webnovel

a love that never fades(TAGALOG) (BL)

ALTNF 1 Ben Cariaga's POV "Ano na, asan ka na?" Sabi ko dahil hindi ko na talaga siya makita. Asan na ba siya? Masyado nang mataas ang narating niya! Mamaya mahulog to eh. "Wait, teka lang babi! Ang kati ng likod ko. Jan ka lang!" Sigaw niya mula sa itaas ng puno. Sa totoo lang, kanina pa ako nangangalay dito. Paano ba naman, kanina ko pa bitbit ang pagkalaki-laking bayong na 'to na naglalaman ng mangga. Yep, nasa mango-hunting kami ngayon ni Kristal. "Ano na bes? Nakakangalay na! Asan ka ba? You are nowhere to be found!" Sigaw ko. "Nandito ako, look!" Hinanap ko siya sa itaas pero hindi ko talaga siya makita. Masyado kasing maraming sanga ang nakaharang. Maya-maya ay may ginalaw-galaw siyang mga sanga at hinanap ko iyon. Nang makita ko ito ay ako ang nalula sa sobrang taas. "Hala Kristal! Gagi ka ba? Ang taas mo masyado! Bumaba ka na dyan, bago ka pa mahulog at masisi pa ako ng masungit mong mudrakels dahil ako ang nagpaakyat sa'yo dyan!" Sigaw ko sa kanya. "Babi, magtiwala ka sa akin. Kaya ko 'to. Ang dami kaya dito. Ready mo na yang bayong, dali!" Sabi niya. I frowned. Ano ba 'yan, bigat na bigat na nga ako dito tas biglang change location. Huhu. Hinanda ko na ang dala-dala kong bayong. Tama siya, ang dami ngang bunga ng mangga sa pwesto niya. Kumpul-kumpol at malalaki na. Sana lang hindi pa hinog ang mga 'yam. "Kris, ang dami masyado. Bawasan mo. Baka sa ulo ko tumama 'yan imbes na shumoot sa bayong." She chuckled, "Ok." At hinulog na niya isa-isa yung mga mangga. Marami-rami rin kaming nakuha. No, marami talaga kaming nakuha. Samantalang kami lang din naman ni Kristal ang mangangain nito. You know, summer. Ang sarap ng may mangangata. "Marami rin tayong nakuha. Tirahan natin si kuya Japs ng lima." Sabi ko. Bumaba na si Kristal sa ng puno nang walang kahirap-hirap. Taong unggoy 'yan eh. Kayang umakyat ng puno kahit gaano kataas ng effortless. Kahit maliit na babae yan si Kristal wag mong mamaliitin yan. Maraming 'yang kayang gawin sa buhay. "Tatlo lang? Gawin mo nang sampu." Sabi niya. I gave her a meaningful look, "Ok, ok, fine, fine. Crush mo eh." "Huh? C-crush ka diyan, wala akong crush no." She said, blushing. "Asus, oke, sabi mo eh." Sabi ko naman. Nagligpit na kami ng mga pinanguha namin at umuwi na rin kami. Bago ang lahat. Ben Cariaga ang pangalan ko. Si Kristal naman itong kasama ko. Kristal used to call me "Babi" dahil, wala lang. Trip lang daw niya. Kami 'yung tipong unexpected best friends kasi pagkalipat na pagkalipat nila dito, inapproach niya kaagad ako. Then ayun, instant BFFs. Minsan tinanong niya ako if I'm a gay. Napansin niya daw sa behaviour ko at way ko ng pagsasalita.

johndrewmac · 现实
分數不夠
20 Chs

6

ALTNF

6

Ben Cariaga's POV.

"Mukhang alam ko na kung anong magiging ulam natin ngayon ah, haha!" Natatawang sabi ni Nico pagkarating na pagkarating namin dito sa may kubo kung saan naisipan naming magpahinga.

Kakatapos lang namin sa pamimitas ng munggo. Isa't kalahating sako rin ang nakuha namin.

"Haha, ibibilad pa 'yan eh. Hindi pa basta-basta pwedeng i-ulam agad." Sabi ko sa kanila.

Tumango naman si mang Tako, "Tama si Ben. Baka hindi lang isang araw natin 'yang ibibilad. Kailangan muna nilang mainitan hanggang sa magputukan ang mga binhi at lumabas na mismo ang butil ng munggo. Baka sa isang araw pwede na tayong mag-ulam nyan." Sabi nya.

Napatingin ako kay kuya Jay. Nagpupunas siya ng pawis gamit ang dala niyang bimpo. Ang hot nya. Haha.

Tingnan mo 'tong si Ben. Galit sa'yo yung tao, nagawa mo pa ring pagpantasyahan? Grabe ka talaga! Wala nang mas hihigit pa sa kaharutan mo.

Maya-maya ay nagulat ako nang bigla nyang hubarin ang suot-suot niyang sando at ginawa niya itong pamunas sa katawan niya. At saka niya ito ipinamaypay sa sarili.

Agad naman akong napaiwas ng tingin.

"O siya, tanghali na. Bumalik na tayo para makakain na ng tanghalian. Gusto nyo bang maligo sa ilog?" Tanong ni mang Tako sa amin habang nag-aayos kami ng mga dala namin.

Nagtaas ako kaagad ng kamay, "Ako po!"

"Ako rin po, gusto ko!" Sabi naman ni Nico habang nakangiti. Ibinaling namin ang aming tingin kay kuya Jay pero wala siyang response.

"Maaari kayong maligo. Pero mamaya pa pagkatapos kumain. Basta wag kayong lalayo. Maraming engkanto doon. Haha." Pananakot ni Mang Tako.

"Oo naman tito, di kami lalayo. Takot ko na lang makuha ng engkanto, haha! Let's go!" Sabi ni Nico at saka niya kinuha 'yung isang sako. 'Yung kalahati lang ang laman. Nag-umpisa na rin siyang maglakad.

Kukunin ko na rin sana 'yung isa pang sako ngunit naunahan ako ni kuya Jay. Hindi na ako nagsalita at hinayaan ko na lang siya since hindi nga kami nagpapansinan.

Napangiti na lang ako. Kanina, noong tinawag ko siya, nilingon nya ako. Narinig niya ako. Akala ko hindi niya talaga ako papansinin.

He's not that mad. Ako lang siguro 'tong nag-over think. But I admit, I'm really wrong. I should be sorry. Pero hindi ko magawa dahil parang wala talaga siyang balak makipag-usap sa kanino man ngayon.

~*~

Pagkarating namin sa bahay ay naabutan namin si Ate Isabela na naghahanda ng pagkain. Inunahan ko na si Mang Tako, nagpaalam na ako na babalik na ako sa bahay bago pa nila ako yayain na kumain sa kanila. Kawawa naman si Kuya, mag-isa lang sa bahay.

"Ahm, mauna na po ako samin. Sa bahay na lang po ako kakain, hehe." Sabi ko sa kanila.

"Naku huwag na, dito ka na kumain. Tumulong ka naman sa pagpitas ng munggo." Sabi ni Ate Isabela.

"Oo nga, dito ka na kumain oh, sayang naman nakahanda na." sabi naman ni Nico.

Ngumiti ako, "Hindi na po, salamat po ng marami. Sasamahan ko na lang po si kuya sa bahay. Mag-isa lang po kasi siya. Sige po, mauna na po ako." Paalam ko na sa kanila.

Nag-bless ako kay mang Tako at ate Isabela. I gave Nico a wave. Napatingin ako kay kuya Jay. I caught him staring at me at agad rin naman siyang umiwas.

Ngumiti na lang ako at umalis na.

"Teka lang, eto o, ulam. Pagsaluhan nyo ng kuya mo." Sabi ni mang Tako. At saka niya ibinigay sa akin ang isang mangkok ng sinigang na tilos. Mukhang masarap 'to ah.

"Naku, mukhang masarap po. Salamat po ng marami. Wag po kayong mag-alala, babalik po ito sa inyo mamaya ng may lamang mas masarap at mas mahalaga sa ating buhay." Sabi ko.

"Hehe ano naman 'yun?" Tanong ni Ate Isabela.

"Isa pong malinamnam at manamis-namis na sariwang hangin. Sige po, mauna na ho ako."

Sabi ko at umalis na. Narinig ko pa silang nagtawanan. I smiled. Hindi ko alam kung ano pero siguro naman bumenta kahit papaano ang joke ko sa kanilang sobrang lame. Palibhasa matanda na kasi 'yung dalawa doon kaya medyo mababaw na ang sense of humor. Oops, grabe naman sa matanda. Hehe.

I am somehow glad to see kuya Jay smile a bit. At least nagawa ko siyang pangitiin sa napakawalang-kwenta kong joke.

That's an achievement.

Bumalik na ako sa bahay na sa may tapat lang rin naman nina Mang Tako. Naabutan ko pa si kuya na kumakain mag-isa. Medyo naawa ako kasi mag-isa lang siya.

"Kuya!" Masiglang tawag ko sa kanya.

"Oh babi, nandyan ka na pala. Ano 'yang dala mo?" Tanong niya.

Inilapag ko na ang dala kong ulam sa lamesa at kumuha na rin ako ng pinggan ko. Magkakamay na lang ako ngayon, tutal isda naman ang ulam namin.

"Sinigang na tilos, galing kina Mang Tako."

"Wow naman. mukhang masarap ah. Kamusta sa kabilang-ilog?" Tanong niya.

"Ok naman, kuya. Super enjoy kahit mainit."

"Really? Dapat pala sumama ako." Sabi nya.

Napatingin naman ako sa kanya, "Oo nga, kuya! Sumama ka minsan. Para naman manibago 'yang katawan mo! Puro ka computer e." Sabi ko sa kanya.

"Next time. Pag nagkatime uli ako. At babi, gusto ko rin sanang humingi ng sorry." Sabi ni kuya. Nagulat naman ako.

"Ha? Para saan?"

He took a sigh, then looked at me. "Sorry kung hindi kita masyadong napagtu-tuunan ng pansin. Alam kong alam mo na priority ko ang trabaho ko. But you know," he paused, at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko, "gusto kitang makasama palagi. Gusto kong mag-enjoy ng isang araw kasama ka. Kasi hindi ko magawa dahil nga sa trabaho. Sorry, babi." Sabi niya.

Napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa mga kamay ko. Palagi niya itong ginagawa sa akin pag nagso-sorry siya. At palagi rin naman akong nadadala sa paganito niya.

It's too genuine to handle. Kahit nasaktan niya ako, gagaan at gagaan ang pakiramdam ko sa kanya.

Pero ngayon...iba ngayon. Hindi niya kailangang mag-sorry. Hindi dapat siya nagsosorry.

"Kuya, hindi ko tatanggapin 'yang sorry mo. Dahil hindi ka naman dapat humihingi ng sorry. Alam ko ang lahat ng ginagawa mo. Alam kong nag-aalala ka sa akin kaya nagta-trabaho ka at alam kong para rin sa akin ang ginagawa mo. Isa pa kuya, ano ka ba naman. Malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Alam kong may pagka-childish ako minsan pero alam ko kung kailan ako dapat maging mature at undersding." Sabi ko.

"Babi.."

"Ako nga dapat ang mag-sorry eh. Pakainin mo ako. Hehe. Don't worry, kuya. Pag nakapag-trabaho na ako, ako naman ang mag-aalaga sa'yo."

"No, I won't let you do that. Ako lang ang dapat mag-alaga sa'yo. Hindi ikaw sa akin. At huwag mong isipin na pakainin kita, kasi obligasyon ko 'yun. Kuya mo ako eh. Ikaw talaga." Sabi niya at ginulo niya ang buhok ko.

Ngumiti lang ako. So do him.

Makita ko lang na ngumiti si kuya, masaya na ako. Dahil alam ko, kahit papaano, sumasaya siya. Napapasaya ko siya kahit na kakaunting oras lang kami nagkakasama palagi.

~*~

Pagkatapos naming kumain ni kuya ay nagpaalam ako sa kanya na maliligo kami sa ilog ni kuya Nico.

At, kagaya ng ine-expect ko, nag-doubt siya na si kuya Nico lang ang kasama ko. Alam ko kasing wala talagang balak si kuya Jay na sumama. Pero pumayag na rin naman siya dahil sabi niya, may tiwala naman daw siya sa aming dalawa. Baka daw kasi may gawin kaming kalokohan.

Tingnan mo 'tong si kuya. Akala mong napaka-tino eh. Pero wild din mag-isip. Nakakainis.

As if naman, 'no? Ako pa ba? Eh napaka-inosenteng tao ko kaya.

"Sige kuya, alis na ako." Paalam ko kay kuya.

"Babi," tawag niya kaya napatigil ako.

"Anooo?" I asked, medyo irita ng very light. Eh kasi naman, kanina pa niya ako pinipigilan!

"Ligo lang." Sabi niya.

I sigh. I wanna roll my eyes. Haaayst.

"Oo ngaaaa! Wala naman akong ibang balak gawin no! Ay, depende pala." Sabi ko sa kanya.

Pang-aasar ko pa.

I saw his eyes darkened, "Nako babi, sinasabi ko sa'yo. Lagot ka talaga sa akin. Bilisan mo lang." Pahabol pa niya. I just nodded, at umalis na ako.

Sumilip muna ako kina mang Tako kung nakahanda na ba si Nico. Napangiti ako nang makita ko siyang naghihintay sa may bakuran nila.

"Nico!" Tawag ko sa kanya.

Nang makita niya ako ay agad naman siyang lumapit.

"Tara?" Aniya.

"Yep. Wait, hindi talaga sasama si kuya Jay?" I asked him.

"Uhm, hindi ata eh. May pinuntahan siya." Sabi nya.

I smiled sadly, "sayang naman."

"So? Tara na, hayaan na natin 'yung mokong na 'yun." Sabi niya at nagulat ako nang hawakan niya ako sa wrist.

Napatingin ako sa pagkakahawak niya. Nang mapansin niya ako ay napangiti siya.

"Why? C'mon Ben, I'm excited!" Sabi niya.

I just shrugged at sumama na ako sa kanya. Alam na naman siguro niya kung saan ang ilog. Nadaanan namin kanina 'yon nung namitas kami ng munggo. So hindi na ako magd-doubt na baka iligaw niya ako.

Pagkarating namin sa ilog, napangiti agad ako ng malawak.

"Na-miss ko 'to." Sabi ko habang nakangiti at saka ako lumusong sa malinaw na umaagos na tubig ng ilog.

Napatingin ako sa batuhan at naghanap ako ng mga basyad.

"Ben? Anong hinahanap mo?" Tanong sa akin ni Nico.

"Naghahanap ako ng basyad." Sabi ko.

"Basyad? Ano 'yun?" He asked.

Kumuha ako ng isang basyad at pinakita ito sa kanya, "Ganito. May hard black coating at sa loob nito, may parang soft brown coated nut. Alam kong alam mo 'to eh. Provincial term kasi kaya di mo alam. Hehe!" Sabi ko.

"'Di kita gets." Sabi naman niya. Kinuha niya ang basyad na hawak ko at pinagmasdan niya ito.

"Alam mo 'yung pili nuts?" Tanong ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin. "Of course. That's my favorite." Sabi nya.

Napangiti ako. See? Alam niya yung pili nut pero di niya alam ang basyad. I understand him.

"'Yang hawak mo. Pili nut 'yan." Sabi ko.

Napabalik ang tingin niya sa basyad na hawak niya at gulat na gulat niyang ibinalik ang tingin niya sa akin.

"R-really?" He asked.

I nodded. "Yep. Tara, manguha pa tayo!"

Sabi ko at nag-umpisa na uli akong maghanap. Marami kasing puno ng basyad dito sa ilog kaya nagkalat ang mga bunga nito sa batuhan.

'Yun nga lang, mukhang hindi pa panahon ngayon ng basyad. Kakaunti lang ang nahahanap ko.

Isa...dalawa...

Tatlo.

Wala na akong mahanap. Juzku. Sobrang konti lang pala talaga. Nakahanap lang ako ng isa kanina, akala ko ang dami na. Mapanlinlang na mga bato 'to.

"Ben, oh! Nakahanap ako!" Sabi ni Nico ng nakangiti at ipinakita sa akin ang isang pirasonf basyad na nakita nya. Ang hilig niya ngumiti. Nakakainis. Ang gwapo niya kasi. Pero mas gwapo pa rin si kuya Jay. Nakaka-attract.

Hinagis niya sa akin yung basyad at nasambot ko naman ito.

"Salamat!" Sabi ko, at saka ako nagpatuloy sa paghahanap. Bale nakaka-apat pa lang ako. Ang saya.

Sa gitna ng paghahanap ko ay biglang may tumawag sa akin.

"Babi!"

Nagpantig ang tenga ko. Kilalang kilala ko ang boses na 'yon.

Lumingon ako sa likod upang tingnan 'yung tumawag. At hindi nga ako nagkamali.

"Kristal!"

Patakbo siyang lumapit sa akin, "Anong ginagawa mo? Namumulot ka ng basyad?"

I nodded, "Oo, kaso konti lang eh. Apat pa lang nahahanap namin." Sabi ko.

"Namin? May iba ka pa bang kasama?" Tanong nya.

Ngumiti ako. "Yep. Si Nico, kapatid ni kuya Jay."

She gave me a meaningful look. Bagay na alam kong ireresponse nya. "Uuuuy, ikaw ah."

"Ewan ko sa'yo. Sabihin kita kay kuya eh." Sabi ko sa kanya.

"Charot lang! 'To naman. Ay wait," she paused, ay may kinuha siya sa bulsa niya, "meron pala ako dito sa bulsa ko, napulot ko kanina." Sabi niya at ibinigay niya ang isang basyad.

"Ok, may lima na tayong basyad. Napakasaya. Mukhang mabubusog tayo rito. Haha!" Sabi ko then I laugh sarcastically.

Natigilan naman si Kristal. She's looking at something behind me. I wonder what it is.

"B-babi, sa likod mo." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa may likuran ko.

Tumalikod ako upang tingnan ang tinutukoy niya.

Si kuya Jay. He's standing, serious, behind me, now in front of me, wearing a poker face.

Nakatitig siya sa akin. At saka naman dinagsa ang utak ko ng mga katanungan.

Bakit siya nandito? Akala ko ba hindi siya sasama? Bakit? Anong ginagawa niya dito sa likuran ko? Sinundan ba niya kami ni Nico?

Bakit siya nakatitig sa akin?

Nakakatunaw.

Habang nakatitig ako sa kanya, biglang naman akong may naramdamang nahulog sa ulo ko. Isa itong basyad. Dahilan para mapukaw nito ang aming atensyon.

I badly wanted this moment before but now, I feel so awkward. Parang gusto kong tumakas sa titig niya. Kaya ang ginawa ko, pinulot ko 'yung nahulog na basyad.

"Anim."

---