Chapter Six
SWIMMING!
[WIN]
NAGISING AKO nang makaramdam ng mahinang tapik. It's Rina who come in my room. Nang imulat ko ang mata ko ay saka sya nagsalita.
"Kakain na tayo. Tsaka mamaya magsuswimming tayo then bonfire!"excited nyang wika. Bumangon ako at iniwan na nya ako. Tinungo ko ang banyo para maglinis muna ng katawan bago bumaba.
Matapos maligo ay nagbihis na ako at bumaba. All of them were already at the dining table habang naglalaro ng video games yung ibang boys.
Helen walked at me and handed me a sandwich. Mahilig sa sandwich si Helen kaya lagi syang may bitbit.
"Thanks,"I uttered. Napatingin ako sa niluluto ni Anica. Good thing about this squad, may kanya-kanyang gawaing bahay sila na alam. I thought they were just lazy brats but not. Atleast may marunong magluto, maghugas ng plato, magwalis ng sahig, etcetera.
"Anong niluluto ni Anica?"I asked Helen. The girls, Sarah and Grace, were praising here. Alam nyo na, moral support sila kay Anica.
"Menudo daw. Suggestion din kasi ni Kath na kahit papaano ay magtry kami ng mga ulam na alam mo na. Wala namang kaso sa akin except kay Venice na maarte talaga sa pagkain pero dahil si Anica naman ang nagluto ay sa tingin ko ay magugustuhan nya."
Napatango ako sa sinabi nya. It's good na 'di sila maarte, exception lang si Venice. Muka talaga syang maarte. Napatingin tuloy ako sa kanya. There she is with her laptop. Gabi na pero makapal pa sa libro ang kanyang makeup.
Malaki ang dining table at naghahanda na ng plato sila Selene at Katherin kasama si Agnes at Amelia.
"Win!"tawag sa akin ni Katherin. Lumapit ako sa kanya habang nilalagay nila ang plato sa mesa.
"Why?"tanong ko at naglabas sya ng limang sachet ng iced tea. Nakuha ko naman ang pinagagawa nya kaya inabot ko ang sachet.
"Alam mo na maarte si Grace,"nakangiti nyang wika kaya napangiti din ako. Lumakad kami sa kabilang parte ng kusina. The whole kitchen was big. May sapat na space din ito para 'di kami magsiksikan sa kung ano mang ginagawa namin.
I get a two clean pitcher at hinugasan namin iyon ni Helen. Si Rina, na kakadating lang, ay may bitbit na yelo at sinalin sa mga pitsel. Ako naman ang kumuha ng tubig sa ref at inilagay sa pitsel. Una kong hinalo ang mga powdered iced tea sa malaking baso tsaka ko hinati sa dalawang pitsel na sinalin.
Nang inihatid na namin ang mga pitsel ay kumpleto na ang lahat sa dining table at kami na lang ang kulang.
Katherin was like our father dahil mag-isa syang nakaupo sa gilid habang magkakatapat kami.
Katabi ko sa kaliwa si Rina habang sa kanan si Helen. Nasa tapat ko naman si Archi. Nasa dulo kami.
Bali ang seating arrangement ay gan'to:
***
Katherin
Tristan- Grace
Venice- Sarah
Paulo- Rudolf
James- Anica
Selene- Luis
Agnes- Amelia
Rina- Gino
Me(Win)- Archi
Helen- Akashi
***
Matapos magdasal ay nagsimula na kaming kumain. Karamihan sa amin ay pinuri ang sarap ng nilutong Menudo ni Anica. Even Venice was eating it without rants.
'di ko man din maikakaila pero mas masarap ang luto nya kesa sa mga nabibili sa karenderya. Kahit papaano ay may alam pala silang ulam pangpamahirap, I thought they only know how to eat stakes, the special and for rich stakes.
Tanging nagkukwentuhan lang sa hapag ay yung ibang girls kasama sila Tristan, Rudolf, and Luis. Kaming nasa dulo ay tahimik lang. Rina was eating slowly. Gino kept on clicking his tounge, gusto na naman ba nyang manigarilyo? Helen was silently eating same as Akashi and Archi. Si Paulo? Tulala, para syang may malalim na iniisip pero kumakain pa rin sya.
"Where Manong Pete nga pala Kath? We haven't seen him in a while?"narinig kong tanong ni Sarah. Based on her voice parang sumagi lang sa isip nya 'yon at napilitang itanong.
"Manong Pete is not living here. Do'n sa katabing isla sila naninirahan. Caretaker lang sya ng mansyon,"sagot ni Katherin. I heard the girls said 'ahhh~'.
"Have you ready your bikinis girls?"napataas ang tingin ko. Nung time na nagmall kami, binilhan nya kaming dalawa ni Rina ng apat na pares ng two-piece bikini.
Even the boys get excited lalo na yung dalawang manyak, the best perverted buddies, Rudolf and Luis.
Matapos kumain ay pinagpahinga muna namin ang sarili namin. Nagpresinta kaming maghugas ng mga plato kaya nandito kami sa may lababo nila Rina at Helen.
The boys came back playing the video games again. Yung ibang babae ay nagsusukat na sa taas. Gino? He was outside. Pinagbawalan syang manigarilyo ni Katherin sa loob ng mansyon. Katherin, Amelia, Agnes, and Tristan were outside. Hinahanda na nila ang mga kahoy for bonfire.
Paulo? Inutusan syang kunin yung ice box kung nasaan yung mga softdrinks at beers. May sasakyan din kasing ipinadala dito at nandoon ang mga maleta namin pati ang iba naming mg bagahe.
Matapos ang kalahating oras ay tinawag na kami ni Katherin. Pinagbihis nya muna kami at saka kami bumaba. I was wearing a black top bikini habang nakacycling lang ako. Binalutan ko din muna ng robe ang katawan ko tulad nila Venice at ng iba nang makita ko sila.
Paglabas ko ay narobe na din sila Helen at Rina. Yung mga lalaki naman ay nakasando habang nakasummer shorts.
Pagbaba namin ay nakatipon kami. Pinagsabihan kami ni Katherin na bawal kaming gumala sa gubat para 'di kami maligaw. Pinagbawal din kaming pumunta sa likod bahay. Why? Because my cemetery sa likod ng mansyon.
"Cemetery? Akala ko ba lumulubog at lumilitaw 'tong isla? Ibigsabihin, no one dared to live here,"saad ni Gino. He was in front wearing gray sando and gray summer shorts.
"Yeah that was true pero historian believed that people lived here years ago too. 'yun nga lang siguro lumipat na sila dati pa or namatay sila dahil sa high tide,"sagot ni Katherin. Beside her was Tristan. Bestfriends na talaga sila ha.
"Geez! Why didn't you get rid of those cemeteries?!"maarteng tanong ni Venice. Syempre, may makapal pa rin syang makeup kahit maliligo na kami sa dagat.
Katherin smiled at her." We respect those corpse out there. Tsaka maayos ang pagkakalibing so 'di kailangang galawin sila at ayusin. May mga statues din do'n sa likod at ang creepy no'n so don't dare to take a visit there if you still want to have a good sleep and sweet dreams,"sagot uli ni Katherin. Tumalikod na sya at naglakad kaya sumunod na kami.
"Know what, nakita namin yung mga statues sa likod. Tama si Kath, ang creepy no'n,"narinig kong sabi ni Akashi kay Helen. Archi was beside me too habang nauuna si Rina dahil excited na din sya.
Excited na din ang iba kaya nasa dulo kaming apat nila Helen, Archi, at Akashi.
"How come statues become creepy these days?"I asked. Bakit parang pati si Akashi natatakot sa nakita nya?
"Kaya nga,"Helen added. She was reknotting her rob.
"It is really creepy dahil red ang kulay ng statues ngayong gabi,"my eyebrow arched as I heard what Archi said. Red statues? Then how come it is creepy?
"Alam nyo girls, puntahan nyo na lang para malaman nyo ang sinasabi namin,"Akashi said making Helen raised her both hands forming two of her fingers in 'X'.
"No, no way,"Helen said and I nod too. Nakakatakot pala e' 'di 'di na kami pupunta. Like what Katherin said, if we want to have a good sleep and sweet dreams at night we should not bother going there and have a peak.
Nang makarating kami ay may bonfire nga. May malaking magkakadikit na kumot din ang nakalapag sa buhangin. Sa gilid ay yung ice box kung nasaan sila kumukuha ng softdrinks.
We also went there and get some bottle of softdrinks. May bottle opener sa gilid at binuksan namin 'yun.
"Let's swim na guys!"Katherin yelled and the girls removed their robes displaying their good slim bodies. Nahiya ang katawan ko.
May nakita din akong bola at dalawang salbabida. Rina was with Agnes and Amelia at nagsiswimming sila. Kami na lang nila Kath at Tristan kasama sila Archi, Akashi, at Helen ang naiwan dito habang umiinom ng sofdrinks. Gino was drinking his beer while sitting on his floater.
Luis, Anica, and Rudolf was playing in the water. Venice is also swimming alone. James, Selene, Sarah, and Grace was playing with the ball, beach volleyball. Paulo? Wait, 'asa'n si Paulo? Inilibot ko ang mata ko pero 'di ko makita si Paulo.
"Halika na Helen, Win!"tawag sa amin nila Katherin. She removed her robe at sumunod kami. Niyaya na rin namin sila Akashi, Tristan, at Archi. Hinubad nila ang kanilang sando. Kakadating lang ni Paulo at hinila agad sya ni Katherin at dahil no choice si Paulo ay hinubad nya na din ang sando nya.
Napasinghap ako nang makita ang peklat sa likod nila Archi, Tristan, and Paulo.
Me? Being a curious cat, I asked about it.
"Ba't may malalaki kayong sugat sa likod?"I asked them making them face me. Napakunot na din ang noo ni Katherin at napataas ang kilay namin ni Helen.
"This is because of an accident years ago, car accident,"saad ni Archi.
"Same as Archi,"sagot ni Tristan kaya nadako ang tingin namin kay Paulo.
"Surgery, spine surgery,"sagot ni Paulo. Katherin clapped her hands to get everyone's attention. Nang makuha nya ang atensyon ng lahat ay nagpagpasyahan naming maglaro ng beach volleyball.
We spended the night swimming 'til we get tired.
[CHAPTER 6]