webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · 历史言情
分數不夠
98 Chs

XLIX

Juliet

Pagkatapos ng trabaho ko sa pagamutan ay nagulat ako nang makita si Fernan sa labas.

"Oh, Koronel Fernan! Kamusta na si Pia? Maayos na ba siya?" Tanong ko.

"Oo, salamat sa pagtingin sa kaniya kanina binibini." Sagot niya.

"Wala 'yun! Bakit ka nga pala napadaan dito?"

"Pinatawag na naman kasi si Niño kaya ako na raw muna ang maghatid sa iyo sa inyong tahanan." Sagot niya.

"Ah... ayos na, Koronel! Kaya ko naman ang sarili ko. Atsaka malapit lang naman ang bahay namin dito." Sabi ko.

"Ngunit ipinagbilin sa akin ng aking heneral na ihatid ka, binibini." Sagot niya sa akin kaya hinayaan ko na.

As far as I know, kapag order ng nakatataas sayo ay hindi ka pwedeng tumanggi kaya sumakay na nga kami sa karwaheng dala niya.

"Nais pala kitang batiin sa iyong nalalapit na kasal." Saad ni Fernan nang umaandar na ang karwahe.

Magkatapat kami at nakatingin lang ako sa bintana dahil... ewan ko ba pero medyo na-aawkwardan ako kay Fernan. I mean wala naman akong anything against sa kaniya kaya lang 'di ba dati kasi parang bigla niyang dinistance 'yung sarili niya sa akin kaya natatakot akong baka bigla na naman siyang magganun or iparamdam na may barrier pa rin talaga sa pagitan namin.

"Salamat." Sagot ko nalang.

¤¤¤

Pagkatapos magpasalamat ni Juliet sa pagbati ni Fernan sa nalalapit niyang kasal ay binalot na muli ng katahimikan ang karwahe. Nakadungaw si Juliet sa bintana habang nakatingin sa kaniya si Fernan nang hindi man lang niya namamalayan dahil abala siya sa pag-iisip kung dapat ba siyang magsalita upang mabasag ang katahimikan o manatili nalang na tahimik sapagkat baka tipirin lang din siya ng sagot ng binata.

Nanatiling kalmado ang puso ni Fernan hanggang sa pumasok sa isip niyang ito na ang huling pagkakataon niyang makausap ang dalaga nang walang malisya dahil sa susunod na buwan ay ikakasal na ito sa kaniyang matalik na kaibigan kaya naman agad siyang nag-isip ng maaaring sabihin.

"Kamusta ka nitong mga nakaraang araw?" Basag niya sa katahimikang namamayani sa loob ng karwahe.

Dahil dito'y napalingon sa kaniya si Juliet, may halong pagkagulat na pilit itinatago ng dalaga.

'OMG! Is this real? Kinamusta ako ni Fernan?' Naisip ng dalaga habang iniisip kung paano siya sasagot. Pahahabain ba niya ang diskusyon o sasagot nalang ng 'ayos lang.'

"M-Mabuti naman... ikaw?" Sagot ng dalagang napagpasyahang pahabain ang kanilang pag-uusap.

"Maayos lang. Maganda sa Dagupan, sigurado akong iku-kuwento ni Pia sa iyo ang mga nasaksihan namin doon pati na ang mga handaang aming pinuntahan kaya naman hindi ko na siya pangungunahan." Sagot ng binata.

"Maayos ba ang takbo ng pagamutan ni Angelito?" Tanong pa nito.

"Maayos naman. Mahusay na manggagamot si Ginoong Angelito kaya naman natutuwa sa kaniya ang mga nagpapagamot at may sakit. Mabait din siya't matulungin kaya nakakatuwa rin talaga siyang makasama sa trabaho." Sagot ni Juliet.

"Oo nga pala, binibini... nais ko sanang humingi ng kaunting oras mo." Wika ni Fernan na nakapagpakunot ng noo ni Juliet.

"Bakit? Para saan?" Tanong ng dalaga.

"Nais kitang dalhin sa isang magandang lugar." Ani ng binata at agad namang napapayag si Juliet nang marinig ang 'magandang lugar' kaya pinabago na ni Fernan ang daan nila sa kutsero.

Nang makarating sa hacienda Fernandez ay saktong nagsusuyuan sa asotea ng mansyon sina Pia at Alejandro kaya naman nakita ni Pia ang pagbaba ni Juliet mula sa karwaheng ginamit ng kuya.

Kukunin sana ni Alejandro ang atensyon ng dalawang bagong dating upang batiin ngunit pinigilan siya ng asawa.

"Hayaan muna natin silang mapag-isa." Sabi ni Pia sa asawa at sumunod naman ito kaya pinagmasdan nalang nila ang koronel at dalaga.

Naglakad sina Fernan at Juliet sa taniman ng iba't ibang halaman. Wala na masyadong mga magsasaka't trabahador sapagkat magtatakip-silim na, karamihan ay nasa daan na pauwi sa kani-kanilang tahanan at ang iba pa nga'y nakauwi na.

"Ang lugar na pagdadalhan ko sayo ay isang napakahalagang lugar para sa akin kaya't sana'y magustuhan mo." Wika ni Fernan habang palapit sila nang palapit sa hardin ng mga rosas na siya mismo ang nagtanim ng bawat isa.

Nang makarating sila rito ay halos hindi na nakapagsalita si Juliet sa sobrang mangha. Napakaraming rosas. Napakaraming paso. Iba't ibang kulay at iba't ibang ayos. Lahat ng nasa loob ng hardin na ito ay nilikha mismo ng dalawang kamay ni Fernan, ang mga paso pati na rin halaman.

Sa edad na dalawang taong gulang ay nahilig na sa mga halaman at bulaklak ang batang Fernan dahil na rin sa napakaraming tanim na mga bulaklak sa kanilang hacienda kaya naman sa edad na apat na taon ay pinapanood siya ng kaniyang ina na si Doña Juana kapag nagtatanim ito.

Kilala si Fernan bilang isang napakatalinong bata kaya naman madali itong matuto. Mula lang sa panonood ay natuto siyang magtanim ng mga halaman sa sarili niya at 'di naglaon ay natuto ring gumawa ng paso. Sa loob ng hacienda Fernandez ay mayroon siyang apat na hardin ng mga bulaklak na siya mismo ang nagtanim at nag-aalalaga sa bawat isang halaman kaya naman labis din ang paghanga sa kaniya ng mga magsasaka't manggagawa sa kanilang hacienda.

Habang pinagmamasdan ni Juliet ang kagandahan ng hardin ni Fernan ay nakuha ng isang napakagandang halaman ang atensyon nito.

"Siya si Maitea." Wika ni Fernan at lumapit kay Juliet atsaka kinuha ang paso ni Maitea.

"May pangalan ang mga halaman mo?" Tanong ng dalaga.

"Iyong iba." Sagot ni Fernan at hinayaan niyang marahang haplusin at pagmasdan pa sandali ni Juliet si Maitea.

"Sa totoo lang ay nais ko talagang ibigay si Maitea sa iyo." Pag-amin ni Fernan kaya naman napatingin sa kaniya si Juliet.

"Sa akin?" Tanong ni Juliet kaya tumangu-tango si Fernan bilang tugon.

Ang ibig sabihin ng pangalang Maitea ay pag-ibig.

Ang nais ipahiwatig ni Fernan ay nais niyang ibigay ang kaniyang pag-ibig sa dalaga kahit pa sa pamamagitan nalang ng isang bagay na mahalaga sa kaniya.

Napangiti ang dalaga nang sabihin sa kaniya ni Fernan na nais nitong ibigay sa kaniya ang isang napakagandang halaman nito kaya lang ay naalala niyang binigyan na nga rin pala siya ni Niño ng halaman at rosas din ang halamang iyon.

"Salamat pero... may halaman na rin kasi akong inaalagaan at hindi naman ako expert—este—magaling sa pag-aalaga ng halaman kaya siguro mas mabuti na ring ikaw nalang ang mag-alaga kay Maitea." Sagot ni Juliet. "Sayang kasi kapag hindi ko siya naalagaan nang maayos, napakaganda pa naman niya."

Alam ni Fernan na literal ang ibig sabihin ni Juliet ngunit para sa kaniya'y tinanggihan ng dalaga ang inaalay niyang pag-ibig dito kaya naman may kung anong kirot nalang siyang naramdaman sa kaniyang puso.

Hindi alam ni Fernan kung paano aalisin ang sakit na nararamdaman ngunit may isang bagay siyang siguradong gusto niyang gawin. Ito ay ang bigyan ng pulseras na gawa sa tanim niya mismong rosas ang dalaga. Malimit niyang gawan ng pulseras na gawa sa bulaklak ang ina noong bata pa siya at kahit ngayong matanda na siya'y paminsan-minsan ay nagpapagawa ng pulseras ang kaniyang kapatid na si Pia kaya naman ginagawan niya ito.

Nagsimulang magtaka si Juliet sa pinaggagawa ni Fernan nang makita niyang tanggalin nito ang rosas sa pagkakatanim at iayos sa hawak nitong pulang laso. Nagulat pa siya nang lumapit sa kaniya ang binata habang may kung ano pang ginagawa roon sa laso.

"Maaari mo bang ilahad ang iyong kamay, binibini?" Tanong ni Fernan at dahil nagtitiwala naman si Juliet sa binata ay ginawa nga niya ang sinabi nito.

Itinali ng binata ang pulang laso sa pulso ng dalaga at inayos ito atsaka inalis ang kamay dito. Namangha naman si Juliet nang makita na ang kanina pang ginagawa ni Fernan at napangiti.

"Salamat." Saad ni Juliet na nakapagpangiti kay Fernan.

"Alam kong hindi magtatagal at malalanta rin iyan at dapat na ring itapon ngunit... lahat naman ng bagay ay may katapusan at hangganan hindi ba? Pero ang mahalaga'y kahit sandali'y napasaya at naging bahagi tayo nito."

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts