webnovel

a love that never fades(TAGALOG) (BL)

ALTNF 1 Ben Cariaga's POV "Ano na, asan ka na?" Sabi ko dahil hindi ko na talaga siya makita. Asan na ba siya? Masyado nang mataas ang narating niya! Mamaya mahulog to eh. "Wait, teka lang babi! Ang kati ng likod ko. Jan ka lang!" Sigaw niya mula sa itaas ng puno. Sa totoo lang, kanina pa ako nangangalay dito. Paano ba naman, kanina ko pa bitbit ang pagkalaki-laking bayong na 'to na naglalaman ng mangga. Yep, nasa mango-hunting kami ngayon ni Kristal. "Ano na bes? Nakakangalay na! Asan ka ba? You are nowhere to be found!" Sigaw ko. "Nandito ako, look!" Hinanap ko siya sa itaas pero hindi ko talaga siya makita. Masyado kasing maraming sanga ang nakaharang. Maya-maya ay may ginalaw-galaw siyang mga sanga at hinanap ko iyon. Nang makita ko ito ay ako ang nalula sa sobrang taas. "Hala Kristal! Gagi ka ba? Ang taas mo masyado! Bumaba ka na dyan, bago ka pa mahulog at masisi pa ako ng masungit mong mudrakels dahil ako ang nagpaakyat sa'yo dyan!" Sigaw ko sa kanya. "Babi, magtiwala ka sa akin. Kaya ko 'to. Ang dami kaya dito. Ready mo na yang bayong, dali!" Sabi niya. I frowned. Ano ba 'yan, bigat na bigat na nga ako dito tas biglang change location. Huhu. Hinanda ko na ang dala-dala kong bayong. Tama siya, ang dami ngang bunga ng mangga sa pwesto niya. Kumpul-kumpol at malalaki na. Sana lang hindi pa hinog ang mga 'yam. "Kris, ang dami masyado. Bawasan mo. Baka sa ulo ko tumama 'yan imbes na shumoot sa bayong." She chuckled, "Ok." At hinulog na niya isa-isa yung mga mangga. Marami-rami rin kaming nakuha. No, marami talaga kaming nakuha. Samantalang kami lang din naman ni Kristal ang mangangain nito. You know, summer. Ang sarap ng may mangangata. "Marami rin tayong nakuha. Tirahan natin si kuya Japs ng lima." Sabi ko. Bumaba na si Kristal sa ng puno nang walang kahirap-hirap. Taong unggoy 'yan eh. Kayang umakyat ng puno kahit gaano kataas ng effortless. Kahit maliit na babae yan si Kristal wag mong mamaliitin yan. Maraming 'yang kayang gawin sa buhay. "Tatlo lang? Gawin mo nang sampu." Sabi niya. I gave her a meaningful look, "Ok, ok, fine, fine. Crush mo eh." "Huh? C-crush ka diyan, wala akong crush no." She said, blushing. "Asus, oke, sabi mo eh." Sabi ko naman. Nagligpit na kami ng mga pinanguha namin at umuwi na rin kami. Bago ang lahat. Ben Cariaga ang pangalan ko. Si Kristal naman itong kasama ko. Kristal used to call me "Babi" dahil, wala lang. Trip lang daw niya. Kami 'yung tipong unexpected best friends kasi pagkalipat na pagkalipat nila dito, inapproach niya kaagad ako. Then ayun, instant BFFs. Minsan tinanong niya ako if I'm a gay. Napansin niya daw sa behaviour ko at way ko ng pagsasalita.

johndrewmac · Realistic
Not enough ratings
20 Chs

5

ALTNF

5

Ben Cariaga's POV

Akala ko magiging ok ang araw ko ngayon hanggang sa maalala ko na naman ang naging panaginip ko kaninang madaling araw. Halos hindi ito i-absorb ng utak ko. Masyado kasing masama.

That was, somehow, familiar. Parang napanaginipan ko na siya dati or what. Sobrang pamilyar nya to the point na feeling ko nangyari sya sa totoong buhay.

I just sigh. Humigop ako sa kape na kakatimpla ko lang at kumuha ako ng isang pirasong pandesal.

Maya-maya ay nakita ko naman si kuya Japs na kakalabas lang mula sa cr. He's topless and wet look. Tanging tuwalya lang ang tumatakip sa ibabang bahagi ng katawan nya at nagpapatuyo sya ng buhok gamit naman ang isang tuyong face towel.

"Kuya, may pasok kayo ngayon?" Tanong ko sa kanya.

Napatigil siya sa pagpupunas at tumingin sa akin, "Wala daw eh. Nagka-emergency sa office. Kanina ko lang nalaman bago ako maligo. Tinawagan ako ng ka-line ko sa trabaho na si Kurt. Kaya tinuloy ko na lang 'tong ligo ko. Baka tamarin na ako mamaya eh." Sabi nya

Ngumiti ako.

Madalang ko lang nakakasama si Kuya sa isang linggo. Isang araw lang. Tuwing linggo. Stay out naman sya, kaya lang halos hindi ko na rin sya maabutan dahil sobrang aga nyang pumasok at late na rin sya minsan nauwi. Namiminsanan lang na napapaaga sya. Kahit hanggang 5 kasi sya ay inaabot pa rin sya ng dis-oras dahil sa byahe.

Lunes ngayon. Ine-expect ko na may pasok si kuya pero, thanks G, wala.

"Pumunta pala si Mang Tako dito kani-kanina lang. Tinatanong niya kung may gagawin ka daw ngayon. Baka daw gusto mong sumama sa kanila sa kabilang ilog. Mamimitas ata sila ng munggo."

Napalingon naman ako sa kanya, "Talaga? Sinong kasama?"

"Kasama siguro si Jay pati 'yung kapatid niya."

I smiled widely, "Sige kuya, sasama ako."

Ngumiti rin siya. "Ok. Punta ka raw sa kanila ng 8:30."

I nodded. Pumasok na sya sa kanyang kwarto upang magbihis. Ako naman, eto medyo na-excite ng very light. Makakasama ko lang naman si kuya pogi na nakita ko kaninang madaling araw sa terrace nila.

Binilisan ko na ang pagkain ko ng almusal at napatingin ako sa orasan. 7:30 pa lang ng umaga.

Usually, isinasama talaga ako ni mang Tako sa pamimitas ng mga pananim sa kabilang ilog. Minsan, nangunguha kami ng mga prutas gaya ng rambutan, lansones at iba pa. 'Yung mga karaniwang prutas at gulay na nakikita nyo sa probinsya. Minsan din ay nagtatanim kami ng palay.

Nakaka-excite dahil sa wakas ay makakapunta uli ako ng kabilang-ilog. Maganda kasi talaga don. Malinaw at malinis ang tubig. May mga libtong din doon (malalim na parte ng ilog) kung saan ako palaging naglalangoy at tumatambay. Madalas si Kristal ang makasama ko sa pagligo doon.

Sa kabilang parte naman ay ang bukiran. Nandoon lahat ng pananim ni Mang Tako at ang mga hekta-hektaryang niyog at manggahan niya. May palayan din doon na sila ang nagmamay-ari. Kaya sikat dito ni Mang Tako dahil ang dami niyang pagmamay-ari dito. Ngunit sa kabila ng mga pag-aari nya dito sa lugar namin ay hindi nya nagawang magyabang.

~*~

Saktong 8:30 ay pumunta na ako kina Mang Tako. Nakita ko si kuya pogi na naghahanda ng mga kakailanganin sa pamimitas kagaya ng bayong, at... bayong lang. Haha.

I sigh, ngumiti ako ng malawak at saka ko siya nilapitan.

"Hi! Paalis na ba tayo?" Bungad ko sa kanya.

Napansin kong medyo nagulat si kuya pogi sa biglaan kong pagsulpot. Sinadya ko talagang gulatin siya. Haha.

Sinamaan nya ako ng tingin. "Annoying. Hindi ka kasama." Sabi nya.

I smiled, "Si mang Tako mismo ang nag-imbita sa akin. Ano, sabihin ko pa?" I told him.

Hindi sya nagsalita.

"Haaay, nakakaexcite!" Sabi ko.

"As if."

"Sows! May pa as-if as-if ka pa dyan. Isumbong kita. Pero promise, kuya Jay, mag-eenjoy ka ron. Kung, sanay ka sa mga physical activity. Pero kung hindi at tatamad-tamad ka, naku mapapagod ka talaga kaagad. Sinasabi ko sa'yo, panget 'yung ganon kuya Jay." Sabi ko sa kanya.

Hindi sya nagsalita.

"Bakit? Wag mong sabihing--" I gasped, "--omg, spoiled brat ka siguro sa Maynila, no? OMG kuya Jay, it's time to change! Nasa probinsya na tayo, kailangan na nating magbanat ng buto. Don't worry, masasanay ka rin kumilos-kilos. Tulungan kita. Nandito lang ako." Sabi ko sa kanya nginitian ko sya ng matamis.

Tatapikin ko pa sana sya sa kanyang balikat nang pabigla nyang harangin ang kamay ko. Na siyang ikinagulat ko.

Bahagya siyang napatulala at saka dahan-dahang lumingon sa akin. Kita ko ang galit na nag-uumpisang mamuo sa mga mata nya.

"Alam mo ba lahat?" He asked me.

Ako naman ngayon ang hindi makapagsalita.

"Wala kang alam. At huwag kang magsalita na parang ang dami mong nalalaman tungkol sa akin. Dahil unang-una sa lahat, hindi kita kilala. Hindi tayo close. You're nothing but a complete stranger. At kahit kailan, hindi ako magiging interesado sa'yo." Sabi nya. At saka siya umalis.

Hindi ko na alam kung saan siya pumunta dahil natabunan ang utak ko ng lahat ng sinabi niya.

Ngumiti ako ng malungkot.

Masyado pang mababaw para maramdaman ko 'to pero oo, nasaktan ako sa sinabi nya. Nasaktan ako dahil hindi ko alam na sobrang sama pala para sa kanya ng ginagawa ko. Hindi siya interesado sa akin. At wala siyang balak magkaroon ng interes sa akin.

May punto naman sya. Sino nga ba naman ako? Kakakilala ko pa lang sa kanya. Ako pa nga ang nagpupumilit na kilalanin siya kahit alam kong hindi naman sya interesado.

Naiintindihan ko siya at some point. I was being feeling close. Hindi ko naisip ang iisipin niya. Nagpadala ako sa damdamin ko, sa urge kong mas makilala ko pa siya.

Ngayon ko lang napag-alaman na mali ako ng atake. Maling mali.

~*~

"Ben, ayos ka lang?"

Tanong sa akin ng kapatid ni kuya Jay na napag-alaman kong Nico ang pangalan. At dahil halos magka-edad lang kami, hindi ko na siya kukuyahin.

Napatingin ako sa kanya, "H-ha? Oo ayos lang ako. Wait, dun sa part na 'yon marami pa!"

Sabi ko sabay turo doon sa kabilang part ng mungguhan. Pumunta ako doon at namitas ako ng mga munggo. At pakingshet na malupet, ubos na pala rito.

I sigh. Gusto ko lang naman mapag-isa. Kaya tinakasan ko si Nico. Oo na, ang sama ko na. Wala lang.

Maya-maya naman ay sinundan ako ni Nico. Nakita ko ang confused niyang mukha na papalapit sa akin.

"Kakagaling ko lang diyan kanina. Napitas ko na halos lahat ng munggo diyan. 'Yung totoo Ben, ano ba kasing meron sa'yo? Bakit parang ang tamlay mo?" Tanong nya.

Ngumiti ako ng malungkot.

He's just like me.

Kung si kuya Jay sobrang sungit, ito namang si Nico ay parang ako. Feeling ko mas makakasundo ko pa sya kesa sa kuya nya. Which is ok lang. Kung hindi talaga siya interesado sa akin, ok lang.

"H-ha? O-ok lang talaga ako. Kulang lang ako sa tulog." Sabi ko na lang.

"Kulang ka sa tulog? Dapat hindi ka na sumama." Sabi naman nya.

I looked at him, "Ayaw mo akong kasama?" biro ko.

"Hindi naman sa ganon. Actually masaya nga ako na kasama ka e. Mas na-excite ako. Haha!" Sabi niya at saka sya tumawa. Ang cute niya. Hehe.

Sana si Kuya Jay din. Sana. Malabo nga lang mangyari.

"Well, sumama lang naman ako dahil gustung-gusto ko talaga palaging sumasama kay mang Tako kada pupunta sya rito sa kabilang ilog. Parang ito na lang kasi 'yung paraan ko ng physicalc activity. Ang saya kaya, promise. Lalo na pag naliligo ako sa ilog kasama 'yung kaibigan ko. The best 'yun!" Sabi ko.

"Really? Parang gusto ko rin maligo dun minsan." Sabi naman nya

I smiled, "Oo naman."

At nagkuwentuhan pa kami ni Nico ng kung anu-ano. At nag-eenjoy akong kasama siya. Ang dami niyang kwento eh. Para talaga siyang ako.

Sa gitna ng kuwentuhan namin ni Nico ay nakita ko naman si kuya Jay sa kabilang parte, sa may tapat mismo namin. At kagaya namin ay busy rin siya sa pamimitas. Mag-isa lang siya.

Napabuntung-hininga ako. Hindi niya talaga ako iniimik. Sabagay, bakit nga ba nya ako iimikin, I am nothing to him but a stranger. Ang nakakalungkot isipin 'yon dahil alam kong mabuti siyang tao. Alam kong makikilala at makikilala rin nya ako. Sadyang ako lang talaga itong mali.

"Napatulala ka bigla. Ayos ka lang?" Tanong ni Nico na nagpabalik sa huwisyo ko.

"Ahh, oo. Hehe"

"Ahm Ben, tara doon pa tayo sa kabila. Marami pa dun, bilis!" Aya niya.

"Sige, una ka na. Susunod ako." Sabi ko.

"Ha? Ah, ok." Sabi naman nya at nakangiti siyang umalis.

Ngunit wala sa kanya ang atensyon ko kundi kay kuya Jay. Parang gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang kausapin. Hindi ko lang magawa dahil parang may nakaharang sa pagitan naming dalawa. Sa akin, guilt. Sa kanya, galit.

I sigh. Hay nako. Nakaisip ako ng plano.

In five counts, tatawagin ko siya.

Kapag lumingon sya, that means, somehow -- wala na ang galit nya.

At kapag hindi sya lumingon, titigilan ko na talaga siya.

Titigil na ako.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Apat...

Lima.

"KUYA JAY!"

Malakas na tawag ko sa kanya. Hinintay kong lingunin nya ako ngunit hindi niya nagawa. Ni-hindi siya naglaan ng kahit na sentimong enerhiya upang tingnan ako. Wala.

I smiled sadly. At saka ako unti-unting tumalikod.

Ok. Ok na 'yun. Mag-aadjust ako para sa kanya. Tutal wala naman siyang interes sa akin. At bakit ko nga ba bini-big deal ang bagay na 'to? Samantalang kakalipat pa lang rin naman nila. I should take one step at a time. Hahayaan ko na lang muna sa ngayon na mas kilalanin nila ang lugar na 'to kesa sa akin.

Umalis na ako sa puwesto ko at sinundan ko na si Nico sa pinuntahan nya. At habang naglalakad ako, muli akong sumulyap sa kanya. Kay kuya Jay. One, last look.

And saw he was looking at me also.

Ok...?

---