webnovel

Chapter 18

Sa sobrang galit ay nasagot ko na naman si Nanay kahapon, ngayon ay nakokonsensya ako. Ngayon lang, wala eh, hindi nahihilod ang kalyo sa puso.

Ang totoo'y humingi lang naman ng paumanhin si Nanay dahil hinayaan niyang makapasok sa kuwarto ko ang ipokritang bruha na 'yon. Pero dahil sa inis, ay sa kaniya ko naibunton ang sama ng loob at pagkabugnot. Paanong hindi, kung ang ni-dahilan pa pala ng babaeng 'yon kay Nanay ay pinapupunta daw siya ni Yuri? Ang kapal lang ng mukha. Idinamay pa ang walang malay.

Hindi ba siya nahiya? Hindi lang pamemeste ang dinadala niya, nandadamay pa ng mga inosente. Nanggigigil na talaga ako sa babaeng 'yon. Kung hindi lang rin siya babae ay hindi ako mag-aalangang saktan siya. Nakakairita, nakakabuwiset, nakaka-argh! Iniisip ko pa lang, makakapatay yata ako ng malaking higad.

Ang sarap bunutan ng balahibo sa katawan, isa-isa, saka dahan-dahang apakan.

"Narito ang pagkain mo." ngunit katulad ng nangyayari ay wala akong lakas para sumagot. Himala yatang tinatablan ako ng hiya. So ganito pala epekto nang naaapi?

Nakakatakot isipin ang mga susunod na posibilidad. Gosh. Hindi ko maimagine na kumakanta ako sa simbahan, nagbabanal-banalan. Papasok pa nga lang ay parang sunog na buong pagkatao ko sa dumi at kasalanan, kaya huwag na lang. Baka maski abo ko'y hindi maka-survive.

Dahil sa kawalan ng pinagkakaabalahan ay sinilip ko ang dinala ni Nanay. Ang sarap sana, pininyahang manok, ang daming vegetables tapos may fresh fruits din at fruit extract as beverage. Pero wala talaga akong gana.

Pumapanhik ng kurot sa mga prutas pero hindi nauubos. Sayang lang. Hindi talaga ako magandang ihemplo sa iba. Mabuti na lang hindi ako famous, dahil kung nagkataon ay kahiya-hiya.

Yuri, ikaw? Kumain ka na ba? Kung nandito ka lang, baka ikaw pa nakaubos. Ang takaw mo kaya. Ang kaso maiiwan ang mga gulay, kasi mapili ka rin. Nami-miss na kita. Sobra. Ang kaso'y hindi ka naman sumasagot sa mga calls at messages ko.

Medyo lumalala na talaga kabobohan ko, nowadays. Pero who knows, baka mag-sleep walk siya at magreply. Kahit ganoon, matutuwa ako. Kahit creepy, at least sumagot siya, alam kong hinihintay niya ako.

May nag-doorbell. Eh? May bisita si Nanay? Sino naman kaya 'yon?

Akala ko'y titigil na ngunit nagtuloy-tuloy ito. Hindi naman nagmamadali, kalmado lang. Mukhang wala yata si Nanay dahil hindi pa rin ito napagbubuksan.

Tamad na tamad akong bumaba. Ayoko sanang pansinin pa ngunit naiinis ako at ayaw tigilan.

Isa pa ulit. Taragis, hindi ba napupudpod kamay noon sa kapipindot? Wala ba noon sa lugar nila at ignoranteng-ignorante?!

Tumunog na naman. At isa pa, ngunit mas malakas, malamang, eh tsinelas ko kaya ang tumama sa gate. Nasindak ata. Nanahimik na, eh.

Pinakiramdaman ko ito. Wala na nga. Baka nantitrip lang. Nang mapagtantong umalis na nga ito'y agad na akong tumalikod. Hindi pa pala. Wala pa man sa pinto ng bahay ay rinig kong may bumato sa bandang likuran ko. Bumalik ang tsinelas ko.

Aba, iba rin 'to.

Nang nasa tapat na nang gate ay muling tumunog ang doorbell.

"Ano ba?!---Nanay?" napapahiya akong napaatras, nanlalaki ang mga mata sa gulat.

"Nalimutan ko ang susi, hindi tuloy ako makapasok. Pasensya ka na ha,naabala pa kita sa itaas." usal niya. Mas lalo akong nahiya. Sa halip ay bumaling na lamang sa kaniyang mga bitbit.

"Ako na po ang magdadala," prisinta ko.

"Ako na," kapwa kami natigilan nang may ibang kamay na humablot sa mga iyon. Parang papel lang na isinampay sa kaniyang mga balikat ang naglalakihang eco bag.

Nagsalitan kami ng tingin ni Nanay, parehong nagtataka.

"Sino ka?"

"Anong ginagawa mo dito?"

Saka na naman nagtapunan ng tingin. Hindi siya sumagot, nanatili lamang na tahimik. Ibinaling ang paningin sa harap, tila isinisenyas na kung kailan kami papasok.

Kahit nagtataka ay nauna na si Nanay, sumunod si Levithan na hindi magpapigil sa pagharang ko matapos lamang akong lagpasan.

"Anong ginagawa mo dito?" inis kong bulong, pilit na sinasabayan ang naglalakihan niyang mga hakbang. Pero hindi na naman siya sumagot, in-snob lang ako. Wow. So feeling artista na rin? Pa-cool? Ayaw mamansin?

"Sasagot ka o hindi?" saka siya kinurot sa tagiliran. Naiinis na ako!

Napahinto siya. Effective. Pero hindi para sumunod sa sinabi ko. Hindi siya uminda, ni-hindi rin nagbago ang kaniyang reaksyon.

Teka, manhid ba 'to?

Walang emosyon niya akong tiningnan hanggang sa idapo niya ito ng paunti-unti sa kamay kong nakapisil sa kaniyang tagiliran.

Akala niya siguro ay masisindak niya ako sa patingin-tingin niya. Nagkamali siya ng binangga.

Mas lalo ko pa itong diniinan, pinanggigilan. Pero hindi man lang siya kumilos. Napaawang ang aking bibig sa pagtataka. Paulit-ulit siyang hinampas at sinuntok pero wala talaga. Gosh.

"Robot ka ba?! Bakit hindi ka tinatablan? Spy ka, ano? Anong kailangan mo sa akin? Wala kang makukuhang impormasyon. Hindi ko rin kilala ang mga magulang ko." napaatras ako sa kaba ngunit nanatiling nakakapit. Sa halip na sumagot ay tinanggal lamang niya ang pagakakahawak ko sa kaniya at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Mas lalo akong ginapangan ng kilabot. Hindi kaya multo na lamang niya 'yon? Naaksidente siya o pinatay, basta natigok, at ngayon naman ay nagmumulto?

Pero bakit nakikita siya ni Nanay?

Hala! Baka killer pala talaga siya at kami ang target!

Dali-dali akong napatakbo, hinanap sila ng aking paningin. Sa kusina ay naririnig ko ang pagsasalita ni Nanay. Napahinga ako ng maluwag.

Tamang hinala ka talaga Isle, eh. Ganito ba epekto ng hindi maayos na nakakakain? Gosh. Baka sa susunod ay magsalita na ako at tumawa ng nag-iisa.

Saglit akong napaisip. Hindi ba't minsan ay nagsasalita naman na at tumatawa ako mag-isa? Nagsisimula na ba? Madedepress na ba ako? Tapos ay mababaliw?

Argh! Ano bang mga pinag-iiisip ko?!

"Kaklase mo ba si Isle?" untag ni Nanay, ngunit walang sumagot. Actually kanina pa pala, puro tinig lamang ni Nanay, na animo'y siyang-siya at natutuwa, ang nangungusap.

"Sige na, ako na dito. Kung may sadya ka kay Isle ay puntahan mo na at kaya ko naman na dito," dagdag pa niya. Pero nanatiling tahmik ang kasunod, ingay ng mga pinamili, plastic at kung anu-ano ang tuluyang pumuno ng silid.

"Huwag na. Wala siyang sadya sa akin. Pagkatapos mo diyan na magpabida, pwede ka nang umalis." ismid ko saka umimis paakyat. Lakas maka-attitude, eh. Hindi lang sa classroom pabibo at pabida, dinadala kahit dito. O baka in-born na pagkaepal niya.

Saka totoo naman. Kung ako man ang sadya niya o hindi, may kailangan siya o wala, labas na ako doon. Ayoko siyang kausapin, wala akong kailangan sa kaniya o kahit na sino sa kanila. Mga plastik, mapagpanggap.

Sumilip ako sa bintana, hinihintay na lumabas siya. Ngunit isang katok ang nagpapitlag sa akin.

Kung si Nanay 'yon ay hindi na mag-aabalang sumobra pa sa tatlo ang pagkatok niya. Wala pa ring lumalalabas ng gate.

Ang lakas lang talaga ng loob ng lalaking 'yon.

Hindi nga ako nagkamali.

Blangkong mga mata niya ang bumati sa akin. Tinumbasan ko rin ito ng poker face.

"Ano? Mahina rin pang-intindi mo at 'di ma-comprehend ang salitang 'umalis na'? Akala ko ba matalino ka? Eh, ano pang inaanga-anga mo dito?" bungad ko.

"Pumasok ka."

Sandali akong natigilan hanggang sa mapasinghal na hindi makapaniwala.

"Nagpapatawa ka? Todo na 'yan? Ano, nagsaside-line ka na rin ngayon bilang clown bukod sa pagma-mascot?" saka nang-uuyam na tumawa.

Mabilis ang naging pangyayari. Hindi agad ako nakapag-react. Sa isang iglap ay nakakandado na ang pinto at nakasandal ako dito. Hindi makausal at makagawa ng kahit na anong tunog para tawagin si Nanay dahil sa pagtapal ng kaniyang palad sa'king labi.

Tinapatan ng aking nanlalaking mga mata ang kaniyang hindi ko pa rin mabasa. Parang tinanggalan ng kaluluwa. Itim na itim, nanghihigop sa kawalan.

"Pumasok ka, kung ayaw mong araw-araw akong puntahan ka dito at gawin ang ginagawa ko ngayon." monotonong utos niya. Mas lalo akong nagpumiglas.

Ang kapal ng mukha niya! Trespassing siya! Invasion of privacy! Harrassment! Coercion!

Ilang segundo kami nasa ganoong posisyon hanggang sa unti-unting humupa ang tensyon. Bumabagal ang naghahabol kong hininga habang siya ay wala pa ring ipinagbabago. Gusto ko siyang murahin at duraan. Ang kapal ng mukha niya!

Naramdaman kong unti-unting gumaan at lumuwag ang pagkakalapat ng kaniyang palad sa akin. Ginamit ko itong pagkakataon para kagatin ang kamay niya. Nanggigigil at buong lakas.

Halos bumaon ang ngipin ko sa kamay niya nang bitawan ito. Namumula at kitang-kita ang hulma. Mabuti nga!

Nang tapatan ang mga mata niya ay mas lalo itong nandilim. Napaatras ako sa kawalan.

"Fuck."

"Now?"

Namura ko siya sa isinagot. Gumuhit ang ngisi sa kaniyang labi matapos makatikim ng sampal at humagis ng kaniyang mukha.

"Ayaw mo talaga?" kalmado ang kaniyang boses ngunit may bigat. Nakakatakot. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Hindi ko alam kung dugtong iyon ng kaniyang sagot o pagkumpirma sa ipinipilit.

Itinago ko ang panginginig ng labi sa pamamagitan ng pagkagat dito, yumuko upang hindi magkaabutan ng tingin.

"Sinabi ko na. Hindi ako papasok hangga't wala si Yuri. Hindi ba't dapat masaya ka dahil wala ka nang kakompetensya? Sayo na ang trono, wala ka nang kaagaw. Congrats." naramdaman ko ang pagsundot ng kaniyang hintuturo sa noo ko dahilan upang mapaangat ang aking mukha. Nilabanan ko ito ngunit mas malakas talaga siya.

"Hindi ko kailangan noon." tipid niyang sambit. Ako naman ang nangisi.

"Sinong niloko mo? Kung sila napaaikot mo, 'wag ako. Umalis ka na, hindi mo alam kung anong kaya kong ipagawa sa'yo." pagbabanta ko bagaman pinanlalabanan ng malakas at marahas na paggalaw ng aking dibdib.

"Alam ko." hindi siya bumibitaw ng tingin. Para ngang hindi kumukurap na nakatitig lamang sa akin. Tao ka ba talaga?

"Alam mo? Ha. Ano bang alam mo?" hindi ako dapat matalo. Malamang ay ginagamit niya lang ang pagiging lalaki at mas malaki sa akin para takutin ako. Pero hindi ko 'yon hahayaang manaig.

"Papasok ka, ulit. Kahit wala siya. Kasi pipilitin kita. Kahit ayaw mo. Hanggang sa pumayag ka." may kung anong pumisil ng ma-kalyo kong puso, paunti-unti. Hindi pwede.

"Try hard, harder, but I won't let you win." ngumiti ako nang mapang-asar, pero hindi siya naasar dahil mas nang-asar pa.

"If you don't want me to win, then beat me." simple niyang saad saka dumistansya.

"Tapos ay mapapasok ako? Ha. Sinong inuto mo? Nagsasayang ka ng oras. Umalis ka na." hindi ako bibigay. Alam ko na ang plano niya.

"Don't make me wait for long" malamig, akala mo'y kausap ko ang pader.

Hanggang sa mawala siyang tuluyan ay hindi pa rin maialis sa akin ang kilabot dahil sa umuulit na isiping lamig ng boses niya, ang distansya kanina, at ang tagisang naganap.

Nangyari ba talaga ang lahat ng 'yon? Imposible. Nanaginip ba ako?

Nang mapadapo ang paningin sa mga kamay, naisip ang mga ginawa. Sinaktan ko siya, hindi lang isa o dalawa, paulit-ulit. Pero bakit hindi siya nagreklamo? Hindi man lang nag-react o dumaing.

Hindi ba talaga siya nakakaramdam o ayaw niya lang ipakitang ramdam niya?

Argh! Dapat pala magalit ako! Siya lang ang naglakas loob na makapasok sa kuwarto ko maliban kay Yuri! Ang tigas! Puro kalyo yata siya gawa, eh kaya hindi makaramdam.

Tapos ay ipinanakot niya pang hindi niya ako titigilan? Wow. Nasa tele-drama lang? Ha. Sinong hinamon niya? Tingnan lang natin kung totohanin nga niya.

"Keep your enemy close."

Wtfh?!

"Sabi nila."

Napasampal ako ng mukha at inis na napahilamos. Naigulo ang buhok saka sumigaw.

"Labas!"

Hindi niya ako pinansin.

"Sinabi ko, lumabas ka!"

Tiningnan niya ako saka ulit bumalik sa ginagawa. Ngayon ay tinotoo niya nga. Naka-uniporme siya ngunit hindi pumasok sa school. Lagpas alas nuwebe na, late na kung papasok pa siya.

"Ayaw mong lumabas?" nagpipigil kong tanong. Tumango lang siya nang hindi ako pinupukulan ng pansin dahil nasa mga libro at notebook niyang inilalabas nakatuon.

Nakailang mura na ba ako sa isip at salita? 'Yong puso ko punong-puno na ng inis at galit. Sinusubukan talaga ako ng isang 'to, eh.

"Ayaw mo pa rin?" untag ko matapos ibato sa kaniya ang tsinelas.

"Isle, huminahon---" kanina pa rin ako pinipigilan ni Nanay pero wala siyang magawa. Panay lamang ang harang, taas ng kamay, salita, pero wala.

"Sabi ko, labas! Bobo ka ba?! Tanga ka?!" saka siya binato ulit ng kabila. Ngunit katulad ng kanina ay itinapon niya lang rin ito pabalik.

Halos lahat ng madampot at maibato ko ay walang kahirap-hirap niya lamang sasambutin o kaya ay pangingilagan at saka muling ibabalik.

"Hinding-hindi ako papasok! Makikita mo!" dabog ko at buong lakas na sigaw saka nagkulong kuwarto. In-lock ko na, para sigurado.

Ilang oras na rin akong nasa loob, hindi naman na bago dahil bihira na naman ako lumabas ng kuwarto, pero dahil nasa baba ang epal na bida-bida ay napapansin ko.

Hindi ba siya aalis?!

May kumatok. Ang tigas talaga.

"Sinabi ko nang umalis ka." mahinahon kong pakiusap. Ayoko nang sumigaw, naubos kanina.

Ngunit talagang iniinis ako dahil paulit-ulit pa itong kumatok.

"Talaga naman! Hindi nga---"

"Ako 'to, Isle."

Natigilan ako sa nalaman. Gosh. Si Nanay pala!

Nang pagbuksan ko ay halatang kanina pa siya nakatayo at buhat-buhat ang tray ng pagkain.

"Sorry po." napapahiya kong usal. Ngunit hindi niya ito pinansin, sa halip ay malawak siyang ngumiti, ipinakikitang naiintindihan ako.

"Kumain ka na, ha? Kahapon ka pa hindi kumakain. Baka bigla kang bumagsak, hindi ko alam ang gagawin." napilitan akong tumango kahit pakiramdam ko'y busog naman na ako bagaman walang inilalaman ng sikmura.

Akala ko lang pala, dahil pagkaalis niya ay ang pagtikim ay nauwi sa lamon. Sinigang na baboy at madaming gulay kasi ang ulam, paborito ko.

Sana nandito si Yuri para saluhan ako. Paniguradong maglalaway siya, gusto niya rin 'to, eh.

Napadighay ako sa busog habang nilalantakan pa rin ang prutas.

"Masarap?"

Awtomatiko akong napatayo at natigil sa pagnguya nang mamataan ang epal na bida-bida sa may pinto.

Bakit ba hindi ko ulit in-lock?!

"Paki mo?! Bakit hindi ka pa umaalis?!" pag-irap ko sa kaniya.

Namangha ako nang makita ang munting ngiti na sumilay sa walang kwenta niyang mukha. Ngunit nabawi sa sunod niyang sinabi bago muling naglaho.

"Ipagluluto ulit kita mamaya."

All Rights Reserved

alleurophile