webnovel

Witch Fate (Tagalog)

Ang hinirang na mangkukulam ay may misyong patayin ang hari ng mga demonyo na tinatawag na "jakan" para maibalik ang kapayapaan sa mundo. Ngunit para makamit ang pinaka malakas na kapangyarihan ay kaylangan mahanap ng mangkukulam ang tatlong mga babaylan na siyang may hawak sa tatlong mga sinumpang kagamitan na tinawag na "takda". Ngunit sakabilang banda ay may mga dagdag na kalaban sa paglalakbay ng mangkukulam. Ang mga sagabal na ito ay ang pitong prinsipe ng impyerno at mas kilala bilang mga Cardinal sin Sila ang maituturing na naghahari sa impyerno bago mabihag ng jakan. Misyon nang hinirang na mangkukulam na patayin ang jakan at ibalik ang kaayusan sa mundo at mapanatili ang kapayapaan nito.

namme · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
11 Chs

DOKTOR O BABAYLAN

Dahan dahan minulat ni Jess Ang kanyang mga mata. Agad ba kinausap ni Koro si Jess, halos tatlong araw nang walang Malay Ang binata at kasalukuyan silang nasa bayan na ng Tyche.

"Anong nangyari pag katapos ko mawalan ng Malay? At Paano Tayo napadpad dito sa bayan" tanong ni Jess Kay Koro.

"Mula ng Makita ko si Machocias sa himapapawid ay gumamit ako ng my kakaunting lakas upang makausap ka gamit Ang aking isipan Jess. Nang masabi ko sayo Ang dapat sabihin ay pinagpatuloy ko Ang pag gamit ng kapangyarihan, upang pakiramdaman Ang mga demonyo. Naramdaman ko na dalawa na lamang ang demonyo na aking nararamdaman. Ngunit wala akong ideya kung sino Ang dalawang natitirang buhay. Nakaramdam ako ng isang pamilyar na ora at nakita ko Ang isang napakalaking taboo Mula sa ere. Hindi ko Alam kung paano at kung sino ang tumulong sayo Jess. Ang tangin alam ko lamang ay napakalakas ng Ora mo noon Jess." Nakatitig si Koro habang kinukwento ang mga pangyayari Kay Jess. Kahit na si Koro ay talagang Hindi makapaniwala sa lakas ng ora na naramdaman nya ng mga Oras na iyon.

"Kasunod noon ay sunod sunod na naglaho ang Ora my mga demonyo, nawalan ka ng Malay at nangamba ako kaya Naman pinilit kong gumulong upang makarating sa kinaroroonan mo ngunit bigo ako gumulong ay akita ko si Sese na pilit na gumagapang papalapit sa kinaroroonan ko, matapos noon ay hinila nya ako pabalik sa kinaroroonan mo. Hindi ko maipaliwanag ang pinsalang natamo ni Sese. Lasog lasog Ang katawan nito. Nang malapit na kami sa kinaroroonan mo ay naabutan na kami ng mga taga ibang bayan. Agad silang tumulong, binuhat nila si Sese Kasama ako, sinabi Kong Kasama ka namin at huwag Tayong paghihiwalayin kahit Anong Mang yari." Huminto si Koro upang tignan muli si Jess. Nakatulala lamang si Jess at tila malalim Ang iniisip sa mga kwento ni Koro.

"Sa isang karwahe nakita ko ang napaka raming bilang ng namatay at mga parte ng katawan na nag kalat at ipinag sama sama isang kariton. Sakay nang karwahe ay dinala tayo mismo sa bayang ito sa tyche. Tinawagan naman ng bayan ang isang napaka galing na doktor na manggagaling pa mismo sa ibang konyente.

Nang gabing iyon ay may nagtanong na taga opisyal kong sino ang makakapag kwento o may nalalaman sa nangyare at kong sino ang nakatalo sa mga halimaw o demonyo.

Agad akong nag representa at ikinwento ko ang lahat ng nalalaman ko ipinakilala ko rin na ikaw jess ang tumalo sa mga halimaw pero sa totoo lang ay laman ng isipan kong sino ba ang malakas na nilalang na naramdaman ko noon." Patuloy ni Koro.

"Pero dahil wala ito sa bayan ay pinili ko na lang na Ikaw mismo Ang nakatalo sa lahat. Ikinatataka ko Rin kung bakit wala Ang mga bakas ng katawan ni Malphas. Tanging ang dalawang bangkay lamang ng demonyo. Inakala pa ng lahat ay nagsisinungaling ako pero pinatunayan ng Isang lalaking saksi Ang lahat ng aking sinabi. Naniwala ang mga opisyal, at dahil doon ay bibigyan Tayo ng napakalaking pabuya ng opisyal at hiniling ko Rin na ayusin nila si Sese at ibawas na lamang ito sa pabuyang kanilang ibibigay. Wala Naman naging problema roon at nasa magaling na paayusan ng manika na si Sese.

Kinabukasan Naman ay dumating Ang isang kilalang doktor. Sa tingin ko ay may hiwagang taglay ito dahil mas nauna pa itong dumating kesa sa sundo nya. Ilang araw pa Bago makarating Ang sundo ng doktor, pero ang doktor ay nandun na sa loob lamang ng isàng araw. Laking pasasalamat na lamang ng lahat dahil maaga itong dumating."

"Ngunit Jess, kailangan mo itong malaman. Mula ng makapasok Tayo sa bayang ito ay damang dama ko Ang kakaibang kapangyarihan ng Isang takda. Nasa paligid lang ito at sa loob ng tatlong araw na pananatili natin dito ay Hindi umaalis o lumalayo Ang ora Ng takda na aking nararamdaman. Sigurado akong takda iyong nararamdaman ko dahil ito mismo Ang aking kapangyarihan. Ngunit kahit na nararamdam ko ito ay Hindi ko magawang hanapin ito." Agad na pinilit ni Koro si Jess na mag kwento tungkol sa nanyari noong Oras na mag kahiwalay sila ni Jess. Talagang nais malaman ni Koro kung kanino ba nang galing any malakas na kapangyarihang kanyang naramdaman ng mga Oras na iyon.

Alam ni Koro na Hindi pa nabubuksan at nagagamit ni Jess Ang Pusora chakra nito. Kaya Naman Hindi talaga sumagi sa isipan ni Koro na Kay Jess nanggaling Ang malakas na Ora nung mga Oras na iyon.

"Dumating si Sese na may malalang pinsala sa katawan, nauna nyang nakaharap si Machocias noong tumakbo ako papunta sa bayan. Nang dumating si Sese ay kasunod lamang nito si Machocias, nawalan ako ng Malay matapos Kong Makita Ang pagkawasak ng dibdib ni Sese dahil sa pag atake ni Malphas." Paliwanag ni Jess Kay Koro.

Sinabi ni Jess Kay Koro na wala sa katinuang Ang katawan nya ng mga Oras na iyon ngunit Ang isipan nito ay gising.

"Nakaramdam Rin ako ng nag uumapaw na mana ngunit Di ko alam Ang dahilan" Patuloy ni Jess. Naisip ni Koro na malabong astral mode Ang naranasan ni Jess.

Sa kwento pa ni jess sa muling pag atake ni Machocias ay sinalag muli ito ni sese dito nakaramdam si jess na hindi maipaliwanag na pakiramdam.

Tila ba hindi nya namalayang nagamit na pala nya ang chakra ng Utakora. Nakalutang sya sa Hindi malamang dahilan. Unti unti naging malinaw sa isip ni Jess Ang mga taboo na nakita nya sa kwarto ni Ah maay noong sya ay nasa Bahay nila Pinyin. Gamit Ang mga Hindi Makitang sinulid ng Oramata ay ipinorma ni Jess ang sinulid na ito upang maiguhit ang taboo na kanyang naalala.

Marahil ay dahil sa nag uumapaw na mana Kaya madaling nabuksan ni Jess Ang kanyang Pusora chakra. Matapos noon ay dito na nga nagamit ni Jess Ang Pusora. Ang taboo kung saan tinamaan ng tila mala kidlat na liwanag si Machocias ay base lamang sa mga Nakita at naaalala ni Jess ng minsan itong matulog sa kwarto ni Ah maay, kung saan may mga nakaguhit na taboo sa pader at naiwang mga libro.

Ikinuwento Rin ni Jess Ang mismong pagkawala ni Malphas ay dahil sa naging abo ito noong naging aktibo Ang malaking taboo. Iniisip pa Naman ni Koro na baka talagang nakatakas si Malphas, magiging isang malaking problema ang bagay na ito kung sakaling nakatakas nga si Malphas.

Sa gitna ng pag kekwentuhan ni Jess at Koro ay biglang sumingit sa kanilang usapan Ang nag iisa at magaling na doktor na si "Ra ela" Sterlia Bautista"

Binati ni Ra ela si Jess sa muling pag kagising nito. Kasabay Ang pagpapakilala nito sa Lugar kung saan sya nag Mula. "Mabuti at nagising kana binata, ikaw na lamang ang tanging nahihimbing sa lahat ng aking ginamot. Ako si Sterlia ngunit Ra ela na lamang ang itawag mo sa akin, nag Mula ako sa kontinente ng Halo, Ang katabing kontinente ng Ophir" pakilala nito.

Nagmula pala ito sa kontinenteng malapit Kila Jess. Mula sa kontinenteng Ophir si Jess. ..

Pinaliwanag ni Ra ela na Hindi talaga sya isang doktor, tanging may alam lamang syang kapangyarihan sa pang gagagamot. Matapos masabi Ang mga dapat sabihin Kay Jess, ay mataray na itong tumalikod at naglakad paalis upang asikasuhin naman Ang ibang mga pasyente.

Nakahalata si Jess na para bang ayaw nito sa kanya at dagdag pa ni Koro na kahit pa noong walang Malay si Jess ay parang labag sa loob nitong pagalingin sya. Noong una pa nga ay nag dalawang isip ito kung pagagagalingin ba nya si Jess.

Dahil sa sinabing ito ni Koro ay nakaramdam si Jess na Hindi sya komportable Kay Ra ela at sa ugaling ipinapakita nito.

Nang mga sumunod na araw ay tila naging mas Malala pa Ang pakikitungo ni Ra ela Kay Jess. Kita Kay Ra ela na tila iniiwasan nito si Jess at halatang kakaiba Ang mga ikinikilos nito pagdating Kay Jess. Sa ibang pasyente ay maayos Naman Ang pakikitungo ni Ra ela, halata Rin na Hindi nito ginamot ng maayos si Jess.

Base sa pagkakabasa ni Koro sa ipinamamalas na ugali ni Ra ela ay para bang May tinatago ito kay jess kaya ganoon nalang ito kong makaiwas. Hindi na lamang ito intindi ni Jess at sa mga sumunod pang araw ay pinag Patuloy lamang ni Jess Ang pag papagaling.

Hindi mapakali si Koro sa ikinikilos ni Ra ela. Inaya pa nito si Jess matyagan si Ra ela. Sa pag lipas ng araw ay naalala ni Jess si Sese at gusto na muli nitong Makita ni Jess. Hanggang ngayon ay Hindi pa Rin makapaniwala si Jess sa mga sakripisyong ginawa nito sa pakikipaglaban. Walang takot na kinaharap ni Sese Ang mga kalaban para sa kapakanan ni Jess.

Lubos na ipinagmamalaki ni Jess si Sese. Kahit pa na nanghihina ay ipinilit ni Jess na makalabas sa simbahan kung saan sila nag papagaling. Hinanap nila Jess sa bayan kung saan ginagawa si Sese, nang mahanap nila ito ay agad nila itong pinasok. Bumungad sa kanila Ang mas maayos na itsura ni Sese, Hindi katulad noong huli nila itong Makita na halos lasog lasog Ang katawan nito.

Panandaliang huminto Ang mga trabahador sa pag aayos Kay Sese at iniwan sila Jess upang makapag usap ito. Papalapit pa lamang si Jess ay Di na napigilan ni Sese na yakapin si Jess. Tila ba mag nobyo at nobya kung titignan Ang dalawa.

Nagkamustahan Ang dalawa, may sinabi si Sese na talagang ikinagulat ni Koro at Jess. "Sa mga panahong inaaayos ako ay wala akong magawa Kaya Naman gamit Ang isipan ay sinusubukang kong pag aralan Ang aking kakayahan, bigla Kong nadiskobre Ang bagong kapangyarihan. Marahil ay dahil ito sa mga bagong espirito ng demonyo na nasa loob ng aking katawan.

Tuwing Gabi sa Oras na wala na Ang mga nag aayos sa akin ay sinasanay ko itong mag Isa. Kaya Minsan ay natatagalan Ang pag aayos sa akin dahil may panibago akong sira pag dating ng kinaumagahan." Lingid sa kaalaman ni Jess ay Hindi mapigilan ni Sese na pag aralan at mag ensayo gamit Ang bagong kakayahan. Nais kasi nitong sorpresahin si Jess sa Bago nyang kapangyarihan.

Lubos na ikinatuwa ni Jess Ang kanyang mga nalaman. Agad na ipinangako ni Sese Kay Jess na sa Oras na tapos na syang ayusin ay agad nyang ipapakita Kay Jess Ang kanyang mga bagong kakayahan.

Ngumiti si Jess Kay Sese at nagpaalam na muli. Kailangan na rin maayos si Sese dahil masyado na Rin Ang maraming Oras na itinatagal nila dito sa bayan.

Bumalik si Koro at Jess sa simbahan, magtatanghalian na Rin ng mga Oras na iyon.

Makalipas Ang ilang araw, ay Di pa Rin tuluyan na magaling si Jess. Isang kaguluhan na Naman ang nangyayari sa bayan.

Alerto sila Jess sa kaguluhan ngunit tila nakaramdam ng kilabot si Koro at Jess ng parehong maramdamn Ang ora Ng mga demonyong nakalaban nila sa bayan ng Hera.

Hindi pa tuluyang magaling si Jess at Hindi pa nito kayang gamitin Ang kanyang kanang braso. Si Sese ay nasa kalagitnaan pa lamang ng pag aayos sa kanya. "hindi maganda kung lalaban ka sa kondisyon mong iyan Jess. Maaaring sa pag kakataong ito ay tuluyan ka ng mamatay" sambit ni Koro Kay Jess.

"kung Hindi ako lalaban, ay siguradong marami na namang tao Ang mamamatay" mabilis na depensa ni Jess. Kitang kita sa mata ni Jess na pursigido syang lumaban sa kabila ng kanyang kundisyon.

"saan mo ba nakuha ang ganyang pag uugali, lintik" asar na sagot ni koro.

Kahit Anong sabihin ni Koro para pigilan si Jess ay wala itong nagawa. Mabilis na lumabas si Jess at handa ng lumaban kahit pa mamatay ito sa pagkakataong ito. Naalala Naman ni Koro si Michael, Nakita nya na talagang taglay ni Jess Ang kaluluwa ng anghel na si Michael.

Natunghayan Rin ni Ra ela Ang pag uusap ni Koro at Jess, kitang kita nito kung paano pigilan ni Koro si Jess na muling lumaban. Ngunit Hindi nagpatinag si Jess at handang ibuwis muli ang kanyang buhay para sa kaligtasan ng buong bayan.

Muling Nakita ni Jess Ang mga taong nakaligtas Mula sa bayan ng Hebe. Tila ba nabuhayan Ang mga ito at kitang kita kung paano pinapalakas ng mga ito Ang loob ni Jess.

Lumabas Rin si Ra ela upang tignan Ang kaganapan. Nakita nila Jess Ang mga demonyo na normal na Naglalakad sa bayan, Hindi katulad ng mga demonyo sa bayan ng Hebe na talagang walang awang pinatay at sinira Ang bayan ng Hebe. Usap usapan sa paligid na sinira lamang ng mga demonyo Ang bukana at trangkahan ng bayan upang makapasok, ngunit Hindi ito nang gulo sa loob ng bayan.

Kitang kita sa tatlong demonyo na may dahilan ang pagpunta nila dito sa bayan. Ngunit Hindi ito para Kumain at magpalakas. Mula sa uluhan ni Jess ay natanaw ni Koro Ang tatlong demonyo "Sila Lamia, Lechies at Leonard ang mga demonyong iyan" bulong ni Koro Kay Jess. Ang tatlong demonyo na ito ay mas malakas lamang ng kakaonti Kay Machocias, Malphas at Ipos. Sa mga Oras na ito ay laman ng isip ni Koro kung bakit Mula sa bayan ng Apollo Hanggang sa bayan ng Tyche ay nagpapakita Ang mga demonyo. Bakit tila nag kalat Ang mga may ranggong demonyo sa magkakalapit na bayan na ito.

"Inutusan kaming pumunta sa Lugar na ito upang sunduin Ang mga walang kwentanh demonyo na Hindi magawang sumunod sa ipinag uutos sa kanila." Malakas na Sabi ni Leonard.

"Pero mukhang wala na kaming susunduin, dahil tuluyan ng naglaho Ang mahihinang ora Ng mga ito. Ngunit Hindi Naman Sayang Ang pag punta Naman sa Lugar na ito, dahil natagpuan namin Ang isang matalik na kaibigan." Sagot ni Lamia.

"Kung ganoon ay totoo nga Ang Balita na tinulungan mo Ang isang angel Koro. Anong klaseng kasabikan iyan, tignan mo Ang itsura mo ngayon! Isa kana lamang piraso ng tela sa uluhan ng batang iyan. Hindi na talaga Ikaw Ang maituturing na Isa sa mga pinaka makapangyarihan sa daigdig" nakangising Sabi ni Lechies.

Kung ganoon ay pumunta Ang tatlong demonyo na ito upang sunduin sila Maphas, Ipos at Machocias. .

"Huwag kayong mag alala, kahit ganito Ang aking pisikal na itsura at Hindi ko na taglay Ang malalakas Kong kapangyarihan ay ako pa Rin Ang magiging dahilan ng pag durusa nyo sa impyerno" sagot ni Koro.

"Kung ganoon ay bigyan mo ng dahilan Ang gagawin Kong ito" pabirong sagot ni Lechies. Matapos bigkasin Ang mga katagang iyon ay agad na gumamit si Lechies ng kapangyarihan. Ang buong bayan ng Tyche ay ginawa nitong isang masukal na gubat. Naglabasan Ang mga malalaking Puno na syang sumira sa mga kabahayan at gusali sa bayan. Lumabas Ang makapal na hamog katulad ng sa gubat, tila ba nag mistulang napadpad at naligaw Ang mga tao sa masukal na gubat.

Matapos nito ay nawala sa paningin nila Jess at Koro Ang tatlong demonyo. Sinubukan hanapin ni Jess ito sa paligid ngunit masyadong masukal at mahamog Ang buong bayan. Kahit pa na kabisado Ng Isang tao Ang buong bayan ay mabibigo ito dahil napakalaki ng pinagbago ng buong bayan.

Sa paghahanap ni Jess sa mga tao at labasan ng gubat na ito ay napadpad si Jess sa isang parte ng gubat kung saan Nakita nila ang mga Patay at kinain na tao. Nanlaki Ang mga mata ni Jess sa Nakita, Hindi na Rin napigilan ni Jess na tuluyan ng masuka dahil sa malansang amoy ng mga nagkalat na lamang loob ng tao.

"magpakatatag ka Jess" Sabi ni Koro Kay Jess ngunit Hindi talaga masikmura ni Jess Ang mga bumungad sa kanila. Nalaman nila Jess na sa mga Oras na iyon ay pumapatay at kumakain Ang tatlong demonyo.

Sa kabilang Banda, ay Kasama ni Ra ela Ang nga pasyente na nasa loob ng simbahan. Naprotektahan ni Ra ela Ang mga ito sa pag guhong nahanap. Sa mga Oras na ito, ay dito nailabas ni Ra ela Ang isang bagay na pinaka tinatago tago nya. Gamit Ang isang taboo ay inabas ni Ra ela Ang isang nagsasalitang libro na itinago nya sa isang parte ng bayan.

Sa paglabas ng libro na ito ay bigla itong nag dada at nagreklamo Kay Ra ela. Ngunit imbes na Ra ela ay tinatawag sya nitong Sarah. Ang libro na ito ay nag nangangalang Netro. "huwag kana maglihim sa binatang iyon!" sigaw ni Netro Kay Ra Ela.

Kapag ipinag patuloy ni Ra ela Ang pagsisinungaling Kay Jess ay darami lang Ang mga mamamatay sa Oras na iyon, Kaya pakiusap nito na wag na mag dalawang Isip na gumamit ng kapangyarihan Mula Kay Netro upang Hindi na lumala Ang pagdurursang nangyayari sa bayan.

Nais ni Netro na protektahan ni Ra ela Ang bayan at tulungan si Jess na lumaban. Alam ni Netro kung Anong ugali meron Ang isang hinirang Kaya Naman alam nito kung ano Ang gagawin ni Jess. Napagtanto ni Netro na bilang isang hinirang ay ibubuwis ni Jess Ang buhay nya upang makapag ligtas ng Ibang tao.

Kapag Hindi tinulungan ni Ra ela si Jess, ay maaaring maagang mamatay Ang hinirang at maulit na Naman Ang sirkulasyon ng mangkukulam. Sa Oras Na mamatay Ang hinirang ay muling malilipat si Netro sa ibang babaylan.

Sa sinabing iyon ni Netro ay wala nang nagawa si Ra ela, Kaya gamit nag kapangyarihan ni Netro ay binuksan ni Ra ela ang librong si Netro. Inilabas ni Ra ela Ang aabot sa isang daang taboo na nagkalat sa lupa at sa ere na syang bumalot sa buong bayan ng Tyche na nilamon ng gubat.

Naramdaman ni Koro Ang kapangyarihan na ito. Pag bukas pa lamang ni Ra ela ng libro na si Netro ay damang dama na ni Koro Ang napakalas na kapangyarihang bumabalot dito. Agad na sinabi ni Koro Kay Jess ito at sundan Ang pinagmumulan ng napakalas na kapangyarihan.

Ngunit Bago pa man magtungo sa kinaroroonan ng kapangyarihan ay mapahinto na si Jess dahil sa nagkalat na taboo.

Habang nakahinto ay lubos Naman Ang nararamdamang kasiyahan ni Koro. Base sa kapangyarihang kanyang nadarama ay nakasisiguro ngayon si Koro na Ang takdang malapit sa kanila ay si Netro, Ang pinaka malakas sa tatlong anak ni Koro.

Check out the upcoming updates of witch fate on my Facebook account : Em Ramos

Follow me to see the official witch fate art & design.

IG :@nammemmy | FB :Em Ramos

nammecreators' thoughts