webnovel

Maybe the Night

Thank you Ben&Ben for the song "Maybe the night" na naging inspiration ng chapter na ito :)

——————————————————————————

Huling gabi ko na mamaya dito...

Halos matatapos na ang labinlimang araw ko na vacation leave.

Ang totoo ay ayaw ko pang bumalik sa siyudad. Gusto ko dito lang ako. Dito lang ako kasama ni Carly.

Kaya naman nagpasiya akong magpunta sa bayan upang mamili ng mga gagamitin ko para sa aking huling gabi dito.

Naging abala ako sa paghahanda kaya naman hindi ko na nagawang bisitahin si Carly sa kanilang bahay. Daily routine ko na kasi ang dalawin siya at tumambay sa dalampasigan kapag alas kwatro.

Pagkatapos kong magpunta sa bayan ay nagtungo ako agad sa bahay para mag-ayos.

•••

Hinihintay kong may magbukas ng gate ngayong umaga pero wala naman. Alam ko bukas na babalik ng kamaynilaan si Igo. Ganoon talaga people come and people go. Nagtungo ako sa may hardin at doon itinuloy ang aking pagkakape.

Mga bandang alas tres ng hapon ay narinig ko ang pagbukas ng gate. Dali dali akong sumilip sa bintana at nakita ko na si Eco lang pala ito. May bitbit ito na isang paper bag. Agad ko naman siyang pinagbuksan ng pinto.

"Carly!" Masayang bati nito at iniabot sa akin ang paperbag na tinanggap ko naman.

"Ano to?" Tanong ko. Iniabot niya ang isang papel na nakatupi at humaripas ng takbo palayo sa akin.

Binuksan ko ang nakatuping papel at binasa ang nakasulat.

"Para sa anghel na nasa lupa"

-isuot mo ang dress na ito at sumakay sa bangka ni Kuya Tony ng 4pm.

Anghel na nawalan ng pakpak siguro ang gusto nitong sabihin. Sinilip ko ang laman ng paperbag at nakita ko ang isang puting bestida. Kinuha ko ito mula sa bag at tiningnan ang buo nitong hitsura. Isang mahabang dress ang tumambad sa akin at may burda ng mga bulaklak na kulay pink at red naman sa ibaba. Inilagay ko ito sa aking kama at nagsimula na ako sa aking pag-aayos.

Mga bandang alas-kwatro ay hinanap ko na si Kuya Tony. Pagkakita sa akin ay binigyan ako nito ng balabal na kulay puti at agad ko naman itong ibinalot sa akin. Itinaas ko ang aking bestida para hindi mabasa ng tubig at umakyat na ako papunta sa bangka habang inaalalayan ako ni Kuya Tony.

"Saan tayo pupunta Kuya Tony?" Tanong ko sa kanya pero isang matamis na ngiti lang isinagot nito sa akin.

Itinulak na ni Kuya Tony ang bangka pagkatapos ay sumakay na ito at pinaandar na ang makina. Sinamantala ko na ang pagmasdan ang magandang tanawin. Makikita mo ang mga bundok sa di kalayuan. Hinawakan ko ng maigi ang aking balabal para hindi ito liparin ng hangin.

Makalipas ang isang oras ay tanaw ko na ang isang isla na may konting mga pula pero hindi ko ito makita ng malinaw dahil malayo pa ako. Habang papalapit na kami sa isla ay nakita ko na ang isang lalakeng nakatayo. Nakaputi ito na polo na hindi nakabutones pero nakasando naman sa loob at nakaputing shorts ito. Nililipad ng hangin ang buhok at ang polo nito.

Sa paglapit pa namin sa isla ay kita ko ang mga pulang rosas na nagkalat sa puting buhangin nito. Sa aming pagdaong ay sinalubong ako agad ni Igo at inalalayan pababa. "Ang ganda mo" bulong nito.

Kahit pa nakababa na ako sa bangka ay hawak pa rin nito ang aking mga kamay. Nagpasalamat ito kay Kuya Tony habang tinatanggap ang maliit na basket na dala nito.

Sinundan ko ng tingin ang mga rosas at nakita ko ang isang lamesa na may telon na puti at may lampara sa gitna. Meron din itong dalawang upuan sa bawat gilid. Hawak kamay kaming naglakad sa daan na puro rosas at tinungo ang lamesa. Inilapag niya ang basket malapit sa kabilang upuan at inalalayan ako na makaupo. Lumipat ito sa kabila at naupo.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong nito.

Tumango ako. Hindi ko inakala na ganito pala ang gagawin ni Igo kaya pala hindi ito nagpakita sa akin kaninang umaga. Ngumiti ito at pagkatapos ay tumayo upang isa isang sinindihan ang mga lampara na nakapalibot sa aming lamesa. Ang huling sinindihan nito ay ang lampara sa aming lamesa. Iginala ko ang aking mata sa paligid. Sa di kalayuan ay may nakaset na na tent at pang bonfire. Mukhang hindi naman masyadong pinaghandaan ito ni Igo, medyo lang naman.

"Gutom ka na ba?" Tanong nito.

Tumango ako. Sino bang hindi magugutom sa halos na isang oras na biyahe makarating lang sa isla na ito.

Muling umalis sa kinauupuan nito si Igo at kinuha ang mga pagkain na laman ng basket. Merong pipino na tinimplahan sa suka, inihaw na isda at baboy, hilaw na mangga at bagoong, at siyempre kanin.

Sa pagdilim ng kalangitan ay unti unting mapapansin ang liwanag na nanggagaling sa mga lampara. Masaya kaming kumain ng hapunan habang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin.

Pagkatapos kumain ay naglakad kami papunta sa tent habang bitbit ni Igo ang isa sa mga lampara. Pinaupo niya ako sa may tent at nagpunta naman siya sa bonfire upang sindihan ito.

Nang magliyab na ang mga kahoy ay kinuha nito ang kanyang phone mula sa kanyang bulsa at pagkatapos ay nilapag ito sa inilatag niya na kumot malapit sa bonfire.

Naglakad ito papalapit sa akin. Nang nakatayo na siya sa aking harapan ay inilahad nito ang kanyang kamay at sinabing "Maaari ba kitang isayaw?" Malugod kong tinatanggap ang kamay nito at inalalayan niya ako patayo. Muli ay magkahawak kamay na naman kaming naglalakad papunta sa bonfire.

Unti-unti ko nang narinig ang tugtog mula sa kanyang phone. Iniharap nito ako sa kanya at inilagay ang isa kong kamay sa kanyang balikat at gayon din ang kamay ko na hawak niya kanina. Pagkatapos ay inilagay nito ang mga kamay niya sa aking baywang.

"Maybe the night holds a little hope for us dear,

Maybe we might want to settle down just be near,

Stay together here..."

Sumayaw kami sa ilalim ng buwan kasabay nito ang mga apoy na nagsilbing liwanag na sinasalamin ng dagat kasama ang mga bituin na nagkikislapan sa kalangitan.

"Moon has never glowed this color

Hearts have never been this close"

Itutuloy...

04-02-2018

——————————————————————————

A/N

Carly and Igo is ❤️

Thank you for reading ❤️

imaJHAYEnationcreators' thoughts