webnovel

Chpater Five: Punishment

Louinna Therese's POV

"Ms. Mendoza! Answer this question!" sabi ni Professor Lucio. As usual, pasinghal na naman ang pagkakasabi niya.

"What question, sir?" I asked politely.

"My goodness! Hindi ka kasi nakikinig kaya hindi mo alam kung ano ang tanong! Baka hindi mo pa masagot ito? Hahaha!" aniya at isinulat ang tanong sa board.

The question is 'Whose work, among the famous singers of Medieval Period, was Le Jeu de Robin et de Marion? '

"Now, answer that question, Ms. Mendoza," he ordered and smirked.

"Sir, you haven't taught us anything about Medieval Period," I said.

"Hahaha! Sabihin mo na lang kasi na hindi mo alam! Hahahahaha!", sabi niya at tumawa nang tumawa.

I plastered a smirk on my face. Nagsimula akong maglakad sa aisle papunta sa harapan kung saan naroroon si Professor Lucio.

When I got there, I sat on the teacher's chair, which is a violation, at itinaas ko ang aking paa sa teacher's table.

"What do you think are you doing, Ms. Mendoza?!" bulyaw niya.

Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko lamang ang stick na pinangtuturo niya sa mga nakasulat sa board kapag siya ang nagtuturo.

"So, class, the famous composer who made the musical play Le Jeu Robin et de Marion is no other than Adam de la Halle also known as Adam le Bossu or Adam the Hunchback. His father was Henri de la Halle, a well-known citizen of Arras. He received his education at the Cistercian Abbey of Vaucelles, near Cambral. Adam was destined for the church but he eventually married. His patrons were Robert II, Count of Artois, and Charles of Anjou, brother of Louis IX, " I explained and looked at my classmates who were very amazed.

I looked at Professor Lucio's direction. I saw his face full of amazement, but when he saw me looking at him, he plastered a smirk on his face.

"Do you want to know more about him, class?" I asked.

"Yes, ma'am!" all of them answered.

"Tama na 'yan, Ms. Mendoza. Masyado ka nang pabi---"

Hindi ko na pinatapos pa si Professor Lucio. Agad na akong nagsalitang muli.

"So, class, Adam was one of the oldest secular composers whose literary and musical works include chansons and poetic debates. He was a trouvére, poet and musician. His musical play Jeu de Robin et Marion was considered the earliest surviving secular French play with music," I explained again and waved the stick that I was holding.

"Hahaha! Masyado ka nang masyadong alam, Ms. Mendoza. Hindi kailangan ang mga iyan," ani Professor Lucio.

"At hindi ko naman po kailangan ng comment niyo, SIR," sabi ko sabay smirk.

"Boooooooooooom!" sigaw ng mga classmate ko.

"Tahimik!!! Ikaw naman, Ms. Mendoza, marunong ka na talagang sumagot-sagot, ah?!"

"Yes, sir. I was able to answer your question, you see."

"Siya, sige na. Mamimilosopo ka pa. Upo na!"

"Wait, sir. I think I should discuss the Music of Renaissance Period. Baka kasi mag-question ka na naman dahil wala kang alam tungkol doon. Hahaha!" pang-aasar ko.

"Dami mo pang sinasabi! Alis na sa harapan ko!" bulyaw niya.

Tatawa-tawa naman akong pumunta sa upuan ko. Hindi para umupo kung hindi para kuhanin ang bag ko.

Nang makuha ko na ang bag ko ay dumiretso na ako sa pintuan. Lalabas na sana ako nang magsalita siya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Ms. Mendoza?! Saan ka pupunta?!" tanong niya.

"Out, sir. Alam ko namang 'yon ang sunod niyong sasabihin kapag may narinig pa kayong isang salita mula sa akin kaya, babush na, sir! Alam kong mamimiss mo ako, sir, kaya don't worry. I shall return!" sabi ko at lumabas na.

Syempre, hindi ako kaagad umalis sa tapat ng room. Sumandal muna ako sa wall ng classroom namin. Hinihintay ko ang sigaw niya.

"MAGKITA TAYO MAMAYA SA DEAN'S OFFICE, MISS MENDOZA!" sigaw niya.

Napangisi na lang ako.

"As I have predicted," sabi ko at nagsimula nang maglakad papalayo.

---

"Hahahahahaha! 'Yan! 'Yan ang bagay na bagay sa iyo, Ms. Mendoza! Hahahahahahahaha!" nagsasayang ani Professor Lucio.

Bakit siya natutuwa? Dahil nahihirapan ako ngayon. Naglilinis ako ng buong school. Hayssst! Buset!

Ganito kasi ang nangyari kung bakit nasa ganitong pusisyon ako ngayon.

/FLASHBACK/

Nang makapasok ako sa dean's office ay agad na sinuyod ng mga mata ko ang bawat anggulo ng mga bagay sa loob. Mula sa kulay puting pinto na kilay ginto ang door knob, sa vase na naglalaman ng rose, sa marble na table with crack design, sa sahig na puting-puti, sa mga trophies na nakasalansan sa isang cabinet, sa mga imahe ni dean noong nag-aaral pa siya na nakasabit sa dingding.

The door of a room inside the dean's room swung open. Lumitaw doon si dean na may hawak na tissue. Banyo pala ang nilabasan niya.

Formal na formal ang suot ni Dean Morissette Marquez. Naka light pink suit, white inner partnered with an above-the-knee length white colored fitted skirt. She's wearing light pink heels, same color with her suit.

She sat on her chair and motioned us to sit on the two chairs in front of her.

"So, why are you both here, Professor Matayog and Ms. Mendoza?" tanong ni dean.

"Dean, I just want to report this student for breaking rule number thirteen, Book A, which is RESPECT YOUR TEACHERS NO MATTER WHAT HAPPENS. She disrespected me, dean," sumbong ni Lucio Matayog.

Hahahaha! Hindi ko ba alam sa taong ito! Matayog ang epilyido, eh, bansot naman siya! Hahahahahaha!

"Anong nginingisi-ngisi mo diyan, Ms. Mendoza?! Kinakausap ka ni dean!" tawag pansin na naman sa akin ni Lucio Liit.

Ako? Kinakausap ni dean? Wala akong narinig, ah!

"Pardon, dean? What did you say?" I asked.

"I said, is what Professor Lucio telling me true?" she asked.

"Uhmm... quite right dean," I answered and smiled at her.

"Tibay nito, ah! May gana pang ngumiti!" bulong ni Lucio Liit na nasa tabi ko.

"You're saying that you really disrespected him?" dean asked again. I nodded as an answer.

"But I will accept the punishment na ipapataw niyo sa akin kung may ipapakita siyang ebidensya," I demanded and smirked at Lucio Liit.

To my surprise, ngumisi siya ng malaki sa akin. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya at ibinigay ito kay dean.

"Then it's settled. You shall be punished," ani dean.

"Where's the proof, dean?" I asked.

"Here," sabi niya at iwinagayway ang cellphone ni Lucio Liit na nasa kamay niya.

Hinablot ko iyon at nakita ang litrato kong nakaupo sa teacher's chair at nakapatong ang paa sa teacher's table.

Pero... sino kaya ang nagpicture nito? Imposibleng si Lucio Liit dahil nasa bandang gilid ko siya kanina. Ang litratong kuha sa akin ay nakasentro. Parang kaharap ko ang kumuha nito. Hmmm... sino ka? Sino ang kakampi ni Lucio Liit sa classroom?

"Okay, dean. What's my punishment?" tanong ko.

"Clean the whole school," sagot niya.

"But... Dean, isn't it too much?!"

"No buts. Besides, you also violated sixteen, Book B, which is DO NOT SIT ON THE TEACHER'S CHAIR."

"How about my classes, dean?"

"Don't worry. You're excused."

"Okay, dean."

'Yon lang ang napag-usapan naming talto. Iniabot sa akin ni dean ang listahan ng mga kailangan kong linisin. Pagkatapos ay lumabas na ako.

Dumiretso na ako CR Girls para maglinis. Ang baho! Tapos nakatiwangwang pa 'yong mga pads nila. Takte!

Linis doon, linis dito. Walis doon, walis dito. Hayssst! Madumi pa rin!

Matapos sa CR Girls ay pumunta na ako sa Garden para magdilig ng mga halaman.

Maganda ang garden. Maraming makukulay na bulaklak. Mayroon ding mga benches and tables dito para kapag may pumunta dito ay may mauupuan sila.

Actually, hindi naman sana mahirap gawin ito, eh. Hindi mahirap ang magdilig ng mga halaman dito sa garden. Kakaunti lang kasi ang madidiligan dahil basa pa ang lupa ng ibang halaman. Parang may nauna sa aking nagdilig dito. Kung wala SANA dito si Lucio Liit para mambuwiset, mas mapapadali SANA ang pagtatrabaho ko!

/END OF FLASHBACK/

"Sobrang saya mo naman yata, SIR? Hindi naman PO masyadong nakakapagod itong ginagawa ko, eh. Magdiwang PO kayo kung hindi na ako magkandaugaga dito," sigaw ko sa kanya.

"Ang dami mong satsat! Magdilig ka na lang!"

"Of course, sir," sagot ko.

Eksakto namang nakatayo siya malapit sa halamang didiligan ko kaya naman ibinuhos ko doon ang lahat ng lamang tubig ng timba na ginagamit ko pandilig kaya ayun! Nabasa si bansot! Hahahahahahahahaha!

"Aba't! Bastos ka, ah!" reklamo niya.

"Paharang-harang po kasi kayo, sir. Bakit kasi hindi pa kayo umalis na lang? "magalang na tanong ko.

"Makaalis na nga!" himutok niya at nilisan na ang garden.

"Hahahahahahahaha! Bye, sir! Ingat!"

Itutuloy ko na sana ang pagdidilig nang may mapansin akong kakaiba sa paligid. Parang may kasama ako dito sa garden. Parang may...

May narinig akong kaluskos mula sa likuran ko. Dagli akong lumingon dito at nakita ko na lamang na may nakahood na tumakbo papunta sa likod ng garden. Hinabol ko siya ngunit pagkadating ko doon ay wala na siya. Tanging isang papel na lamang ang nadatnan ko doon. Marahil ay nahulog ito ng kung sino mang nakahood na 'yon.

Pinulot ko ito at isinilid sa aking bulsa. After that, naglakad na ako pabalik sa garden.

"Just... who the hell is that person?" naitanong ko na lamang sa aking sarili bago muling nagdilig.

#