webnovel

More than words

Nahiga kami sa nakalatag na kumot malapit sa bonfire at nakatingin sa kalangitan. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Tanging paghampas lang ng alon ang maririnig pati na din ang pagliyab ng apoy.

Itinaas ni Carly ang kanyang kamay. "Parang abot kamay ko lang ang langit" saad nito. Napangiti ako kasi parang siya ang langit ko na pilit kong inaabot sa ngayon pero alam kong hindi pa ito ang tamang panahon.

"Masaya ka ba?" Tanong ko sa kanya. Ibinaba nito ang kanyang kamay at lumingon sa akin.

"Oo masaya naman..." tugon nito na sinundan ng isang ngiting ngayong ko lang nakita. Sa paningin ko ay pati ang mga nito ay masayang nakangiti sa akin.

Para bang nangungusap ang mga nito sa akin. Hindi ko na kailangan ng karagdagan pang salita upang siguruhin ang mga salitang binitiwan niya. Hindi ko na matandaan kung ano pa yung mga gusto kong sabihin kasi parang sapat na ang makasama siya ngayong gabi.

•••

Nakatulog pala ako kagabi habang pinagmamasdan ang kalangitan kaya pagdilat ko ng aking mga mata ay napakurap ako ng ilang beses dahil parang nasa ibang lugar ako. Nang bumangon ako ay napagtanto ko na nasa loob ba pala ako ng tent at nakakumot na din ako. Hindi nakasara ang tent kaya naman nakita ko sa labas ang nakaupong si Igo sa tabi ng nakapatay na bonfire na mukhang hinihintay ang pagbubukang liwayway. Lumabas ako ng tent at nagtungo sa direksyon ni Igo.

Naupo ako sa tabi ni Igo at mukhang nasurpresa ito na gising na ako. "Morning" masayang bati ko sa kanya. "Good morning Carly" nakangiting tugon nito. "Gigisingin na sana kita eh kasi malapit na ang bukang liwayway" dagdag nito.

Tahimik naming pinanood ang dahan dahang pagsikat ng araw. Para sa akin para itong simbolo na kahit gaano man kadilim ang iyong kahapon ay laging may maliwanag na bukas. Alam ko isang araw magkakaroon din ng liwanag ang madilim kong nakaraan. Isang araw... balang araw ay magiging ayos din ang lahat.

•••

Dumating si Kuya Tony mga alas sais ng umaga para sunduin kami. Ang sama samang mga rosa kahapon na nagsilbing daan ay nagkalat na isla. Agaw pansin pa din ang kulay nitong pula na para bang nagsisilbing dekorasyon sa islang ito.

Pagkaraan ng ilang oras ay tanaw na namin ang dalampasigan. Isang paalaala na ito na ang huling araw ni Igo din. Mamaya ay babalik na ito sa siyudad at balik na sa kanyang dating buhay. Nang makababa na kami bangka ay nagpasalamat kami kay Kuya Tony at para bang nakakaloko ang ngiti binigay nito sa aming dalawa.

Nakatayo na kami ngayon sa tapat ng aking bahay at tila ba'y wala gustong umaalis sa aming kinatatayuan. Tila ba'y nagpapakiramdaman kami kung sino ang magsisimula.

"Salamat pala Igo. Nag-enjoy ako." Pagbabasag ko ng katahimikan.

"Walang anuman. Pasok ka na" saad nito.

"Umuwi ka na din." Sagot ko.

"Pasok ka na" aniya.

"Sige papasok na ako pero pumunta ka na sa inyo." Natawa ako ng bahagya dahil parang walang gustong magpatinag sa aming dalawa.

"Uuwi na ako kung papasok ka na" pamimilit nito.

"Sige papasok na ako pero umuwi ka na din" at tumango naman. Binuksan ko na ang gate at sa unang hakbang ko pa lang ay sinilip ko agad si Igo kung tumalikod na ba ito pero nandoon pa din siya sa kanyang kinatatayuan at hinihintay na makapasok ako sa loob.

Ngumiti ito sa akin. "Carly ihahatid mo ba ako mamaya?" Nag-aalangang tanong nito pero puno naman ng pag-asa ang mga nito na sana ay pumayag ako.

"Oo naman!" Masigla kong tugon. "Puntahan mo ako dito mamaya ha..." parang napalunok ako sa enerhiyang binigay ko.

"Sige ha! Sabi mo yan!" Tila na nabuhayan ang boses na kanina lang ay puno ng pag-aalinlangan. Kumaway ito sa akin at naglakad na papunta sa kanyang tinutuluyan. Napailing ako ng bahagya at napangiti pagkatapos ay tumuloy na din ako sa aking bahay.

Pagkapasok ko sa bahay ay nagtungo agad ako sa ref at sinilip ang cupcake na ginawa ko kahapon. Inayos ko ang kahon at isa isa nilagay ang mga ito. Tinakpan ko ang kahon at tinalian ito ng asul na ribbon. Nang mapansin ko na maayos ang aking pagkakagawa at ibinalik ko na ito sa ref at nagtungo sa aking silid upang magpahinga.

•••

Mga alas tres ng hapon ay sinundo na ako ni Igo. Nilagay sa paperbag ang cupcakes na pabaon ko para sa kanya. Naglakad na kami patungo sa port para sa sasakyang bangka ni Igo. Isa isa nang nagsasakayan ang mga pasahero na bibisita sa siyudad.

"Carly" tinawag ni Igo ang aking pansin. Lumingon ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan na umali ngunit kailangan na niyang bumalik. "See you sa weekend?" Tanong nito.

Tumango ako at sinabing, "See you..." naalala ko bigla ang pabaon kong inihanda at iniabot ito sa kanya. "Nga pala, gumawa ako ng cupcakes" tinanggap niya ito at nagpasalamat.

"Igo! Aalis na tayo!" Tawag ni Kuya Tony sa kanya. Nilingon niya ito at sinensyasan na sandali lang.

"Paano Carly, aalis na ako... kunin ko pala number mo para kulitin kita minsan." Ibinigay ko ang aking number at sinabihan siya na magpakilala na lang kapag magmemessage. Simula kasi noong napadpad ako dito ay hindi ko na gaano napapansin ang phone ko maliban na lang upang icheck kung may baterya pa ba ito.

"Sakay na ako..." kumaway ito sa akin at sumakay na sa bangka. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo na siya bangka at nakaharap na sa akin.

Kinawayan ko ito at nginitian bilang pamamaalam. Binalikan din ako nito ng ngiti at kinawayan din ako. Hinintay ko hanggang sa hindi ko na matanawa ang bangka sinasakyan ni Igo. Wala na talaga siya. Nakaalis na siya.

Nakaramdam ako na ng kakaibang sakit sa aking puso. Parang tinutusok ito. Ano ito? Hinawakan ko ang dibdib at huminga ako ng malalim.

Akala ko ay tuluyan na akong minanhid ng panahon pero bakit ganito. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Parang nasasaktan ako...

Itutuloy...

05-05-2018