webnovel

Cloud Girl (TAGALOG)

Habang tumatagal, dumadami ang nagpapakilalang mga 'Hero' sa bansa, at kasabay din nito ang pag dami rin ng mga nagpapanggap lamang na gumagawa ng kabutihan. Dahilan para maalarma ang karamihan na tama pa ba itong pagdami na ito o hindi. Ngayong nahahati ang opinyon ng karamihan kung ang mga hero ba na to ay lumalaban para sa kabutihan, o para lang sa kanilang personal na interes, o para mailagay ang batas sa sarili nilang kamay, dadating ang panibagong grupo para magbigay ng matinding hamon sa mga hero natin. Maaasahan ba natin sila? O dapat natin silang katakutan? Samahan natin si Cloud Girl at ang tropa sa panibago nyang hamon ngayong Season 3!

Webnovel_Phrygian · Urban
Not enough ratings
35 Chs

Chapter 14 – Recognized Hero

Hi! Ako nga pala si Claudine Santos… at sa loob ng tatlong buwan, ako ang ikalawang Superhero ng bayan… ng Pilipinas? Duh di ko deserve yung national title, anyway… tatlong buwan na ang nakalipas nang maging ako si Cloud Girl, ang hero na di nila ni-request pero naandito.

Nagsimula ito after kong mag 19 years old, nang makaramdam ako ng matinding panginginig sa kamay ko, sign na pala iyon na… well, siguro tinatawag na ako ng kapangyarihan ko na

"Oy! Claudine! Oras na para paganahin moko!! Ako nga pala tong Cloud powers mo!!"

Parang ganyan, kasi biglaan eh. Although madami pa din akong questions about sa kapangyarihan kong ito, mabilis ko naman itong natutunan na magamit. Sa simula lang ako na-creepyhan pero nang tumagal at napag aralan ko kontrolin to, medyo nakaka satisfy lang yung dating for me.

Kaya ko Cloud Blast… check!

Kaya ko pasunurin at kontrolin ang kaulapan sa kalangitan… check!

Kaya ko tumagos sa saksak, bala, tao… check!

Kaya ko makalipad papuntang ulap… check!

Adjusted yung bilis at lakas ko… check din! Slight nga lang pero di ako super lakas

At lastly, may nagawa na rin akong something good dahil sa kakayahan kong ito. At yun nga, recognized na akong hero. Wow kapal ng muka dyan sa part na yan, uleyyttt!

Recognized na akong 'hero'

Wew, di ko talaga ma-complement sarili ko, pero yung mga tao na nagsasabi eh na hero daw ako. Basta ako, ginagawa ko lang yung sa tingin kong tama, tulad ni Rouser. Anyway, sa first 3 months ko na to magmula ng madiscover ko tong powers ko, never ko pa na-meet si Rouser in person. Pero nakalaban kona once yung guy na "Cable Blade", pero after kong mapigilan yung binalak nyang pag atake sa banko sa Taft, di na sya nagpakita ulit, wala nang balita tungkol sa kanya.

Siguro, kung isa akong video game character, ako ata ang pinaka madaling masterin na hero, kasi andali ko lang nagamay yung kapangyarihan ko, at nakakagawa na rin ako ng iba pang atake. Pero aside sa feats ko, may isa akong weakness na di ko alam kung bakit nangyayari saakin.

I called it Cloud Malfunction…

Ang korni ba? Wala na akong maisip na ibang term eh kasi naman lahat ata ng tawag ko sa moveset ko pucha puro may 'cloud' sa unahan haha! Siguro pwede ring Cloud shortage o kaya naman Power shortage.

Ito yung weakness ko na bigla akong nawawalan ng kapangyarihan, madalas pa to mangyari sa mga oras na risky talaga. Di ko alam kung ano sanhi neto, basta basta nalang nawawala eh, then babalik ulit after 1 to 3 minutes.

Dati nga eh, nung nakausap ko ng malapitan si Cable Blade sa footbridge, nagawa nyang maiposas yung kamay ko. Pero nung una hindi natagos kamay ko nun, natakot talaga ako nun na siguro kung pinatay nya ako nun, patay na ata talaga ako kasi hindi gumana kapangyarihan ko nun. Buti gumana ulit kapangyarihan ko nun at nagawa ko siyang mahabol nun.

Hindi lang naman sa time na nakalaban ko si Cable Blade nagloko tong kapangyarihan ko, napansin ko din, pag nasa loob ako or let's say na malayo ako sa ulap, parang limited tong kapangyarihan ko. Maraming beses na din ako nawalan ng kapangyarihan, kadalasan talaga dun pa sa time na kailangan na kailangan kong ibuga yung cloud blast kong pang panalo.

Kaya di ko rin masabing gamay ko na talaga kapangyarihan ko, gets mo? Like 50% oo gamay ko powers ko, and another 50% na nope, di ko pa talaga gamay to.

..

Ngayon, eto nanaman ako, naglalaboy mag-isa at total Christmas break namin ngayon at malapit na mag 2019, gusto ko na munang magpa-easy easy kahit ngayon lang. Pumayag na si Mommy sa request ko sa kanya na gusto kong bumili talaga ng punching bag. Yung pang boxer talaga, no joke. Tapos pinaalam kong ilalagay ko yun sa kwarto ko. Di ako sinamahan ni Kuya Benjo ngayon kasi nasa probinsya sya ngayon, si Yaya naman nasa bahay pa sya pero aalis rin sya sa susunod para makapag pasko rin sya kasama yung pamilya nya. Siguro Christmas gift na sakin ni Mommy to, pero never ko pa syang nabigyan ng something memorable ngayong magpapasko na.

[To: Mommy Smart]: Myyyy, nakahanap na ako ng gusto kong punching bag, tapos bumili na rin ako ng gloves at iba pang accessories para sulit. Isasakay ko nalang sa taxi mamaya, see you later! Loveyou Mommy!!! 😊<3

[Message Sent]

Naghanap na rin ako ng face mask nun kasi di ko nadala yung gamit kong mask, yung white. Di ko rin gamit ngayon yung white kong jacket, naka gray na cardigan instead.

After ko makabili ng pansamantagal kong mouth mask, naglibot-libot pa, nadaan akong Watsons pero wala naman akong natripan bilhin ngayon doon. At syempre di pwedeng aalis ako dito nang hindi ko nakakakaen ng Shawarma hahaha! Tiyagaan lang talaga ng pila sa Turks. Nagma-my day din ako ng pinag gagagawa ko, pero himbis na selfie ko, etong shawarma ko at milktea ko pinost ko, share ko lang hahaha! Ayos lang na walang reacts di naman nakakain yun, pag pinost ko kasi sa wall ko, wala namang nagla-like. Nuh daw?

Sarap buhay feels habang Christmas break!! <3

Pero ang tanong, ang mga hero ba, may pahinga din kaya sila?

I think wala, kasi walang pinipiling araw ang krimen…

..

..

..

..

..

Palabas na sana ako ng mall nang maisipan kong dumaan saglit sa department store, di ko alam kung bakit, basta bigla ko lang naisip na magwindow shopping, nang makarinig ako ng putok ng baril I think sa baba yun!

Sunod-sunod yung putok ng baril nun, tunog palang mukhang riffle or machine gun yung gamit ng kawatan! At andaming taong nagpanic, maging ako napa upo din bigla. Nakakatakot at mapanganib tong lagay na to kasi matao dito sa loob ng mall para magbarilan, madaming inosenteng madadamay.

Lumabas agad ako ng store, kita ko kung paano magtakbuhan yung mga tao, yung iba nagsitago sa mga pwesto habang buhat at hatak nila yung mga anak nila. Tumigil nang ilang saglit yung tunog ng barilan nun, at doon ko na sinimulan ang pagkilos ko.

Una sa lahat, di eto yung inaasahan ko sa Christmas Vacation ko,

Pangalawa, bakit dito pa sa Mall?

At pangatlo, ano nga bang mewon (bulol sa R) sa loob ng Mall para magbarilan sila?

"TUMUNGO KAYO!!! WALA KAMING BALAK SAKTAN KAYO! WAG LANG KAYO KIKILOS NG MALI!!" -Kawatan

Grabe, napaka-armado nilang walo, rinig ko sila mula dito sa second floor, nahanap ko na sila. Sa ngayon mukhang wala pa silang pinapatay, sana wala. Nakita ko rin na hinahayaan nilang makatakas yung mga nanay na may dalang anak, pero yung mga lalaki halos bantay sarado sila.

Walang nagawa yung guard sa Jewelry shop kundi ilapag yung baril nya at sumuko nalang din dahil nga sa andami nilang armadong kalalakihan. Mukhang eto yung pinunta ng mga kawatan ah… yayaman sila dito.

Nagpaputok sila sa loob ng Jewelry shop para takutin yung mga staff sa loob, syempre pakay nila doon yung mga alahas, diamante, at iba pang pwedeng manakaw kasi pera-pera din yan. Pinag-isipan ko kaagad kung paano ko sila malalapitan, ang hirap kasi magkakadikit sila, armado na at madami pang mga inosenteng pwedeng madamay dito.

Mukang kailangan ko nanaman magpaka-Cloud Girl kahit di ako naka white na jacket at mask… I guess, walang pinipiling araw ang krimen. Sinuot ko na yung mouth mask ko at sinubukan ko kung gumagana kapangyarihan ko, nasa condition ako ngayon.

Sa di kalayuan may isang security guard na nagtungo agad sa Jewelry shop at sinubukan nyang barilin yung isa sa apat na naka bantay sa labas, pero hindi ito tinamaan ni manong guard!

[BANG!!!] putok ng baril ng guard

"Puta?!" napamura ako

"Duling amputa! Patayin nyo na yung gwardya na yun dali! Mag isa lang yan!" sabi nung isang kawatan

Nakatago ako sa isang stall nun, nang gamitan ko sila ng Cloud Blast ko!!

"Pucha anong nangyayari?!!"

"Ang usok puta wala nakong makita!!!"

"Yan yung Cloud Girl sa TV!! Andito sya ngayon!!"

"Barilin nyo na mga tanga!!!"

[TATATATATATATAT!!!]

Nagsitagusan lang saakin yung mga bala, balewala lang sakin yung ginawa nilang yon para akong multo,

"PUTA!! HINDI NATIN SYA NAPATAY!!!"

Yung isa sa kanila, naglabas na ng panaksak nya at sinugod ako, "RRAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!" kaya napalaban nanaman ako ng pisikalan, ganun pa rin naman nagawa ko syang tamaan pero hindi nya ako nasasaktan kasi tumatagos ako sa mga saksak nya. Bara-bara lang ako makipag-laban, tama lang na may napanood ako sa youtube, na dapat daw unahin ko yung mga sensitibong bahagi ng katawan na tamaan! Kaya nung nasapak ko sya, gamit yung daliri ko, clinoud blast ko yung mata nya ng mahapdian sya.

Hindi ko namalayan na andami na palang nakuha nung kawatan sa loob pagkatapos kong maupakan tong sumugod saakin

Yung manong guard kanina na daplis bumaril, tinulungan nya ako, sinubukan nyang patamaan ulit yung isa sa kanila [BANG!!!] pero di nya pa rin tinamaan!

"Kanina pa yang matandang yan! Kala ko pinatay nyo na!"

"Maghiwa-hiwalay tayo!!!"

Naghiwa-hiwalay sila nang makabas na yung kasamahan nila sa loob, may tatlong pumunta sa kaliwa, may apat na nagtungo sa kanan, di ko alam kung bakit di na nila ako nilabanan!

"Wag kayo mag akasya ng bala sa kanya! Walang mangyayari! Makakabarilan pa natin neto yung mga pulis mamaya!!"

Hindi ko alam kung sino hahabulin ko doon, yung tatlong pumunta sa kaliwa, o yung apat na kawatan na tumakas patungong kanan?!

"Sayang! Hindi ko sila tinamaan!" –Manong Guard

"Manong Guard, ako nga pala si—"

"Alam kong ikaw yan Cloud Girl" –Manong Guard

"Paki-check nalang po kung may mga nasaktang tao sa loob ng shop, hahabulin ko yung tatlo sa kaliwa!" –Inutusan ko sya

"Pero pano yung apat na pumuntang kanan?!"—Manong Guard

"Babalikan ko sila, promise! Yari silang lahat satin!"

"Habulin mo na muna sila! Parating na yung mga pulis dito hindi na makakawala iyan, poposasan ko na din pala yang nilabanan mo! Salamat sayo Cloud Girl, buti naandito ka!" –Manong Guard

"Salamat po"

At saka ko hinabol yung tatlong nagpunta sa kaliwa…. Nililito nila ako, pero kutob ko naandito yung mga ninakaw nilang na alahas at dyamante,

..

..

..

..

..

"Papunta na ako sa Mall na sinasalakay ngayon ng mga kawatan! Jolo, Kenken kayo muna bantay sa shop natin!"

"Okay boss Rouser!!"

"Pagbabayaran ng mga lintek na mga kriminal yang ginawa nila ngayon!"

Patungo na si Rouser sa Mall, na sinalakay ng grupo ng mga kawatan, nakasabay niya rin yung ibang kapulisan patungo na ekesena.

When you just wanna have some good time and then crooks shows up to ruin your day

Webnovel_Phrygiancreators' thoughts