahay parang gusto kong konyatan si Nanay, diary. Kahit isang beses lang. Pwede naman sigurong maging masamang anak kahit minsan 'no?

"Matalik kaming magkaibigan ni Mirna. Bestfriends kumbaga. Mula high school hanggang magkaroon siya ng anak, magkaibigan kami. Bata ka pa no'n, siguro mga limang taon o anim na taong gulang ka pa lang."

"Ano pong nangyari sa inyo, bakit kayo nagka-alitan?"

"Huwag ka sanang magalit sa'kin, ha? Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko 'yun ginusto. Ano kase, ah ako 'yung—"

"Milan! Tumawag sa'kin si Mumoy! Nahimatay daw si Tita Mirna!" Hindi natapos ang sinasabi ni Tita Eli dahil bigla akong tinawag si Asphyx, diary.

"Ano?" Tanong ko ulit. Hindi ko kasi masyadong naintindihan. Nag-eecho 'yung boses niya sa hallway ng ospital.

"Si Tita Mirna, nahimatay daw!" sagot naman niya.

"Ahh, 'yun lang naman pala eh. Nahimatay la— ano?!"  Napatayo naman ako sa kinauupuan ko, diary dahil sa gulat.

Potanis, diary! Si Kumareng Mirna mo!

"Ano daw bang nangyari?!" Tanong ko ulit habang inaayos ko 'yung sling bag ko. Kailangan ko nang umuwi. Baka kung mapano pa si Nanay, diary!

"Hindi ko alam. Basta tumawag lang sa'kin si Mumoy gamit 'yung telepono ng Nanay mo." Potanis! Wala talagang kwenta 'yung lalaking 'yun, diary. Makakatikim talaga sa'kin ng pektus 'yun mamaya!

"Tita, mauna na po ako ah? Sa susunod na chapter na lang po tayo mag-chikahan. Mukhang inatake ng highblood ang Nanay eh. Pasabi na lang po kay Clent. Salamat po!" Bumeso ako aa kaniya diary saka dali-daling lumabas mg ospital.

"Sige, mag-ingat ka ha? Salamat ulit!" Rinig ko pang sigaw niya.

"Opo!" sigaw ko kahit nakatalikod na ako sa kaniya.

Ano na naman kayang nangyari kay Nanay, diary?! Baka inatake nga na naman siya ng highblood? Puro gulay na nga ang kinakain, na-highblood pa rin, my ghads!

Tinignan ko ang selpon ko at nakitang mag-a-alas singko na pala, diary!

Naalala ko sinugod pala nila ako sa ospital nang alas diyes nang gabi tapos umalis ako doon nang alas diyes din nang umaga pagkatapos ng komprontasyon namin ni Nanay. Wala pang laman ang tiyan ko diary mula kaninang umaga! Kaya pala tumunog kanina nung nag-uusap kami ni Tita Eli, gutom na pala ang mga bulate ko. In english, my earthworms are scarving.

Scarving 'yun di ba? Basta 'yun na 'yun!

Nang makalabas ako ng ospital, maghihintay na sana ako ng masasakyan nang makita ko doon si Kuya Driver, 'yung pinagsakyan ko kanina 'nung pumunta ako dito.

"Oh Kuya, anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Halata ang pagkabagot sa mukha niya, diary. Bigla naman siyang nabuhayan ng loob nang makita niya ako.

"Whooo thank you Lord!" Sigaw niya nang makita ako. "Kanina pa kita hinihintay dito eh. Mula pa no'ng dumating tayo dito." Paliwanag niya. Shunga ba siya?! As in kanina pa, diary?

"Anong kashungahan 'yan kuya? Nakasinghot ka ba? Bakit mo ako hinihintay dito?" tanong ko ulit. Kashungahan talaga, diary! Sinong matinong tao ang maghihintay sa'yo sa loob ng halos anim na oras? 'Yung mga mag-girlfriend boyfriend  nga diyan, hindi makapaghintay nang ganoon katagal eh. Maghahanap at maghahanap na sila ng iba, pero si kuya matindi!

Napakamot naman siya sa batok niya saka ngumiti bago sumagot.

"Kulang kasi bayad mo kanina eh. Hehe."

Potanis.

***