webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · History
Not enough ratings
98 Chs

XLVIII

Juliet

"Binibini, nasa labas po si Heneral Guillermo at nais ka raw makausap."

Sandali akong natigilan nang marinig ang sinabi ni Josefina. Kasamahan ko rin siya sa dating pagamutan na lumipat na rin dito kay Angelito Custodio.

Bakit naman mapupunta rito yung heneral na 'yun at bakit niya ako gustong makausap?

Ilang buwan ko rin siyang hindi nakita at halos wala akong narinig mula sa kaniya pero naaalala kong nabanggit ko siya kay Adelina noon dahil nga iba yung translation niya sa sulat ni Niño at may namention si Adelina na nakadikit daw siya sa Señor Presidente which I assume is General Emilio Aguinaldo noong panahong napag-usapan namin siya.

Anyway, wala naman sigurong masamang makipag-usap sa kaniya 'di ba? Although may ibang weird feeling akong nararamdaman sa biglaang pagsulpot niya ngayon.

Lumabas na nga ako sa kwarto kung nasaan nakalagay ang mga kagamitan namin dito sa pagamutan at agad naman niya akong sinalubong. Gano'n pa rin ang itsura niya, brownish hair na maayos na nakasuklay at makisig pa ring tignan.

"Magandang umaga, Binibining Juliet." Nakangiting bati niya at binati ko rin naman siya pabalik.

"Nais pala kitang batiin sa iyong nalalapit na kasal sa susunod na buwan." Sabi niya na sandaling nakapagpatigil sa tibok ng puso ko. Ghad, next month na nga pala ako ikakasal huhu Heneral Guillermo naman bakit mo pinaalala?

"S-Salamat..." Sagot ko

Ewan ko ba bakit na-aawkward ako sa usapang-kasal sa kaniya or siguro dahil niyaya niya akong magpakasal dati tapos nandito siya ngayon at cino-congratulate ako sa kasal ko sa ibang tao na kapwa pa niya heneral. Ang weird 'di ba?

"Narinig ko ang tungkol sa istorya ng inyong pag-ibig at... noong gabi pala bago ang pista ay naglibot-libot ka sa hacienda Enriquez, hindi ba?" Tanong niya kaya napaisip naman ako.

Bago ang pista... bago ang pista... AH! Yun ba yung nahulog ako sa lawa? O nung araw ng pista 'yun? Ghad! Bakit ba ang ulyanin mo, Juliet!

"Oo... yata... bakit?" Sagot at tanong ko.

"Kasama mo ba si Heneral Enriquez noon?" Tanong niya.

Kasama ko nga ba si Niño nun? Well, kung 'yun yung araw na nahulog ako sa lawa ay kasama ko nga siya nun.

"Oo yata... pero hindi kasi ako sigurado. Hindi ko na masyadong maalala dahil matagal na 'yun." Sagot ko. "Bakit mo ba natanong?"

Lumapit siya sa akin kaya naman agad akong napaatras hanggang sa maramdaman ko na yung pader sa likod ko.

"Gusto ko lang malaman kung saang parte ako nahuli, binibini." Ang tanging sagot niya.

"Sigurado ka na bang sa kaniya mo nais magpakasal?" Tanong niya at lumapit pa kaya naman pumunta na ako sa kabilang side para hindi niya ako macorner.

Ghad! Bakit ang intense ng usapan namin huhu Lord help me!

"Paano kung hindi na siya makabalik mula sa susunod na engkwentro niya sa mga kalaban?" Tanong ni Heneral Guillermo dahilan para matigilan ako. Parang may kung anong tumusok sa puso ko dahil sa sinabi niya.

Nakita ko mismo ang kahihinatnan ni Niño kaya naman hindi imposible ang sinabi ni Heneral Guillermo kaya siguro ganito nalang ako ka-apektado.

"Sino ka ba upang magsalita ng ganiyan?"

Pareho kaming napalingon ni Heneral Guillermo sa nagsalita at nakita si Angelito Custodio.

"'Di hamak na mas mahusay na sundalo si Heneral Enriquez sa iyo kaya nga naunahan ka niyang maging heneral, hindi ba? Kaya kung may mamamatay man sa inyo sa digmaan ay sigurado akong mauuna ka." Dire-diretsong saad ni Angelito Custodio kaya napanganga nalang ako mentally sa lahat ng salitang binitawan niya.

"Huwag kang magsalita tungkol sa mga bagay na hindi mo alam, Ginoong Angelito—"

"Hindi ko nga ba alam?" Putol ni Angelito sa sinasabi ni Heneral Guillermo na para bang hinahamon niya pa ito.

Sinamaan nalang ng tingin ni Heneral Guillermo si Angelito atsaka walang pasabing umalis.

"Magkakilala pala kayo ni Heneral Guillermo?" Harap sa akin ni Angelito Custodio kaya tumangu-tango ako.

"Mag-iingat ka, binibini. Maraming magbabago." Sabi ni Angelito Custodio at may kinuha sa bulsa niya. Nagulat naman ako nang makitang pocket watch 'yun na parang kay Caden pero kulay silver. Parang ang cool pala magkaroon ng ganitong relo 'no?

"May kailangan akong puntahan kaya maiwan na muna kita. Paalam, Binibining Juliet." Sabi niya at umalis na.

Mukhang napakabusy na tao ni Angelito Custodio pero somehow napagkakasya pa rin niya yung time niya para isingit ang favorite niyang eskrima HAHAHA!

"Si Binibining Pia!" Narinig kong sigaw ng isa sa mga katulong namin manggamot.

"Yung anak ni Don Federico?"

"Oo kaya dalian niyo!"

Agad naman akong napatakbo kung saan papunta yung mga narinig ko at pagbaba ay nakita ko nga si Pia na buhat ni Alejandro na asawa niya. Kasama rin nila sina Fernan at Niño kaya binigyan ko si Niño ng ano-nangyari? look pero nagkibit balikat lang siya kaya naman agad kong chineck si Pia nang ihiga na siya ni Alejandro.

Chineck ko ang pulso niya sa may wrist at normal naman kaya chineck ko ulit ang pulso niya sa may leeg.

Unti-unti niyang minulat ang mata niya kaya nataranta ako. "Pia! Ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo?"

"A-Ayos lang... ano bang nangyari?" Sagot niya at pinagmasdan ang paligid.

"Kakagaling lang natin sa daungan at nakuwento kong ikakas—" Sagot ni Niño pero agad siyang pinutol ni Pia.

"Oo nga pala! Naalala ko na. Pasensiya sa abala at nagulat lang talaga ako pero halika na at umuwi. Ayaw ko ring mag-alaala sina Ama at Ina kaya't huwag nang iparating sa kanila ang pangyayaring ito, maaari ba?" Sabi ni Pia na nakaalala na kaya nagtinginan naman sina Alejandro at Fernan tungkol sa tinanong ni Pia at tumangu-tango sila bilang pagpayag.

"Uuwi muna ako ngayon Juliet at marami akong ik-kuwento sa iyo sa susunod nating pagkikita." Nakangiting saad ni Pia bago tuluyang umalis ang karwahe nila. Mukha namang maayos na siya kaya gumaan na muli ang pakiramdam ko.

Buti naman at umuwi na ang mga Fernandez sa San Sebastian, mabubuo na ulit ang tatlong itlog.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts