webnovel

Daydreaming (Filipino)

Sort of a cliche love story between a celebrity and one of his fans. ----- Note: Sinulat ko 'to way back in 2012 pa. Kaya pasensiya na ulit sa mga wrong grammars and everything. Hi everything! **If may magbabasa po nito just wanna say that I'm still revising this po. English kasi ang orig eh dumugo ilong ko sa englishan ko doon kaya taglish na lang. :)) Thank you!

Aybeeming · Urban
Not enough ratings
69 Chs

Chapter 5

Dalawang linggo na ang nakalipas but still no sign of Bryan. Halos namemorize niya na nga ang linya na pinpraktis niya na siyang sasabihin niya dito. Pati facial expression ay na memorize niya na din ata. She's definitely looking forward on meeting him again. Kahit na alam niyang parang panghihimasok sa personal na buhay ng dalawa ang gagawin pero sa tingin niya 'yon ang kailangan para makatulong sa mga ito, lalo na kay Mr. Sevilla. Hindi niya na iniisip kung ano man ang gagawin ni Bryan sa kanya, basta ang layunin niya ay ang tumulong.

As for Mr. Sevilla, he's actually doing great and quickly recovering from his surgery. Tuwang-tuwa daw ito sa kanya na kahit paano ay nakalimutan nito ang problema lalo na pag kausap siya. Nakiusap din ito sa kanya na 'Uncle' na lang ang itawag niya dito.

Pagkatapos kumain ng agahan ni Mr. Sevilla ay nakiusap ito sa kanya na kung pwede silang bumaba sa garden. Namimiss na daw niya ang mabangong amoy ng mga bulaklak na tinanim pa dati ni Donya Carmelita. Pumayag siya syempre sa kondisyong mag wheelchair ito. Agad niyang kinausap ang driver at ang ibang katulong para mag tulungan sila sa pagbaba kay Mr. Sevilla at sa wheelchair nito. Kahit maayos na sa paglalakad si Mr. Sevilla ay mas maigi na ang mag ingat lalo na't malayo pa ang kailangang tahakin bago makarating sa garden.

Pagkarating nila sa napakagandang garden ay tinuro ni Mr. Sevilla ang malaking fountain nila sa gitna ng garden at agad niyang tinulak ang wheelchair doon. Pagkatapos niyang ilock ang wheelchair ay umupo siya malapit sa fountain.

Dinig niya ang pagbuntong-hininga ni Mr. Sevilla kaya agad siyang napatingin dito. "Uncle?"

"Noong buhay pa si Carmelita, dito ko sila naabutan ni Edward Bryan na naglalaro pagkauwi ko galing sa trabaho. Silang dalawa talaga ang nagbibigay ng kasayahan sa bahay na 'to. We used to spend our Saturday's here and have a family picnic. Me and Bryan would often fly a kite. Bibitawan namin ang tali at hahayaan itong liparin ng hangin, tapos.. Alam mo bang sobrang weird ng tawa ng anak ko?" Tanong nito sa kanya sabay tawa. Napangiti na din siya dito. "May kiliti siya dito sa gilid niya that's why we always tickle him just to hear his laughter."

Napabuntong hininga ito ulit bago nagpatuloy. "I miss those old days... How I wish I have the power to turn back time.. I miss Carmelita and my son.. so much.." Malungkot na sabi nito sa kanya.

Biglang may dumating na idea sa isip niya kaya napahawak siya dito sabay ngiti. "Uncle, wait lang! Babalik ako!"

Pagkapasok niya sa loob ay dumiretso siya sa dating kwarto ni Bryan at binuksan ang cabinet nito. Agad lumiwanag ang mga mata niya pagkakita niya ang loob niyon.

Halos mahulog sa wheelchair kakatawa si Mr. Sevilla pagkakita sa kanya. Suot-suot niya kasi ang lumang pantalon, polo shirt, at sapatos ni Bryan na sobrang laki sa kanya. Nagsuot pa siya ng baseball cap nito at pinaloob ang mahabang buhok doon. Pinakapal niya din ang kilay niya gamit ang black eyeliner. Oo na! Nakakatawa na ang itsura niya!

"What do you think, Uncle? I'll pretend to be Bryan, for the meantime!" Natatawang sabi niya dito.

Naglakad-lakad siya sa harap ni Mr. Sevilla na akala mo astigin, pagkatapos ay kinanta ang solo ni Bryan at sinabayan pa ng sayaw. Natatawa sila ni Mr. Sevilla kasi nahuhulog talaga ang pantalon ni Bryan habang nag sasayaw siya at muntik pa nga siyang matapilok. Nahulog na nga din ang baseball cap na suot niya sa sobrang exaggerated niyang pagsayaw. Saulado niya kasi ang mga steps. Siya na talaga ang ultimate fan ni Bryan!

Sobrang saya niya at naging epektibo nga ang idea niya, bakas kasi sa mukhi na Mr. Sevilla ang sobrang kasiyahan.

Nasa gitna pa sila ng tawanan ni Mr. Sevilla ng biglang may nagsalita.

"What the hell do you think you're doing? Damit ko ba 'yang suot mo?" Galit na tanong ni Bryan.

'Patay!' Napakagat labi siya habang nililingon si Bryan na bakas na ang galit sa mukha. Lumapit ito sa kanila ni Mr. Sevilla at agad na hinaklit ang braso niya. Pilit niyang binabawi ang braso niya pero mahigpit talaga ang pagkakahawak nito sa kanya.

He pulled her towards him and asked her, "Are you mocking me?"

Pilit niya pa ding binabawi ang braso niya dito, pero humihigpit lang lalo ang pagkakahawak nito sa kanya. "S-sir.. Bitawan niyo na po ako.. S-sorry na po. Pinapatawa ko lang po si Uncle. Miss na miss ka na kasi ng d-daddy mo."

Natatakot na siya sa sobrang galit na nababakas niya kay Bryan. At imbes na bitawan siya nito ay humihigpit pa lalo ang pagkakahawak nito sa braso niya.

"A-anak.. please let her go.." Dinig niyang pakiusap ni Mr. Sevilla dito.

Napabaling si Bryan sa ama pero hindi pa din siya nito binitawan. "Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na wag na wag mo na akong tatawaging anak, ha Mr. Sevilla?"

Kita niya kung gaano nasaktan si Mr. Sevilla sa sinabi ng anak pero hindi na ito naimik. Binalingan ulit siya ni Bryan at malakas na hinila papasok sa bahay.

"W-where are you taking her?" Nababahalang tanong ni Mr. Sevilla dito. Takot na takot siya kay Bryan ngayon pero mas natatakot siyang makitang natataranta ang ama nito.

"S-sir.. Si Uncle.." Sabi niya dito at pinipilit na bawiin ulit ang braso niya dito pero hindi talaga siya binibitawan.

Tumigil din naman ito sa paglakad at agad binalingan ang ama at binalik ulit ang tingin sa kanya. "Don't worry Mr. Sevilla, hindi ko gagawan ng masama 'tong nurse mo." Sabi nito at ngumisi. "I'll just teach her a little lesson."

Agad siya nitong hinila ulit papasok at hindi na pinansin ang tawag ng ama. Nakita niyang humahangos na dumating si Manang Rosa, ang mayordoma, at ang ibang katulong. Natigilan ang mga ito ng nakita sila ni Bryan.

"M-manang.. Si Uncle po naiwan.." Sabi niya pero patuloy lang ulit si Bryan sa paghila sa kanya paakyat sa hagdan. Nilingon niya ang mga ito at nakita niyang nagkahumamog na ang mga itong lumabas para puntahan si Mr. Sevilla na patuloy pa din sa pagtawag sa pangalan nilang dalawa ni Bryan.

Nanlaki ang mga mata niya ng nakarating sila sa labas ng kwarto nito. Nabuksan na nito ang pinto at akmang papasok na sa loob kasama siya. Mabilis niyang hinawakan ang hamba ng pinto para hindi siya nito tuluyang ipasok sa kwarto nito. Malakas din siya nitong hinila kaya napabitaw siya sa pagkahawak doon. Pagkabitaw niya ay agad niyang kinagat ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. Napaigik si Bryan sa sakit at nabitawan nga ang braso niya. Akmang tatakbo na siya palabas ng bigla nitong hinaklit ang bewang niya at kinarga. Tinapon siya nito pahiga sa kama at agad na dinaganan.

"You bitch!!" Singhal nito sabay hawak sa batok niya at lamukos ng halik sa mga labi niya.

Imbes na mas lalong matakot dito ay nabigla siya at iba ang nararamdaman niya sa ginawa nito. Gaga na siya kung gaga. Pero first kiss niya 'to! First kiss niya si Bryan! Hindi na virgin ang lips niya, my gash!

Patuloy pa din ito sa mariin na paghalik sa kanya, pero my ghad. Iba talaga, jusko. Ang sarap pala ng kiss. Mas lalong sumarap 'yong first kiss niya dahil sa crush/idol niya unang naranasan 'yon. Nakalimutan niya na nga kung bakit siya nandito, at parusa nga pala 'tong ginagawa ni Bryan sa kanya dahil sa pagsuot niya sa damit nito at mas lalo na sa pagkagat niya sa braso nito.

Napapikit siya at hinayaan ang sariling lasapin ang medyo masakit pero masarap na paghalik ni Bryan sa kanya. Galing sa sobrang riin na paghalik ay biglang naging banayad hanggang sa naging senswal na 'yon. Naramdaman niyang mas lalong humigpit ang pag hawak ni Bryan sa batok niya habang lumalalim ang paghalik nito sa kanya. Hindi niya alam kung paano tumugon, pero tinry niya gayahin ang ginagawa nitong paglaro ng dila sa loob ng bibig niya.

Feeling niya once in a lifetime lang to, kaya namnamin niya na lang, di ba?

As for Bryan, he's main purpose of bringing this mischievous nurse in his room is to force her to strip-off his clothes that she's wearing, then lock her inside his room. But damn it! He can't believe he's kissing her and he's fucking enjoying it! Her lips taste like strawberries or vanilla and he can feel butterflies in his stomach as he continue ravaging her mouth! Fuck this shit! Ayaw tumigil ng mga labi at dila niya!

Biglang lumitaw ang isang imahe sa isip niya, "GEORGINA!" Malakas na sabi niya at agad siyang natauhan at tinigil ang paghalik dito.

Paano siya nawala sa sarili at hinayaan ang sariling magpakalunod sa paghalik sa kung sinu-sino lamang. May girlfriend siya at mahal na mahal niya ito! Paanong nakalimot siya!!

Tiningnan niya ang nurse at nanatiling nakapikit ito. Gumagalaw pa din ang labi nito na akala mo ay patuloy pa din ang paghahalikan nila.

Noong naramdaman na ni Kyra na tumigil na si Bryan sa paghalik sa kanya, ay agad niyang minulat ang mga mata. Galit na galit na naman ang itsura nito. Pero imbes na matakot or mahiya dito ay bigla siyang natawa. Nagkalat kasi ang eyeliner na nilagay niya sa kilay at nalagyan noon sa mata si Bryan, parang may smokey eyeshadow tuloy ito.

Agad itong tumayo sa pagkadagan sa kanya, "Why the hell are you laughing?! Are you a fucking lunatic?!" Asik nito.

Natawa ulit siya at tinuro ang malaking salamin nito sa kwarto, "See for yourself!" Natatawang sabi niya dito.

Sinunod naman siya nito. Masunurin naman pala 'tong Bryan niya. Chos! Pagkakita nito sa mukha ay agad nitong kinuha ang panyo sa bulsa ng pantalon at pinahiran 'yong nagkalat na eyeliner, habang nanatili naman siya sa pagtawa dito.

"Ha ha! Very funny! Try to look at yourself in the mirror, too, filthy-faced bitch!" Nang-iinsultong sabi nito sa kanya at agad siyang tinalikuran at lumabas sa kwarto nito.

"Jerk!" Asik niya ng tuluyan na itong lumabas at malakas na sinarado ang pinto.

Tumayo na din siya sa kama nito at lumapit sa salamin. Nagkalat na din pala ang eyeliner sa buong noo niya. Parang batang dugyutin lang, ganern. Bumababa ang tingin niya sa mga labi niya. Parang namamaga ang mga 'yon. Naalala niya ulit ang halikan nilang dalawa ni Bryan. Parang ramdam niya pa nga ang galaw ng mga labi ni Bryan. Hihi.

"Pasalamat ka masarap kang humalik! Busit ka!" Sabi niyang napalabi.