webnovel

YOU STOLE MY HEART (Tagalog/Filipino)

Unang nakita at minahal ni Bianca si Joseph pero sa best friend niyang si Chelsea ito na-inlove. Pero naniniwala si Bianca na all is fair in love and war kaya hindi siya susuko hanggat hindi siya ang minamahal ni Joseph. Hanggang sa dumating ang isang pagka-kataon upang mapasa-kanya ang sinisinta. How far can Bianca will do in order to have the man she love? Even if it means she'll stole his heart.

jjey_el · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
26 Chs

Chapter 15

"What are you even doing in here?" 

Pabulong na sita sa akin ni Joseph nang makalayo si tita Mercedes sa amin. Nilingon nito ang Ina niya na kasalukuyang nagma-mando sa kusina para sa hapunan. Wala naman akong ginawa mag-hapon pero pakiramdam ko nahahapo ako.

"Mommy mo ang nagpa-punta sa akin dito." 

"Really? Or you just can't wait but be excited and tell her the news, and that finally, finally you are wedded to me. Ganyan ka ba talaga? Hindi mo ba mahintay na ako ang mag-sabi sa kanya? 

Tanong niya. Hindi mai-kakaila ang bahid ng sarkasmo at tuya sa paraan ng paninita o pagta-tanong niya sa akin. 

Naikuyom ko ang aking mga kamay at pinamanhid ang sarili. Ilang ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi na marahil mababago pa ang pagkaka-kilala niya sa akin. Na anuman ang sabihin ko sa kanya ay hindi niya paniniwalaan dahil naka-marka na sa isip niya ang Bianca na nakilala niya. 

"Oo Joseph, tama lahat ng sinabi mo. In fact, yung mga pagkaing iniluto kagabi para sana mapag-saluhan natin sa unang araw ng kasal-" 

Idiniin ko ang salitang kasal, tsaka ngumiti nang pagkatamis-tamis sa kanya, kahit na sa kaloob-looban ko ay naroon ang hinaing ko sa kanya. 

" Ay ibinalot ko'ng lahat para ibigay nalang sa biyanan ko kaysa naman mapanis lang diba?"

Naningkit ang mga mata niya sa akin pero hindi ako nagpa-tinag. Sa halip na manliit sa harap niya ay mas pinili kong kapalan lalo ang mukha, kaya imbis na ipakita sa kanya kung ano ang dating ng mga salitang iyon sa akin ay nilunok ko ang bikig sa lalamunan ko. Inipit ko ang buhok kong tumatabing sa aking mukha gamit ang kaliwang kamay ko at siniguro ko na makikita niya ang singsing ko doon. And just like what I've expected to see, he stared at me with disgust and those hate in his eyes are ones again visible for me. 

"I'm sorry hon, after all kasal naman talaga tayo." 

Tinalikuran ko na siya pagkatapos kong sabihin iyon. Nawala ang ngiting naka-plaster sa labi ko at napalitan ng sakit. Matatanggap din niya na ako ang asawa niya. Mamahalin niya rin ako. Sa ngayon kaunting tiis lang. Huminga ako ng malalim at nang lumuwag ng kaunti ang paninikip sa puso ko ay ibinalik ko ang mala-arnibal kong ngiti tsaka ako dumiretso sa kusina, kung nasaan si tita Mercedes. 

"Tita," 

Tawag pansin ko sa mommy ni Joseph na abala sa pag-lalagay ng dekorasyon sa plato. Nang lingunin niya ako ay umirap siya at muling itinuon ang pansin sa ginagawa. 

"Diba sabi ko sa iyo huwag mo akong matawag-tawag na tita." 

Nalungkot ako, napayuko. Galit din ba siya sa akin? Pero hindi ko naman gustong hindi sabihin ang tungkol doon. 

"Sorry po.." 

Mahina kong sabi. Mukhang nabawasan ako ng malakas na kakampi. 

"Aray.." 

Sapo ko ang tuktok nang aking ulo ng maramdaman ko ang paglapat doon ng sandok na kahoy. 

"Kailan kapa naging sensitive?" 

Tanong niya na iiling-iling. Napa-labi ko. Minsan talaga hindi ko din ma-gets ang trip niya. Parang yung anak lang niya. 

"You should have known from the very start that I'm happy for you. I actually called Florence nu'ng nasa kwarto ako and he tell me everything that I needed to know. Cheer up hija. Know that my son won't do something that he don't want to do. He's not that dumb. He married you 'coz he want to. He just needs a little push and a little realization, for him to finally wake up and see that it's you whom he love and not that scheming friend of yours. "

Litanya ni tita Mercedes na kahit papaano ay nakapag-pangiti sa akin. This time yung ngiting galing sa puso. 

" And you. "

Turo niya sa akin. 

" Why are you so slow? You didn't get me do you? "

Taas ang kilay na sabi niya. 

" Po? "

" Kasal ka na sa anak ko, so that means you are my daughter now. Daughter in law. So stop calling me tita, and learn to call me mommy. Understood ?" 

"O-opo.." 

Nauutal kong tugon sa kanya. Hindi makapaniwala. 

"Mommy." 

Napangiti na siya tsaka ako hinalikan sa pisngi. 

"Much better. I can't wait to have a quality time with my new family." 

Tahimik ang hapag-kainan at tanging ingay lamang ng kobyertos ang maririnig. Panaka-naka kong tinitingnan si Joseph sa sulok ng aking mata. Hindi na nawala-wala ang gatla sa kanyang noo at ang mariing pagkakalapat ng kanyang labi. Sa tuwing mahuhuli niya akong nakatingin sa kanya ay lalong umaasim ang timplada ng itsura niya kaya napa-pa-simangot na lang ako. Naputol lang ang katahimikan nang tumikhim si tita, este si mommy pala kaya pareho kaming napalingon sa kanya. 

"Gusto ko ng pormal na kasal hijo." 

Panimula niya. Napamulagat ako, si Joseph naman ay nabitin sa ere ang pagsubo. Ibinaba niya ang kutsara tsaka sumandal sa upuan at pinag-salikop ang mga braso sa dibdib habang tila sinu-sukat ang sinabi ng mommy niya. 

"Mom, if you want to renew your wedding vows with Dad that's perfectly fine with me. I bet he'll be happy wherever he is right now." 

He tauntingly said that makes his mommy blush like a teenager in love. 

"How I'd love to. But, as much I like the idea, I'm talking about you Joseph. You and Bianca, a wedding in church, in garden, in beach, or wherever. I just want a formal and solemn wedding for the two of you." 

"Talaga po tit-mommy?" 

Hindi ko naitago ang excitement ko. Sino ba namang babae ang hindi nangangarap na maikasal sa lalaking mahal niya sa simbahan? Masaya na ako sa katotohanan na kasal na kami ni Joseph, pero ang isipin na ikakasal ulit kami at masasaksihan iyon ng mga magulang ko,at kaibigan ay malaki ng bagay at kaligayahan para sa akin. 

"Of course hija. Gusto ko din naman lumakad sa altar with my unico hijo and meet my balae-" 

Nahinto si mommy sa pagsasalita, napalitan ang excitement niya ng pagtataka. She gave her son a pointed look. Maging ako ay na tahimik at napayuko na nalang. 

"How long will it takes for you to let her parents know that she's married to you?"

Nag-iwas ng mata si Joseph. Lalo akong nalungkot sa reaksyon niya. Lalo akong nakaramdam ng kawalan ng halaga. 

"This is what you want Mommy . I just give you and Bianca's satisfaction. Now, give me the time to adjust everything for my own sanity." 

Pareho kaming hindi naka-kibo ng padabog siyang tumayo at lumangitngit ang upuan ng i-atras niya iyon at iwanan kami sa hapag. 

" Sorry po tit-mommy.. "

Nag-aalangan pa rin ako sa pagtawag ng mommy sa kanya. Nakakaunawa namang ngumiti lang siya sa akin tsaka inginuso ang direksyong tinahak ng anak niya. 

"I guess let's give him sometime nalang muna. But that doesn't mean that the church wedding won't happened and meeting your family first as well of course. Why don't you follow him hija. Dito na kayo matulog. I'll be in my room if you both need anything." 

Tumango ako at muling nag-pasalamat sa kanya. Nang makaalis na din siya at maiwan akong mag-isa sa hapag-kainan ay nagda-dalawang isip naman ako kung susundan ko si Joseph. Mukang nasagad ko na ng tuluyan ang pasensya niya. Natatakot akong baka tuluyan na siyang namuhi sakin dahil sa pagiging selfish at self centered ko. 

Sa huli,  kahit na nangi-ngilag ako ay napag-pasyahan kong sundan si Joseph. Naabutan ko siya sa pool area. Naka-upo siya sa isang bench habang kapansin-pansin ang munting liwanag na nagmumula sa sindi ng sigarilyo. Madalim ang paligid at tanging ang malamlam na liwanag lang sa ilaw mula sa swimming pool ang nagbibigay ng liwanag. 

Hindi ko alam na nani-nigarilyo si Joseph. Ito ang unang pagka-kataon sa loob ng dalawang taon na pagka-kakilala ko sa kanya. Lakas-loob na nilapitan ko siya, at kahit na hindi siya nakatingin alam kong napansin na niya ang presensya ko. 

"Kung nandito ka para kulitin din ako, then for Pete's sake Bianca leave me for once. I've had enough today." 

Mariing sabi niya bago humitit ng malalim sa sigarilyo niya at marahas na pawalan ang usok niyon. 

"Hindi ko alam na nani-nigarilyo ka pala." 

"That just means you don't know me well enough." 

Naka-ingos na sagot niya. Siguro nga tama siya, pero kung magka-gayonman, paniguradong bilang lang ang hindi ko pa nalalaman. 

Naupo ako sa tabi niya, patalikod. Nilaro-laro ng mga daliri ko ang laylayan ng suot kong t-shirt bago kumuha ng sapat na lakas ng loob para magsalita ulit. 

" Ang totoo, masaya na ako na pinakasalan mo ako Joseph. Doon palang natupad na ang isa sa pinaka-pangarap ko. Hindi na ako hihiling pa ng sobra doon, maliban sa isang bagay." 

Ramdam ko ang bahagyang paggalaw niya. Marahil ay lumingon siya sa akin. 

Hinarap ko siya, sa magkasalungat naming katawan at sa malamlam na liwanag ay kitang-kita ko pa rin ng malinaw ang bawat detalye ng mukha niya, o baka naman dahil kahit sa pusikit na karimlam ay kayang kaya kong idetalye ang itsura niya. Lalo nga lang siyang nag-mukang suplado,gayunpaman nana-natiling gwapo. 

"Pero alam ko naman na hindi iyon ganoon kadali, at alam ko rin na hindi mo iyon basta-basta maibibigay. Kaya huwag kang mag-alala. Huwag mong intindihin ang mommy mo, kinausap ko na siya." 

Nag-iwas siya ng tingin sa akin matapos ko iyong sabihin. Humilig ako sa likod niya, I ramdam ko ang gulat at paninigas ng kalamnan niya doon. Tiningala ko ang langit na naku-kumutan ng maninipis na ulap kung kaya babahagya lamang nakasilip ang mga tala. 

Ang tahimik na gabi ay pinunit ng ingay na nag-mumula sa cellphone ni Joseph. Mabilis ang naging pagtayo niya ng tingnan niya kung sino ang caller. Pero ang kabang lumukob sa dibdib ko, kasabay ng takot ng sagutin at banggitin niya ang pangalan ng nasa kabilang linya ay parang lason na unti-unting kumakalat sa sistema ko. 

"Chelsea.." 

Pumikit ako ng mariin kasabay ng pagpitik nang puso ko sa kung paano sambitin ni Joseph ang pangalan na iyon. Sa paraang tila nabuhay siya sa pagka-kahimlay. Ang pagka-sabik sa boses niya, ang lungkot sa kanyang mga mata, subalit ang bahid ng ngiti sa labi niya ang nagbibigay ebidensiya sa kasiyahang hindi maitago doon.

Sa mga oras na iyon, para akong nawala sa paligid.