webnovel

Alice In The Mafia World

Alice Natasha Baltazar, an orphaned girl, seeking for justice for the death of her parents. Was force to join the Douglas Mafia who promise to help her to hunt those people who killed her parents. But then, slowly, a box of secret was revealed. And she never thought that her life since then was a lie. From the people who killed her parents who she thought that her biological, her sister, and her real identity. What will happened if she finally know the truth about all the lies? Will she able to handle it? Or will she runaway and forget everything?

jeclover · 青春言情
分數不夠
45 Chs

Chapter 24

Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!

•••••

Chapter 24

Pinagmasdan ko si L na tulalang nakatingin sa sirang classroom ni Yanna dahil sa pagsabog. Nang dumating ang mga ambulansya at autoridad kanina para matulungan ang mga sugatan at makuha yung mga studyanteng nabagsakan ay tumulong kami ni L.

But my sister's body. Yanna's body is nowhere to be found. Wala ang katawan ng kapatid ko doon. Limang studyante ang namatay at lahat ng yun ay kaibigan at kaklase ng kapatid ko.

Impossibleng wala si Yanna. L told me na nakita niyang nabagsakan ang kapatid ko. Pero bakit wala? Bakit walang katawan?

Kasalan ko 'to lahat. Kasalanan ko 'to. Kung sana.....kung sana pinaubaya ko nalang si Yanna sa totoong kapatid niya hindj sana siya mapapahamak. Hindi sana nangyari sa kanya lahat ng ito.

Kanina ko lang naalala ang pinakunang pagkikita namin ni L. That was five years ago.

Hapon na pero tulala pa rin ako hanggang ngayon sa harap ng puntod ng mga magulang ko habang nakaupo sa bermuda grass. Kaninang umaga sila inilibing. Hindi ko parin tanggap ang nangyari. Hindi pa rin ako makapaniwala.

If this is just a dream. Please wake me up from this nightmare. I don't like this. I hate this.

Ang matamis na mga ngiti nila, ang tawanan nilang musika sa aking tenga at ang mga mata nilang puno ng pagmamahal ay hindi ko akalin na yun pala ang huling masisilayan namin ng kapatid ko. Sa isang kisap-mata biglang naglaho iyon.

Muling dumaloy ang mainit kong luha sa aking pisngi habang inaalala ang mga masasayang ala-ala kasama ang magulang namin. Tuluyan ng kumawala sa bibig ko ang malakas ng hagulhol kasabay ng pagyakap sa kanilang puntod. Sa lahat ng tao bakit sila pa? Bakit ang mga magulang ko pa? They don't deserve this. They don't deserve to die that way.

"Tay, nay bakit? Bakit iniwan niyo kami ni Yanna?" hagulhol ko.

Hindi ko alintana ang lamig ng biglang bumuhos ang ulan. Wala akong ibang maramdaman kundi ang sakit at ang pangungulila. "Paano na kami ni Yanna? Anong gagawin namin? Tay, nay ano na ang gagawin namin? Hindi ko kaya nay." iyak kong bulong. At nagbabasakaling sagutin nila ako.

"Ate!" rinig kong sigaw ng kapatid ko at naramdaman ko ang pag-yakap niya sa likod ko na pilit akong pinapatayo. "Ate baka magkasakit ka. Umuwi na tayo. Ate hali kana." she pleaded but I shook my head many times.

Pinangako ko sa sarili ko na magiging matatag ako para sa kapatid ko pero hindi ko na kayang itago p ang nararamdaman kong ito. I should let this out this time. Gusto kong ilabas kung anong nararamdaman ko. Gusto kong ilabas ang sakit at hinagpis sa pagkawala ng magulang namin. Kahit ngayon lang....kahit nagyon lang gusto kong ipakitang mahina talaga ako.

Hinarap ko ang kapatid ko at mabilis yumakap ng mahigpit. "Yanna, sabihin mo may uuwian pa ba tayo? Pag umuwi ba tayo may sasalubong ba sa atin na nakangiting mukha ni nanay at tatay?" bulong ko tanong.

She didn't answer, she just cry. Humiwalay siya sa pagyakap at sinapo ang magkabilang pisngi ko. Tinitigan niya akong maigi sa mata. "A-ate...walang sasalubong sa atin na nakangiting si nanay at tatay. Walang sasalubong sa atin na mainit na yakap ni nanay at tatay. Dahil wala na sila. Ate wala na sila. Kaya umuwi na tayo. Kakayanin natin 'to hindi man ngayon pero alam ko balang araw. Tulungan natin ang isa't isa upang makabangon sa nangyari. Nandito lang ako ate hindi kita iiwan. I love you ate." mahabang niyang sabi.

Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Dapat ako ang nagsasabi sa kanya ng ganoon. Dapat ako ang nagko-comfort sa kanya hindi siya ang nagko-comfort sa akin. Masuyo ko siyang hinalikan sa noo. "Mahal na mahal ka din ni Ate. Pasensya ka na ha dapat ako ang nagko-comfort sayo. Pero heto ako, hindi ko na kasi kayang itago at indahin ang nararamdaman ko. Kahit ngayon lang gusto kong maging mahina. Gusto kong ilabas lahat." sambit ko.

Tumango siya at tipid na ngumiti. "Okay lang na maging mahina ate. Nandito lang ako." saad niya. "Mauuna nalang akong umuwi. Hihintayin nalang kita sa bahay. Alam kong gusto mong makapag-isa ngayon." hinaplos niya ng pisngi ko.

Tumango ako. "Salamat, Yanna." at mahigpit siyang niyakap bago siya tumayo at nagpaalam sa akin at sa magulang namin. Huminga ako ng malalim.

Bakit ba nangyari sa amin ito? Bakit ganito? Tumingala ako at sinalubong ang pagbuhos ng ulan.

Magdidilim na kaya nagpagdesiayunan kong tumayo para umuwi. Tumila na rin ang ulan.

Bumaba ang tingin ko sa kanilang puntod. "Nay, Tay, kung sino man ang gumawa nito sa inyo pagbabayaran nila. Dahil balang araw hahanapin ko sila at pagbayarin. Pangako yan nay, tay." mariin kong saad habang mahigpit nakakuyom ang aking palad bago tumalikod at naglakad palayo.

Hindi ako pinalaking bayolente pero dahil sa nangyari sa magulang namin, magiging isa ako. Hahanapin ko sila balang araw at sisiguraduhin kong papatak ang kanilang mga dugo sa sarili kong mga kamay. Their lives will be on my hands and all they can do is to beg to spare their lives. Someday....someday.

Nakatayo ako sa gilid ng kalsada para mag-abang ng masasakyan pauwi. Bigla akong napayakap sa sarili ng umihip ang lamig na hangin. Ngayon lang ako nakaramdam ng lamig.

I rubbed my both hands on my arms to feel some heat.

Itinaas ko ang kamay ko para parahin ang papalapit na jeep pero napabuntong hininga nalang ako ng hindi iyon tumigil.

Napaatras ako ng may tumigil na maitim na sasaktan sa harap ko. Bigla akong ginapangan ng kaba at takot. Kaba na baka barilin ako at takot na baka ganoon din ang mangyayari sa kapatid ko. Walang masyadong taong dumadaan kung saan ako at kunti lang ang may ilaw na mga poste.

Unti-unting bumaba ang bintana ng kotseng nasa harap kaya mas lalo akong kinabahan at kinain ng takot. Tatakbo na sana ako ng marinig ko buong pangalan ko. "Alice Natasha Baltazar?" patanong niyang sabi.

Gulat akong tumingin at halos pinagsisikan mo na ang sarili ko sa pader. "S-sino ka? Bakit mo ako kilala?" kinakabahan kong tanong.

Napansin siguro niya na pilit kong inaaninag ang kanya mukha kaya binuksan niya ang ilaw sa loob ng sasakyan.

"Don't be scared. Hindi kita sasaktan gusto lang kitang makausap." marahan niyang sabi at ngumiti.

Hindi ko mapigilang mapatitig sa gwapo niyang mukha kahit nahahalata ang pagod.

"Paano ako makakasiguro na hindi mo ako sasaktan? At bakit? Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko.

Huminga ito ng malalim at napakamot sa batok. "Hindi ko din alam basta gusto lang kitang makausap." sabi niya.

"Sino ka ba?" hindi ko mapigilang magtaray.

"Oh nakalimutan kong mag pakilala. I'm Leviandren Brent nice to meet you." he extended his hand outside the open window in front of me. He smile pero hindi umabot sa mata.

Nagdadalawang isip pa ako kung tanggapin ko ba o hindi pero tinanggap ko nalang. "Nice to meet you too. Ano bang gusto mong pag-usapan?" tanong ko.

He may be a stanger but I feel that he mean no harm kaya papayag na akong makipag-usap sa kanya.

"Get in first, nilalamig ka na." sabi niya kaya tumango nalang ako at mabilis sumakay sa passenger seat. "Wear this," may inabot siya sa akin na maitim na jacket.

"S-salamat." agad kong tinanggap at mabilis sinuot.

He nodded. "Ano ba ang pag-uusapan natin?" ulit kong tanong kanina.

"About my sister." sagot niya bago pinaandar ang sasakyan.

Kumunot ang noo ko. Kapatid niya? Anong kinalaman ko dun?

"About your sister? Sino? Look, hindi kita kilala kaya hindi ko din alam kung sino ang kapatid mo o kung ano man ang tungkol sa kanya wala akong alam." naguguluhan kong sabi.

"You know my sister, Alice. Dahil kapatid mo siya." bigla akong nabingi sa sinabi niya.

"A-ano?"

"Yanna Clairen Baltazar is my sister. At ang dahilan kung bakit gusto kitang makausap ay para kunin ang kapatid ko kaya ako nandito. Ayokong may mangyaring masama ulit sa kapatid ko. Kailangang ilayo ko siya sa'yo." biglang nag-iba ang tono ng pananalita niya.

Sunod-sunod akong umiling. "No. No. Hindi yan totoo! Ako lang ang kapatid niya wala nang iba. Ako lang!" hindi ko mapigilan ang pagtaas ng aking boses.

Napatingin ako sa labas ng biglang huminto ang kotse. Nasa labas kami ng bahay namin.

"Sa maniwala ka sa hindi I'm her brother. I know things about my sister. She was taken away from us noong sanggol pa siya! If you won't believe I'm willing to do a DNA test with my sister. And if the result is positive, I'm sure of it, I'll get my sister back." may diin niyang sabi.

No! She's my sister. Magkapatid kami. Ako lang ang kapatid niya.

"No, please. Wag mong kunin ang kapatid ko. Siya nalang ang meron ako." di ko mapigilang magmakaawa.

Pinagmasdan niya ako at tumingin sa labas bintana kaya napatingin din ko doon.

Nakatayo sa may pinto ang kapatid ko habang nakanunot ang noong pinagmasdan ang kotse na sinasakyan namin. "Kamukhang-kamukha niya si Mommy." narinig kong bulong niya.

"Hindi ko hahayaang makuha mo ang kapatid ko. I already lose my parents, I can't lose her too. She's the only one that I have now." tinanggal ko ang suot ko jacket at ibinalik sa kanya bago lumabas sa kotse.

Nanatili akong nakatayo sa gilid ng pinagbabaan ko habang pinagmasdan ang kapatid kong puno ng kuryosidad na nakatingin sa akin. Kumaway ako sa kanya.

"Babalik ako. At sa pagbalik ko hindi mo na ako mapipigilang bawiin ang kapatid. Like what you said, I can't lose her too. Siya nalang ang meron ako kaya gusto na siyang makasama." huli niyang sabi bago pinaharurot ang kotse.

Matapos ang pag-uusap namin na yon hindi na muli siyang bumalik kagaya ng sinabi niya. Hanggang sa lumipas ang taon, sa totoo lang hintay ako sa kanya noon na bumalik dahil narealize ko na masyado kong ipinagdamot si Yanna sa kanya. Kung totoong magkapatid sila, may karapatan silang kilalanin ang isa't isa.

Pero minsan naisip ko na baka pinagtripan lang ako kaya siguro hindi na bumalik. Kaya kinalimutan ko nalang iyon.

And then I remembered, why he's eyes were very familiar that night when we met in the Sta. Cruz Warehouse. Siy pala yung lalaking lumapit sa akin noon matapos inilibing ang magulang namin. It's been five years.

Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang pag-aassemble ng baril.

Matapos ang nangyari kay Yanna ay naging malamig ang pakikitungo ni L sa akin. At naiintindihan ko 'yon. Alam kong ako ang sinisisi niya sa nangyari kay Yanna.

This is all my fault. I kept her sister. Ipinagdamot ko sa kanya ang kapatid niya, si Yanna. Kung sana ay ipinaubaya ko nalang si Yanna sa kanya noon hindi sana madadamay ang kapatid ko. Hindi sana maabot sa ganitong sitwasyon. Hindi sana siya mawawala.

Yanna is not my sister at tanggap ko iyon kahit mahirap at masakit tatanggapin ko parin iyon pero hindi magbabago ang turing ko sa kanya. Gusto kong mag tanong kung paanong nangyari na hindi kami magkapatid ni Yanna pero sino ang pagtatanongan kung patay na ang makakasagot sa lahat ng tanong ko? Yung nakita kong mga documento na nasa box. Kay Yanna lang at tungkol sa mga Douglas ang paniniwalaan ko doon.

Pero yung tungkol sa akin? Nagdadalawang isip pa ako. But I already contacted my....my real parents. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman ko nang marinig ang boses ng totoo kong ama. Ang ama ko na pinuno ng Mafia Pantasiz. Naguguluhan parin ako sa lahat at sa totoo kong katauhan.

Kung bakit napunta ako sa mag-asawang Baltazar? Bakit hindi ako hinanap ng totoo kong mga magulang? Bakit nandito ako sa Pilipinas kung ang totoo kong bansang sinilangan ay ang Greece?

And I thought Yanna was the princess na hinahanap ng mga Pantasiz. Pero hindi pala. Ako pala iyon. I am the princess and It feel so weird.

Nay, tay sana nandito kayo ngayon para maliwanagan ako tungkol sa lahat ng ito.

After I assemble the gun I excused myself to L. "Magbibihis na ako." tumango lang siya.

Tonight we're going to Douglas we won't sneak. I'm still part of the Mafia Douglas because I received an announcement yesterday that there's a meeting in Douglas' Mansion kung saan doon gaganapin. Kaya agad kaming nagplano ni L.

Pero iba ang pakiramdam ko sa mangayayari parang malayo sa mangayayari na inaasahan ko.

Nang matapos akong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Naabutan ko si L na naglalagay mga ng baril at maliit na mga kutsilyo sa holster niya.

Sumulyap siya sa akin bago nagpatuloy sa ginagawa.

Lumapit na din ako at kumuha ng baril at kutsilyo at inilagay sa holster na nasa ibang parte ng katawan ko.

"Let's go. Red is waiting outside." tumango ako sa sabi niya at sabay kaming lumabas ng bahay.

Red is a professional sniper. Kahit gaano pa kalayo yan she can shoot you in your head. At first I didn't believe pero nang isinama niya ako sa isang trabaho niya, I was stunned and amaze with her skills.

Hindi siya sasama sa loob, magbabantay lang siya sa labas ng Douglas sa malayo.

Nang makasakay kami sa sasakyan ay tahimik lang kaming dalawa ni L habang si Red namin ay mahinang kumakanta. She has this witty personality.

"Hanggang dito lang kayo. Hindi pwedeng ihatid ko kayo doon." biglang itinigil ni Red ang sasakyan sa di kalayuan ng masion. "Nasa malayo lang ako. Keep your earpiece attach." paalala niya.

"Okay. Be careful." sabi ko at naunang bumaba.

Sumunod naman si L at pinanood muna namin ang papalayong sasakyan bago nagsimulang tahakin ang daan papunta sa distinasyon namin.

"Kung may mangyayaring hindi kaaya-aya sa loob sisiguraduhin kong bago ako lalabas ng buhay, babaon muna ang bala ng baril ko sa mag-ama." sabay naming sabi ni L kaya bigla kaming nagkatinginan.

Ngumiti siya. "Don't die. May Yanna pang naghihintay sa atin. I know she's alive. At kung nasaan man siya ngayon I know she's safe right now." sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad.

We have the same thoughts about our sister. We can feel that she's alive. Na nasa maayos siya. Hindi lang namin alam kung nasaan siya ngayon.

"Ikaw din." tugon ko sa kanya.

"Dapat lang na hindi kayo mamamatay, babayaran niyo pa ako." biglang nagsalita si Red na mahina naming ikinatawa dahil sa sinabi niya.