SATURDAY
JOAQUINNE'S POV
" I wish you will be mine someday~"
Buzz! Buzz!
Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng vibration sa cellphone ko, tamad kong kinuha para tignan ang phone ko.
4:00 am~
"ugh! Aga pa!" reklamo ko pero tumayo na din ako sa bed at nag unat-unat ng katawan.
Nakita ko kaagad ang missed calls nila Viblee.
'Ano problema ng mga to? Ang aga ahh'
Ringtone!
~viblee raulo~
"Oh? Problema?" bungad ko sa kaniya
" ang aga aga, sungit ahh" narinig ko ang mahina niyang boses na halata namang bulong at ayaw iparinig sakin.
'Tss! Narinig ko pa rin naman'
" sige! Kung wala ka ng sasabihin, papatayin ko na--" naputol ang pagsasalita ko
" wait~ wait! Okay eto na. Si Mich makakausap ko ngayon" sabi niya, nanlaki ang mata ko, halos magising ang buong kaluluwa ko at nawala ang antok ko.
Nag clear throat muna ako bago magsalita, medyo bumara sa lalamunan ko ang mga laway at kailangan kalmado lang ako, di ako pwede magpahalatang excited ako
" oh! Ano naman gagawin ko?"
" tss! Kunwari ka pa! Sama ka sakin mamaya?" tanong niya sakin.
Napa-nod agad ako pero di ako sumagot. Nakakainis! May ginawa pa nga siya sakin pamamahiya tapos ganun ganun na lang yun.
'Tss!'
" parang ayaw mo naman yata, wag na nga lang--" viblee
" hindi~ hindi! Ano gusto ko" napasabi na lang ako.
Gulp~
'Bullsh*t did i just say i like it too?'
"Oh sige bye!" pamamaalam ni viblee
Oh shoot! Still like an idiot. Napaface palm na lang ako saka ko pinatay ang tawag.
Medyo gabi pa rin at may konti ng liwanag naalala ko yung wish ko nang mapatingin ako sa veranda..
Flashback
Nakita ko na ang pagbagsak ng mga bituin galing sa langit na animo'y ulan. May naalala ako dati na may nagsabi sakin mag wish ka daw kapag may bituin kang nakita.
'Wala naman sigurong mawawala kung gagawin ko.'
In my 17 years of existence, there something in me that urging me to wish. Nagkibit balikat ako habang nakatingin sa mga stars. Pumikit ako at humiling ng magkasanggang dikit ang aking palad…
" I wish you will be mine someday~" ngumiti ako. Kahit dito sa mga di kapani paniwalang sabi-sabi ay umaasa akong maging akin ka.
Pag tapos kong hilingin yun ay iminulat ko na ang mga mata ko at tumingin muli sa mga bituin na hindi pa rin nauubos.
" i will never lose hope to be with you!" buong emosyon ko iyon inilabas sa bibig ko at sa kaibuturan ng puso ko.
" us together" masaya kong pinanood ang dalawang bituin na sabay ding umalpas sa langit.
" looking forward that i am the one for you" at may nakita din akong isang bituin na mabilis lang din na lumagpas sa bahay.
" my lovely star" at sakahuli-hulihang salita ko din natapos ang meteor shower at napangiti ako. Ngiting hindi umaasa pero tama lang.
End of flashback
Saturday ngayon at walang pasok sa school. Pero may gala daw na mangyayari mamaya, sa totoo lang nakakatamad gumalaw galaw lalo na kapag walang pasok gusto mo lang magmukmok sa bahay at mag sarili.
Tss! Hindi mag sarili na kung ano man yang kabastusan kung hindi manahimik muna sa isang tabi at gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa'yo. Ay! Ewan basta hindi yan kababuyan.
Bakit nga pala niya maka-kausap si Mich, tsh! Feeling ko tuloy tinatraydor ako ng mga to patalikod.
'Bahala na!'
Bzzt! Bzzt!
Nag vibrate yung cellphone ko kaya napabalik ako sa kama at kinuha yun.
May message si viblee. Pinindot ko yun.
~viblee raulo~
School ka dumiretso pre!
Pagtapos kong mabasa yun may nagpop uli na message.
~viblee raulo~
Science club
Binalik ko na uli yung cellphone ko sa kama na patapon, wala naman kasing kwenta message nun.
Maghahanda na ako ng damit ng may narinig akong katok sa pinto, napatingin lang ako dun.
"Nak! May bisita ka, labas ka muna dyan at puntahan mo sila sa baba." Sabi ni mom.
Halos magusot na parang papel yung noo sa sobrang kunot nito. Hindi pa ako nakakababa pero ramdam ko na kung sino yung nasa baba.
"Bwisit talaga!" Mahina kong tugon, yung hindi maririnig ni mom.
"Nak! Gising ka muna dyan, wake up na quinquin." Sabi ulit ni mom, tss! that quinquin di na nawala yang nickname na yan, bata pa ko nickname ko na yan. Kaya halos mawalan na ng hininga sila stud kakatawa, sobra daw akong binababy ni Mommy kaya yung mga kupal hagalpakan sa tawa.
"Okay Mom!" Pigil inis na tugon ko kay Mommy.
"Ah sige baba ka na, mag breakfast ka na okay?" Tanong uli ni Mom. Napahinga na lang ako ng malalim para kumalma.
"Hmm! Kay po!"sigaw ko pabalik. Narinig ko naman na umalis na si mom dahil sa ingay ng tsinelas.
"Ang aga aga nambubuwisit ang mga bubwit!" Halos wala ako sa sarili sa pagpili ng damit hanggang sa mapako yung tingin ko sa isang pumpon ng feeds at spray na pampatay ng mga insekto at daga in short lason.
'Ipakain ko kaya tong mga to sa bwisita ko?' Isip isip ko habang binabaktas yung lagayan ng feeds sa kwarto ko, meron kami neto para sa farm namin, nilagay sa kwarto ko para hindi daw lapitan ng insekto yung kwarto ko, pero tingin ko nagdadahilan lang si dad, punong puno kasi ang kwarto ko ng collection ng anime at marvel superheroes. Hindi na tuloy nadagdagan pa.
Tss! Kung alam ko lang na magtatagal to sa kwarto ko hindi na ko pumayag una pa lang.
Napailing ako ng wala sa oras pero napatingin ako sa feeds na kulay blue ang itsura.
"Sabihin ko 'candy' galing sa laguna" napangiti ako ng nakakatakot habang titig na titig sa feeds
Wala rin naman pakikinabangan try ko kaya sa tropa ko
Pakuha na ko sa lalagayan ng bumukas ang pinto.
"Pre! ang ta- p*cha ka pre, nu gagawin mo dyan?" Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses na yun.
" S-stud, a-ano k-kasi" utal utal kong salita. Si stud nakatingin sakin habang hawak niya yung susi, pinabukas na ni mommy yung kwarto ko.
" may papatayin ka ba ngayon?" Mas lalo akong nagulat, lagot alam nila.
Halos sunud sunod ang pag lunok ng laway ko at di mapakali ang mga mata dahil hindi ako makahanap ng sagot.
"Hanu na?" Untad ni stud sakin, potek! Ano nga ba pinag iisip ko?
" anong nangyayari dito?" Biglang sumingit si mom at sumunod si stefyen, nasa likuran siya ni mom at nakikiusyuso.
"Tita kasi parang may gusto siyang patayin ngayon" sagot ni stud
" luh! Wala ahh! " sabat ko agad
"Anong wala pre, eh ano yung pagdukot mo sa feeds kanina." Stud
Tae, pag nalaman nila na ginugood time ko sila sa hindi magandang biro, humanda na talaga ako kay stud at lalong lalo na kay mommy.
Magtatagal pa naman ng isang linggo pinaka worst 2 linggo nilang uulitin iyon at pagagalitan ako. Bwisit!
" tutulungan ka namin sa pagpatay may daga ba dito tutulong kami sa paglagay, saan ba?" Tanong ni stefyen na lumapit na sakin at animo'y naghahanap ng daga.
The heck talaga!
"Ano sa likod ng bahay sana, kaso nandyan na kayo kaya itatapon ko na nga lang sana sa bintana" untad ko, shet! Sana lumusot. Yung bintana ko kasi ay likod na ng bahay.
"Oh sige, okay lang pre, hindi naman nagmamadali yung gala maaga pa naman" sabi ni stud na nakatingin pa sa orasan niya.
"Haha! Sige tara, m-mag gloves muna kayo" sabay bigay ko ng gloves sa kanilang dalawa.
~~~~
Pasakay na kami ng kotse ni stud. Tahimik silang dalawa na sumakay ganun din ako. Habang nasa daan dahil sa katahimikan naming tatlo, ako na bumasag ng katahimikan.
"Pre! San nga pala tayo?" Tanong ko. Biglang natawa si stefyen, tawang sarkastiko
"Gag* walang pre! Good time ang p*ta* biglang salita niya habang si stud tahimik lang na nag dadrive.
"Edi bababa na ko ngayon pa lang, kung ganyan kayo!" Pikon kong sagot kay stefyen, nangunot noo ko dahil dun.
"Yan, dyan ka magaling yung pang-gugood time mo kanina, kakaiba. Gag* ka pre balak mo pa kami patayin, gusto mo bang magalit sa'yo pamilya namin." Ayan nagseryoso na si stud, takteng yan di ako makabira ngayon kasi kasalanan ko naman talaga.
"Balak lang naman, kapag isusubo niyo na tsaka ko aalisin ganun." Totoong sagot ko, yun naman talaga dapat.
"Pabanat nga ng isa ng malaman mo yung mali, siraulo ka! Ano ka bipolar. Sa totoo lang nabigla ako sa'yo." Seryosong tinig ni stefyen, kinilabutan ako dun dahil minsan lang siyang magseryoso.
Paano ba naman kasi hindi na magagalit tong mga to, sinabi ko yung totoo.
Pagbaba namin sa hagdanan papalabas na kami, excited sila sa pupuntahan namin ngayon habang ako kinakabahan sa ginawa ko.
Nandito na kami sa likod ng bahay at kanya kanya ng pwesto para mag tapon ng feeds.
"Pre di ko alam na dinadaga din bahay niyo para kasing sobrang linis ng bahay niyo at hindi na ito dinadapuan ng kung ano mang bubwit" sabi ni stud, tsk! kayo lang yung bubwit eh.
" oo nga pre saka sipag mo ahh! Ngayong umaga talaga?!" Si stefyen. Shet! Eto na.
Nilingon ko sila at sunud sunod ang paglunok ng laway ko.
" mga pre, w-wala talagang daga dito." Lunok ko ulit habang kabado akong nakatingin sa kanila habang sila ay nakakunot na ang noo at natigil sa pag tapon ng feeds.
" huh?!" Natatanging sabi na lang ni stud.
" goodtime" sabi ko
"Anong goodtime pre?"
"Ginu-good time ko lang kayo dapat ipapakain ko sa inyo yan, tapos joke time. He he!"tumawa ako ng pilit
Napababa yung kamay ni stud na may hawak na feeds habang si stefyen di na nakapagsalita at binato bigla yung feeds.
~~~~
"Nakakatuwa pala sa'yo yun, sarap mong upakan, ano ba yang pinag iisip mo?" Halatang hindi sila natutuwa sa ginawa ko kanina.
Pero buti na lang kahit sinabi ko yung totoo, di nila ako sinumbong kay Mommy, kung hindi lagot na ko talaga.
Simula kaninang pagsabi ko ng totoo, hindi nila ako kinakausap kaya eto na galit na sila sakin.
"Sa susunod wag mo ng gagawin yun" may awtoridad na sabi ni stud.
---
Nakarating kami ng school na tahimik lang, tsk! Nag sorry naman ako eh.
Pagkababa na pagkababa namin biglang may tumapik sakin sa may likod pag lingon ko nandito na si Viblee.
'Oh! Asan si mich?'
Napatingin pa ko sa likod pero walang Iyyah Mich Sargento akong nakita.
"A-asan na?" Tanong ko kay Viblee.
"Anong asan na?" Balik tanong naman niya.
" siya," matipid kong sagot
"Ahh! umalis inaantay ko na lang kayo, tagal niyo eh"
Di ko alam pero parang nawalan ako ng gana, gusto ko na lang umuwi.
"Ba't nga pala ang tahimik niyo?" Tanong niya uli.....
Kanila stud.
" aba! Tanungin mo yang magaling mong kaibigan" sagot ni stud na halatang inis pa din at unti-unti naman siyang napatingin sakin na nakakunot ang noo.
"Hehe!"