webnovel

Alice In The Mafia World

Alice Natasha Baltazar, an orphaned girl, seeking for justice for the death of her parents. Was force to join the Douglas Mafia who promise to help her to hunt those people who killed her parents. But then, slowly, a box of secret was revealed. And she never thought that her life since then was a lie. From the people who killed her parents who she thought that her biological, her sister, and her real identity. What will happened if she finally know the truth about all the lies? Will she able to handle it? Or will she runaway and forget everything?

jeclover · Teen
Not enough ratings
45 Chs

Chapter 23

Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!

•••••

Chapter 23

All this time it was all a lie. Paniwalang-paniwala niya ako— nila. Ni minsan simula noong sumali ako sa organisayon hindi sumagi sa isip ko na lolokohin at paiikotin nila ako. I trusted them because they were there when I feel so hopeless. They help me to take revenge to those fuckers who killed my parents. How dare they? How fucking dare they!? Ang kapal ng mukha nilang tulungan ako pero sila pala ang pakana ng lahat.

Ang kitid ng utak nila. Walang kapatawaran ang ginawa nila. And what's his reason again? Na kaya nila pinatay ang mga magulang namin ni L dahil sa walang kwenta ito? Fuck him.

Ang sakit lang, lalo nang sinabi niyang ang tanga ko daw dahil naniwala akong mahal niya ako. Oo tanga ako pero masisisi niyo ba ako? Masisisi niyo ba ako na kahit ganon, kahit puro kasinungalingan ang lahat ng sinabi niya ay sumaya sandali ang puso ko sa mga panahong 'yon.

Marahas kong pinahid ang aking luha at kalmadong pumasok sa loob ng condo unit. "Umalis na tayo dito, Yanna." sabi ko ng makita ko ang kapatid ko sa sala.

Napag-usapan na namin ni L kanina na doon muna kami ni Yanna sa bahay niya pansamantala. I have no choice but to agree. Dahil sa nalaman ko, I don't know if we're safe especially to my sister. They will hunt us for sure before we make a move to them. At alam kong hindi kami papabayaan ni L. She care for hee sister.

Hindi ko na alam kung kanino ako magtitiwala. I didn't trust L but I know he won't harm us. Nagalit lang ako dahil sa pagsisinungaling niya tungkol sa magkapatid na Douglas at kay Yanna. Hindi siya nagpaliwanag kaya hinayaan ko nalang. Ang mahalaga ay hindi niya ako sasaktan.

"Ate hinahanap ka ni Kuya Saber. Sinabi ko na nasa roof top kayo ni Kuya L. Nagkita ba kayo?" tanong ng kapatid ko ng nilingon ako at hindi pinansin ang sinabi ko kanina.

Mas mabuting umalis kami dito. Hindi ko na maatim ang tumira dito lalo na galing ito sa kanya.

Ang kapal niyang sabihin na ako ang may utang sa kanya. At ako naman si tanga lagi iniisip na malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil sa pagtulong sa akin. Pero ang totoo ay siya at ang ama niya ang may utang sa akin.

May utang sila sa akin na buhay, at yun ay ang buhay ng magulang ko. Kaya dapat buhay din ang kapalit.

I feel livid this moment and I want to kill them pronto.

"Yanna mag-impake ka aalis na tayo dito." malamig kong sabi at benalewala ang sinabi niya.

"Bakit ate?" naguguluhang tanong niya. Umupo sa tabi niya si L.

"Sumunod ka nalang." sabi at iniwan silang dalawa ni L sa sala at nagtungo sa kwarto.

Mabilis ang bawat kilos ko sa paglalagay ng damit at mga importanteng bagay sa malaking bag ko. Napatingin ako sa pinto ng marinig ang marahan pagkatok. Tumayo ako at nagtungo sa pinto pagbuksan ang kung sino man ang nasa labas.

Bumungad sakin ang madilim na mukha at nagtatagis-bagang na si L pagkabukas ko ng pinto. "Bakit?" salubong ng kilay kong tanong.

"He's here." sagot niya habang mabibigat ang hininga.

I gritted my teeth. "Tapos na bang mag empake si Yanna?" tumango siya. "Mauna na kayo sa baba. Pakidala nalang din ng gamit ko, susunod ako."

Nakita ko ang pag-aalangan sa kanyang mukha. Magsasalita sana siya pero sa huli ay tumango nalang siya at itinikom ang bibig.

Nang makalabas na sa unit si L at ang kapatid ko bumaling ang atensyon sa taong prenteng nakaupo sa sofa at malamig na nakatitig sa akin. I glare at him as I tightened my fist. Nanggigigil ako. Gusto ko siyang sakalin hanggang hindi na siya makahinga.

"Kung ano man yang pinaplano niyo, mauuwi lang yan sa wala." seryoso niyang sabi. "You can't just pull the trigger on us, Alice. Dahil alam kong darating ang araw na 'to kaya nakahanda na ako--- kami ng ama ko, hindi ko lang akalain na mapapaaga pala. So whatever you're plan is, I'll make sure that in the end you'll lose." tunayo siya habang hindi inaalis ang kanyang mga mata sa akin.

Nakaramdam ako ng kaba pero hindi ko pinahalata. I know he's not bluffing anymore lalo na at kasama ang ama niya.

"How sure you are that we'll lose in the end? Are you a future teller? Sylvester?" I smirked.

Saglit siyang natigilan. Pero kaagad namang nakabawi at ngumisi. "You knew?"

"Well, I'm not that really dumb you know? And agaim, how sure you are that we will lose in the end?" I shrugged and smirk.

Kita ko ang pag-galaw ng panga niya. "Dahil isa kang tanga. See? Napaniwala ka sa lahat ng ginawa namin. You're so easy to fool, Alice. You still the ignorant girl back then. Kaya masasabi kong talo kayo sa huli. Dahil isa kang babaeng walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari. Your mindless of what is really happening." tumaas ang gilid ng kanyang labi.

I want to wipe that fucking smirked on his face. Hindi na ako nakapagtimpi, umangat ang kamao ko pero bago pa dumapo sa mukha niya agad niyang nahuli iyon. Humigpit ang paghawak niya sa kamao ko, pinipigilan kong hindi ngumiwi ng bumadha ang sakit.

"Fuck you! I'm gonna kill you, Sylvester! Papatayin ko kayong lahat!" puno ng galit kong sigaw sa mukha niya.

Marahas niyang binitawan ang kamay ko. Naiiling siya at napamulsa. "Do you really think you can do that, huh? Kahit gusto kitang patayin nung una palang ay hindi ko magawa dahil may panggagamitan pa kami sayo. Let's just say you're our bait to them. To finally embrace the power that we want. At kapag napasakamay na namin yun, doon ka na namin papatayin." he laughed devilishly.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. He wants to kill me from the very start. And bait? Who's them that the Douglas want's their power? Napatitig ako sa kanya. May bigla akong naalala. I know, sino ang tinutukoy nila.

"A bait? Hindi ko akalaing ganyan pala ako ka-importante sa kung sinong kalaban niyo para gawin niyo akong pain." bahagya akong natawa.

"Yes, Alice you're very important to them. Very important. Kung alam mo lang." tango niya na may kakaibang kislap sa mga mata. Evilness.

Hindi lang ikaw ang may alam, Sylvester.

Umangat ang kamay niya na aakmang hahaplusin ang pisngi ko pero mabilis kong tinabig iyon.

"Oh really? Should I be proud? Dahil mukhang matagal-tagal niyo pang makuha ang kinakailangan niyo sa kanila. You don't know me, Sylvester. I'm more dumbest as you thought." puno ng sarkasmo ang huli kong sinabi bago siya tinalikuran. "Pupunta ako sa HQ para harapin ang mga nilabag ko ng mabayaran ko na, my shoulder are ready to feel the bullets. Nakakahiya naman sa inyo. Salamat pala sa condo na'to. See you." pero bago ako tuluyang makalabas bigla siyang nagsalita.

"You think that so easy huh. No, Alice. Sisiguraduhin kong hindi mo makakaya ang sakit. I'll make you suffer."

Taas noo akong naglalakad patungo sa elevator kahit nanginging ang tuhod ko. Natatakot ako sa posibleng mangyari, bigla akong tinakasan ng tapang at lakas matapos ang pag-uusap namin. Kailangang masigurado ko na hindi mapapahamak si Yanna sa gulong 'to. Kailangan ko siyang protektahan.

Tahimik ako sa loob ng sasakyan at nakatingin sa labas ng bintana ng passenger seat habang ang kapatid ko ay nasa back seat na panay ang tanong kung saan kami pupunta mabuti nalang at nasasagot ni L ang ibang tanong niya. Napansin siguro niya na wala akong ganang makipag-usap, kaya siya nalang ang sumasagot sa mga tanong ng kapatid ko.

Iniisip ko ang magiging plano at mag posibleng mangyari. I should think wisely.

"Kuya L, may kapatid ka po ba?" biglang bumagal ang pag-andar ng sasakyan kaya napalingon ako sa kanya.

Nang magtama ang mata namin ay kaagad niyang iniwas. Tumikhim siya bago sumagot at muling binilisan ang pagmaneho.

"M-meron." sagot niya.

"Talaga kuya? Nandoon po ba sa bahay mo?" tanong ng kapatid ko na may malapad na ngiti.

"Wala. Hindi ko alam kung nasaan siya. Sanggol pa siya ng kinuha siya sa amin." kita ko ang pagtagis ng bagang niya at ang paghawak na mahigpit ng manibela.

Ramdam ko ang galit niya. At mukhang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol doon kaya nang aakmang magsalita muli ang kapatid ko ay kaagad kong sinuway.

"Yanna, stop asking question." about you.

"Okay lang." sabi ni L at sumulyap sa akin pero umiling ako.

Bakit hindi nalang sabihin ni L kay Yanna ang totoo? Bakit pinapahirapan pa niya ang sarili niya?

Muling naging tahimik ang byahe namin hanggang sa huminto ang kotse sa isang malapad at malaking gate. Unti-unti yung bumukas at bumungad sa amin ang malawak na lugar na puno bulaklak at halaman. Sa gilid ng tinatahak namin na daan ay mayroong mga pine trees.

Hindi ko mapigilang mamangha sa lugar. May nakita akong gazeboo sa kaliwang bahagi at sa tabi nun ay isang malawak na fish pond na may maliit na tulay at pinapalibutan ng mga puno kaya nag mistulang maliit na gubat.

"What the hell? Is this yours?" hindi makapaniwala kong tanong.

Umiling siya. "Sa parents ko." sagot niya

"Akala ko sa bahay mo tayo?" taka kong tanong.

"Hindi pwede doon dahil masyadong delikado. Mas safe dito dahil walang nakakaalam sa lugar na'to. Secured ang area kaya walang makakapasok ng basta-basta." paliwanang niya.

"Damn, Kuya L. You're a rich man dude!" manghang sabi ng kapatid ko kaya napailing nalang kami ni L at mahinang natawa.

Me also, I didn't know that this dog is so rich than I thought. Kaya pala ang laki lagi ng binabayad niya sa akin, ang yaman pala ng asong 'to.

Sabay kaming bumaba sa harap ng isang napalaking mansion na old fashion pero nahahaluan ng moderno.

Humarap si L sa amin at malapd na ngumiti. "Welcome ladies! Feel at home! Let's ho!" sabay kuha sa bag na dala namin at naunang pumasok sa malaking double door.

Nang makapasok kami ay mga yabag lang ng mga sa sapatos ang naririnig namin sa marmol na sahig. Ang tahimik. Inilibot ko ang mata ko sa kabuoan ng loob. This house is damn amazing! From the elegant chandelier to all the fornitures.

"Ihahatid ko kayo sa magiging kwarto niyo para makapagpahinga na kayo." saad niya kaya tumango kami at sumunod sa kanya sa pag-akyat ng malaking hagdan sa kanan.

"Tangina L, prinsepe lang ang peg? Like seriously? Ang tahimik, wala bang ibang tao dito maliban sa ating tatlo?" tanong ko.

Mahina siyang natawa. "Meron." sagot niya.

"Eh bakit wala akong nakikita miisa Kuya L?" takang tanong ng kapatid ko.

"Dahil ako lang ang nakakakita." pananakot niya sa amin sabay harap na nakangisi pero unti-unti yung nawala ng makita niya ang reaksyon namin.

Nakataas ang isang kilay ko sa kanyang habang ang kapatid ko ay nakakrus ang braso sa dibdib habang tinitingnan siya. "Nananakot ka ba?" tanong ko.

Umayos siya ng tayo at napakamot sa batok. "Oo pero mukhang hindi naman kayo takot." irap niya. Nang maihatid niya kami sa magiging kwarto namin at iniwan niya kami dahil maghahanda siya ng hapunan.

As the days passed by, nakatuon ang buong atensyon ko sa pagiging studyante dahil malapit na ang finals namin. At sa mga nagdaang araw na 'yon ay nararamdaman kong may nakamata sa bawat kilos ko sa skwelahan. At si Yanna ay si L mismo ang nagbabantay sa kanya sa pagpasok sa skwela.

We already have a plan kaya focus muna ako sa pag-aaral. Kunting tiis nalang graduate na ako. One month more.

"Alice bakit hindi ko na nakikitang magkasama kayo boyfriend mo?" tanong ni Armen nang araw na yun.

"Wala akong boyfrined." saad ko habang abala sa pagbabasa ng lesson para sa unag subject namin.

"Sus denedeny mo na naman. Lagi ngang nakatanaw sayo sa malayo eh." pang-aasar ni Armen.

Natigilan ako sa pagbuklat sa librong binabasa ko. "Anong ibig mong sabihin?" puno ng pagtataka kong tanong.

Kumunot ang noo niya. "Hindi mo alam? Doon lagi ang pwesto niya, oh." napatingin ako sa itinuro niya.

Ganon nalang ang gulat ko ng matanaw ko siyang nakaupo sa malayong bench at deretso ang tingin sa classroom namin. Bigla akong napamura.

"Alam mo ang creepy na yang boyfriend mo. Nagmumukha ng stalker. Araw-araw ba naman nandiyan." komento ni Armen.

Nanatili akong nakatitig sa kanya. Kahit malayo ay nakikita ko sa mga mata niya ang panganib. Bigla akong kinalibutan ng bigla siya ngumisi.

Ngisi na sapat na makaramdam ka ng takot.

Nawala sa isip ko ang binabasa kanina. Mabilis hinanap ang cellphone ko sa loob ng bag at agad tinawagan si L.

"He's here." bungad ko ng masagot niya ang tawag.

"I know. He's always there." kalmado niyang sabi.

"What? Bakit hindi mo sinabi?" gulat kong tanong.

"Akala ko alam mo." sagot niya.

Napairap ako at pinatay ang tawag.

Muli kong tiningnan si Sylvester sa labas na nakayuko at parang may tinitext. Umangat ang ulo niya at tiningnan muli ang direksyon ko.

Napaigtad ako ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko.

Mabilis kong tiningan kung sino ang nag-text.

From: Unknown Number

Should I start now?

Kumunot ang noo ko. Sino 'to? Muli akong nakatanggap ng mensahe galing sa Unknown Number.

From: Unknown Number

By exploding your sister's classroom?

Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Mabilis akong tumayo at patakbong lumabas sa classroom. Hindi pinansin ang pagsigaw ni Armen sa pangalan ko. Nahagilap ng mata ko ang nakangisi niyang mukha habang niwagayway ang kanyang cellphone.

No. No. Yanna. Napuno ng mura ang isip ko. Agad kong tinawagan si L.

Nakadalawang ring bago niya sinagot.

"L si Yanna. Palabasin mo silang lahat sa classroom! They're classroom will explode!" natataranta kong sabi at walang tigil sa pagtakbo.

"Fuck! Nasa canteen ako. I'm on my way." rinig ko ang mabibigat niyang hininga sa kabilang linya at ang pagtakbo niya.

"Please L, bilisan mo." kinakabahan kong sabi.

Tanaw ko na ang gate ng High School.

"Malapit na ako." sabi ni L na halata ring natataranta. "Nakita ko na si Yan—"

Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko ng makarinig ng pagsabog kasabay nun ang pagguho ng mundo ko. Naging slow motion ang lahat. Ang kilos ng mga tao, ang mga umaandar na sasakyan at ang mga studyanteng nagtatakbuhan palabas ng skwelahan.

Nabingi ako sa busina at sigaw ng mga tao. Nabingi ako sa pagsabog. Nabingi ang buong pagkatao ko.

Napabalik ako sa realidad ng marinig ang boses ni L sa kabilang linya.

"Alice, si Yanna.....hindi ko nailigtas si Yanna. Alice ang kapatid ko! Hindi ko nailigtas! Kasalanan ko 'to! Fuck! Fuck! Nahuli ako....ang kapatid ko...Yanna." rinig ko ang paghagulhol niya at ang kanyang sigaw.

"Yanna," tuluyang nalaglag ang aking mga luha.

No, Yanna. I failed to protect her again.