>Sheloah's POV<
I sighed at nilapitan ako ng nanay ko. Nagulat ako dahil inayos niya ang buhok ko. Sinuklay niya ito gamit ng kanyang kamay at tiningnan ko siya. Nginitian niya ako at hinalikan niya ang noo ko.
"Anak… I promise that I will protect you this time," sabi niya sa akin at nginitian ko siya.
"It's okay, ma. Ako naman ang mag poprotekta sa'yo," sabi ko naman sa kanya and her smile disappeared when she saw my scar that I got from fighting the new kind of zombie days ago.
"I felt that I neglected you too much," sabi niya habang hinahawakan niya ang sugat ko.
"Ma, okay lang ako. Malakas ako, tulad niyo," sabi ko na lang sa kanya at tiningnan niya ako with concern evident on her face.
To be honest, she's really angry with Kreiss and especially with herself for allowing such things to happen and she was powerless to do anything about it. Kanina ko lang nalaman na naiinis siya kay Kreiss no'ng narinig ko na inaway niya siya dahil kinidnap niyia ako. Kreiss apologized to my mom a lot of times pero kahit ano'ng gawin niya, ayaw parin siyang patawarin ng nanay ko. Indeed a mother's love.
Nilapitan kami ni Isobel at tiningnan naman niya ang nanay ko. "Tita, First Aid Kit niyo po," sabi ni Isobel sa nanay ko at binigay niya sa kanya. Nginitian siya ng nanay ko.
"Salamat, Isobel," sabi ng mama ko at nginitian siya ng kaibigan ko.
Tiningnan ko si Kreiss and he just waved at me at nginitian niya ako. Nginitian ko rin siya and my mom just glared at him. Binati rin ni Kreiss ang nanay ko pero hindi siya masyado pinansin ni mama.
Nagkatitigan kami ni Veon. His face is blank; walang expression. Umiwas na lang siya sa tingin ko at napabuntong-hininga ako. How I wanted to ask him how he feels. I attempted to ask him why pero basta pag lalapit ako sa kanya, parang iiwas siya.
And it kind of hurts.
Tiningnan ko si Geof and he's talking with Tyler habang nililinisan niya ang katana niya. Agad naman bumalik si Tito Jun at si Sir Erick at agad namin sila pinakinggan.
"May plano kami," sabi ni tito sa aming lahat.
"Kailangan na natin ang Strike Team sa planong ito," sabi ni Sir Erick at tiningnan niya kami. Kreiss, Geof and I nodded at him at tinuloy niya ang pagpapaliwanag ng kanilang plano.
"Pansin niyo ban a madugo kami ngayon," tanong niya at tumango kami ng dahan-dahan no'ng tiningnan namin sila ng mas mabuti. Agad namin sila naamoy at lahat kami nandiri sa itsura at amoy nila.
"Oo, ang baho niyo po," sabi ni Isobel at medyo natawa kami.
Hindi na lang nila pinansin. "Here's the thing," Sir Erick trailed off at tiningnan namin siya at tumahimik muli kami. "Alam niyo ang Walking Dead, right? Sinubukan namin ang isang method doon," dagdag sabi pa niya at agad kaming tumingin kay Shannara dahil bigla siyang nagsalita.
"You bathe yourselves in the intestines and blood of the dead zombies to make you seem and smell… dead," tanong niya at tumangi si tito at si Sir Erick.
Gross!
"Results vary. May ibang hindi nakakapansin sa atin, may ibang nakakapansin. The problem is, don't kill their kind who notices you. If they do, they act in protecting their kind," sabi ni Sir Erick at lahat kami napaisip sa sinabi nila.
Sabi ko na ng aba na iba sa mga napapanood namin ay may magagamit na methods.
"So Sir Erick ang ibig niyo pong sabihin eh you won't get noticed and you have to kill the zombies that notived you but when you kill those zombies, those who didn't notice must not notice that you're killing the zombies who noticed," sabi naman ni Tyler at napakunot-noo kaming lahat dahil ang dami niyang sinabing "notice" pero naintindihan parin namin siya.
"That's the gist of it," sagot ni Sir Erick at nag stretch siya. "But you guys won't like it, though. Pati kami ni Sir Jun nagsuka dahil sa ginawa namin. Nawala nga ang amoy kaya maliligo ulit kami gamit ng kanilang dugo at intestines," dagdag sabi pa niya and my face let out a sour expression.
"Ang Strike Team papatay ng tatlong zombies. Idala niyo sila rito at lahat tayo maliligo sa kanilang dugo at lamang loob para amoy zombie tayong lahat," sabi naman ng tito ko and we all got grossed out by the plan pero wala kaming choice!
Tumayo kaming tatlo ni Geof at ni Kreiss at tumingin kami sa tito ko at kay Sir Erick. They gestured us to kill zombies malapit sa isa pang kotse at tiningnan namin ang direksyon kung saan sila tumingin, pero tatlo lang ang dadalhin naming zombies. Since malapit lang ang lugar kung saan nakatago sina tito, ikakaladkad na lang namin ang zombies papunta sa kanila.
Hoping we won't get noticed because we don't smell like zombies yet.