Chapter Five
TRIP TO MANALO'S ISLAND
[WIN]
DAYS PASSED fast. Ang bilis nga naman talaga ng oras. I was wearing a pink top and wearing a lether pants. I was also wearing a militart-like shoes.
Ngayon na ang araw ng pag-alis namin at pagpunta sa isla na binili ng mga Manalo, ang pamilya ni Katherin.
Bumaba na ako bitbit ang maleta ko. I bid goodbye to Dad at pilit na nagpaalam kay Mom. I went out immidiately at pumara ng taxi. Nang makadating ako sa lugar kung saan kami magkikita-kita ay may malaking itim na bus at nasa labas si Helen at Archi pati si Katherin.
"Win!"tawag ni Katherin nang makita ako. Lumapit sa akin ang mga bodyguard nya at kinuha ang maleta ko. Lumapit din sila Helen at Archi sa akin. Helen was wearing white off-shoulder dress habang si Archi ay nakapolong blue at may itim na tshirt sa loob, he was wearing white shorts too.
"Ang ganda,"nakangiting saad ni Helen. I smile. She was beautiful too, it's no doubt. Kahit si Katherin ay maganda sa suot nya dahil nakashades sya tapos croptop and cargo pants.
Pumasok na kami sa bus at tanging kaming lima pa lang ang nandoon kasama si Paulo na nasa dulo. I waved my hand to him and he did the same.
Naupo ako sa tabi ni Helen. Pangtatluhan ang upuan at nasa bintana ako habang nasa gilid si Helen so si Rina ang nasa gitna.
Unti lang naman kami at malaki ang bus kaya pwede kaming maghiwa-hiwalay pero napag-usapan na namin nila Rina at Helen na magkakatabi kami.
Maya-maya ay unti-unti ding nagsidatingan ang lahat at umupo ng kanya-kanya. As usual, best of friends na naman ang magkakatabi. Tristan and Katherin, don't know if they were friends or more than that. Amelia and Agnes with Selene. Grace and Sarah. Akashi and Archi. Rudolf, Luis, and Anica.
Kung may magkakahiwalay o nag-iisa, then it is Paulo, who at the back. Venice in the front with her bag full of beauty products. James who's already asleep na nasa medyo dulo din. And Gino, who's at the back too pero magkahiwalay sila ni Paulo. Sana lang ay 'di sya magsigarilyo or magvape dito sa loob ng bus.
Nagsimula ng umandar ang bus kaya nag-ingay na ang lahat dala ng pagkasabik na mapuntahan ang isla na pagmamay-ari ng pamilya ni Katherin. Me? I was excited too. 'di ako gumagala dahil wala naman akong mga kaibigan na magyayaya sa akin.
Being with Archi's squad isn't totally bad. Masaya rin naman kahit papaano. Masaya kahit may kayabangan sila at iba pang 'di magandang ugali. They were strong eventhough na magkakaiba sila.
Rina, Helen, and I were eating chips. Alas-dyes palang kasi at papunta na kami sa pagshoshooting-an namin. Saad ni Katherin, lagpas apat na oras ang magiging buong byahe. Dalawang oras papuntang pier. 45 minutes na pagbyahe sa dagat. Tapos sasakay kami papuntang pangpang para maghanap ng bangkang maghahatid sa amin sa katabing isla na pagmamay-ari nila Katherin. Ang daming byahe diba? Akala ko nga magrereklamo sila pero mas nananaig pa rin ang sabik nila na magpakasaya sa isla.
Nang makadating kami sa pier ay sumakay agad kami ng barko. Perks of being the daughter of the former president, we got our ticket immidiately without hassle.
Nang marating namin ang isang isla ay nagpahinga muna kami para makakain ng tanghalian. We are in a karenderya since there were no restaurants here at this island.
Sa pagkain namin ay tinuturo ni Katherin ang islang nasa malayo. That was the island they owned and where we are going to.
"That was ours!"sigaw nya habang tinuturo ang isla. Our foods areserved at kumain na kami. Kahit sa pagkain ay maingay sila dahil sa kanya-kanyang kwento.
"Are you excited?"napalingon ako nang tanungin ako ni Archi. He was sitting beside me at 'di ko alam 'yon.
I slowly nod and came back to eat my food again.
"Excited daw pero 'di nakangiti tapos ang tahimik,"narinig kong bulong nya kaya napahinto ako at hinarap sya. I met Archi nice but sometimes, he is being annoying.
"So you expect me to smile from ear to ear and shout that I was excited and jump like a stupid kid who's going to experience his first trip? Or you want me to place a card in my forehead saying I'm too much excited?"sunod-sunod kong tanong dahilan para mapahinto sya at mapanganga. Excited naman ako pero 'di tulad ng iba nyang kaibigan na kanina pa inip na inip na makarating sa isla nila Katherin.
"Hey! Nakakagulat ka naman!"natatawa nyang sabi kaya inirapan ko lang sya. Nagpatuloy sya sa pagkain pero natatawa pa rin sya kasi sunod-sunod yung tinanong ko na para akong isang rapper na nakikipagrap battle kay Gloc-9 o Abra.
Matapos kumain ay saglit na pahinga muna. Some of them were taking selfies habang yung iba ay hinahanda na ang sasakyan namin. Yung mga gamit namin? Isusunod na lang dahil baka lumubog kami kung nasa iisang sasakyan kami dala-dala ang mga gamit namin.
Nang oras na para umalis ay lumapit na ako kela Helen na nasa pangpang na. They were wearing their shoulder bags tulad ko. Laman lang naman ng bag ko ay yung phone at wallet ko.
Boys being gentlemen, pinauna nila kami sa pagtungtong sa bangka. They come next after us at pinaandar na ng lalaki ang kanyang bangka. Maingay uli? No, lahat kami ay tahimik at ninanamnam ang sarap ng hangin. The ocean was blue and it is clear.
Papalayo kami ng papalayo sa katabing isla habang papalapit kami ng papalapit sa isla nila Katherin. Paunti ng paunti ay natatanaw namin ito at nagtataasang mga puno ang nakikita namin.
"Hey! May juice kayo?"narinig kong tanong ni Grace. Sa aming lahat, sya ang maarte sa kanyang iniinom. She prefers juice and iced tea than a cold water. Wala daw kasing lasa. Hello? Wala namang tubig na lasang letchon!
"Here!"Paulo handed him his tumbler na may lamang strawberry juice. His strawberry juice was red, obviously, but in some way parang malapot itong dugo or it was just my imagination. Geez! Sabi ko nga ba dapat 'di ko na binasa yung istoryang ginawa ni Rina at Paulo eh!
Yes, I read their story but I didn't finish it. Masyado itong detalyado kaya naiisip ko na ang mangyayari. Ayoko na ring sabihin pa kung tungkol saan at kung paano namatay yung magkakaibigan sa storya nya.
Grace get his tumbler and drank the juice. Sa sobrang uhaw nya ay may tumulo sa gilid ng labi nya. Nang ibalik nya ang tumbler ay unarte syang bampira kaya nagtawanan kami.
"Rawr!"everyone laughed at Grace. The spilled juice on the side of her lips was really like blood tapos nagulat kami ng sumandal sya kay Sarah at bigla na namang umarte.
"Grace don't die. Grace!"Sarah acted made us laugh. They're crazy! No doubt kung bakit nasa Drama Club sila.
Palapit na kami sa isla nang biglang tumayo si Katherin at kumaway. I looked at the island and I saw an old man who's waving his hand too. Sino sya?
Nang makalapit na kami sa isla ay nagsibabaan na kami.
"Manong Pete!"Katherin exclaimed and hugged the old man. I saw Venice act like disgusted habang inaasar ni Rudolf si Katherin na sugar daddy daw ni Katherin 'yun.
"Shut up Rudolf!"Katherin yell at Rudolf. Humarap sya sa amin at ngumiti." This is Manong Pete. The mansion's caretaker,"pakilala ni Katherin sa matandang kasama nya. All of us waved our hands at him.
Napalibot ang tingin ko. Sa 'di kalayuan sa may kaliwa ay may kweba at kitang-kita ako ang isang bangka doon. Maybe para sa emergency. Also, sabi ni Katherin, para makabalik kami ay kailangan naming maghintay ng umaga dahil umaga kadalasang nasa dagat ang mga mamamangka.
Nagsimula na kaming pumasok sa gubat. May mga lubid na nakatali sa bawat puno na nagsasabi kung saan kami dapat dumaan. Nakailang minuto rin kami sa paglalakad at isang malaking mansyon nga ang nasa gitna ng gubat.
The mansion didn't look old. Naglakad kami at umakyat sa hagdan kung saan may matutulis na bakod. Yes, the railings beside the stairs are like spears. Binuksan ni Manong Pete ang dalawang malaking pinto at maganda ang loob ng mansyon. According to Katherin, 'di namin kailangang magshare ng rooms dahil may sapat itong kwarto para sa lahat.
Dahil sa sobrang pagod sa pagbyahe-byahe. Kahit na hayok na kaming magswimming, I admit that I want to swim too, ay nagpahinga kami sa kanya-kanyang kwarto. It's already three o 'clock at kailangan kong matulog. Gabi na lang daw kami magswimming para 'di kami umitim.
Pagakyat ko ay ang kaharap na kwarto ng hagdan ang inukupa ko. Pagpasok ko ay itinabi ko sa gilid ang aking bag at tinapon ang katawan ko sa kama. I am asleep so I really need to sleep. Nakakapagod din naman talaga. Sobra.
[CHAPTER 5]