webnovel

Chapter Six: Photograph

3rd Person's POV

Lagi niyang tinitingnan si Therese mula sa malayo. Kuha ng litrato dito, kuha ng litrato doon.

Lagi siyang nakasunod sa dalaga. Lagi niya itong minamanmanan. Bawat kilos at galaw ng dalaga ay alam niya.

Nang malaman niyang naparusahan ang dalaga ay dagli niya itong sinundan. Nag-aalala siya para dito sapagkat may sakit ang dalaga, hika. Hindi siya dapat mapagod. Hindi siya dapat gumawa ng mga bagay na mabibigat.

Pumunta siya sa garden ng school dahil doon na ang sunod na pupuntahan ni Therese. Nagsimula na siyang magdilig para kaunti na lang ang didiligan mamaya ni Therese.

Nang may marinig siyang yabag ng paa ay agad siyang nagtago sa likod ng isang malagong halaman. Sumilip siya sa bukana ng garden. Nakita niya doon si Therese na may bitbit na lagadera.

"Hindi ba pwedeng ang hose na nakakabit sa faucet ang gamitin niyang pandilig?" tanong niya sa sarili.

Muli niyang pinagmasdan si Therese na ngayon ay nagbubuhat na ng lagadera na may lamang tubig papunta sa mga naggagandahan at makukulay na halaman. Medyo nakatalikod si Therese sa kanya kaya naman nakuhanan na naman niya ito ng litrato.

"Hay! Why do I have to do all of these?! What I did to that Professor is right! Besides, he was the one who always gets angry towards me. I don't even know his reason for such behavior. Ugh!" reklamo ni Therese. "Hey, sunflower. Tell me that what I did suits him well. Tell me that he deserves it. Tell me!" dagdag pa niya. Nagmistulang baliw si Therese dahil sa pagkausap niya sa sunflower.

Maya-maya pa ay may dumating namang lalaki. Base sa suot nitong damit ay isa itong guro sa paaralang pinapasukan ni Therese.

Nakatalikod na ngayon si Therese sa kanya. Kausap na niya ngayon ang Professor na nakangisi ng malaki. Kahit nakatalikod si Therese sa kanya ay alam niyang nakabusangot ito at naiinis sa kausap. Paano niya nalaman? Dahil sa pagtakad-takad niya at pagkuyom ng mga kamao.

Bagaman hindi niya naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa ay alam niyang puro pambubuwiset na naman ang sinasabi ng Professor base sa mga ikinikilos ni Therese.

Nang diligan ni Therese ang paa ng Professor ay napatawa siya.

"Manang-mana siya sa kanya. Hahaha!" pabulong na aniya bago iiling-iling na tiningnan ang naasar na mukha ng Professor.

Umalis na ng tuluyan ang Professor samantalang si Therese naman ay naiwang tatawa-tawa. Hawak pa nito ang tiyan niya sa sobrang tuwa. Nakatalikod pa rin si Therese sa kanya kaya naman nagpasya na siyang umalis nang hindi namamalayan ng dalaga.

Agad na siyang tumayo. Isang hakbang pa lamang ang nagagawa niya nang maramdaman niyang parang hindi gumagalaw sa pwesto niya si Therese. Napalingon siya dito at nagulat nang makitang nakatingin sa direksiyon niya ang dalaga habang kunot na kunot ang noo. Alam niyang alam na ng dalaga na may iba pa siyang kasama sa hardin maliban sa kaaalis lamang na Professor.

Dahil sa kabang naramdaman ay dagli siyang napatakbo papunta sa likurang bahagi ng hardin kung nasaan ang isa pang gate. Bago siya umalis ay muli siyang lumingon kay Therese na tumatakbo papunta sa kinaroroonan niya. Nagmamadaling hinugot niya ang kaniyang camera mula sa kanyang bag at muling kinunan ng litrato si Therese. Pagkatapos noon ay tumakbo na siya palabas sa hardin.

Sa likod ng hardin ay nakaparada ang kanyang sasakyan. Agad siyang sumakay dito at pinaharurot ng mabilis. Nilamon ng usok na galing sa kanyang sasakyan ang kalsada kaya naman hindi na siya makikita pa ng dalaga kung sakali mang sumilip pa ito.

Medyo mahaba ang kanyang byahe bago makarating sa kanyang bahay. Marami pang pasikot-sikot na dinaanan.

Nang makarating na siya doon ay bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ng isang lalaking nakaupo sa sofa ng kanilang sala. Gumanti naman siya ng ngiti at agad na yumakap dito.

"How did it go, hon?" tanong ng lalaki sa kanya.

"Not too bad, hon," sagot naman nito habang nakatingin sa malayo. Kumalas na siya sa pagkakayakap sa lalaki. Tumayo ito at tumingin sa labas ng bintana.

"Why? Did something bad happen?"

"I nearly got caught," saad niya sabay buntong-hininga.

"Nearly, just nearly. And it's not bad if you got caught. At least, by that, you will have the chance to tell her the truth," kalmadong sabi niya. Tumayo din ito at tumabi sa babae.

"No. We can't tell her the truth now. She won't believe us, I swear. All those years that passed, she thought that she was on the right place. She never knew and she never had a clue that she isn't. Do you expect her to believe us even if we have proof?"

Napabuntong-hininga ang lalaki at iniharap ang babae sa kanya. Ang mga mata niya ay puno na ng lungkot at lumbay.

"Okay. Let us just set that aside for now. We will soon tell her the truth. Let us wait a little more. I promise you. Soon, we will be complete again," sabi ng lalaki sabay halik sa noo ng babae.

Napangiti ang babae dahil dito. Aalis na sana sila nang may lumitaw na lalaking malaki ang pangangatawan sa may pinto. Nakaitim na suit ito. Lahat ng suot niya ay itim mula ulo hanggang paa maliban na lamang sa kanyang panloob na damit. Kulay puti ito. May bigote ito at balbas na mahaba. Sa mukha pa lamang nito ay kita na ang tapang na taglay nito. Sa mukha pa lamang nito ay kita mo na ang abilidad nito. Kita mo na kaagad na kayang-kaya nitong pumatay ano mang oras.

Napahinto ang mag-asawa sa paglalakad at tiningnan ng seryoso ang dumating. Ang lalaking dumatng naman ay naglakad papalapit sa mag-asawa.

"Ayos na po ang ipinapagawa niyo, boss," nakangising sabi nito na animo'y nagmamalaki. Gayunpaman, ikinatuwa ito ng mag-asawa.

"Nasaan na ang ipinapakuha ko?" tanong ng babae.

"Nandito na po, madam," sagot ng lalaki. Hinugot nito sa kanyang bag ang kulay pulang envelope na naglalaman ng isang mahalagang papeles at iwinagayway sa harap ng mag-asawa. Iniabot niya ito sa lalaki na tinanggap naman ng lalaki. Agad niya itong binuksan at bumungad sa kanya ang matagal na niyang inaasam-asam na mapasakamay.

"Magaling, magaling. Dahil dito, dodoblehin ko ang bayad ko sa iyo," nakangiting sabi ng lalaki.

Louinna Therese's POV

It's been three days since I saw that hoodie creature. I've been hunted by the thoughts of him or her. Well, I do not know if he or she is a male or a female. Naguguluhan ako and at the same time, I am afraid.

Why am I afraid? Tiningnan ko na ang isang pirasong papel na napulot ko noon doon sa garden. Akala ko ay isang ordinaryong papel lamang ito na naglalaman ng sulat ngunit nagulat ako nang makita ang mukha ko dito. Oo, litrato ko ito noong bata pa ako. Kasama ko doon si mom.

Nakuhanan ito noong eight years old ako. Natatandaan ko pa ang pangyayaring ito. Pumunta kami ni mom sa Star City. We took it in a photo booth after riding on Viking. I was wearing a plain white t-shirt, black pants and a Hello Kitty rubber shoes that time. My mom was wearing a black t-shirt with a star design in the middle, white pants and glittery black-colored heels. We both had messy hairs that time because of the Viking ride. I still remember that time very well. My mom and I had a very great time together. I miss her very much. If only I could turn back the time, I would. Unfortunately, I couldn't.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa likod ng aming bahay which is our mini garden. Maraming makukulay na bulaklak ang nakatanim dito. Alagang-alaga namin ang garden na ito ni mom. Sabi niya, dito ko daw mahahanap ang peace of mind dahil sa sariwang hangin at magandang tanawin.

My mom and I used to play here when I was still a kid. We used to water the plant and flowers together. After watering the plants, we always ride on the net-like swing na nakakabit sa dalawang hindi masyadong matayog na niyog na medyo malayo sa isa't-isa. She always tell me a wonderful story until I fall asleep.

I looked up, seeing the beautiful sky. It's so blue right now. No clouds to be seen, just pure sky blue.

"Mom, why did you leave me behind? You once told me that you will always be by my side. Where are you now? Ang daya mo naman po, mom, eh. Iniwan mo kaagad ako. Ni wala ngang pakialam si dad sa akin, eh. Hindi kami masyadong nag-uusap. Hayst! Mom, I wish you were still here beside me, reading me a wonderful story once more," I said as teardrops fell down on my cheeks.

I miss my mom even more. I want to see her bright smile again.

"I will soon see you again, mom," I whispered. I then rode on the swing and closed my eyes while thinking about the memories I had with my mom.

#