webnovel

Chapter 19

Ayan. Saka 'yan. Isa pa 'yan. Ayan rin.

At napakarami pa. Kung nagsasalita lang siya ng normal kada ibinabagsak sa harapan ko ang bawat libro at notebook na kailangan kong review-hin per subject, ay ang mga 'yon panigurado ang kaniyang mga sasabihin.

Naalala ko sa kaniya ang parents ni Yuri noon, especially his mom. Kapag ayaw ni Yuri mag-aral ay binabagsakan siya ng nagkakapalang libro sa harapan, nakakatakot ang mukha. Parang anytime kapag sumuway siya ay totoong ibabartolina ang batang si Yuri. Kaya wala siyang magawa kung hindi ang magbasa kasama ako. Ako naman, panay ang pigil ng tawa dahil naiiyak siya habang nakabusangot, tamad na tamad.

"I told you, I would never go back to school without Yuri." seryoso kong usal, pero mas seryoso ang mukha niya, mukhang prof na terror ngunit naka-unipormeng pang-estudyante.

"It's okay," nagliwanag ang paligid niya, nagsha-shining shimmering na parang may dalang himala, kung hindi lang niya dinugtungan na nagbunyag sa totoong pagkataong hindi talaga siya anghel kung hindi demonyo. "I won't go either." sa pagkakataong iyo'y hindi ko na mapigilang ipakita kung paanong bumagsak sa akin ang langit at lupa, ang tindi ng gravity, visible na visible.

Napatingin siya sa kamay kong nanginginig sa galit bago tumunghay sa akin, "May problema ba?"

Nang-aasar nga. Para niya na rin akong tinanong ng 'Aangal ka?'. Ang tigas, ang kapal, walang kasing gaspang. Kahit yata ilunod sa kumukulong tubig at hilurin ang isang 'to ng liha at scotch bright eh hindi siya tatablan. Hindi ba 'to makaramdam? I mean kung manhid siya sa labas, wala ba siyang emosyon? Sensitivity?!

"Fine. E'di 'wag kang pumasok! Pare-pareho tayong bumagsak!" napupuno na ako sa mga palabas niya. Ako pa kinonsensya? Hindi yata siya aware na wala ako noon.

"Sige."

Muli na naman akong napamura. " 'Yong totoo? Anong gusto mong mangyari? Kailangan mo ba ng pera? Anong mapapala mo sa paguum-epal sa buhay ko, hindi lang sa classroom kung hindi magpa-hanggang dito?" nauubusan na ako ng mga pwedeng ibato. Kada atake ko'y pinipitik niya lang sa akin na parang ganoon kadali o 'di naman kaya'y ipawawalang-bisa niya lang, mapa-pisikal o salita.

Tuyong-tuyo na ang dugo ko sa katawan, ayaw tumigil sa pagkulo simula nang umapak siya pamamahay ko. Binubuhay na lamang ako ng kunsimisyon at sakit sa ulo ng mga taong katulad niya. Nakakamatay.

"Kung nasaan ka, doon ako." aniya sa mahabang pananahimik, animo'y pinag-isipang maigi para suportahan ang ipinaglalaban sa buhay. Magaling, sobra.

"Wow? Ikaw na! Buhay na bayani, whoo! Idol! Masaya ka na? Okay na ba? O baka gusto mong magpa-party pa ako para sa pagpapaka-feeling hero mo?" isip bata na kung isip bata. Matagal na akong nawalan ng pakialam. Kahit na bigla kong naalala na siya 'yong mascot na pinagtaguan at binigyan ko ng ice cream. Kahit na wtf, bakit ko ginawa 'yon?

Dahan-dahang umangat ang mga braso niya, napayuko at bahagyang napapikit ako dahil sa pag-aakalang ihahampas 'yon sa akin ngunit tila binanat ang mukha sa pilit na ngiti. Sinabayan niya pa ng dahan-dahang pagpalakpak. G.O.S.H.

"Kelan tayo magsisimula?"

Ilang oras na rin ang lumipas ngunit wala siyang balak na magpapigil.

Seryoso talaga siya. Ayon at may isa na ring white board ang nakatayo sa tapat ng sofa sa sala, may mga note at sulat na nakadikit. Konti na lang makukumpleto at matatapos niya na. Ako na lang ang hinihintay.

Paano ko ba paalisin ang epal na 'to?! Eh mukhang dito na rin yata balak mag-camping.

"Aba, at talagang pinangatawanan?" nahinto siya sa pagdidikit ng isang maliit na sticky note ngunit muli niyang itinuloy bago ako tuluyang harapin.

"Magsisimula na ba tayo?" pa-inosente niyang tanong. Napasinghal ako sa reaksyon niya, hindi makapaniwala, walang bahid ng kahit na ano. Hindi ba niya na-realize kung gaano siya katanga para tulungan ang dapat ay kalaban ang turing?

"Sisimulan ang ano? Wow. So ako ngayon ang estudyante at ikaw ang prof?  Unbelievably supercalifragilisticexpialidocious!" saka nag-round of applause sa tapat ng kaniyang mukha.

Napakurap siya ng ilang ulit sa mga kamay kong nakababa na saka muling tinagpo ang mga mata ko.

"Ganiyan ba talaga kataas tingin mo sa sarili mo at talagang minamaliit mo ang kaya kong gawin?" paghalukipkip kong dagdag sa kaniyang harapan.

"Deal." Iniabot niya ang kanang kamay sa akin. Tiningnan ko iyon nang namamangha.

"Ginagagago mo ba talaga ako?" tiim-bagang kong ngisi sabay tabig sa kaniyang palad na nakalahad.

Ngunit hindi siya nagpatinag at muli itong iniabot, "Let's make a deal."

"Deal your ass." humakbang ako palapit. "You know what's better?" akmang sisirain ang mga pinaggagagawa niya nang hawakan niya ang braso ko. Ginamit ko ang isa pa ngunit nagawa niyang hawakan din ito.

Pinilit kong magligalig at magpumiglas sa pagkakahawak niya ngunit ayaw niya akong pakawalan.

"Nana---" ang bilis ng mga pangyayari. Naputol ang pagsigaw at nanlaki ang mga mata ko sa tila paninigas sa kinatatayuan matapos niyang biglang ilapit ang mukha sa akin. Ilang pulgada na lamang ang pagitan.

Ramdam na ramdam ko ang marahan niyang paghinga na tumatama sa aking labi at paniguradong gayon din ang sa'kin sa kaniya. Para akong kinukuryente, pero hindi masakit, hindi nakakagulat, swabe lang at relax na unti-unting ginagapang ang mga kahinaan ko sa katawan.

Wait--what the---anong pinagsasasabi ko?!

"If you beat me being the rank one this midterms, which you actually lost in the prelims, I won't bother you anymore." pagsisimula niya. Napalabi ako, hindi mapakali.

Teka, hindi ako makapag-isip ng maayos! Required ba na ganito kalapit kapag nakikipag-deal?!

Nagpupumilit pa akong makawala ngunit mas lalo lamang napipi nang mas lumapit siya sa akin. Isang maling galaw na lang, tapos na ang maliligayang araw.

Puros mura at sumpa ang isinisigaw ng utak ko. Papatayin ko talaga ang kumag na 'to kapag may ginawa sa akin!

Rape! Rape!

"But if you won't, you need to agree with what I'll be asking." naguguluhan ako sa kung bakit at kung paano niya napananatiling kalmado ang sarili sa mga ganitong oras at klase ng sitwasyon. Walang duda, hindi nga siya tao!

"Deal?"

Wala sa sarili kong napatango. Oo na! Oo na! Anakng--lumayo ka lang sa'kin!

Gumuhit ang nakakainis na namang ngisi sa kaniyang labi, mala-demonyo, saka dumistansya palayo.

Nang maisip ang pagtango ay mabilis akong napailing, marahas at paulit-ulit. NO!

Fuck! Anong ginawa ko?!

"Tek--"

"Deal."

Iniwan niya akong nakatulala at saka ipinagpatuloy ang huli at kanina pang pinagkakaabalahan niya.

WTFH?!

Is this doomsday? For fucking real?!

Lumipas na naman ang oras nang lutang at inililipad sa kawalan ang utak ko. No. Hindi totoo ang lahat. Kasinungalingan. Nahihibang na nga ako.

"Here." iniabot niya ang notebook na may pen. Filled with questions.

"Sasagutan ko?" nangingiwi kong tanong.

"Ko." marahas akong napabuntong hininga sa kaniyang isinagot. Marunong ding mamilosopo.

"Sige, sabi mo, eh." ibinalik ko sa kaniya ang notebook pero ibinalik niyang ulit sa akin sabay iniwan akong nakamaang sa biglang pagtalikod at pag-alis. Siya pa may gana mag-walk out?!

Nang muling tingnan ang notebook ay napangisi ako. Siya talaga nagsulat? Naks, effort sa penmanship, parang computerized, eh. Nakakahiya naman sulatan, baka madumihan lang, tss. Mas maganda sigurong punitin? Mapapansin kaya niya? Binilang niya ba?

Wala pang sampung minuto ay natapos ko na, Math. Alikabok lang.

Dahil sa inip ay binuklat ko nang bahagya ang iba. Siya nga talaga ang nagsulat. Pare-parehas, eh.

Nang may mapansing sulat sa likuran ay awtomatikong nangunot ang aking noo. Parang elementary, amp.

Pero hindi kung ano lang, napangiwi dahil halos mga disenteng calligraphy, caricatures at poems. Eh?

Mukhang wala pa naman siya kaya sinubukan kong basahin ang ilan sa mga ito habang pinapasadahan ng tingin ang mga drawings. So eto pala ang kinahihiligan niya? Sayang lang sa tinta 'to, eh.

The moon is caressing your skin,

My sweet beautiful dream,

Your voice is a music ringing,

Deep down to my soul and realm.

Wt... he wrote these?

Every moment I witness your smile,

My heart pounds rapidly, moves wild,

Please do not let it vanish,

For those are sole source of my happiness.

Pakiramdam ko may kumirot sa akin. Parang may pitik kada linya, may sinasabi ang bawat salita. Naapektuhan ba ako? Ha. As if.

I love it every night I sleep,

Everytime my eyes were gasping for rest,

For there I would see you near,

Hold you close, touch you dear.

Gosh. Sino kaya 'yon? May iniirog-este iniibig na pala ang epal na bida-bidang 'yon. Ang gasgas naman kung sasabihin kong malas ang pinapantasya niya kaya kaaawaan ko na lang. Wirdo ba naman magkagusto sa'yo tingnan lang natin kung kiligin ka pa. Imagine, babanat siya tapos hindi man lang nagbabago ang reaksyon sa mukha? O kaya magpapatawa tapos nakapoker face?

"Anong nakakatawa?"

Napalabi ako sa pagpipigil ng hagikhik. Nauubo kunwari ngunit hindi siya pinansin. Bakit ba lahat ng ginagawa ko kailangan nilang sitahin?!

"Tss. Tapos ko na. Wala na bang may mas ihihirap pa diyan?" saka ibinato sa kaniya ang notebook. Itinuro niya ang patong-patong pa na mga katulad sa tabi, iba namang kulay, ibang subjects. Sinubukan kong pigilan ang pagre-react sa dami. Hindi naman siya mahilig magsulat niyan? Kailan? Bakit? Paano? Argh!

Sa gilid ng mata'y batid kong nagbaba siya ng tray na may lulan na juice at sandwich. Tinakpan ko ang ilong dahil sa naaamoy. Hindi ako kakain ng ginawa na naman ng epal na lalaking 'to.

"Hindi ako gutom." usal ko na agad. Iniisip ko pa lang na kumain ako ng iniluto niya kahapon ay hindi ko lubos masikmura ang lahat. Gusto kong isuka ang mga 'yon pero walang lumalabas. Grrr! Nakakadiring isipin na nagsi-circulate na ang kinain sa buong sistema ko. Nakakapangilabot.

Tiningnan niya ang dalang pagkain saka ito dinampot at isinubo. Ngumuya muna siya at uminom sa pang-isang taong serving bago sumagot.

"Joke 'yon, 'di mo alam?" pag-irap ko bago pa man niya ako tuluyang ipahiya at saka dagling binalingan ang iba pang notebooks.

Nanahimik siya, hindi ko na lang din pinansin kung ano man ang pinagkakaabalahan. Pakialam ko ba kung nagsusulat pa rin siya nang walang kapagod-pagod na mistulang hobby niya na yata. Tss.

Ang sa aki'y bilisan na lamang ang pagsagot, kahit na may ilang nalalaktawan dahil hindi ko pa naaaral, nang makatapos agad. Siguro ay noong mga lutang moments ko, pagka-cutting at absent, ni-tackle.

Hays, ang hirap talaga kapag nawala ka lang saglit sa klase. Paano pa kaya 'yong mga bobo kong kaklase na walang ibang ginawa kung hindi magkopyahan at magpasahan ng sagot? I pity them. Ano na lang ang future na naghihintay sa kanila?

"Oh anong itinitingin-tingin mo diyan?" singhal ko sa kaniya nang mapansing nakamasid. Ipinakita niya pa munang inubos ang pagkain at inumin bago muling sumagot. Nananadya ba 'to?

"Ang bagal mo."

Literal na napaawang ang bibig ko sa narinig.

"Wow! Nakakahiya naman pala. Eh kung ikaw kaya magsagot? Ikaw na nambulahaw at nang-istorbo, ikaw na nagpapahirap sa buhay ko't lahat-lahat, tapos ikaw pa may ganang magreklamo? Uno ka kaagad sa galing!" inis na inis na ako sa mukha niya, idagdag pa ang mga ginagawa at nakakairita niyang pananalita. Torture 'to sa buhay kong nananahimik na, eh! Talaga naman! Kung bakit ba naman kasi ako na-tanga at napapayag sa kalokohan niyang mga paandar! Bullshit!

Pero pwede naman mag-back out? But how?! Heck.

Muli niyang itinuloy ang ginagawa saka hindi na ako pinansin pa. Babalik na rin sana ako sa pinagkakaabalahan nang makitang dinadagdagan niya ang ipinagagawa sa akin. Habang ako nagsasagot ay siya namang gawa ng mga tanong. Mukhang wiling-wili pa siya sa pagsisintensya.

WTFH?!

"Anong---?!"

"Ang tagal." saka ulit siya nagpatong ng isa pang answer sheet with questions. Random pa talaga. Parang bigla kong gustong maglupasay sa kawalang magawa. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng bugnot at bwiset sa pag-aaral.

"Talagang pinapahirapan mo ako?"  nagngitngit ang mga ngipin ko kasabay ng pag-igting ng panga.

"May sakit ka ba? Kanina ka pa nanginginig." akmang hahawakan niya ako ay mabilis ko itong iwinaksi. Ang lakas din maka-feeling concern. Hype sa pang-iinis! Walang sinabi ang ipokrita na pabebeng 'yon, iba!

"Alam mo kung bakit 'to nanginginig?!" gumos na gumos na ang mukha ko habang ipinakikita ang mga kamao at braso.

Pero hindi siya mababakasan ng pagkasindak. Sa halip ay sumulat siya sa isang sticky note saka ibinigay sa akin.

'Tapusin mo na, baka madagdagan pa.'

Argh!

Gigil na gigil ko itong pinunit-punit hanggang sa hindi na kayang paliitin pa bago isinaboy sa kaniyang harapan na parang confetti. Ngisi.

'Ang dami mong sinasayang na oras.'

Bigay ulit niya. Katulad noong nauna ay ganoon ulit ang ginawa ko. Pero hindi pa man ako nangangalahati ay sinundan niya pa ng iba.

'Sa Monday na ang Preliminaries.'

'Stop wasting your time.'

'Get back to studying.'

'You can't beat me.'

At dahil hindi ko kayang habulin ang pagsulat at paghagis niya ng mga 'yon ay napasigaw ako sa inis saka itinumba ang pile ng libro na nakatayo sa dami.

Nginisihan na naman niya ako pabalik, ngunit sa pagkatataong ito'y kakikitaan ng pagpipigil ng ngiti dahil sa pagli-lip bite niya. Argh! Pinagtatawanan niya ako! Sinasabi ko na, eh!

"Nang-aasar ka?!"

Tumayo siya saka muling nag-iwan ng mga sticky notes, hindi lang isa, o dalawa, hindi ko na masundan ng bilang. Halos isang pad ata ang inaksaya niya. Pero may mga sulat o 'di naman kaya ay mga drawings.

"Hoy---" napatigil ako sa pagtawag sa kaniya sa akmang pag-alis nang tumigil siya at lingunin ako. Napahilig naman ang kaniyang ulo sa pagtataka.

"Ano..." saglit akong hindi makapagsalita bago nakabuwelo ng sigaw, "Iiwan mo 'tong mga kalat mo dito?!" singhal ko kaya naman napamasid din siya sa mga dinala bago muling ibinalik ang usual na naman niyang tingin sa akin.

"Babalik ako, dapat tapos mo na 'yan. Oral review naman bukas."

"ANO?! Hoy! Ang kapal ng mukha mo! Ano bang mapapala ko dito?! Wow! Just wow! Sino ka?! Anong karapatan mo! Argh! Wala ka talagang kwenta!!" sigaw ako nang sigaw ngunit hindi na siya nag-abalang lumingon at huminto pa. Hindi niya na ako inabalang pansinin, in-snob niya ako!

Argh!

"Makikita mo talaga! Ang yabang mo! Ang kapal! Bukas na bukas isasampal ko sayo'ng lahat ng pinagagawa mo!" pahabol ko bago muling itinuon ang pansin sa mga naiwan.

Seryoso talaga siya? Totoo?! Ha. Kung seryoso siya, mas seryoso ako!

All Rights Reserved

alleurophile