webnovel

Chapter 1

"Pre!" siko ni Stefyen sakin. Tumingin lang ako sa kanya, nakatitig lang siya sa ibang direksyon at hindi ako tinitignan.

Napatingin naman ako sa tinitigan niya.

Gulp!~

Halos matupi ko ang uniform ko sa pagkahawak sa coat, nagkunwari kasi akong inaayos ang uniform at dumaan siya

" Pre! hinga na, wala na oh~" sabi niya sabay palo niya ng mahina sa tiyan ko habang nakatingin rin siya dun sa dumaan samin na umalis na

Hooo! Halos di ako huminga nung dumaan siya.

"buo na araw niyan, nakita na eh" sabi ng nakangiting Stefyen sa harap ko

Haayyss! Kailan mo ba ko mapapansin?

~~~

" oh my gosh! Ang bango bango niya!"

" oo nga bes, amoy ano ba yun, yung pabango sa mall na yun, nakalimutan ko..."

" basta wala na kong pakealam para sakin mabango siya.."

Halos marindi na ko sa mga pinagsasabi nila, gusto ko na bumalik sa tambayan para matahimik ako

" ahh! Siya nga pala class, i have my tutor from other class kasi pinapatawag ako ng principal so siya muna magtuturo, wag kayong mag-alala magaling siya at matututo kayo.." ngiti ni Ma'am Apol samin, short for Apolonio..

" hintayin niyo siya class, wag maingay may pinapalista akong nag noisy sa inyo.." hirit pa ni Ma'am.

Mabingi bingi ako sa ingay at iisa lang naman ang kanilang hinaing

Sino kaya yung pinapalista ni Ma'am?

Halos magpoker face ako sa mga kaklase ko dito.

" Oopps! Kakasabi ko lang di ba? O siya! Alis muna ko" sabi ni Ma'am apol at lumayas na

Yumuko na lang ako, dahil nagsimula na ang ingay sa klase namin since wala si Ma'am

" oy! Kung sino yung nag lilista, wag mo na kami ilista okay?"

At nag ingay na uli

Haaaayy! Ingay talaga!!

" ahh! Joaquinne! Pwede ka ba namin makausap?"

Ayan! Ayan na naman sila

"pretty please!"

Bagot akong nilingon sila..

Kitang kita ko kaagad yung panglalaki ng mata at ngiti nila sakin.

" aahhmm! An~~" sabi ni Yssa, classmate ko pero nahinto siya sa narinig namin

" please stop talking! " malakas at mababa ang tono ng boses sinabay pa niya ang pagbagsak ng Bamboo stick sa mesa at halos lahat ay tumahimik.

Napalingon ako doon, napapikit ako ng dalwang beses

Gulp~

Shit!

Halos manginig nginig ako, ba't di ako nag ayos.

Damn it! Bakit?

Dahil nakalimutan ko yung salamin kinuha ko yung cellphone at dun nanalamin saka inayos yung buhok ko

Nakakaasar!!

Nagparticipate ako sa science kahit hindi ko hilig ang subject na yun para mapansin niya ako, kaso ang nakakainis yung mga kupal kong kaklase na magaling sa science

Halos ma drain utak ko makagawa lang ng question, natataranta ako mag-isip pero sa buong klase naming yun..

" O.M.G ang competetive niya.."

"kyaaahhh"

Lahat ng girls sa room ay na-appreciate nila ang ginagawa ko pwera lang sa kanya.

~~~

Naglalakad ba ko sa kawalan? Teka! Wala naman ako sa moon pero bakit ang bigat sa pakiramdam..

"kumusta klase! Balita ko nandoon siya!" sabi ni Viblee, pagkapasok na pagkapasok ko sa Cafeteria.

Umupo ako at saka ibinagsak ang buong katawan ko sa upuan.

I nodded

Ayoko na magsalita.

" oh! What happened?" viblee ask again, nakikita ko ang pagpigil ng tawa ni stefyen sakin..

" please don't ask, as usual naman!" sabi naman ni Stud kay Viblee

" pfft! Ay sorry.." di na napigilan ni Stefyen yung tawa niya

Tss! Kunwari may binabasa pero nakikinig naman.

Nakakunot na ang noo ko..

At saka inubob ang mukha ko sa mesa

'Nakakaasar talaga!'

Nagdadabog dabog ako sa harapan nila habang nakaubob ako sa mesa..

" Huy! Anong nangyare sa'yo?" sabi ni Stud

At ayun na.

" HAHAHAHHA! Sorry di ko na kayang pigilan pa.." tawang tawa na ani ni Stefyen sabay bagsak ng binabasa niyang libro.

Librong baliktad.

Tsk!

FLASHBACK

" Is that even a question? How do you call that a question Mr?" tanong niya sakin.

" Del Muito.." sinabi ko ang apelyido ko.

" kahit elementary! Masasagot yang katanungan mo, okay let's level up your question! I will give you 2 minutes to upgrade those little question and if you can't then sit down." sabi niya sakin sabay sulat ng ibang formula sa black board.

END OF FLASHBACK

" tss! " natatanging sinabi ko sa kanila sabay masamang tingin sa kanila.

" busted pre?" walang kamuwang muwang na tanong ni viblee.

" sa mukha niya, mukha siyang pinaglibingan, na pilosopo ka ba? Or what?" tanong naman ni stud.

" i dunno! Stop talking!" sabi ko na lang at nakakunot ang noo ko..

Sheeshh! Nakakairita sila..

Silang lahat ay halos tumawa..

Mga bullshit kayo, kaibigan ko ba talaga kayo?

Asar!

Sabay gulo ng buhok ko..

~~~

" Oh! Anak musta ang school?" ngiti ni Mom sakin sa unanag pagpasok ko pa lang sa bahay.

Ngumiti lang ako sa kanya sabay talikod at umakyat ng hagdan para makapunta na ng kwarto, nakakapagod ang araw na ito.

Pagkabukas ko ng pinto, diniretso ko ang kama ko at himiga..

" hah~" tumingin lang ako sa kawalan.

Buzz!

Napahawak agad ako sa bulsa ko kung saan nag vibrate ang cellphone ko.

Napatingin naman ako dito.

Nakita ko ang iba't ibang messages at missed calls, pati yung messenger ko.

Binuksan ko ang messenger at unang nakita ko ang message ng tropa.

MGA PETMALU 💖💖💖

Viblee pogi: hoy! Bukas gala naman tayo!

Stud: Drawing na naman yan for sure

Lodi si Stefyen: ayoko! Kayo na lang, minsan ko na nga lang makasama sarili ko ehh

Viblee pogi: ganyan kayo! At hoy stefyen lagi kayong magkasama, baliw ang p*ta..

Stud: sino nag turo sa'yo magmura? *angry emoticon*

Viblee pogi: huh! Napindot ko lang!

Lodi si Stefyen: Lagi ko na nga kayong kasama, araw-araw na lang, sarili ko naman psh!

Lodi si Stefyen: nakakasawa pagmumukha niyo!!

Stud: psh!

Lodi si Stefyen: hoy! Maiba tayo..

Viblee: ewan ko sa inyo

Lodi si Stefyen: may meteor shower daw mamayang 10:00 pm mada dami daw na stars makikita!

Stud: shocks! Yung kapogian ko makikita doon

Lodi ni Stefyen: kapal naman neto, mahiya ka nga.

Stud: eh! Stars di ba? Ako na yun.

Lodi ni Stefyen: ako na ang nahihiya para kay Joaquinne

Lodi ni Stefyen: at nang-siseen lang siya *poker face emoticon*

Stud: sikat din naman ako ahh, pogi ko kaya

Viblee: mas maganda pang kasama yung stars kaysa sa inyo.

Viblee: hoy! @Joaquinne Del Muito seener niya oh..

Stud: etong si stefyen, ang daldal sa messenger pero kapag sa personal hindi naman.

Lodi ni Stefyen: ingay niyo kasi, para kayong mga babae. Hoy! Joaquinne sumusobra ka na, mag chat ka hindi puro seen *angry emoticon*.

Sabay patay ko sa data.

Tss! Wala naman palang kwenta, bahala sila sa buhay nila.

Tinignan ko ang orasan 9:58 pm na, 2 minutes na lang at meteor shower na ng mga stars.

Tumayo na ko at pumuntang veranda para makita ang mga ito at hindi nga nagkamali si Stefyen maya maya ay nakita ko na ang mga stars na animo'y parang ulan.

Ang sabi nila mag wish daw kapag nakakita ng star.

Kaya naman pumikit ako at humiling.

A/N: like and comment if you like it! :)