webnovel

Cloud Girl (TAGALOG)

Habang tumatagal, dumadami ang nagpapakilalang mga 'Hero' sa bansa, at kasabay din nito ang pag dami rin ng mga nagpapanggap lamang na gumagawa ng kabutihan. Dahilan para maalarma ang karamihan na tama pa ba itong pagdami na ito o hindi. Ngayong nahahati ang opinyon ng karamihan kung ang mga hero ba na to ay lumalaban para sa kabutihan, o para lang sa kanilang personal na interes, o para mailagay ang batas sa sarili nilang kamay, dadating ang panibagong grupo para magbigay ng matinding hamon sa mga hero natin. Maaasahan ba natin sila? O dapat natin silang katakutan? Samahan natin si Cloud Girl at ang tropa sa panibago nyang hamon ngayong Season 3!

Webnovel_Phrygian · 现代言情
分數不夠
35 Chs

Chapter 15 - The Fan & The Idol

..

..

..

..

..

"Boss Jack, kaya mo ba to mapuntahan agad?! As in now na! Breaking news to oh, may nagaganap na barilan sa loob ng SM Marikina" –Tawag ni Kenken habang nanonood ng balita sa shop

"Papunta na ako sa Mall na sinasalakay ngayon ng mga kawatan! Jolo, Kenken kayo muna bantay sa shop natin!" –Rouser

"Okay boss Rouser!!"

"Pagbabayaran ng mga lintek na mga kriminal yang ginawa nila ngayon!" –Rouser

..

Habang nasa kalagitnaan ng aksyon si Cloud Girl, nakadating rin sa wakas si Rouser at naabutan nya yung mga taong nakatungo at nanginginig sa takot.

"Rouser! may mga kriminal na dumaan kani-kanina lang papunta na silang labas" –Sabi ng isang nanay kay Rouser

"Hahabulin ko sila!"

Buti nalang, naabutan ni Rouser yung apat na kawatan na tumatakbo na palayo para makatakas

"Anlayo na nila", nang makita ni Rouser, agad nyang hinabol yung apat, agad syang napansin ng mga kawatan at sinubukang syang pagbabarilin. Mabilis na nakatago si Rouser, at saka nya inilabas ang isa sa mga 'gadget' nya.

"Buti dala ko tong Cog Blaster ko… okay ako naman titira!'

Gamit ang kanyang Cog Blaster, isa itong device na gawa nya na ibinabala yung Cog ng bike para ipangtira, nakalagay ito sa ibabaw ng kaniyang kanang kamay.

Nagawan nyang tamaan yung dalawang bumabaril sa kanya sa tuhod, nagawa pang makatakas nung dalawa pang kawatan, yung isa dalawang hindi tinamaan ay may dala-dalang bag na maaring naglalaman ng mga alahas at diyamante na ninakaw nila.

"ARRRGGGGGGGKKK!!!" –Kawatan

"AHHHHHHKKKKKK!! Di ko alam na gusto tayong patayin ni Rouser!!" –Kawatan

Umaaray yung dalawa sa sakit ng bumaon sa mga hita nila yung ibinalang cog ni Rouser, nang hindi na sila makaporma, papalapit na si Rouser sa kanila na hawak na kaniyang Custom Arnis Baton, na kaniyang trademark na sandata.

Binanatan ni Rouser yung dalawa ng walang kalaban-laban at nang mapatumba sila, agad nyang pinosas ang kamay at paa nila gamit ang Nylon Cable Tie, hinigpitan nya ito at sinipa nya palayo yung kutsilyo at baril nila. Sinundan pa ni Rouser yung dalawa pang natakbo papatakas

..

Sa kabilang banda, nagawa agad mahabol ni Cloud Girl yung tatlong kawatan na tumakbo rin para tumakas, wala syang idea kung itong mga kawatan na ba to yung may dala ng mga nakaw na alahas at diyamante.

"Sinong tatakbuhan nyo ha!!!" –Sinapak agad ni Cloud Girl yung isa sa kanila!

"Hawakan nyo sya!" sabi nung isa, niyakap ng isa si Cloud Girl mula sa likod at kinatakot nya agad na nagawa nitong mahawakan sya!

"Shit!! bat di nanaman gumagana kapangyarihan ko!!!" –nagpupumilit makawala si Cloud Girl sa pagkakawahak sa kanya

"Tumakas kana pre!! Kami na bahala dito sa feeling superhero na to!! Ha! Ano!! Asan na kapangyarihan mo!!" –Hamon ng kawatan kay Cloud Girl!

Habang natakbo yung may dala ng bag, namomroblema pa din sya kung paano sya makakapalag. Hindi gumagana yung kapangyarihan ni Cloud Girl, kaya nagawa syang masikmuraan ng kriminal!

"AAAAAHHHHHHH!!.... tangina nyo!! Ansakit nun ha!" –Nasikmuraan si Cloud Girl

"SIGE SUBUKAN NYONG MAKIALAM! BABARILI NAMIN TONG HERO-HEROHAN NYO!!!" –Pagbabanta nung isa sa mga inosenteng hindi makalaban

"Babarilin moko? Bat hindi pa ngayong hawak nyo na ako? Hindi na nga ako makawala eh!" –Cloud Girl

"Tatanggalan ka muna namin ng maska—" hinedbut nya agad yung kanina pa madaldal na kawatan, nadama ulit ni Cloud Girl na gumagana na ulit yung kapangyarihan nya kaya agad itong nakawala sa pagkakahawak sa kanya.

"Okay gumagana na ulit kapangyarihan ko" –Cloud Girl

"Nakawala tuloy, bat kasi di mo pa binaril kanina!" –Kawatan

"Edi mababaril din kita pag ginawa ko kanina yun!" –Kawatan (2)

Agad bumanat ng suntok si Cloud Girl sa nansikmura sa kaniya kanina! Sinaksak sya nung humawak sa kanya kanina pero nagagawa nya na ulit makatagos, na himbis sya yung masaksak, tinamaan nya yung kapwa nya kawatan!

"Oooooppppsssss… uhhhhmmmmm malinis kamay ko ha, wala akong kasalanan dyan?" –Biro pa ni Cloud Girl

"Sorry par!! di ko sinasad—"

"RAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!" ibwinelo ni Cloud Girl yung suntok nya, at pagkatama ng kamao nya, nagawa nyang mapatalsik yung kawatan patungo sa isang shop.

"May nalabas talaga laging Ulap pag nakaka-suntok ako ng may bwelo, siguro tatawagin ko itong 'Cloud Punch'? At ikaw naman, kupal ka, sinuntok moko kanina, wag mo tatanggalin yang kutsilyo na yan, mauubusan ka ng dugo." –Cloud Girl

"Arayyyyyyyyyyyy… ihhhhhkkkk ahhhhhhh…. Bobo kasi ng kasama ko!" –Kawatan

"Medyo rinig kona yung wang wang ng mga pulis dito, ayos lang yan" –Sabi ni Cloud Girl, hanggang sa na-realize nya na parang may mali….

"PUCHA NAKATAKAS ISA NYONG KASAMA ABA?!"

"Wala na yun, di mo na mahahabol yun!"

"Weh? Ulul pag nahuli ko yun, katabi mo yun sa selda!" –Agad nang kumilos si Cloud Girl para hanapin yung isa pang kawatan na tumakas, yung may dala ng bag.

..

Samantala, hindi nakatakas kay Rouser yung dalawang kawatan na hinahabol nya.

"MAMATAY KANA ROUSER!!!" [BANG!! BANG!! BANG!!!]

Matapang na tinakbo sila ni Rouser kahit tinamaan na ito ng tatlong beses, ininda nya lahat ng balang itinira sa kanya dahil naka Bulletproof Vest naman sya. Ibinato nya yung isa nyang baton sa muka nung bumabaril!

"RAAAAAAAAAAAAAA!!!!" buong nyang sinugod yung dalawa sa malapitan, hinampas nya agad yung kanilang mga kamay para mabitawan nila yung kanilang baril. Walang kahirap-hirap sa kanya yung laban kahit dalawa pa sila, kahit naglabas sila ng panaksak nila, agad nya rin itong na-disarm sa kanila. Bugbog silang dalawa kay Rouser.

"Di namin ginusto gawin to! Kailangan lang namin magkapera!" sabi ng kawatan habang pinoposasan sya ni Rouser

"Di ko rin gusto gawin to pero kailangan ko din gawin" –Rouser

"Wala kang karapatan kasi hindi ka isang pulis! Para ka ring kriminal na tulad namin dahil sa ginawa mong to!!" –Sabi nung isa pang kawatan na naka-posas na

"Pero di ako magnanakaw…" agad tiningnan ni Rouser yung dalang bag ng inupakan nyang kawatan, at di nya inaasahan ang nakita nya…

"Teka bat walang laman tong bag nyo?! Asan na yung mga ninakaw nyo!" –Rouser

"Wala saamin, hahaha! Tamang nauto ka lang namin HAHAHAHAHA!!!" pinagtatawanan sya ng inupakan nyang kawatan,

Hinampas ni Rouser yung maingay na kawatan sa tagiliraan ng noo, at hindi na ito naka-imik pa.

"ANONG GINAWA MO! Bat hinampas mo sya sa ulo?" –Sabi nung isa pang kawatan na natatakot

"Asan na yung mga ninakaw nyo, nakanino?! Ha?!!" pagalit na nyang kinausap yung kawatan. Lumingon yung kawatan sa gawing kaliwa kaya napalingon din sya, nakita nyang may isa ring lalaking may kapareho nilang maskara at meron itong dala-dala na bag….

Agad napatayo si Rouser, at ilang Segundo sila nagkatitigan neto…

Kawatan na may dalang bagpack: "…"

Rouser: "Okay… malamang eto na yung may dala…"

Agad itong tumakbo palayo! At isa nanamang habulan ito para kay Rouser.

..

Napatigil si Cloud Girl, nang mapatigil rin yung kawatan na hinahabol niya, at saka napatakbo ulit papasulong, nagtaka sya bakit napa-urong yung hinahabol nya, at saka nya nakita yung idol nya….

"Si Rouser naandito din?!" bagay na kinagulat niya! Dahil akala nya siya lang mag isa yung pumigil sa mga kawatan.

"OH, MY GOSHH!! ANDITO SI SENPAI!!!, kailangan ko syang tulungan!"

..

Hinanda ni Rouser yung Cog Blaster nya para patamaan yung tumatakas na kawatan pero napababa sya ng tutok nang may nakita syang babae na sinubukang habulin din yung kawatan.

"Hah?! Dalawa pa pala sila? Teka may babaeng kasabwat?" –Pagtataka ni Rouser

Hindi alam ni Rouser na si Cloud Girl na pala yung kasama nyang humahabol sa kawatan na may dalang bag. Napa-iwas si Cloud Girl nang makita nya ibinato ulit ni Rouser yung baton nya.

Tinamaan sa likod ng ulo yung kawatan, napahinto ito at agad tong nilundagan ni Rouser para hindi na makakilos pa.

"Woahhh, muntik nako tamaan dun ah, buti naka-ilag ako" –Cloud Girl

Hindi na inabala ni Cloud Girl si Rouser sa beat-up na serbisyo nya sa huling kawatan, habang si Rouser naman nagtataka bat hindi nya tinutulungan yung kawatan. Pagkatapos maiposas ni Rouser yung kawatan, agad nyang chineck yung bagpack na dala nito…

"Imposible, bakit wala ring laman to!!!" –Nanggigigil na si Rouser,

"At ikaw naman bat di mo tinulungan yung kasama mo?!" –Rouser to Cloud Girl

"Ha? Hindi ko po sya kasa—" nagulat si Cloud Girl nang sugurin sya ni Rouser, buti nalang nagawa nyang maka-iwas agad

"Hindi ko nga sya kasama!!" –Cloud Girl

"Asan na yung mga ninakaw nyo?!" –Rouser

"Hindi ako kawatan!" –Cloud Girl

Alam ni Rouser na isang babae ang kausap nya, kaya ibinalik nya sa likuran nya yung baton niya. Ayaw nya itong saktan ng puro, kaya dahan-dahan nyan inilabas yung Taser Gun nya.

Hindi naman makapaniwala si Cloud Girl na 'kawatan' ang turing sa kanya ng idolo nyang si Rouser. Nakita nyang tinago nya yung dalawang arnis baton nya sa likod, may kinuha ito sa likuran nya.

"Mukang gusto mo idaan pa natin sa ganto to ha, fine!" –Cloud Girl

Buti mabilis ang paningin nya nang itira sa kanya ni Rouser yung mismong Taser, nasalo nya ito ng kanang kamay nya!

"Anong?! Bat hindi ka tinablahan!" –Kinagulat ni Rouser!

Napilitan si Rouser sugurin si Cloud Girl nun pero nagpipigil syang saktan ito, pero nagawa syang masikmuraan ni Cloud Girl, kaya inilabas ulit ni Rouser yung isa nyang baton. Nagulat sya nang dinaanan lang sya nito, hindi sya makapaniwalang hindi tumama yung mga hampas nya.

"Cloud Blast!!!!!" binugahan ni Cloud Girl si Rouser ng kanyang Cloud Blast, napa-mask on si Rouser nun para hindi maapektuhan yun mga mata nya.

"SAGLIT!!!! TAMA NA YAN!!!!" –Sigaw ni Rouser habang hindi sya tinitigilan bugahan ni Cloud Girl ng ulap

"Ikaw… ikaw yung isa pang Superhero… ikaw ba yan Cloud Girl?" –Tanong ni Rouser sa kanya,

"Ako nga to… Rouser hehehe, nice to meet you Idol!" –Cloud Girl

..

Nagkalapit yung dalawa, at nag-shake hands sila. Nagkahingian rin sila ng tawad sa isa't-isa.

"Pasensya pala, kala ko hindi ikaw yan" –Rouser

"Hindi kasi ako nakaputing jacket kaya hindi mo ata ako agad natukoy" –Cloud Girl

"Kanina ka pa dito?" –Rouser

"Oo, bago pa mangyari yung krimen nila, di ko rin inasahan na magnanakaw sila dito, tamang namamasyal lang ako ngayon" –Cloud Girl

"May apat akong nakalaban na kawatan, pero wala sa kanila yung mga nakaw" –Rouser

"Akin, dalawa lang nalaban ko kasi binanatan mo tong hinahabol ko eh" –Cloud Girl

"Wala rin sa kanya yung mga nakaw, na-loko nila tayo dun ha…" –Rouser

Agad nagtungo si Cloud Girl at Rouser sa Jewelry shop na sinalakay ng mga kawatan, madaming natangay yung mga magnanakaw. Nakapasok na rin ang mga police. Nahuli na yung mga kawatan at nakalabas na yung ibang taong na-stranded sa loob ng mall. Maraming nagpasalamat sa katapangang ipinakita ni Cloud Girl at Rouser sa pagkontra sa mga kriminal.

"Nasaan na kaya si Manong Guard kanina? Tinulungan rin ako nun eh, sayang magpapasalamat sana ako sa kanya" –Cloud Girl

"Hindi ko naabutan sayang" –Rouser

Biglang nakita ni Cloud Girl yung guard kanina, pero hindi na ito naka uniporme, may dala itong bag at mukhang nagmamadali maglakad papalayo.

"Teka yun yung Guard kanina ah, natatandaan ko yung mukha nya" –Cloud Girl

"Sundan natin sya… kasi dapat nagwi-witness sya dito ngayon, hindi yung lumalakad sya palayo" –Rouser

"Tinulungan nya ako kanina, bumaril sya kaso di nya nga lang tinamaan yung mga kawatan" –Cloud Girl

Tinawag ni Cloud Girl yung gwardya ng Jewelry shop kanina, pero nangdededma lang ito. Nang tapikin ni nya ang balikat neto, pero patuloy pa rin ito sa pag dedma, at hinarap nya na yung bag pack nya.

"May something about sa kanya" –Cloud Girl

"Hoy tatang… pwede ka bang maka—" pagharap nito ay binaril nya si Rouser at Cloud Girl!

Napa-aray lamang si Rouser, at sinabi nyang "okay lang ako naka-bulletproof vest ako" habang tumagos lang yung bala kay Cloud Girl.

"Habulin mo sya, nasakanya yung mga alahas at diyamante!!" –Utos ni Rouser kay Cloud Girl, hindi makahabol si Rouser dahil napa-upo sya sa sakit na tinamo nya.

"Kasabwat ka pala tatang!!!" –Cloud Girl

Pero napahinto si Cloud Girl sa paghabol nya nang may bumaril sa tagiliran ng gwardyang kasabwat ng mga kawatan! Parang grappling gun yung pinangbaril sa kanya dahil nahila yung katawan nya. Nagulat si Cloud Girl sa nakita nya,

..

..

..

..

..

"Putang… Ina…"

Cloud Girl and Rouser teams up for the first time!

Webnovel_Phrygiancreators' thoughts