TIMOTHY'S POV
Unang tumambad ang isang malagong kagubatan. Madalang na ang mga ganitong lush forests sa tunay na mundo, lalo na sa Pilipinas. Halos wala nang makikitang lupa dahil natatabunan na ito ng mga damo at ugat ng mga puno. Tiyak na mahihirapan ako nito.
Hindi tumatalab ang kapangyarihan ko sa mga bagay na may buhay, kabilang na ang mga halaman. Kung mapapalaban man ako, this is not the perfect place.
I checked the surroundings more thoroughly. Parang katulad lang naman sa totoong mundo ang hitsura ng mga puno, mga halaman. Though the forest was really thick, may konting sinag ng araw pa naman na nakakalusot sa lupa.
Overall, this seems to be a very typical woodsland. Maliban sa isang bagay.
Wala akong makita o marinig na mga hayop sa paligid. Kahit isa.
In peace hides greater war. Kung tahimik, tiyak na may nag-aambang panganib. Mahigpit kong hinawakan ang dalang sling bag bago nagsimulang maglakad muli. Tila imposibleng makaalis sa lugar na ito, lalo't walang anumang trail o daanan sa lupa. Tiyak na ang tangi kong pag-asa para lisanin ang gubat na ito ay ang Zodiac star.
Patuloy akong naglakad pero parang hindi nauubos ang mga puno. Lampas isang oras na siguro akong naglalakbay but to no avail. Puno na ng pawis ang mukha, katawan, at mga mata ko nang may matanaw akong isang bagay. Isang birdhouse.
Tinakbo ko ang distansya ko at ng bahay-ibon. Nasa gitna ito ng patag at tahaw na lupa. Pabilog ang lugar at direktang nasisinagan ng araw. Nakakapagtataka, naisip ko, nang may ideyang bigla kong napagtanto. Hindi ako masyadong magaling sa hand-to-hand combat, at hindi rin ako masyadong mahilig sa panununtok at paninipa, but an old and small wooden structure can't bring much trouble I guess.
I gave one quick punch at the birdhouse. Nasira 'yun, pero napa-'aray!' ako sa sakit. Medyo matibay pala ang bahay-ibon na 'to. Napukaw ang atensyon ko ng isang nakakasilaw na liwanag. Sabi ko na nga ba, mayroon itong lamang Zodiac star!
"Finally! I'm going home with you, baby!" masaya kong wika.
Akma ko nang kukunin ang Zodiac star nang tabigin ako ng isang bagay. A yoyo.
"Sorry, bata. Pero akin ang Zodiac star na 'yan."
Agad akong lumingon sa aking attacker. I got this first, I'll have it no matter what it takes. "Sorry din, this is mine to have and mine to keep. Not my prob if you're wishing otherwise."
SLOANE'S POV
Tabing-dagat... Seriously? Sa lahat ng pwedeng bagsakan ko, ba't dito pa? I mean, isa nga akong Elemental Magic wielder pero may mga limitasyon pa rin ang powers ko. Isa na roon ang bahagyang paghina ng magic ko kapag nasa tubig ako. Pero paano kung nasa ilalim pala ng dagat nakatago ang Zodiac Star? Tiyak na 'di ko 'yun makakayang kunin.
Napaupo ako sa isang nakausling bato sa may dalampasigan. Come to think of it, halos magta-tatlong taon na rin pala magmula nang huli akong makapunta sa tabing-dagat. Magkasama kaming apat noon: ako, si Papa, si Mama, at si Kuya July. Three years ago...
Napatawa ako, pero mayamaya lang ay agad din akong napatahimik. It was the last time na naging buo ang family namin, well at least on essence.
Nahuli ni Papa na may ka-affair ang ina namin. Devastated as he was, he tried to keep it away from me and Kuya July, pero minsan habang nasa isang mall ako, nahuli ko mismo si Mama na kayakap ang kabit niya. Sobrang sama ng loob ko nun. Agad ko silang isinuplong kay Papa. Hindi siya umimik, at doon ko napagtanto ang lahat: matagal nang alam ng ama ko ang lahat.
A month later, nabalitaan ko ang pagkamatay ng kalaguyo ni Mama. Apparently, may asawa pala itong negosyante rin. Marahil, nakarating dito ang illicit affair ng asawa nito at ng ina ko at dala ng galit at selos ay nagawa nitong ipaligpit ang sariling mister.
Since then, biglang nag-iba na si Mama. Nawala ang dating saya at sigla sa kanyang mukha. Nariyan nga siya pero parang wala rin. Labis na ipinagtaka ni Kuya July ang pagbabago niya. Tanging kaming tatlo lang ang nakakaalam ng tunay na dahilan: si Mama, si Papa, at ako.
Payapa ang hampas ng mga alon. Medyo malinaw rin ang tubig ng karagatan. Alam kong medyo marami nang oras ang nasasayang ko, at kakailanganin ko na ring umalis para maghanap ng Zodiac star, pero pinili kong manatili pa sandali, to reminisce a life moment na hindi ko malilimutan.
Biglang kumidlat, na sinundan ng pagkulog. Napansin ko ring agad na kumulimlim ang kalangitan. Nakakapagtaka. I also noticed the suddenly violent swirling of the waters as opposed to the peaceful sway of its waves a while ago. May namumuong whirlpool.
Patuloy pa rin ang pagdagundong ng kulog at kidlat, nang may isang nilalang na lumitaw mula sa whirlpool, isang nilalang na hindi ko pa personal na nakikita noon. Isang Hydra!
Nagngangalit ang halimaw. Ang ungol nito ay sapat na upang manginig ang sinuman sa takot. Alam kong ang mas magandang gawin ay tumakbo, nang mapatingin ako sa bandang noo ng dambuhalang halimaw. Naroon ang hinahanap ko: isang Zodiac star!
Posibleng may mga Zodiac stars pang nasa paligid na mas madaling makuha, but I'm definitely not one to back down from a fight. Hindi ako naging Flame Elemental Magic wielder para maging duwag. Tatalunin ko ang Hydra na 'to at kukunin ko sa kanya ang Zodiac star!
Naglabas ako ng bolang apoy mula sa kanan kong kamay. I was about to hurl it to my opponent's face nang biglang bumuka ang bibig ng Hydra at magbuga ng nagngangalit na apoy! The flame was huge and I was too stunned to move. Dodging is not an option now. It's too late.
Ito na ba ang katapusan ni Sloane Ramirez?
CILAN'S POV
Dahan-dahan akong tumayo mula sa matigas at malamig na sahig na binagsakan ko. Mukhang yari ito sa marmol. I immediately scanned the surroundings. Maliwanag ang paligid, puno ng chandeliers at ilaw ang kisame. Isa itong palasyo. Nasa loob ako ngayon ng isang abandonadong palasyo.
Kumakabog ang puso ko sa pag-iisip kung anong pwede kong makaharap sa lugar na'to. Wala akong pakialam sa pagsali sa Dark Intramurals, pero hindi ibig sabihin nun na wala na akong pakialam sa buhay ko. Kailangan ko pa ring lumaban.
'Ngunit paano?' tanong ng isang bahagi ng utak ko.
Muli akong napabuntong-hininga. Naipalabas ko na minsan ang kapangyarihan ko sa bahay nila Timothy... at 'yun ang huling pagkakataon na nagawa ko 'yun. Ilang beses kong sinubukang palabasin muli ang kapangyarihan ko, pero lagi akong nabibigo o pumapalpak.
Narito ako ngayon sa gitna ng isang abandonadong palasyo, walang powers at walang alam sa kinasasadlakan kong panganib. Ain't I lucky?
Biglang nayanig ang lupa. Kinuha ko ang balanse ko para hindi matumba. Sandaling tumigil ang pagyanig, pero agad itong nasundan ng isa pa, at isa pa. Para itong yabag ng isang taong paparating... teka nga, taong paparating? Kung may paparating man at ito ang dahilan ng mga pagyanig, ang lalaking mama naman niya!!!
Matagal na tumigil ang pagyanig. Napabuntong-hininga na naman ako for the nth time. Kung ano man ang sanhi ng pagyanig, siguro nawala na 'yun. Ligtas na ako...
"Wooohhh..." malakas na ungol ng isang nilalang na nasa likuran ko. Sa lakas ng sigaw ay padapa akong napatumba sa sahig. As I relished on the pain, dahan-dahan akong umayos nang patihaya para makita ang misteryosong nilalang.
I screamed in fear. Hindi lang malaki ang halimaw, kundi isang higante! Isa itong one-eyed Cyclops... isang 30-feet na Cyclops!!!
"Ah!" malakas at walang-tigil kong sigaw habang nakatunghay sa bulto ng dambuhalang halimaw.
SLOANE'S POV
Tumigil na sa pagbuga ng apoy ang Hydra. Pinakiramdaman ko ang sarili. I was unscathed by the attack, even my clothes were not burned.
Napangiti ako. Hindi ko alam na may immunity ako sa fire attacks na hindi mula sa'kin, but the knowldege came handy. Hindi niya ako matatalo.
Tila nagulat ang halimaw na hindi tumalab ang kapangyarihan nito sa'kin, pero nakabawi ito at umuusok pa ang ilong na muling nagbuga ng apoy. I didn't attempt to dodge, at tulad ng inaasahan ko, hindi nga ako nasaktan.
"Ako naman ngayon. Tanggapin mo 'to, halimaw! Pyros Magic: Flame Pillars!"
Isang malawak na beam ng apoy ang inasinta ko sa kalaban. Sapol ang katawan ng halimaw at agad na napaigtad sa sakit.
Biglang inihampas ng Hydra ang buntot nito sa kinaroroonan ko. Agad akong gumulong sa buhangin para umiwas. Isa pang hampas ng buntot ang ginawa nito ngunit madali ko itong nailagan ulit. Frustrated, sinubukan nitong hampasin nang malakas ang dagat. Nakalikha ang impact ng isang maliit na daluyong at nasapol ako. Though soaking wet, I was quick to stand up. Kailangan kong makuha ang Zodiac star mula sa halimaw na 'to sa kahit anong paraan.
Muling inihampas ng Hydra ang buntot nito sa direksyon ko. This time, hindi lang ako basta umilag kundi kumapit rin ako sa buntot nito. Nagpumiglas ang halimaw, trying to shake me off but I held my ground.
"Pyros Magic: Searing Sword!" sigaw ko, molding a sword out of fire while I use my legs to maintain my balance.
"Paalam na, pesteng halimaw ka!"
Itinarak ko ang espadang apoy sa likuran ng Hydra. Mas lalo itong nagpumiglas pero mas idiniin ko rin ang pagkakabaon ng sandata ko sa katawan nito. I then slashed its back as far as I could. Nagliwanag ang katawan ng halimaw habang sumisigaw sa sakit, before exploding into yucky goo. Nahulog ako sa dagat.
As I scrambled for my life in the waters, nakita kong palutang-lutang ang Zodiac star. Kahit hindi ako marunong lumangoy, pinilit ko pa rin 'yung abutin. After seconds of struggle, nakuha ko rin sa wakas ang Zodiac star. Agad kong pinidot ang gitnang bahagi ng bituin para ma-activate ito.
"Zodiac star, take me back to the real world."
Tulad ng paraan ng pagdating ko sa misteryosong tabing-dagat, I felt like being teleported from one place to the other in a flash. Napansin ko na lang na nakahiga ako sa sahig ng isang pamilyar na kwarto, ang Carina room. Nakatanaw sa'kin si Prof. Archer, emotionless as usual, holding a stopwatch on his left hand.
"Impressive, as I've expected. Your time is 1 hour and 16 minutes. Congratulations, Sloane. Your finish is good for first place in the Qualifier round 1," bati ng lalaki bago ito naglakad palayo.
Napangiti ako. What I have experienced might have been hell, but it's was all worth it. Isang round na lang, magiging bahagi na ako ng Celesticville Zodiac Stars. Ito ang gagawin kong daan para patunayan sa buong mundo na ako ang pinakamalakas na Magic wielder.
KRISTOFF'S POV
Humupa ang buhanging tangay ng malakas na hangin na siyang humaharang sa 'king mga mata. Unti-unting humakbang sa direksyon ko ang may-ari ng boses na tumawag sa'kin. Sa wakas, naging malinaw na ang itsura ng lalaki.
"Xavier? Ikaw lang pala 'yan. Akala ko kung sino na."
Ngumiti ang lalaki. "Mabuti't nakita kita agad, Kristoff. Nakasagupa ako ng mga malalakas na halimaw kanina sa bundok na binagsakan ko. Buti na lang at nakatakas ako."
Agad kong nilapitan ang lalaki. "Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?"
"Oo naman. Bahagya lang akong nagalusan nang tamaan ako ng water attack nila," sagot nito.
Natigilan ako. Kakatwa. SI Xavier na isang Water magician, mapupuruhan ng water-based na atake? Saka... bakit parang amoy-putik si Xavier? I tried to screen his appearance more strictly when something in his chest caught my eye. Isa itong kwintas na may hugis bituin na pendant.
"Kristoffer Soo! Lumayo ka sa halimaw na 'yan!"
Napalingon ako sa taong sumigaw. "X-Xavier?!? Pero paanong..."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sana dahil nasuntok na ako sa mukha ni 'Xavier', ng pekeng Xavier. Sesegundahan pa sana ng walang'ya pero maagap ko itong nasipa sa mukha.
Agad akong tumayo at nilapitan ang totoong Xavier. "Ikaw na ba talaga 'yan, Xavier?"
"Hoy, pangit! Ikaw ang pinakasablay na basketbolistang nakilala ko," he responded.
Napailing ako. "Walang duda, ikaw nga 'yan. Paano ka nakapunta rito?"
"Nakasagupa kita kanina, este 'yung pekeng 'Kristoff'. Mag-ingat ka, they have our powers," babala nito, sabay sulyap nang matalim sa kamukha nitong impostor.
"What?!?" gulat kong react. Paano namin matatalo ang mga sarili namin, given na kaya nilang gawin lahat ng pwede naming ipang-atake?
"Katapusan niyo na! Yah!" sigaw ng kadarating ng pekeng 'Kristoff'. Agad itong nagpakawala ng electric shock attack. Maagap kong idinapa si Xavier para makailag kami.
"Do you have an idea kung paano natin sila matatalo?" usisa ko kay Xavier habang tumatayo kami.
Umiling ang binata. "Ewan ko. Limitado ang kapangyarihan ko dahil wala halos tubig sa paligid... Pati na rin ikaw dahil hindi ionized ang desert air. Talo tayo sa lugar na 'to."
Biglang umatake naman ang pekeng 'Xavier'. Dalawang bula ng tubig ang inasinta nito sa amin. Pareho kaming nasapol ni Xavier. Agad itong sinundan ng isa pang electric ball mula sa pekeng 'Kristoff'. Nakaiwas ako pero natamaan si Xavier at natumba. Mukhang napuruhan ang lalaki.
"Xavier!" Agad kong dinaluhan ang binata. "Ayos ka lang ba?"
Tumango lang ito. Inalalayan ko siyang tumayo. "Hangga't walang source ng tubig, mahihirapan akong makaatake nang maayos. Tubig din ang pinakamabisang conductor para ma-maximize mo ang powers mo, Kristoff."
Napatango rin ako. Tama si Xavier. We both need a good source of water if we are to counter and defeat our pesky imposter opponents. Pero saan? Isa itong malawak na disyerto, at...
Teka... Oo nga, tama! Without warning, agad akong tumakbo at huminto sa harap ng isang kumpol ng mga cacti. "Hoy, mga pangit! 'Di ba gusto mo akong itumba? Sige nga, tirahin niyo na ako!"
"Baliw ka na ba? Nagso-suicide ka sa ginagawa mo!" galit na saway ni Xavier.
Hindi ako nabigo. Sabay na umatake ang mga pekeng versions namin sa direksyon ko. Padapa akong umilag, habang sapol naman nila ang gusto kong sapulin nila: the cacti. Sumabog ang mga ito at nagtalsikan sa ere ang mga butil ng tubig na kinakailangan namin.
"Xavier, ngayon na!" utos ko kay Xavier as I get back to my feet.
"Oo! Humanda kayo, Hydrein Magic: Aqueous Prison!"
Agad na kinontrol ng lalaki ang mga water molecules at ipinalibot sa mga kalaban until it formed into a water prison. Sinubukan ng mga ito na wasakin ang water prison but to no avail.
"Asa pa kayong makakalabas pa kayo 'diyan. Kristoff, tapusin mo na ang mga kumag na 'to!"
Ngumiti ako. "My pleasure. Paalam na, mga counterfeit na kami! Astrapi Magic: Static Force!"
Isang ubod-lakas na thunderbolt ang pinakawalan ko gamit ang kanan kong kamay. Kumonekta ito sa mga kalaban na agad nangisay dahil sa malakas na boltahe ng kuryente. Ilang sandali pa ay sumabog na ang mga ito, scattering debris all over the place.
Nang humupa na ang pagsabog, dalawang kumikinang na bagay ang nakita namin.
"Ang Zodiac star!" tuwang wika ni Xavier sabay kuha ng isa.
I also grabbed the other star. Sabay naming pinindot ang gitna ng mga stars. Muli kaming parang tineleport nang napakabilis. Before I knew it, nakabalik na kami sa loob ng Carina room. Nakamasid sa'min sina Prof. Archer at si Sloane na nakangising-aso.
"Congratulations to the both of you, Xavier at Kristoff. Kayo ang 2nd at 3rd wielders to qualify for Round 2 with a time of an hour and 32 minutes. But to due to dimensional preferences, nauna ng ¾ of a second sa pagdating si Kristoff. So Kristoff, you got 2nd place and Xavier gets the 3rd spot," paliwang ng propersor.
Nahahapo kaming pumunta malapit sa kinauupuan ni Sloane. Kung kami ay punit-punit at puro buhangin ang suot dahil sa disyerto ay basang-basa naman si Sloane.
Sa wakas, nakapasa na kami. Dalawa pa ang hinihintay kong makalampas din. Sana, makapasok din sila.
TIMOTHY'S POV
Napangiti ako, ngiting nang-iinis. Sa lahat ng pwede kong makalaban, talagang kay Julius Lizardo pa ako natapat. Isa siyang Class A Yoyo Master. Hindi ko na mabilang ang mga taong dumugo ang nguso trying to engage him in a brawl, armed with nothing but his trusty yoyos.
"Ikaw pala 'yan, Timmy Boy. Naglalaro ka pa rin pala ng mga manika," pang-aalaska nito.
I shook my head. "Mali. Sila ang pinapaglaro ko sa mga taong kumakalaban sa'kin."
Tumawa si Julius. "Sumuko ka na habang maaga pa, Timmy. For old time's sake, ayaw ko namang ako pa ang bubugbog sa dati kong classmate. Leave the Zodiac star, at hahayaan kitang umalis."
Napangisi ulit ako. "Paano mo ako bubugbugin? Hahampasin mo ako gamit ang malamya mong yoyo?"
Nagtagis ang bagang ng lalaki. "Wala kang karapatang insultuhin ang yoyo ko!"
Agad na umatake si Julius gamit ang dalawang yoyo na nakatali sa mga daliri ng magkabila nitong kamay. I tried my best to dodge his assaults, pero sadyang napakabilis ng mga atake niya. Sinubukan kong magtago sa isang puno pero ilang saglit lang, naputol niya ang puno gamit lang ang yoyo niya! Muli niya akong inasinta with his yoyo. Nakailag ako sa mismong yoyo pero sa malas ay nahuli ako ng sinulid sa isang binti ko. Sinubukan kong pumiglas, but the clutch of the thread just kept getting tighter.
"'Wag mo nang subukan pang pumiglas, Timothy," nang-aasar na wika ng lalaki. "Kasing tibay ng bakal ang pisi ng yoyo ko. Tanggapin mo na kasi na noon at ngayon, talunan ka pa rin. Na hanggang ngayon, wala ka pa ring binatbat sa'kin kasi nga, isa kang talunan!"
Nag-init nang husto ang dugo ko sa mga sinabi ni Julius, pero alam kong hindi ang pagpatol dito ang makakatulong sa sitwasyon ko. Maingat kong kinapa ang mga laman ng body bag ko, looking for something that I can use para makawala sa pagkakagapos at makaganti sa mayabang na Yoyo Master. May nakapa akong isang bagay na pwede kong ipanlaban kay Julius, pero malaking magic points (MP) ang kakailanganin ko para ma-summon ito, at hindi ako sigurado kung meron pa ako nun. Sa huli, I decided to take the risk.
"Julius, madalas ka bang magpunta sa mga zoo?"
Kumunot ang noo nito. "Maililigtas ka ba ng madalas mong pagpunta sa zoo?"
Ngumiti ako. "Hindi, pero hindi ka rin makakaligtas sa gagawin ko ngayon! 'Di ba sabi mo na talunan ako, na 'di kita kayang labanan, 'di ba? Puwes, ipapatikim ko sa'yo ang lupit ng Animo Magic!"
Isinaboy ko sa lupa ang mga nakapa ko sa bag ko: isang miniature jungle animals set. Sa bisa ng kapangyarihan ko, agad na lumaki at nagkabuhay ang mga laruang hayop. Tulad ko, nakatingin silang lahat kay Julius, na ngayon ay hindi na maitago sa mukha ang sobrang takot.
"Timmy, baka pwedeng pag-usapan muna natin 'to..."
"Oo naman! Pero hindi ako ang dapat mong kausapin, kundi ang mga 'manika' ko. Pakiusapan mo sila na 'wag masyadong lakasan ang pagkagat at baka mabali ang mga buto mo," dagdag pang-aasar ko rito. "Mga pets ko, sugurin niyo ang walang'yang 'yan at huwag na huwag ninyong titigilan!"
Tumalima agad sa utos ko ang mga leon, tigre, hippopotamus, matsing, elepante, at iba pang mga hayop sa gubat. Nahintatakutang nagtatatakbo palayo si Julius, chased by my army of wild animals.
Naiwan ako na tawa nang tawa. Never in my life have I thought that battling could be this fun.
TBC