webnovel

CHAPTER THIRTY-SEVEN

CLARA have a busy day ahead. Maraming order ng cake mula sa website na ginawa niya noong nakaraang linggo lang. Nitong huling buwan ay maayos ang takbo ng kanyang negosyo. Biglang naging patok ang kanyang cake shop. Hindi na nga niya alam kung ilang cake ang natatapos niya sa isang araw. Minsan kahit nasa bahay na siya ay inaasikaso pa niya ang order ng kanyang mga kliyente. Pero kahit ganoon ay may oras pa rin siya sa anak.

Hindi pwedeng hindi niya ito masundo sa paaralan. At kapag kasama na niya ito ay dapat wala na siyang iniisip na trabaho. Bumabalik lang siya sa trabaho kapag tulog na ang anak. Doon niya lang maasikaso ang order ng kanyang magkliyente. Hindi niya inaasahan ang swerteng dumating sa buhay niya. She hired more staff. At nagpapaplano pa nga siya na kapag naging patok ang online store niya ay magtatayo siya ng isang store na siyang mag-aasikaso ng lahat ng order online. Ayaw niyang mawalan ng oras para sa anak kaya kailangan niyang pagplanuhan ang lahat.

Natigil sa paglagay ng decoration ng cake si Clara ng umilaw ang kanyang cellphone. Tiningnan niya iyon at ng makita ang pangalan ng nagpadala ng mensahe ay hinubad niya ang suot na disposable plastic gloves. Ipinatong niya iyon sa mesa at binasa ang pinadalang mensahe ng taong iyon.

'Hey! How's your day?'

Napangiti si Clara ng mabasa ang mensaheng iyon. Tatlong buwan na rin ang lumipas mula ng huling nagkita sila. At dalawang linggo na rin silang nag-uusap. Hindi niya alam kung anong nagtulak sa kanya na subukan padalhan ng mensahe ang dating numero nito sa kanyang phone. Nagulat pa nga siya ng gumanti ito sa kanyang mensahe. They talk like before.

'Busy as always. Maraming order ngayong araw. Ikaw? Kamusta ang opisina?' sagot niya.

Umupo siya sa upuan na nandoon at pinakatitigan ang mensahe na pinadala nito. She loves their conversation. Para kasing walang nagbago sa kanilang dalawa.

'Busy like you. Tatlong meeting ang pinuntahan ko ngayong araw. We also close a deal. Papasukin na rin naming sa wakas ang U.S market.'

Napangiti siya lalo. 'That's good to know. Congratulations! I'm sure, Tita Ivy is happy for you.'

'Mom is very happy. How's Jewel by the way? Is she alright?'

Napalabi si Clara ng mabasa ang tanong na iyon ni Cole. Hindi pwedeng hindi makamusta ni Cole si Jewel sa tuwing nagkaka-usap sila. Palagi nitong tinatanong ang kanyang anak.

'She is fine. Busy sa studies niya. Lagi na lang nagbabasa ng libro sa kwarto niya.'

'She is smart like her mom. I'm proud of him.'

Lumapad ang pagkakangiti niya sa sinabi nito. Titipa ulit sana siya ng mensahe ng may munting kuting na nagsalita sa kanyang tabi.

"Mom, why are you smiling?"

Napayuko siya at nakita ang anak na nakatingala sa kanya. Salubong ang kilay nito. Nasakasuot na ito ng pajama at ang alam niya ay matutulog na ito. Kaya naman nagtataka siya kung bakit gising pa ito. Binitiwa niya ang hawak na telepono at yumuko para buhatin ang anak. Pinaupo niya ito sa upuan na kanina ay inuupuna. Mataas iyon kaya nanatili ang kanyang kamay sa pagkakahawak sa anak.

"Baby, why are still awake?" tanong niya.

"I want to drink milk. Can you make one for me, mommy?"

Napangiti siya sa tono ng boses ng anak. Minsan lang maglambing sa kanya si Jewel kaya talagang sinusulit niya ito. Hinawakan niya ang ulo nito at ginulo ng bahagya.

"Of course. Wag kang malikot diyan at gagawa ako ng gatas mo." Hinalikan niya muna sa noo ang anak bago ito tinalikuran.

Mabilis ang mga galaw niya sa paggawa ng gatas nito. She can't leave her daughter. Iniingatan niya ito ng sobra. Ito na lang ang tanging meron siya. Ito ang lakas at kahinaan niya. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanya kapag nawala ito. Jewel is her precious treasure. Hindi niya ito ipagpapalit kahit saan, kahit pa sa sarili niyang kaligayahan.

COLE can help the smile what started to be visible to his face. A smile that everyone didn't saw for years now. Sino bang hindi ngingiti kung ang nakikita mo ay ang pag-aasarahan ni Alex at Ashley? This two always fighting. Wag lang sumali ang Kuya Timothy niya dahil siguradong sobrang ingay na naman ng greenhouse ng kanyang ina.

Dahil holiday off nilang lahat ay na-isipan nilang pumunta ng flower farm. Napagkasunduan nila na walang aasikasuhing trabaho ng ayaw na iyon. Family comes first. Iyon ang motto nilang magpipinsan.

"I miss that smile."

Napatingala siya ng marinig ang boses na iyon. Lalo siyang napangiti ng makita ang Kuya Timothy niya. Inilapag nito ang hawak na apple juice sa mesang nasa harap niya. Umupo ito sa upuan na katabi niya at pinagmasdan na rin si Alex at Ashley na nagtatalo kung anong tawag sa bulaklak na tinatanin ng mga ito.

"Kamusta ang Saturn?" tanong niya.

"Doing great. Next month darating ang kinuhang ambassador ng kompanya sa U.S para sa photoshop. Magiging busy na naman kami." Sagot nito.

"No time for love?"

Napahinto ang kamay ng Kuya niya sa pag-inum ng apple juice. Nakita niya ang pagbago ng emosyon sa mukha nito. Humarap ang Kuya niya at ngumiti ng malungkot. He knows that his brother is not a happy man. Ilang taon na ba itong ganoon?

"Darating din ang babaeng para sa akin. Hindi naman ako nagmamadali. Masaya naman ako sa buhay ko ngayon. Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. How's your heart?"

Napangiti siya sa tanong ng nakakatangdang kapatid. "My heart is fine. Masyado akong busy ngayon sa expansion ng Redwave para isipin ko pa ang puso ko. Kailangan kong bumawi sa Redwave ngayon."

Napangiti si Kuya Tim at tinapik ang kanyang balikat. Parehas talaga silang dalawa ng Kuya niya. They maybe broken hearted but choose to be strong. Now, they are the most riches bachelor in town. Maraming babae ang naghahabol at nagpapakita ng interest sa kanila kapag may pagtitipon ang kompanya o na-iimbintahan sila ngunit kahit isang beses ay hindi nila tinatapunan ng kahit isang sulyap ang mga ito. Kagaya nga ng sabi nito, masaya sila kahit walang babae sa buhay nila.

"Oo nga pala, anong balak mo sa ilang property ni Trixie na pinangalan sa iyo?"

Napatingin siya sa katabi. "LJ is working for the papers already. In less than a month, Troy Montemayor will be the owner of all the property that Trixie name to me."

Umiling si Kuya Tim. "How could she do that? I mean, dapat sa anak niya pinangalan ang kayamanan niya. Kahit sabihin natin na ilan sa mga ito ay nakuha nito sa hindi marangal na paraan. Her son deserves to have those."

Hindi siya sumagot. Kahit naman kasi siya ay hindi din ito ma-intindihan. All she did is not right. What she did to him and Clara is painful. Nang malaman niya ang nilalaman ng last well ni Trixie ay nagulat siya ng sobra. Lahat ng pera ng step father nito ay dito na punta at ipinangalan sa kanya. Wala itong ibinigay kahit isang kusing sa anak nitong si Troy. Itinago din pala nito ang bata sa ama na siyang ikinarebelde ni Brix. Kahit si Brix ay huli na rin nalaman na ito pala ang ama ni Jewel. Pinaniwala din pala ito ni Trixie na siya ang ama ng bata.

"I'm sorry if I bring her up again." Mukhang napansin ng Kuya niya ang pagbabago ng kanyang mood.

"It's okay. Let's just drop the topic, Kuya."

Tumungo ang nakakatandang kapatid. Wala ng nagsalita sa kanilang dalawa. Pinagmasdan na lang nila ang mga nag-gagandahang bulaklak sa paligid. Tahimik na rin ang paligid dahil nagkanya-kanyang lapit na ang dalawang pinsan sa mga asawa ng mga ito. Ashley is not helping Renzo while Alex is helping Anna.

"Bakit nandyan kayo? Hindi niyo ba tutulungan ang mga pinsan niyo?"

Sabay silang napatingin sa babaeng bagong dating. Sabay din silang napatayo para lapitan ang kanilang ina na nakatayo hindi kalayuan sa kanila. Nasa tabi nito ang pinsan ni Ashley na si Peter. Kasama nito ang boyfriend na si Alter.

"Hi, Mom." Bati niya at humalik sa pisngi nito.

"Hello, Tita." Kagaya niya ay humalik din sa pisngi ng kanyang ina ang nakakatandang kapatid.

Kuya Tim never called her mom, Mommy. Hindi na yata iyon mababago pa kahit ilang beses na itong pinaki-usapan ng kanyang ina na baguhin ang pagtawag dito.

"Akala ko ay hindi kayo pupunta ng farm at magpapakalunod kayo sa trabaho. Buti pa itong si Peter at Alter nagawa akong bisitahin kapag umaakyat sila ng Baguio." Nakasimagot na wika ng kanyang ina.

Nang dumating sila kanina ay wala ang ina. May inasikaso itong bagay sa munisipyo ng bayan. Ayaw kasi iyong ipagkatiwala ng kanyang ina sa ibang tao. Nasisigurado din nila na nakipagkita ito sa mga kaibigan nito sa lugar na iyon.

Napatingin sila sa dalawang lalaking katabi ng ina. Nakangiti ang mga ito. Tumitig naman sa kanyang mga mata si Peter at binigyan siya ng tingin na humihingi ng pansensya. Ngumiti lang siya sa pinsan ni Ashley. Nitong huli lang siya naging malapit sa pinsan na ito ng nag-iisang pinsan nilang babae. Hindi niya kasi talaga gusto ang pamilya ng ina nito. Mas iniingatan kasi ng mga ito ang pangalan ng pamilya kaysa sa kaligayahan ng sariling kapamilya. Kaya nga hindi malapit si Ashley sa mga ito.

Naging malapit lang naman si Ashley kay Peter dahil muntik na itong ipakasal sa nobyo ng pinsan na si Alter, ang lalaking katabi din ng kanyang ina. Tinulungan nila ang dalawa kaya naging parte na rin ang mga ito ng bonding nila. Iyon lang hindi madalas nilang nakakasama ang mga ito dahil laging nasa ibang bansa.

"Kamusta?" tanong niya sa dalawa.

"We are doing good." Sagot ni Alter Fear Saint Quin.

"That's good to hear. Kailan ang alis niyo papuntang Spain?"

Iniwan na sila ng ina at lumapit sa mga mag-asawa na hindi kalayuan sa kanila. Tinapik lang ng ina ang balikat nila ng kanyang Kuya.

Naglakad naman sila papunta sa mesa at umupo sa upuan. Buti na lang at apat ang upuan doon. Magkatabi si Peter at Alter. Magkahawak kamay ang mga ito. Hindi niya tuloy napigilan ang mapangiti. Masaya siyang makitang malayang gumalaw ang dalawa para ipakita ang pagmamahal sa isa't-isa. They didn't care if they are both men. Ang importante sa kanila ay masaya ang mga ito sa kanilang pagsasama at pareho nilang mahal ang isa't-isa.

They are not against of their relationship because everyone have the rights to love whoever they want.

"Pupunta kami ng Spain sa susunod na buwan ni Peter. May kailangan lang kaming tapusin dito." Sagot ni Alter.

Tumungo ang Kuya Timothy niya. "Hanggang kailan naman kayo doon?"

"Hindi namin alam. Maybe one or two years." Si Peter ang sumagot ng tanong na iyon ng Kuya niya.

"Kung ganoon ay doon din ninyo balak magpakasal?"

Nagkatinginan ang dalawa. Tumungo silang pareho. Napangiti siya. Nagpapasalamat siya at ganoon ang iniisip ng mga ito. Nakita nila kung paano pinaglaban ng dalawang ito ang pagmamahalan. Lalo na si Alter.

"We will be there for two of you." Tinapik niya ang balikat ni Peter na siyang malapit sa kanya.

"We send you an invitation once we get one. Hindi pwedeng wala kayo."

"Talagang dapat na nandoon kami. Sasakalin at itatapon talaga kita sa ilog Pasig kapag hindi mo kami pinadalhan ng invitation, Alter Quin." Malakas ang boses na wika ni Ashley.

Hindi nila namalayan na lumapit ito kasama si Renzo. Napangiti sila sa sinabi ng pinsan. Ashley is Ashley. She always be the queen of Cortez. Hindi na yata magbabago ang pagiging mataray nito.

"Of course, cousin. Hindi pwedeng mawala ang paborito kong pinsan." Natatawang sagot ni Peter.

Sinamaan ito ng tingin ni Ashley at tinaas ang isang kamay. Pinakita ng pinsan ang gitnang daliri nito na ikinatawa nila ng malakas. Yap, Ashley will never chance. Nagpapasalamat sila ang natatagalan ito ni Renzo.

"At ikaw…" tinuro ni Ashley si Alter. "Wag na wag mong sasaktan itong pinsan ko dahil talagang humanda ka sa akin. Iyang sandata mo hindi mo iyan magagamit kahit kanino kapag pina-iyak mong muli siya."

Lahat sila ay tumawa ng malakas ng namutla si Alter. Sino ba kasing hindi matatakot? Kapag may binitiwan na ganoong salita ang pinsan ay siguradong tutuhanin nito. Nakita nilang napatingin si Alter sa kaibigan nito. Lalo silang natawa sa ginawa ng lalaki.

"Hey! Sino na naman ang tinatakot mo? May binubully ka na naman." Singit ni Alex na lumapit na sa kanila habang naka-akbay kay Anna.

"Ako? Bully? Hoy, Alex, hindi ako bully. Kailan ako nang-bully ng tao?" Singhal ni Ashley.

"Kailan? Wait…" kunwari ay nag-isip pa ang pinsan. "Ahhh!!! Remember, Cathy? Iyong asawa ng best friend mo. Hindi ba at inaway mo ang staff niya dahil hindi ibinigay ang gusto mong bulaklak. Tapos pinagkama---"

"Shout up!" Sigaw ni Ashley.

Namumula na ang mukha nito. Tumawa lang si Alex sa pagsigaw na iyon ng pinsan. Magsisimula na naman mag-away ang dalawa.

"Totoo naman ang sinabi ko. And for the first time, someone fight back to you. Anong pakiramdaman na binuhusan ng tubig at umuwi na mu---"

"Hindi ka talaga titigil?" Binato ni Ashley ng hawak nitong gloves ang pinsan.

Mabilis naman na naka-iwas ang pinsan. "Pikon ka talaga, Ashley. Maswerte ka at iyon lang ang inabot mo sa kapatid ni LJ."

"Gago ka talaga, Alex." Tuluyan ng sinugod ni Ashley si Alex.

Tumatawa naman na tumakbo si Alex. Yap, those two are already married to their husband and wife but they still act like a kid. Kapag talaga magkasama ang dalawa ay asahan ng magulo ang paligid. Buti na lang talaga at hindi nakikisali ang asawa ng mga ito. Tumayo siya at ibinigay kay Anna ang kanyang upuan. Umupo siya sa armrest na inuupuan ng nakatatandang kapatid. Ngayon ay anim na silang nandoon.

"So, balak niyo ng magpakasal dalawa?" tanong ni Anna sa dalawang couple.

"Yes, Anna. You will be there, right?" Ngumiti si Peter.

"Oo naman. Kayo pa, malakas yata kaya sa akin." Tumingin sa kanila ang tinuring ng kapatid. "Sasabay ako sa dalawa kong Kuya. Kaya siguradong nandoon ako sa araw ng kasal niyo."

"Me and Ashley will be coming too. Sabay-sabay na siguro kami. Gagamitin na lang namin ang private plane ko." Sagot naman ni Renzo.

Nakita nilang sumilay ang ngiti sa labi ng dalawa. "Maraming salamat sa suporta niyo."

"Well, you are Ashley's cousin. Para sa amin ay pinsan ka na rin namin, Peter. We are here to support you," Kuya Timothy being supportive as the eldest among them.

Napuno ng kwentuhan ang buong greenhouse. Nang mapagod sa paghahabulan si Alex at Ashley ay lumapit ulit sa kanila. Alter offer his seat to Ashley. Kaya ang ending sa armrest umupo si Alter. Ganoon din ang ginawa ni Alex at Renzo. They keep on talking until his mother deliver meryenda.

Cole can't help it but to feel so much happy. He maybe fails at his love life but he is blessing with his family. Ngayon palang ay nagpapasalamat na siya dahil sa binigay na pamilya sa kanya ng Panginoon. He doesn't feel lonely anymore. Hindi na niya maramdaman ang dating naramdaman noong bata pa siya. Mula ng makilala niya si Ashley at Alex ay hindi na niya maramdaman na mag-isa sa buhay. Lalo pa siyang naging masaya ng hinayaan niyang makabalik sa buhay niya ang nakakatandang kapatid. Iyong pagiging malapit nila sa isa't-isa ay hindi niya inaasahan.

Para kay Cole, pamilya niya ang bumuo sa kanya. Ang pamilya niya din ang tumulong sa kanya para maging masaya at makuntinto sa kung anong meron siya. He is indeed grateful for whatever he had. His family keeps on growing. Soon, Ashley and Alex have their own family. And he can't wait to see a new family member on his cousin side.

COLE is invited at the birthday party of Mr. Shan Jammiel Wang. Nagulat siya ng makita ng invitation na ibinigay nito. Nang mabasa niya kung para kanino ang sulat na iyon ay muntik na siyang mahulog sa kina-uupuan. Mr. Wang is inviting his mother. Hindi niya alam na kilala pala ng ina ang mga Wang. Hindi makapunta ang kanyang ina kaya naman siya ang pumunta.

Shan Wang is with her wife. Nakikita sa mukha at mga mata nito ang saya at pagmamahal para sa babaeng katabi nito.

He is in the fountain area. Lumabas muna siya saglit dahil nasasakal na siya sa rami ng taong nasa loob. Hindi naman siya pwedeng umuwi agad dahil naki-usap si Shilo Wang na kung maari ay mag-usap muna sila tungkol sa ilang negosyo. Ang alam niya ay si Shilo Wang ang CEO ng Meili De Hau Group of Companies habang si Shan ang namamahala sa hotel ng kompanya.

Those two are working together like him and Kuya Timothy.

"I didn't know you are also invited."

Napalingon si Cole ng marinig ang boses na iyon.

"Kurt." Banggit niya sa pangalan ng lalaki na ngayon ay nakatayo at may hawak an kupita.

Kurt Adam Lopez is standing in front of him in a flesh.