"I love the silent hour of night, For blissful dreams may arise,
Revealing to my charmed sight, What may not bless my waking eyes."
-Anne Bronte-
~~~~~~~~
Excerpt from "Bright" by Echosmith
♪ I think the universe is on my side
Heaven and Earth have finally aligned
Days are good and that's the way it should be
You sprinkle star dust on my pillow case
It's like a moonbeam brushed across my face
Nights are good and that's the way it should be ♫
♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥
My Journal
28 March 2018
Sometimes you lose a sense of reason... and your judgment fails.
You try to do things which you don't dare doing before. Not out of desperation, not because of the challenge of it.
But because you just simply believe in chances.
Chances between you and someone you stumbled upon with on the least possible situation, on the least possible reason, or under the strangest circumstances.
This someone makes your heart skip a beat and sometimes makes your heart beat like bats out of hell.
Your usual routine's bound to change.
And It's not just the routine and the things that you're used to. It's YOU. It changes you.
Coincidence? Fate? I'm not sure if I believe in those.
But meeting him definitely makes me believe in something.
I will see him.
-Sophia Lara
~~~~~~~~
(Four months before Sophie wrote her journal entry...)
Scratching my eyes, I struggle to wake my senses up as I hear the soft knocks from the door.
"Sophie, puwede ba'kong pumasok?"
"Tuloy po kayo." Tuyo ang lalamunan ko at hirap akong magsalita.
My eyelids flutter, my eyes taking in the small ray of light coming from my window and my brain frantically scrambles itself to recall the events why I'm sleeping during this time of hour. My head feels like it's filled with straw.
Ano'ng oras na nga ba?
Slightly dazzled by the sudden lights on, I scratch my eyes and recognize an elder woman in A-line powder blue dress standing at the end of my bed through my blurry vision.
My head's fuzzy and it feels awful.
"Dumating ang kaibigan mong si Jane. Nasa great room siya ngayon," ani Manang Delma, ang mayordoma namin.
I feel alert instantly. Tiningnan ko ang oras at mag-a-alas-otso na pala ng gabi.
Oh my gosh, 'yong party!
Kinuha ko agad ang aking phone sa bedside table. May five missed calls and three text messages ako galing kay Jane. I couldn't believe I was that unconscious upang hindi ko man lang marinig ang mga tawag niya!
"Kumusta na'ng pakiramdam mo?" tanong niyang may himig ng pag-aalala.
"Medyo mabigat pa po ang pakiramdam ko, pero mas mabuti na ngayon kumpara sa kanina," sagot ko.
"Gusto mo bang paakyatin ko na lang siya rito?"
"Huwag po kayong mag-alala, Manang Delma. Kinakailangan ko na rin talagang bumangon dahil may party kaming pupuntahan ngayon. Tingin ko naman po ay okay na okay na ako."
I want to believe I'm perfectly fine. But my head still aches as I struggle to breathe with my clogged nose. This I remind myself that pain is just an illusive sensation which my mind can override if it needs to.
Hindi, okay na ako.
Pilit ko pa ring kinukumbinsi ang sarili ko.
Kanina sa school ay nagsimula na 'kong makaranas ng clogged nose. It gave me a great deal of headache and caused me to sneeze every now and then. It must be the sudden changes in the weather.
Laking gulat ko na lang din kung paano ko nagawang makapagmaneho nang sobrang bilis makauwi lang agad. Inantok ako sa mga gamot na ininom ko kung saan halos tatlong oras din akong nakatulog.
Tumuloy na 'ko sa hall na nasa taas lang ng Great Room. Minsan ko lang gamitin ang daang ito ng aming bahay, ngunit ito na ang pinakamabilis na paraan pababa kung nasaan si Jane.
Ang grand staircase nito na may paikot na hagdan ay tuloy-tuloy hanggang makaabot sa ibaba. Wala man lang landing sa kalagitnaan. Kitang-kita rin mula rito sa itaas ang kabuuan ng Great Room na para sa akin ay medyo nakakalulang tingnan. Natatanaw ko si Jane sa ibaba, nakatayo at naka-pamaywayng ang isang kamay, habang ang isa ay hawak ang cellphone at tila nagte-text ito.
"I've been calling you big time!" Nilapitan ako ni Jane at saka saglit na niyakap.
"Nakatulog kasi ako agad pagkatapos kong uminom ng mga gamot pagkauwi rito sa bahay. I'm sorry for worrying you, guys. I know I should've texted at least," paliwanag ko sa kanya.
"Because all of a sudden, you disappeared in the library while we're working on our report. Na-miss mo rin tuloy ang isang minor quiz today." Iyan na naman siya na parang nakatatanda kong kapatid kung umasta. One year lang naman ang tanda niya sa akin. Palibhasa'y only child kasi siya.
"I intended to inform you, pero nasa kotse na ako when I realized that my batt has gone flat. Hindi ko makita ang charger ko baka hiniram na naman ng kapatid ko nang walang paalam."
And Marcia does that as always. Nangunguha ng gamit nang walang paalam. Dahilan niya lagi, nakakalimutan niyang magsabi.
Sigh.
"Good thing you've taken a rest at least." Bumuntong-hininga siya at alam kong kuntento na siya sa eksplenasyon ko. May pagkamakulit kasi si Jane. "Are you okay now?"
"Oo naman," sagot ko agad.
Kahit hindi.
An itch in my nasal caused me to sneeze.
Crap!
Napailing na lang siya ngunit dinedma ko na lang, habang ayan na naman at mapapabahing akong muli.
Double crap!
I should come to the party no matter what!
"So, are we going now? Bibilisan kong kumilos, wait ka lang dito. I'll freshen up a bit and get dressed real quick."
Patalikod na sana ako nang bigla niya ako pinigilan.
"No, Sophie. You don't need to go. Napadaan lang talaga ako rito para makita personally kung okay ka. Wala ka kasing pasabi, eh kung buhay ka pa!" Concerned ba talaga 'to, isip-isip ko. "And it looks like you're not that well. I'll tell Emma and the rest na hindi ka makakapunta, and for sure they'll understand."
Kontrabida talaga! Ang hirap kasing magpanggap na walang sakit.
Nakasimangot akong tumango na lang. How can I miss this party, and all the fun on this "all girls" night out?
At parang nabasa naman niya ang nasa isip ko.
"Allergies and alcohol plus the meds don't make a good combination, Sophie. Baka lumala pa iyan."
She's right. And I cannot push this to ever tenacious Janina Castillo. Hindi rin magugustuhan ni Dad kung malalaman niyang lumabas ako para mag-party habang masama ang pakiramdam ko. I don't want to test his leniency towards my freedom. Mahirap nang ma-grounded.
"And by the way, may mga pinadalang kaing ng mangga si Mom galing hacienda. Nasa pantry niyo na. Kumain ka ha, para mabilis na bumuti ang pakiramdam mo," dagdag pa niya.
I make a mental note to call Jane's mom later to thank her.
"I thought I wouldn't miss Emma's birthday party for the world. We've planned this, the surprise dinner and all." Lumapit ako kay Jane upang makipag-beso-beso. "Huwag uminom nang sobra, ha? And beware of Frank-like jerks-prince charming in disguise."
Jane smirks. "Nahh, it's the other way around. Sila pa nga ang dapat na umiwas sa akin."
My eyes dart straight to her, eyeing her nonchalantly. It's just that I don't want her hurt again. Kagagaling lang niya sa isang emotionally exhausting na relasyon.
Nakilala niya ang ex-boyfriend na si Frank sa isang bar, na ipinagpalit siya sa ibang babaeng sa bar lang din nito nakilala. Nightspots indeed are not of the ideal places to find a real prince charming.
"I know. Sobrang old story na iyan! That prick is dead," Jane argues. Banaag sa mukha niya ang pagkairita. Hanggang ngayon ay allergic pa rin siya sa pangalan ni Frank.
And well, he's not dead, literally. Wala nang nagbabanggit pa ng pangalan niya sa mga kaibigan namin mula noon, dahil kumbaga, itinuring na namin siyang patay. Ang huling balitang narinig namin ay iba na naman ang girlfriend niya, God knows kung saan naman niya nakilala ngayon.
"Bye for now. And for all the gods' sakes, magpahinga ka, okay?" pagpapaalala niya.
"Please Jane, 'di ba talaga ako pwedeng sumama?" nagbabakasakali kong tanong, halos desperada na 'ko.
Naningkit ang mga mata niya. "Don't act like a kid, Miss Sophia Lara Jimenez. May practical test tayo next week. Siguro naman ay ayaw mong ma-miss iyon, 'di ba?"
She has a point. Ayaw kong mahuli lalo na at malapit na ang finals.
"Well then, I better be going." Kumindat siya bago tuluyang tumalikod, giving me her signature pouty smile gamit ang bago niyang Kylie lippie.
Ang hot ng dating niya in her midriff top, tight jeans, and low cut suede boots. Naka-pusod lang siya in a messy bun habang may maliliit na strands ng buhok na nahuhulog sa gilid. Naka-nude look make-up siya at ang pinaka nangingibabaw ay ang magandang pagkaka eye shadow niya to achieve those smokey eyes.
What a girl! Kung hindi ko kilala si Jane, iisipin kong catwalk model siya. No match si Kendall Jenner at Gigi Hadid sa kanya!
~~~~~~~~
Pagkatapos maghapunan, bumalik na 'ko sa kwarto at naisipan kong mag-relax muna sa isang warm bath. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin at sinuklay ang magulong buhok gamit ang mga daliri.
Looking a bit under the weather, my face has turned to appear like a "byojaku" from Japan.
Nevertheless my feverish eyes still look fab with mascara on my lashes still in place, while I remember carelessly scratching my eyes a few times when I started to feel drowsy (and so I am keeping that mascara brand). Ang namumula at tila namamaga kong ilong ay kabaligtaran ng namumutla kong mukha.
Finding relief from breathing in the eucalyptus essential oil I put in the bathtub as it loosen up my stuffy nose, I indulge in the foamy bath for about twenty minutes.
Handa na ang warm milk ko sa bedside table pagkalabas ko ng bathroom. Ininom ko ito kasama ng gamot at Vitamin C tab.
Then what to do now? I shouldn't be stuck here at home, in a Friday night alone, and boredom that will kill me soon.
Binuksan ko ang aking laptop upang magpalipas-oras habang nagpapaantok. Nagbabasa-basa ako ng e-news hanggang sa nakulitan na 'ko sa isang dating site ad na kanina pa lumilitaw sa screen.
"Connected"
Meet people around the world and stay... Connected!
Curious and bored as I am now, I press the sign up button and fill up the details. I want to see what's in there.
First Name: Sophie
Last Name: Jimenez
Birthday: April 3, 1994 (21 years old)
Gender: Female
Country: Philippines
City: Antipolo City
Status: Single
Interested in meeting: Men
Height: 5'6"
Weight: 130 lbs
Hair color: Dark brown
Eye color: Dark brown
Race: Filipino, Asian
Interests: Cooking, baking, photography, cats, clubbing, traveling, hanging out with friends
Then for the last step, hiningan ako ng display photo. Naisip kong mag-selfie dahil karamihan ng recent photos ko ay kuha in groups.
Kinuha ko ang phone ko, at habang nakaupo sa kama ay sinubukan kong mag-selfie.
Oh... not good!
Sinubukan kong muli.
(Click!)
Worse.
For the third time my photo looks terrible.
And so and and so forth...
Do sick people usually find it hard to look at their best in a picture bare-faced? The thought of applying some makeup makes me chuckle for doing such an effort just for this. I brush away that silly thought, though.
Bigla kong narinig ang pamilyar na "meow" sa hindi kalayuan. Ito ang Himalayan cat kong si Zeus, na lumitaw mula sa aking walk-in-closet. Tumalon siya papuntang kama at pumwesto sa kandungan ko.
Ngayon, naalala ko nang may picture pala kaming dalawa na naka-save sa phone ko na kuha nang nakaraang buwan noong third birthday niya.
In-upload ko ang picture namin bilang display photo. Hindi na ako magdadagdag pa ng ibang litrato kasi hanggang maaari, gusto kong discrete lang ang profile ko.
Viewing my profile a last look, I tell myself that I'm satisfied. Sa tingin ko ay saka na 'ko magbibigay ng karagdagang detalye tungkol sa sarili kapag may maka-chat ako.
What did I just say? Chat?
Kailan pa 'ko natutong makipag-chat online with strangers?
Kung ganoon, eh ano'ng ginagawa mo sa site na'to in the first place? It's my subliminal psyche.
Oo nga naman, why am I here, anyway? To meet people, right? At siyempre kasama na roon ang pakikipagusap sa kanila.
While other girls my age go crazy into chatting and flirting online, I'd rather dwell more on to my hobbies and going out with my friends.
I still fall in the category of being normal, right?
Nagsimula na 'kong mag-browse ng user profiles sa Connected. Not bad, sabi ko sa aking sarili.
Hindi nagtagal ay nakakatanggap na 'ko ng notifications galing sa mga Pinoy ring tulad ko. Hindi ko tinanggap ang friend requests dahil iniiwasan ko ang posibleng eyeball balang araw, lalo na kapag naging constant na ang communication sa kanila. Napaka-posible nito dahil madali lang makipag-meet kung nasa iisang bansa lang kayo ng ka-chat mo.
Not just my thing, I guess.
Ni hindi ko gusto ang ideya na blind dates. For two years after my breakup with my ex-boyfriend, Tristan, Jane had set me up for blind dates on a few occasions with different kinds of guys. I don't need dates. I never needed one to mend my broken heart.
Naging kaibigan ko naman ang iba sa kanila after the date since they're really nice, at mayroong dalawa na hindi ko talaga nagustuhan dahil sa kapreskuhan. Sa ngayon, sapat na siguro ang makipag-chat na lang muna to pass the time. This will be a new experience for me!
But then it's coming to a point that I'm getting bored already. Mukhang wala naman akong makitang profile na ganoon ka-interesante upang mapagtuunan ko ng pansin, sa totoo lang.
There are tons of cute guys on the site, at parang ang Connected na ito ay isang online store with a handful of hot guys across the world but I do not know, maybe I'm not really into this and I didn't really wanted this.
Magla-log off na sana ako nang mahagip ng atensyon ko ang DP ng isang foreign guy sa gitna ng iba pang thumbnails ng nag-gagwapuhang lalaki sa pahinang iyon.
I click his profile and read his details.
Name: Andy
Age: 26
Gender: M
City: Cambridge, England
Interested in: Women
Height: 6'1"
Weight: 184 lbs
Hair color: Brunet
Eye color: Hazel
Race: British
Interests: Arts, photography, football, watching movies, big dogs, meeting people
Gamit ang mouse, pinindot ko ang profile picture para makita ito nang malakihan. He has the most expressive hazel eyes I have ever seen kahit ito'y litrato lang!
Nakasuot siya ng isang white sweatshirt habang naka-puwesto sa background ng isang malaking abstract painting na hindi ko makita nang buo. He has those big smiles!
Naging interesado akong tingnan ang iba pa niyang litratong naka-share in public.
Sa isa sa mga litrato niya ay nakaupo siya sa isang couch. Nakasuot siya ng isang cream knitted v-neck coat sa ibabaw ng blue collared shirt paired with faded jeans.
Sa isang litrato naman ay kuha daytime outdoors kung saan mukhang kakasimula pa lang ng autumm season sa UK, dahil sa mga tuyo at pulang dahon na nakakalat sa kalsada. Ang athletic ng kanyang dating habang kasama ang isang Siberian husky na aso. Nakatayo sila sa gitna ng kalsada. Sa magkabilang panig nito, may mga nakalinyang puno na ang dahon ay nagsisimula nang malagas.
Now that really looks cute!
May iba pang mga litrato pero ang isang ito ang pinaka nagustuhan ko! It was taken outdoors as well, with a background that's so European. He looks boyish wearing a baseball cap, and he's flashing that smile revealing a small dimple on his cheek. This time I can fully attest that this guy is a total hottie!

Hindi ko maiwasang isipin ngayon kung siya nga ba talaga ang mga nasa litratong ito. Baka mamaya niyan ay poser lang siya na gumawa ng imbentong profile. I shake my head driving away the unpleasant thoughts. Sana ay totoo siya.
Go on, alamin mo! That voice in my head.
Butterflies in my tummy tickle the inner heroine in me. Walang pag-aalinlangan kong pinindot ang "Meet Me" button para sa isang message request.
Is he gonna accept it?
It will be fine if not... and if he does, nakakatuwa siyempre! Sobrang cute kaya ng guy na 'to!
Pinaliit ko muna ang Connected para magcheck ng updates sa Instagram. Nakapagpost na si Jane ng ilang photos nila sa dinner. Nakaramdam ako ng kaunting inggit dahil andoon silang mga kaibigan ko na nagsasaya, habang ako, stuck dito sa kwarto.
Habang nalilibang ako sa pagbabasa ng updates mula sa aking mga kaibigan, isang hindi pamilyar na ping ang tumunog mula sa laptop ko. Notification pala ito sa Connected na ang sabi ay, "Meet You".
Isa lang ang ibig sabihin nito. The British guy accepts my chat invitation!
My inner heroine jumps from her seat!
♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥