Kanina pa siya nakahiga sa kama, pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya dalawin ng antok. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Hindi dahil sa trabaho kundi sa emotional na aspeto. Nakaramdam pa din siya ng galit kay Bryan, at naaawa naman siya kay Mr. Sevilla.
Inangat niya ang cellphone niya at tiningnan ang picture ni Bryan doon. "Nakakaturn-off ka!!" Asik niya sa picture nito. "Pero ang pogi mo pa din busit ka! Haysss."
Hindi niya akalain na sa kabila ng masayahin at misteryosong aura ni Bryan sa likod ng kamera ay may tinatago pala itong family problems. Ngayon ay alam niya na ang tinatago nito. Napabuntong-hininga siya ng maalala ang kinwento ni Mr. Sevilla sa kanya sa kung ano talaga ang nangyari sa kanila at kung bakit kinamumuhian ito ng sariling anak..
"Sixteen pa lang noon si Bryan ng namatay ang asawa kong si Carmelita, ang mommy niya. Sobrang close siya dito, kaya sobrang naapektuhan din siya sa pagkawala ng mommy niya. Umaasa pa kaming gagaling ang mommy niya pero nasa stage 4 na ang cancer at hindi na talaga naagapan." Kwento ni Mr. Sevilla at tumigil ito ng sandali para magpunas ng tumulong luha. "Sobrang nagbago ang anak ko pagkatapos ng libing. Hindi siya lumalabas sa kwarto, hindi siya kumakain, at hindi siya pumapasok sa school. Kahit ako ay hirap na hirap sa nangyari, mahal na mahal ko ang asawa ko. Pero mas nasasaktan ako sa nangyayari sa anak ko. Hindi ko kayang makita siyang nagkakaganoon. Nawala na ang asawa ko, kung pati ang anak ko ay mawawala eh hinding-hindi ko na kakayanin." Naiyak pa lalo si Mr. Sevilla.
Tahimik lang siyang nakikinig dito pero agad niya itong inabutan ng tissue at inalo. Napabuntong-hininga muna ito bago nagpatuloy sa pagkwento.
"Kaya gumawa ako ng paraan, na sa tingin ko ay makabubuti sa anak ko. Naghanap ako ng babaeng kasing edad at may hawig sa itsura ng namayapa kong asawa. It may sound like a drastic move, and an immature one but I was really desperate that time. And I though it was the perfect plan, pero mali pala. Sobrang mali. Mas lalo lang nawala ang anak ko sa 'kin, at mas lalong nag rebelde."
"Nameet ko si Selena months after I made that plan. She looks exactly like my late wife, and I pursued her thinking it was the right decision. Selena accepted me for who I am, being a widow and having a son, kahit na siya ay dalaga pa. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na mamahalin ko ng totoo si Selena. She's very easy to fall in love with, she's kind-hearted and very sweet. She wanted me to introduce her to Bryan but I refused because naisip ko na baka mas maganda if ipakilala ko na siya kung kailan tinanggap niya na ang proposal ko. That's another mistake that I did. Selena said yes when I asked her to marry me, so I thought iyon na ang time na ipakilala ko na silang dalawa ni Bryan. I thought my son would be happy like me, and would accept Selena as his second mother... But.."
Napabuntong hininga muna ito bago nagpatuloy ulit. "Sa araw ng pagpapakilala ko sa kanila, sobrang saya pa namin ni Selena. Excited kaming dalawa na kinakabahan, and I really thought my son would be happy. Pagkarating namin sa bahay, I told Selena to stay in the living room and I went to Bryan's room and asked him to go downstairs for I have a surprise for him. He must be curious dahil nakita niya kung gaano ako ka excited kaya tumalima din ito. Kita ko kung gaano ka miserable ang itsura ng anak ko, kaya naisip ko na baka tama nga itong gagawin ko. Lumabas na ako sa kwarto niya at inantay namin siya ni Selena sa baba. Ramdam ko na ninerbyos din si Selena, pero mas lalo na nung bumaba na si Bryan. Kita ko kung gaano kagulat si Bryan, pero tinuloy ko pa din ang pagpapakilala kay Selena dito at pagsabi na magpapakasal na kami. I was not yet finished talking but he interrupted me and told me furiously,
"Mag-aanim na buwan pa lang patay si Mommy, ang asawa mo, tapos ngayon atat na atat kang palitan siya, Dad? Really? This just shows that you don't really love my Mom, 'cause if you do, you won't look for some random whore to warm your fucking bed! Ano klase kang ama at asawa?! Sariling kaligayahan mo lang ang iniisip mo!!"
"..I didn't thinked twice and punched him in the face. Nakalimutan ko kung gaano na ka hina ng anak ko, pero hindi ko napigilan ang sarili ko at nasuntok ko siya. I'm such a horrible f-father.."
Sobrang iyak ni Mr. Sevilla pagkatapos niyang sabihin 'yon, medyo kinakabahan nga siya kasi baka mapano ito. Gusto niyang patigilin na ito sa pagsasalita pero ramdam niya din na gustong ilabas ni Mr. Sevilla ang tagal na nitong kinikimkim. At medyo chismosa din kasi siya, gusto niya din malaman kung ano talaga ang nangyari sa mag-ama para maintindihan kung bakit ganoon ang pagtrato ni Bryan dito.
"T-tubig po muna, Sir.." Sabi niya dito sabay abot ng baso nito sa bedside table pero tumanggi ito at pinunasan lang nito ang mga luha.
"Sa gabi ding 'yon ay napagdesisyonan ni Selena na tapusin na muna ang relasyon namin habang hindi pa naayos ang problema naming mag-ama. She told me she's going to wait for me hanggang sa maging okay kaming mag-ama. After Selena left, I immediately went to my son's bedroom, and magulong kwarto ang naabutan ko. Halos lahat ng gamit sa loob ng kwarto ay basag, sira, o punit na. Wala doon si Bryan, kaya pinuntahan ko sa banyo niya pero kahit doon ay wala ito. Bryan's gone, and the only thing he left me is a note, saying,
"Huwag na huwag mo na akong hanapin. Aalis na ako para maging masaya kayo ng bagong asawa mo. I know this is what you want, anyway. So please, don't you ever look for me. Hinding-hindi na ako babalik. Total kinalimutan mo ng may anak ka, mas mabuti pang kakalimutan ko na lang din na may ama ako!"
"..Hindi ko akalain na ganoon ang kakahantungan ng naging desisyon ko. Hindi ko pa tapos ang pag-eexplain ng side ko at ng desisyon ko, kaya kailangan ko iyon ipaintindi sa anak ko. Kahit sabihin niyang hindi ko na siya hahanapin ay ipinahanap ko pa din siya. Nag-iisa ko siyang anak at hindi ko kaya na mawala siya kaya ginawa ko ang lahat para mahanap siya.. kaso.. wala.. Pakiramdam ko mababaliw na talaga ako noon.. Iniisip ko na lang na baka nagpalit siya ng pangalan, o baka nasa mga kakilala namin siya.. Gabi-gabi ako nagdadasal mahanap, makita, at mayakap lang siya.."
Napahikbi ng malakas si Mr. Sevilla pagkatapos sabihin iyon. Pinatigil ko muna siya sa pagsasalita dahil parang nahihirapan na ito magsalita pero tumikhim lang ito at nagpatuloy.
"Dalawang taon pa ang lumipas bago ko siya nakita ulit. Naging tanyag na artista na ang anak ko. Nagpapasalamat na lang din ako nang makitang okay siya at lumaking maayos. Pinuntahan ko siya agad sa Manila para makita at makausap.. Nakita at nakausap ko nga siya, nanghingi na din ako ng tawad at ginusto kong mag-ayos kaming mag-ama pero wala siyang tugon sa kin kundi panglalamig lamang. Ni hindi niya ako kinakausap, at parang aparisyon lang ako sa harap niya. Masakit para sa akin 'yon pero mas nangingibabaw ang saya ko kasi nakita ko ulit ang anak ko. Nakiusap ako sa kanya na sana bumalik na siya sa bahay or bisitahin niya ako sa bakanteng oras niya. Tumango siya at tinalikuran ako agad pero naging kuntento na ako doon. Ilang taon pa ang lumipas pero hindi niya pa rin ako binisita. Nagpapasalamat pa din ako na naging artista siya kasi makikita ko pa din siya kahit paano sa TV, magazine, dyaryo, at concerts nila." Kahit umiiyak ay ngumiti si Mr. Sevilla pagkatapos sabihin 'yon. Kitang-kita niya kung gaano ito kasaya at kaproud sa narating ng anak.
Naging malungkot ulit si Mr. Sevilla bago nagpatuloy sa pagkwento, "Bumalik nga siya ulit dito sa bahay, Kyra.. Hindi para makita ako at umuwi, kundi dahil may kailangan siya.." Ngumiti ito ng malungkot sa kanya. "Hindi ko pinagdadamutan ang anak ko. Sa kanya ko naman ipapamana ang lahat pag nawala ako. Ang ikinakatakot ko lang eh baka kapag binigay ko na ang gusto niya ay hinding hindi na siya babalik at magpapakita ulit kaya tinatanggihan ko siya sa abot ng makakaya ko."
Pagkatapos nitong magkwento ay humagulgol ito at niyakap niya ito ng mahigpit.
Hindi niya napansin na umiiyak na naman siya habang inaalala ang kinwento ni Mr. Sevilla. "Ano na kaya nangyari kay Ma'am Selena? Nakalimutan kong itanong ay. Pero sa ngayon ay dapat ko pa ding kausapin si Bryan ko, baka makatulong ako sa kanilang mag-ama kahit paano. Ahay.." Sabi niya sa sarili niya hanggang sa nakatulog na siya ay 'yon pa din ang laman ng isip.